Pagkatapos ibaba ang phone, huminga ng malalim si Roanne at lumingon siya para tumingin kay Theo. “Sa tingin ko ay isang mabuting tao ka. Ikaw…” Tumalikod siya at tumingin siya sa itim na Masevati na nakapark sa malayo at may gusto siyang sabihin, ngunit sa huli, walang lumabas. Sa huli, ngumiti si Roanne at tumingin ulit siya kay Theo. “Tatawagan kita kapag may oras ako.” “Hinahanap ako ng kapatid ko, kaya’t dapat na akong mauna.” Pagkatapos, pumunta siya sa Landry Mansion habang walang kibo si Theo at pinapanood siyang umalis. Nang mawala na si Roanne sa paningin, kumunot ang noo ni Theo at bumalik siya sa kotse niya. “Kaya pala paulit ulit mong pinapaalala sa akin na dalhin ko ang name card ko bago tayo umalis.” Hindi nakasanayan ni Theo na magdala ng name card tuwing lumalabas siya. Akala niya ay kahit na sumikat ang ilan sa mga artwork niya, isang ordinaryong artist pa rin siya, at walang may gustong kilalanin siya. Dahil dito, minsan lang dinadala ni Theo ang name
Sa loob ng hardin ng backyard ng Landry Mansion, nilagyan ni Roanne ng yelo ang mukha niya habang hinihintay niya ng tahimik si Charlotte. Ang mga sinabi ni Joshua sa kanya ay paulit ulit sa isip niya. “Kapag nahanap ko sila, dadalhin ko sila sayo para makakuha sila ng ideya kung ano ang mga masasamang ginagawa mo kasama si Charlotte.” “Sinasadya niyong sirain ang relasyon nila Jim at Bonnie pati ang pagiging magkapatid nila Jim at Luna, at balak niyo pa na kunin ang kayamanan ng pamilya Landry.” “Kapag nakita ng mga magulang mo ang mga masama mong ginagawa, baka matuwa pa sila at nagdesisyon sila na iwanan ka sa bahay ampunan.”… Tumutunog ang mga salitang ito ng paulit ulit sa isip niya, parang isang sumpa. Kinagat ni Roanne ang mga labi niya, lumamig ng sobra ang puso niya na tulad ng namamagang pisngi niya. Kahit na hindi niya pa nakikita ang mga magulang niya ng higit sa 20 taon, walang sandali na hindi niya ginustong makita ang mga ito. Kahit na may rason sila sa p
Dinala ni Theo ang kotse sa bahay ni Joshua. Posibleng dahil ito sa ayaw niya maging isang third wheel, ang unang sinabi niya nang huminto ang kotse ay pagod na pagod siya, at pumasok siya sa kwarto niya sa sandali na lumabas siya ng kotse, sinara niya ang pinto nito. Lumabas ng kotse si Luna nang marinig niya na sinara ni Theo ang pinto. Nagulat siya sa bilis ni Theo at may sasabihin sana siya nang magring ang phone niya. Nakatanggap siya ng dalawang litrato mula sa butler ng Landry Mansion. Ang mga litrato ay kinuha mula sa isang awkward na anggulo, at madilim ito kaya’t tumitig ng mabuti at matagal si Luna dito bago niya nakilala ang mga tao sa litrato. Ang isa ay ang litrato ni Roanne, tinulak sa sahig ng dalawang maskuladong mga lalaki, ang katawan, mga kamay, at mukha niya ay puno ng putik. Ang kanang kamay niya ay nakadiin sa sahig gamit ang matulis na takong ni Charlotte. Mukhang nakakaawa si Roanne, at ang mukha naman ni Charlotte ay nakakatakot. Ang pangalawang
Tumango si Luna. “Pwede namang piliin ni Roanne na hindi tulungan si Charlotte.” “Isipin mo na lang na parte rin ng ginawa ni Roanne ang pinagdadaanan niyo ni Bonnie, Jim, at ng pamilya Landry.” “Naaawa ka pa rin ba sa kanya ngayon?” Walang masabi si Luna nang marinig niya ito. Tama si Joshua; nauwi sa ganito si Roanne dahil sa karma sa pagtulong kay Charlotte na gawin ang mga masasamang bagay. Nang makita ang itsura ni Luna, huminga ng malalim si Joshua, lumapit siya, at tinulak niya si Luna papunta sa sofa, at nagbuhos siya ng tsaa. “Kung may oras at lakas ng isip ka para maawa sa iba, bakit hindi ka muna maawa sa sarili mo?” “Noong wala ka pang malay, walang ginawa sina Jim at Charlotte sayo, pero ngayon at gising ka na, baka gumawa na ulit sila ng gulo para sayo simula bukas.” Uminom si Luna ng tsaa na binigay ni Joshua sa kanya. “Hindi ako natatakot… dahil kasama kita.” Ang mga simpleng salitang ito ay parang mga bulalakaw sa puso ni Joshua, nanginig ang kalmadon
