Home / YA / TEEN / Gangster Academy: Nerd Princess / Chapter 1: Unfortunately Lucky

Share

Chapter 1: Unfortunately Lucky

Author: Chemmy_Blue
last update Last Updated: 2021-09-22 23:55:25

CLAIRE'S POV

Kaagad akong lumapit sa pintuan ng kwarto ko nang may kumatok sa pinto. Siguradong si Mama 'yon dahil dalawa lang naman kami sa bahay maliban na lang kung may multong nakikitira rito.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Mama na nakangiti. Lagi naman siyang ganiyan. "Good morning, Meyn!" masigla niyang pagbati sabay humalik sa aking pisngi.

"Good morning din, Ma," balik ko namang pagbati sa kaniya.

"Come on, let's eat. Anong oras na, may pasok ka pa," paanyaya niya. Sabay kaming pumunta ng kusina kung nasaan ang hapagkainan at nadatnan kong nakahain na ang almusal namin.

Naupo na kaming dalawa at nagsimula nang kumain. Mayamaya lang ay muli siyang nagsalita. "How's your school, Meyn?" pangumgumusta nito.

She's always calling me with my second name. Ayokong tinatawag ako sa pangalang 'yon at tanging siya lang ang pwedeng tumawag sa'kin kahit na wala namang ibang tatawag sa'kin nito maliban sa kaniya.

Anyway, kumusta naman ang pag-aaral ko? Kumusta nga ba? Ano bang dapat asahan? Edi ayon, laging napagtitripan, laging nilalait at inaapi. Magbabago pa ba 'yon?

"Ayos naman po. I'm always active in class," sagot ko na lang bago nahihiyang tumawa. Hindi ako sigurado pero bakit parang bigla yata siyang nalungkot? Nagkakamali lang siguro ako ng tingin. Tiningnan ko pa siya nang maayos, and there I saw her smiling face. Ganoon na ba kalabo ang mga mata ko?

"Aalis na ako, Ma," pagpapaalam ko nang matapos kaming kumain at makapag-ayos ng sarili ko. Humalik ako sa pisngi niya.

"Mag-iingat ka," habilin niya naman. Lagi niya akong sinasabihan ng mga salitang 'yon pero pakiramdam ko ngayon sa tono ng boses niya ay parang may ibig siyang ibang ipakahulugan.

Pinag-iingat niya 'ko hanggang sa makarating ako ng school dahil naglalakad lang ako papunta doon since it's a walking distance. At the same time, para bang sinabi niya ring mag-iingat ako sa mga nangyayari sa'kin sa loob ng school kung saan ay nakapagtataka. Alam na ba niya? Pero hindi niya pwedeng malaman. Ayokong mag-alala pa siya sa'kin.

"Oh, bakit ganiyan ang hitsura mo? Sinabi ko lang na mag-iingat ka sa daan. Anong nangyari sa'yong bata ka?" nagtataka niyang tanong. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.

"Ah wala, sige po mauna na ako. Mag-iingat din po kayo, bye!" Mabilis akong humalik muli sa pisngi nito bago nagmadaling lumabas ng bahay at nagsimula nang maglakad.

It's a relief knowing na hindi niya alam. Akala ko alam niya, mabuti na lang at hindi. Maybe I was just being paranoid. Ayoko talagang malaman niya pa ang mga nangyayari sa'kin sa school dahil mag-aalala lang siya sa'kin at ayokong bigyan pa siya ng iisipin.

Kaya naman hindi ako tinitigilan na apihin dahil alam nilang hindi naman ako magsusumbong kahit na kanino. Hindi naman na ako bata at hindi rin ganoon kahina para magsumbong pa. Kung tutuusin ay kaya kong ipagtanggol ang sarili ko at lumaban sa mga nambubuyo sa'kin pero hindi ko na lang ginagawa dahil ayokong makipag-away. Basta pinababayaan ko lang sila sa anong gusto nilang gawin sa'kin. Ang mahalaga ay nakapagtitimpi pa ako dahil kung hindi, lahat sila ay lilipad papunta sa ibang planeta.

