Ang kalahating ubos na bote ng likido na nasa shelf ay ang gamot na ninakaw ni Charlotte mula sa warehouse ni Rosalyn. Ngumisi si Roanne nang makita niya ito. Sa katotohanan, one-third lang ng bote na ginamit ni Charlotte kay Jim, ngunit sinabi ni Roanne kay Charlotte na two-thirds ang ginamit niya. Kaya naman, hindi maghihinala si Charlotte sa kahit ano kahit na kaunti lang ang ginamit niya. Kung sabagay, hindi maniniwala si Charlotte na pagtataksilan siya ni Roanne. Ngumiti si Roanne at binuhos niya ang maliit na halaga ng gamot sa isa pang bote. Pagkatapos maging utusan ni Charlotte ng maraming taon, alam ni Roanne na binayaran niya na ang pabor niya. Simula ngayon, oras na para mabuhay siya para sa sarili niya.… Pagsapit ng gabi, nagmaneho si Roanne papunta sa Landry Mansion para ibigay ang maliit na bote ng gamot kay Charlotte. Noong una, gusto niya na agad umalis, ngunit habang palabas na siya ng pinto, nakasalubong niya si Jim, na siyang kakabalik lang mula s
Kumunot ang noo ni Jim habang nakatingin siya kay Charlotte. “Hindi ba’t ayaw mo ang karne ng tupa?” Klaro ang pagkakaalala niya na ito ang rason kung bakit si Number-9 at Number-12 ay naging malapit na magkakaibigan. Ayaw ni Number-9 sa karne ng tupa, ngunit sa kasamaang palad, madalas itong hinahain ng bahay ampunan, kaya’t naging magkaibigan sila ni Number-12, na siyang mahilig sa bahay ampunan at pumayag ito na ibigay ang gulay at tinapay kapalit ng karne ng tupa. Sa mga panahong ‘yun, nalilito si Jim dahil dito at tinanong niya pa si Number-9 kung bakit pumayag siya na ibigay ang karne kapalit ng gulay at tinapay. Halata sa kahit sino na hindi ito isang patas na kasunduan. Gayunpaman, sa mga panahon na ‘yun, sinabi ni Number-9 ang katotohanan na dahil hindi niya ito kailangan, kaya niyang magsakripisyo at ibigay ito sa ibang tao na mas nangangailangan nito. Dahil dito, mas nainlove si Jim sa batang babae na may mabait at masayahin na ugali at nanatili sa puso niya ang alaa
“Kahit na may sumira ng relasyon natin, hindi ako mahuhulog para sa mga pakana nila.” Pagkatapos, naglagay pa ng isang piraso ng karne si Jim sa plato ni Charlotte; ang pag uugali ni Jim kay Charlotte ay halatang mas mabuti na kaysa kanina. Ginamit ni Charlotte ang pagkakataong ito at nilagay niya ang bowl ng soup, na nilagyan niya ng gamot para kontrolin si Jim, sa harap ni Jim. “Gumawa ako ng soup para sayo; dapat mong inumin habang mainit pa.” Nakonsensya na si Jim sa paguugali niya kay Charlotte, kaya’t nang ibigay ni Charlotte ang bowl ng soup sa kanya, hindi siya naghinala ng kahit ano at ininom niya na agad ito. Hindi nagtagal, gumana na ang epekto ng gamot. Humikab si Jim, ibinaba niya ang kutsara at tinidor, at nagpaalam siya para umalis ng mesa at magpahinga. Nang mawala na sa paningin si Jim, nakahinga na ng maluwag si Charlotte. “Dahil natulog na si Master Landry, ngayon ay…” Kahit na hindi pa tapos kumain si Roanne, naramdaman niya pa rin ang malamig na aura
Nabigla si Roanne sa biglang agresibo na pag uugali ni Charlotte. Kinagat niya ang labi niya at tumitig siya kay Charlotte, may dugo sa dulo ng mga labi niya. “Charlotte, wala akong ideya kung bakit ka galit.” Sinasabi lang ni Roanne ang katotohanan; hindi niya maintindihan kung bakit naiirita si Charlotte. Kahit na sa bahay ampunan o pagkatapos nilang tumakas sa lugar na ‘yun, si Charlotte ang mahilig kumain ng karne ng tupa. Noong nasa bahay ampunan sila, may isang babae na may pangalan na Number-9 na laging nag aalok ng karne ng tupa kay Charlotte kapalit ang mga gulay at tinapay. Kahit na si Roanne ang mahiyain na babae na laging inaapi ng ibang mga bata, alam niya pa rin ang nangyayari at naaalala niya ang mabait na babaeng ito. Dahil dito… Tuwing nakukuha ni Number-9 ang mga gulay at tinapay, ibibigay niya ng palihim ang kalahati ng pagkain kay Roanne. Dahil sa kabaitan ni Number-9, nakaligtas si Roanne at hindi siya namatay sa gutom sa bahay ampunan. Gayunpaman,