Pagkatapos ibaba ang phone, agad na kinuha ni Joshua ang laptop niya. Totoo nga, may isang email mula kay Luke sa inbox niya. Binuksan ito ni Joshua habang nakakunot ang noo niya. Sa sobrang gulat ni Joshua sa laman ng email ay natulala siya. May mga litrato ni Luke na kinuha mula sa phone, ang lahat ng ito ay mga litrato ng personal account book ni Todd. Nakakagulat para kay Joshua na ang isang malupit at walang awa na lalaki na tulad ni Todd ay palihim na may isang relihiyosong puso. Sinulat niya ang lahat ng mga krimen na ginawa niya sa librong ito at sinulat niya pa ang rason kung bakit sinulat niya ito sa huling pahina. Umaasa siya na pagkatapos linisin ang mga kasalanan niya, maipapakita niya ang librong ito sa Diyos para ang mga inosenteng tao na pinatay niya ay payapa nang makakapag pahinga. Ngumisi si Joshua, naaliw siya dahil dito. Ang tao na pumatay kay Todd ay hindi naisip na may record si Todd ng lahat ng krimen sa isang libro para sa isang rason na ganit
Dahil dito, walang kahit isa sa kanila ang may rason para patayin si Todd, maliban kung… Dumilat si Joshua, may bahid ng kasamaan sa madilim at itim na mga mata niya. Maliban kung natuklasan ng taong si Star na iniimbestigahan ni Joshua ang pagkamatay ni Heather at pinatay nito si Todd para hindi matuklasan ang koneksyon nila dito. Nang maisip ito ni Joshua, kinuha niya ang laptop niya at nagtrabaho na ulit siya. Alam niya na may kinalaman si Todd sa mga aksidente nila Heather at Colin, ngunit ito ang unang beses na natuklasan niya na konektado rin ito sa pagkamatay ng Aunty Lucy niya. Sa kasamaang palad, dahil patay na si Todd, at wala nang ibang clue—maliban sa librong ito—kaya’t ang pangunahing suspect sa mga pagkamatay na ito ay ang taong may pangalan na Star. Gayunpaman, hindi nasayang ang mga paghihirap nila. Tutal, naintindihan niya na na ang pamilya Landry ay hindi ang nasa likod ng pagkamatay ng Aunt Lucy niya. Hindi hahayaan ni Charles na patayin ni Todd ang k
Naramdaman ang lamig ng mamol na countertop sa ilalim ng balat ni Luna, ngunit nag-iinit ang mga labi ni Joshua. Ang dalawang magkasalungat na sensasyon na ito ang nagpakilabot sa katawan ni Luna. Kumalas siya sa mga bisig ni Joshua, sinusubukang bumaba sa countertop at kumawala sa pagkakahawak nito. Gayunpaman, ikinawit ni Joshua ang mga binti nito sa binti nya, at ang kanyang katawan ay mahigpit na nakadiin sa kanya, ang isang kamay ay nasa kanyang payat na baywang at ang isa ay nakahawak sa likod ng kanyang ulo. Walang paraan para makatakas si Luna. Wala siyang magawa kung hindi ibigay ang sarili sa halik nito at ang lamig ng marmol na countertop sa ilalim niya. Pagkaraan ng mahabang sandali, tulad ng inaakala ni Luna na mamamatay siya sa di paghinga, sa wakas ay bumitiw si Joshua at binigyan si Luna ng pagkakataon para makahinga. Nawalan sa kumpas ang paghinga ni Luna. Matingkad na pula ang labi niya dahil sa halik, at pinandilatan niya ito ng puno ng luha. "Nababaliw
Sa hindi malamang dahilan, naisip ni Luna ang kakaibang pagkasabik ni Joshua sa partikular na gabing ito. Gising sila hanggang 4 a.m., hanggang sa huli, siya ay pagod na pagod. "Joshua..." Nakagat niya ang labi niya habang nakahawak sa balikat nito. "Bakit...bigla ka na lang sobrang nasabik?" Bakit ang hilig niya ng gabing iyon? Napangiti si Joshua, dahan-dahang kinagat ang gilid ng tainga niya, at sinabi sa mahinang boses, "Dahil ito ang utang mo sa akin." Napapikit si Luna sa pagod, sa sobrang pagod ay hindi na siya makapagsalita pa. Gayunpaman, isang segundo bago siya nawalan ng malay sa pagod, napatitig siya sa lalaking humahalik pa rin sa kanya at naramdaman niyang nanlamig ang kanyang puso. Sinabi lang ni Joshua na utang niya ito sa kanya. Binabanggit ba niya ang oras na iyon na nangako siyang sumiping dito bilang kapalit ng tulong nito? Akala niya ay nagbibiro lamang ito, ngunit ito pala ay sineseryoso niya ito at nais niyang bawiin ang pabor sa kama… Sa sand