Napahinto ako sa paglalakad at napansing nandito na pala ako sa tapat ng pintuan ng classroom namin. It's already close, meaning... I'm late!

Hindi ko man lang napansin na ang tagal ko na pa lang naglalakad at ang malala pa ro'n, hindi ko naramdamang humakbang ako sa hagdan at nakarating ng fifth floor. Kaya pala hinihingal na ako ngayon! At kaya pala walang sumalubong sa'kin na mga bubuyog kasi mga nasa silid na sila. Gosh, first time kong ma-late at sa masungit na guro pa!

Kumatok na ako sa pinto at binuksan naman ito ng first subject, Filipino teacher namin na si Ms. Lin habang nakataas ang dalawang kilay.

"Good morning, Ma'am. Sorry, I'm late," kaagad kong paumanhin sa kaniya at yumuko. Ang sama naman kasi ng tingin sa'kin, balak pa yata akong iuntog sa pinto.

"Oh look, nandito na siya!"

"Akala ko hindi na siya papasok. Nakalulungkot pa naman 'yon."

"Yeah, you're right. Hindi yata mabubuo ang araw ko kapag hindi ko siya nasabihan ng panget!"

Panget? They don't even know the real meaning of that word. Hindi ko na lang sila pinansin na parang walang narinig at nanatili pa ring nakayuko sa harap ni Ma'am.

Akala ko ay pagagalitan niya pa ako pero narinig ko lang siyang napabuntong-hininga. Ayaw niya kasing nauudlot kuno' ang kaniyang talakayan dahil lang sa mga late student. Nakapagtataka lang na ako lang yata ang hindi niya nasermonan.

"Get in and take your seat," utos niya at binigyang daan ako para makapasok sa loob na kaagad ko namang sinunod.

Dire-diretso ako sa paglalakad papunta sa aking upuan nang hindi nakatingin sa dinadaanan kaya naman hindi ko inaasahang makikipaghalikan ako sa sahig ngayong araw dahil natalisod ako. May tumalisod lang naman sa akin dahilan para madapa ako.

"Hahaha!" tawanan ng buong klase.

Napatingin ako kung kaninong paa ang humarang sa'kin at gaya ng inaasahan, siya lang naman at wala ng iba. Siya si Chelsyn, ang pinakabida sa lahat ng bida-bidang nambubuyo sa'kin.

Naisahan niya ko ro'n! Well, every day in the morning she prepares her feet and hopes that I'll stumble. But since I'm not dumb not to look in my way, I don't trip. But today, I proved that I am really stupid.

"Ma'am, wala yata siyang balak tumayo," sabi ni Emil sa maarteng boses.

"Napasarap siguro ang pagyakap sa sahig," komento naman ni Gerly, they're both Chelsyn's friends. Gosh, magkakaibigan nga sila. Pare-parehong walang magawa sa buhay, hindi na nagsawa!

"Ms. Claire Meyn Gomez? Are you not going to stand up?" tanong naman ni Ma'am na binanggit pa ang kompleto kong pangalan.

Doon ko lang naalalang nasa kagimbal-gimbal na posisyon nga pala ako. Dali-dali akong tumayo at inayos ang aking sarili. Tulad ng inaasahan, mga natutuwa ang lahat sa kanilang nakita.

"How was it?" Napatingin ako kay Chelsyn na siyang nagsalita, aba't nagtanong pa. Why can't she try it herself to find out?

Hindi ko na siya sinagot at naupo na sa aking upuan. Si Ma'am naman ay napairap na lang at bumalik na sa kan'yang tinatalakay.

