CLAIRE'S POVKaagad akong lumapit sa pintuan ng kwarto ko nang may kumatok sa pinto. Siguradong si Mama 'yon dahil dalawa lang naman kami sa bahay maliban na lang kung may multong nakikitira rito.Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Mama na nakangiti. Lagi naman siyang ganiyan. "Good morning, Meyn!" masigla niyang pagbati sabay humalik sa aking pisngi."Good morning din, Ma," balik ko namang pagbati sa kaniya. "Come on, let's eat. Anong oras na, may pasok ka pa," paanyaya niya. Sabay kaming pumunta ng kusina kung nasaan ang hapagkainan at nadatnan kong nakahain na ang almusal namin.Naupo na kaming dalawa at nagsimula nang kumain. Mayamaya lang ay muli siyang nagsalita. "How's your school, Meyn?" pangumgumusta nito.She's always calling me with my second name. Ayokong tinatawag ako sa pangalang 'yon at tanging siya lang ang pwedeng tumawag sa'kin kahit na wala namang ibang tatawag sa'kin nito maliban sa kaniya.Anyway, kumusta naman ang pag-aaral ko? Kumusta nga ba? Ano bang dapat
Huling Na-update : 2021-09-22 Magbasa pa