Mabait ang lalaki, magalang ito, at may aura siya ng talino at respeto. Gustong maniwala ni Roanne na ang lalaking ito ay ang pangarap niya na nagkatotoo. Gayunpaman, ang magandang pakiramdam na ito ay umabot lang hanggang sa makarating siya sa kotse. Nang umupo siya sa backseat, natuklasan niya na may dalawang tao na nakaupo sa loob ng kotse. Ang lalaking nakaupo sa harap na passenger seat ay si Joshua, at ang babaeng nakaupo sa backseat sa tabi niya, ay walang iba kundi si Luna. Pamilyar siya sa dalawang mukha na ito. Kinagat ni Roanne ang labi niya at bubuksan niya na sana ang pinto, ngunit may gwapong mukha ng lalaki na nagsara ng pinto bago siya makalabas. Si Theo, na lumabas ng driver’s seat, ay ngumiti at tumingin siya kay Roanne. “Hindi mo pa nilalagay ang yelo sa pamamaga mo, kaya’t bakit desperado kang lumabas?” Tumingin siya kay Luna at sinabi niya, “Bigyan mo siya ng yelo.” Tumango si Luna at inabot niya ang pakete ng yelo kay Roanne na inihanda niya. “Het
Tumigas ang buong katawan ni Roanne nang marinig niya ito. Lumingon siya at tumitig siya kay Joshua mula sa rearview mirror. “Sinasabi mo ba na… pwede niyo akong tulungan na hanapin ang tunay na mga magulang ko?” Ngumiti ng maliit si Joshua. “Syempre naman.” Umupo siya ng mas komportable at ngumiti siya ng elegante kay Roanne. “Ang tanging mga tao sa Merchant City na gusto kang tulungan… ay hindi ito kayang gawin, at ang mga taong kaya ito… ay hindi ka tutulungan.” “Kaya naman, ang tanging paraan ay makipag tulungan ka sa akin.” Kinagat ni Roanne ang labi niya nang marinig niya ito. Tama si Joshua. Hindi naman sa hindi niya pa sinubukan na hanapin ang mga tunay niyang magulang dati, pero ang mga tao na may gustong tumulong sa kanya ay walang kakayahan o impluwensya na gawin ito. Para hanapin ang magkasintahan na umabandona sa kanya ng higit sa 20 taon na ang nakalipas ay parang paghahanap ng isang karayom sa damuhan. Gayunpaman, ang mga tao na kayang tumulong sa kan
“Kapag nahanap ko sila, isasama ko sila para makita ka para magkaroon sila ng ideya kung ano ang ginagawa niyo ni Charlotte.” Mas naging malamig ang tono ni Joshua habang nagpapatuloy siya, “Sinasadya niyong sirain ang relasyon nila Jim at Bonnie at ang pagiging magkapatid nila Jim at Luna, at kahit binalak niyo pa kunin ang kayamanan ng pamilya Landry.” “Kapag nakita ng mga magulang mo ang masamang mga ginagawa niyo, baka matuwa pa sila na inabandona ka nila sa bahay ampunan.” Naging nakakasakal ang hangin sa loob ng kotse. Humigpit ang kamao ni Roanne habang lumingon siya para tumingin ng masama kay Joshua. “Hindi ko ginawa ang mga ito! ‘Wag kang magsabi ng kalokohan na tulad nito!” Ang lahat ng ito ay kagagawan ni Charlotte, kaya’t ano ang kinalaman nito kay Roanne? Sinusunod niya ang mga utos ni Charlotte at ginagawa niya ang mga gusto nito! “Hindi ito isang kalokohan; alam ng lahat sa Merchant City ang ginawa niyo.” Inabot ni Joshua ang kamay niya at binuksan niya an
Pagkatapos ibaba ang phone, huminga ng malalim si Roanne at lumingon siya para tumingin kay Theo. “Sa tingin ko ay isang mabuting tao ka. Ikaw…” Tumalikod siya at tumingin siya sa itim na Masevati na nakapark sa malayo at may gusto siyang sabihin, ngunit sa huli, walang lumabas. Sa huli, ngumiti si Roanne at tumingin ulit siya kay Theo. “Tatawagan kita kapag may oras ako.” “Hinahanap ako ng kapatid ko, kaya’t dapat na akong mauna.” Pagkatapos, pumunta siya sa Landry Mansion habang walang kibo si Theo at pinapanood siyang umalis. Nang mawala na si Roanne sa paningin, kumunot ang noo ni Theo at bumalik siya sa kotse niya. “Kaya pala paulit ulit mong pinapaalala sa akin na dalhin ko ang name card ko bago tayo umalis.” Hindi nakasanayan ni Theo na magdala ng name card tuwing lumalabas siya. Akala niya ay kahit na sumikat ang ilan sa mga artwork niya, isang ordinaryong artist pa rin siya, at walang may gustong kilalanin siya. Dahil dito, minsan lang dinadala ni Theo ang name