Dumating ang lunch break kaya nagsibabaan na ang mga kaklase ko sa cafeteria. Ako naman ay bumaba na rin hindi para pumunta ro'n kundi para pumunta sa library. Palagi naman akong may baon na pagkain kaya doon na lang ako kumakain since pwede naman tuwing oras ng tanghalian.

Mahal kasi ang mga pagkain sa cafeteria kaya hindi ko na binabalak pang bumili. Saka tipid ako sa pera, hindi naman ako tulad ng ibang estudyante rito na puro mayayaman.

I don't know how my mother was able to send me to this school but I don't want to ask any more questions about that. She is the only one who forced me to study here because I'm fine elsewhere as long as I can graduate. But she doesn't seem to be struggling so I have no choice.

While I was currently walking to the library, my attention was quickly diverted when something suddenly hit my leg, which was a soccer ball. Dahil sa lakas nito ay nawalan ako ng balanse at natumba sa lapag. Nabitawan ko rin ang hawak kong baunan ng pagkain na siya namang natapon sa sahig. Seriously, what an unlucky day!

Hindi kaagad ako nakatayo dahil ramdam ko pa ang pananakit ng binti ko. Nakayuko ako habang nakahawak sa aking binti nang bigla na lang may boses ng lalaki ang nagsalita sa harapan ko.

"Are you okay? I'm sorry, hindi ko sinasadiya." Bigla na lang nag-init ang ulo ko sa inis. Hindi dahil sa nangyari kundi dahil sa paghingi niya ng paumanhin at sasabihing hindi niya sinasadiya. 

Ang galing niyang umarte. Akala niya ba hindi ko alam na sinadiya niya talaga 'yon? Tapos ngayon, tatanungin niya pa kung maayos lang ba ako? Sino ba kasing tanga ang sisipa sa bola mula sa field tapos makararating ng hallway?

At isa pa, nang dahil sa ginawa niya ay nasayang ang pagkain ko. Wala pa naman akong pera ngayon. I mean, may pera ako pero nagtitipid nga ako hindi ba? Handa na nga akong masaktan para sa ikasasaya nila pero hindi ba pwedeng tigilan na muna nila ako kahit sandali? I also need space! I am also a person who breathes like them! Hindi ba pwedeng 'wag na lang nila akong pakialaman?

"Everything you did to me is fine, but touching my food is a different thing! Sinong tanga ang sisipa sa bola na nasa field at makararating dito sa hallway na sakto pa sa'kin? Tapos ngayon sasabihin mong hindi mo sinasadiya at magtatanong kung ayos lang ako? Marunong ka ba talagang maglaro? 'Wag ka ngang tanga! Kung ako sa'yo hinding-hindi na ako maglalaro kung isa ka namang tang—"

Nang maiangat ko ang aking ulo ay napatigil na lang ako sa pagsasalita at sabay na nanlaki ang dalawang mata nang mapagtanto ko kung sino ang taong nasa harapan ko. Anak ng pitumpo't pitong tupa! What have I done? I should have held myself back.

Goodness! Anong ginawa ko? Pakisuntok ako ngayon na o 'di kaya sana mahati ang lupa at lamunin ako. Sa lahat ng kahihiyang naranasan ko, this is the best!

"I can't believe this. She's out of her mind."

"Sinabihan niya ba talagang 'tanga' si Drish, my love?"

"Oh gosh! His family is on rank six for heaven's sake!"

Marami na pala ang nakapalibot na estudyante sa amin at kaniya-kaniya sila ng mga reaksiyon mula sa nangyari. Balak ko sanang tumakbo na lang palayo para matakasan ang kahihiyang nagawa ko kaso naalala kong hindi nga pala ako makatayo. Kaya wala akong nagawa kundi ang yumuko na lang ulit. I feel embarrassed.

Hindi ko naman sinasadiya at lalong hindi ko alam na si Drish Croughwell pala ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

Tulad nang sinabi nila, ang pamilyang Croughwell ay nasa rank six na mayayaman sa bansa. Kaya dapat siyang katakutan at igalang ng lahat. Wala akong pakialam sa mga sinasabi nilang ranking na 'yon. Basta ang alam ko lang, lahat ng mga pamilyang nasa ranking ay dapat na ginagalang.

Isa pa, alam ng lahat na ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay isang mabuting tao at sangayon ako ro'n. Mabait siya para sa'kin, may respeto at paggalang rin siya sa iba at marunong makisama. Doon ko napatunayan na hindi niya nga sinasadiya ang nangyari. He and his group are also known to be good at soccer games yet I judged his capability with my uncontrolled emotion.

Higit sa lahat, gwapo siya at hinahangaan ng lahat ng estudyante. Isa na ako ro'n dahil lihim akong may paghanga sa kaniya. Hindi lang paghanga dahil may gusto ako sa kaniya. Hindi 'yon nagbabago kahit alam kong hindi ko siya kayang abutin. I take back everything I have said. I was too hasty and didn't recognize him.

After a while, I suddenly clung to his shoulder when... Is this true or just my imagination? Everyone around us gasped and couldn't believe what Drish had done. He carried me in a bridal style!

"I'm going to take you to the clinic since it's my fault and I want you to believe that I didn't do it on purpose. Maybe you can forgive me for that?" he uttered.

Our eyes met which made my heart beat faster as if it wanted to jump off my body. Hindi ngayon ang oras para kiligin ako dahil hindi ko kinakaya ang mga matatalim na titig na ipinupukaw sa'kin ng mga estudyante.

"Nahihibang na ba siya?"

"What a freak! I can't stand her hideous face!"

"She's pissing me off!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng mga boses na 'yon at doon ko nakita sina Chelsyn, Emil at Gerly na siyang nagsalita. I can't take this anymore!

"P-Pwede bang ibaba mo na lang ako? I'm fine, hindi ko na kailangang pumunta ng clinic," nahihiya kong pakiusap sa kaniya sa mahinang boses.

"Are you sure?" paninigurado niya naman.

"Y-Yes. It's okay and s-sorry for what I said," I stammered.

Hindi ko lubos maisip na sa ganitong posisiyon pa kami nag-uusap. Bakit kasi binuhat niya ko na wala man lang pasabi? Besides, he's been carrying me for a while, isn't he tired? Sabagay, kasi ako nangangalay na sa pagpapagaan ko para sa kaniya.

He made a low laughter before gently putting me down and immediately faced the students surrounding us. "All of you, you can leave now," he ordered in a calm voice. I smiled, he's like an angel.

Napaangat na lang ako ng ulo na kaming dalawa na lang ang natira sa hallway. Kaya pinilit ko nang makatayo at laking pasasalamat ko dahil nagawa ko naman, mabuti't hindi na masyadong sumasakit ang binti ko.

"Are you sure you're okay?" pag-uulit niya.

"Ahm, O-Oo nga," naiilang ko pang tugon.

"In that case, I'll go ahead. I'm sorry again and see you." I just nodded and tried to smile at him until he left and disappeared from my sight.

At least something good happened today. When can we talk again? It's okay if not anymore because I will die in no time at the hands of his fans.

Related chapters

  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 2: Insincere Apology

    CLAIRE'S POVNaglalakad na ako ngayon papuntang school. Binabagalan ko lang dahil baka kasi makarating kaagad ako roon, saka maaga pa naman. Pinaghahandaan ko pa kasi ang sakaling sumalubong sa'kin ngayon.Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang maganap ang pangyayaring 'yon. Something terrible and pathetic happened to me because of that, because of encountering him. Should I have just not wished to cross-path with him?Noong araw kasing nakaharap ko si Drish Croughwell, inaamin kong natuwa ako dahil sa tagal ng panahon ay nagkaroon ako ng pagkakataong makaharap at makausap siya ng ganoon. Ngunit sa kabila nito hinihiling ko na lang na hindi na sana pa nangyari 'yon. Kinabukasan kasi, kaagad akong sinalubong ng mga estudyante. I received a goodbye treatment as soon as I entered the school. But the surprising thing is that Chelsyn did not take part in it. She's just watching me from afar. While the crowd started throwing crumpled paper and a bunch of eggs at me. Wala akong nagawa

    Last Updated : 2021-09-22
  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 3: Graduation Ceremony

    CLAIRE'S POVNasa kwarto na ako ngayon at oras na para matulog dahil graduation ko na bukas. But I just can't bring myself to sleep. I have to wake up early tomorrow. It's already midnight yet my eyes are still wide open and I'm in deep thought. I can't get those words out of my mind. Sigurado akong importante ang kung ano man ang ibig sabihin no'n. Malakas kasi ang pakiramdam ko na may dahilan ang paghingi ng tawad sa'kin ng mga estudyante. Though I know that it was all an act. Inaamin kong gusto kong dumating 'yong araw na hihingi rin sila ng kapatawaran, with all their heart but that seemed impossible."I don't care who you truly are, but I promise not to bother you anymore. So please, forgive me."Kanina pa gumugulo sa isip ko 'yon. Who really I am? Ano ba kasing ibig sabihin no'n? Do I have a secret identity that I'm not aware of? But why don't I know anything if it's about me? Alam kaya ito ni Mama? But if she knew, I'm sure she would tell me.Ngunit hindi rin naman malayong ala

    Last Updated : 2021-09-23
  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 4: Run Away, Claire

    CLAIRE'S POVLumipas ang ilang minuto pero hindi pa rin nagsisimula ang graduation ceremony. May balak pa ba silang magsimula? Sabihin lang nila kung wala nang makaalis na ako rito.Para na akong naistatwa sa kinauupuan ko dahil ni gumalaw ay hindi ko magawa. Hindi ako tumitingin sa magkabilaang tabi ko. Kinakabahan ako dahil kapag lumingon ako sa gilid, mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.Tumatalon sa tuwa ang puso ko habang hindi naman mapakali ang isip ko. Hindi ako komportableng katabi siya. Wala akong problema sa tatlo niyang kaibigan, tanging sa kaniya lang talaga ako naiilang. Maybe it's because I'm conscious of his presence but I shouldn't be like this. "Nga pala, my name is Clyde, Clyde Parker." Napalingon ako sa nagsalita sa kaliwang tabi ko na siyang nagpakilala bago inabot sa'kin ang kamay niya para makipagkamay. Nagdalawang-isip pa ako kung aabutin ko 'yon pero sa huli ay nakipagkamay rin ako sa kaniya."Ako naman si Claire Gomez," pagpapakilala ko naman dito."I know

    Last Updated : 2021-10-19
  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 5: Stranger Before Danger

    CLAIRE'S POVHindi ko alam kung saang lugar ako dinala ng mga paa ko. Nawala na sa isip ko dahil paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang mga nalaman ko. My mind is a mess right now, I don't know what's what anymore.Tumingin ako sa paligid at napansing nasa parke ako ngayon. Tahimik ang lugar at ni isa ay walang tao rito kundi ako lang. Hindi na siguro ginagamit ang bakanteng lote na ito. Naglakad ako papunta sa isang batong upuan at naupo roon. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod dahil sa kanina pa ako naglalakad.Napatingin ako sa itaas, magdidilim na rin. Bakit ba ang bilis-bilis ng oras? Ayoko pang umuwi, ayoko pang makita si Mama. Hindi pa sapat ang oras na ito para pagaanin ang loob ko. Mas gugustuhin ko pa sigurong 'wag na lang munang umuwi.Hindi ko lubos maisip na sa loob ng labing walong taon, nagawang itago ni Mama ang katotohanang 'yon. Tanggap ko na ang buhay na meron ako ngayon. 'Yong hindi mayaman at hindi rin naman mahirap, sakto lang. Just being with my loved ones is eno

    Last Updated : 2021-10-19
  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 6: Another After The Other

    CLAIRE'S POV"Lumayo ka sa'kin!" Sa sobrang inis ko ay tinapakan ko nang napakalakas ang kaliwang paa niya dahilan para mapalayo siya sa'kin at ininda ang sakit no'n.Nagtatatalon siya sa sakit habang nakahawak sa paa nitong tinapakan ko. Sinipa ko naman ang lalaki sa kanan ko at buong puwersang hinila ang dalawa kong kamay mula sa kanila. I have no choice but to do this. How can they act indecently?Kaagad akong lumapit sa isang humawak sa'kin at sinuntok ito sa mukha. Mabilis ko pa siyang sinipa sa tiyan kaya natumba siya at hindi kaagad nakatayo. While the other guy who grabbed me tried to attack me from the back, I caught his arm and immediately twisted it as I faced him. "Fuck! Bitiwan mo ako!" sigaw nito sa'kin. Sa halip na sumunod sa kaniya, pinilipit ko pa lalo ang braso niya dahilan para mapasigaw siyang muli. Why would I listen to him? "At bakit kita bibitiwan? Ilang beses kong sinabing bitiwan niyo ako kanina, sinunod niyo ba?" tanong ko naman sa kaniya saka ngumisi.Nagka

    Last Updated : 2021-10-20
  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 7: Academy's Admission Letter

    CLAIRE'S POV Dalawang araw na ang lumipas nang malaman ko ang lahat. Ang katotohanang inilihim sa 'kin ng sobrang tagal. Nasabi sa 'kin ni Mama na matagal na n'yang alam ang mga nangyayari sa 'kin sa school. Kaya pala gano'n nalang ang inaakto n'ya kada umagang papasok ako. Tama nga ang iniisip ko na alam na n'ya talaga noong time na 'yon. Hayst. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa. Pero ngayon nalulungkot ako sa iba kong nalaman. Nalulungkot ako sa katotohanan na dahil sa 'kin nawala si Papa. Nawala ang itinuturing kong ama, sinisisi ko ang sarili ko dahil do'n. Pero tulad ng sinabi ni Mama, wala akong kasalanan sa nangyari. Gayunpaman, hindi ko matatanggap na nawala si Papa dahil sa mga taong gustong pumatay sa 'kin. Kaya ngayon nagagalit ako sa mga taong 'yon, sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang gin

    Last Updated : 2021-10-20
  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 8: Someone But Not Her

    CLAIRE'S POV Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana ng kwarto ko. Nag-unat pa ako ng katawan bago bumangon. Panibagong araw na naman ang lilipas. Ang bilis talaga ng panahon. Linggo na ngayon at 'di ako sigurado na baka sa susunod na mga araw ay may sumundo na sa akin dito. Ayokong iwan si Mama na mag-isa. Pag-umalis ako, wala na s'yang kasama rito sa bahay. Pero kailangan kong pumasok at 'yon din naman ang gustong mangyari ni Mama. Kaso hindi ko maalis ang pangamba ko na baka pag-umalis ako ay bigla nalang dumating ang mga taong naghahanap sa 'kin. At kapag nangyari 'yon, mapapahamak si Mama. Saka kinakabahan ako sa paaralang papasukan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa 'kin na pwedeng mangyari. Pangalan palang ng school na 'yon, alam mo na kaagad kung anong meron. Gangster Academy, malamang may

    Last Updated : 2021-10-21
  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 9: Fortune-Teller

    CLAIRE'S POV Dumating kami sa cemetery mag-aalas diyes na ng umaga. Kaagad na ginarahe ni Mama 'yong kotse pagkatapos sabay na kaming bumaba. Habang hawak ang flower vase, nagsimula na kaming maglakad papunta sa lugar kung nasaan ang puntod ni Papa. Nang makarating kami roon, kaagad ko munang inilapag sa isang tabi ang bulaklak na dala ko bago lumuhod sa tapat ng lapida n'ya. Gano'n din naman ang ginawa ni Mama. Inalis ko ang mga tuyong dahon sa ibabaw ng lapida na nanggaling sa isang punong katabi lang namin. Maganda ang sikat ng araw at para lang kaming magpi-picnic ngayon. Napatingin ako kay Mama nang may ibinigay siya sa 'kin na puting kandila. Sinindihan ko 'yon at inilagay sa tabi ng lapida n'ya kung saan mayroong candle holder. Pagkatapos, inilagay ko na 'yong flower vase sa ibabaw naman ng lapida. "Nandito na ulit kami, Hon. Pasensya ka na kung ngayon nalang ulit ka

    Last Updated : 2021-10-21

Latest chapter

  • Gangster Academy: Nerd Princess   Epilogue

    CLAIRE'S POV"You ready?" tanong ni Daddy bago malawak na ngumiti. Mr. Gonzales, his secretary took my luggage and put it inside the car's compartment. Inanyayahan na rin niya akong sumakay ng kotse at kaagad na tinabihan sa back seat. Nang makaupo sa driver's seat ang secretary niya ay pinaandar na nito ang sasakyan paalis ng bahay. "Are we going straight to the airport, Mr. Wilk?" magalang na tanong ni Mr. Gonzales na tumingin pa sa rear-view mirror. "Yes, that's right," pagsangayon naman ni Daddy sa tabi ko saka bumaling sa'kin ng tingin. "Did you tell your mom that I'm coming back?" he questioned.Kunot-noo akong umiling. "I thought that was supposed to be a secret?" Tumango siya bago natatawang tumingin sa harapan. Napailing na lang ako saka ngumiti. It's been three years since I lived with Dad in the States and just a heartbeat, time went by so fast. I already finished my studies in management and administration a week ago. My stay here feels like an emotional roller-coaster

  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 55: Letting Go

    XIAN'S POVAfter the attack at the parking lot, I accompanied Claire back to the hospital. I lied to her when I said I'm going back to the academy. It was just an excuse. The truth is, I recognized the pin badge that I got from Tita Mathezon. Those men who attacked us were wearing the same pin badge and it reminded me of when I saw it before. I drove back to my family's house and immediately entered when I arrived. Yumukod sa'kin ang mga katulong sa bahay nang makita ako. "Xian, you're here..." salubong sa'kin ni Mrs. Santos, she's in her late forties and the head housekeeper of the house. "Where's my father?" bungad kong tanong sa kaniya. My father has been living here alone since I and my mother stayed abroad apart from him. Matagal-tagal na rin noong huli kong pagbisita rito. "He's not home, he said he won't be going back for a while. Do you want me to inform him that you're here?" aniya na mabilis kong tinanggihan. "Hindi rin ako magtatagal," maikli kong sagot bago siya nilagp

  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 54: Depths Of Despair

    CLAIRE'S POVHindi ko na siya nagawang pigilan nang lumabas siya ng sasakyan at harapin ang mga lalaking 'yon. Mahigit lima ang mga ito at ang iba sa kanila ay may kalakihan pa ang katawan. Xian tried to talk to them and shortly after I saw his smirk, all those guys started coming at him. Isa-isa silang sumusugod kay Xian at inatake siya ng suntok. They seem to be unarmed but they're strong and look well-trained in fighting. Hindi ko inaalis ang paningin ko kay Xian na patuloy lang sa ginagawa n'yang pakikipaglaban. Nagagawa nitong mapatumba ang ilan sa kanila pero muli silang nakababangon. His movements were fast and attentive so the enemy couldn't land a single blow at him. I know Xian is good at this but he will lose if they come at him at the same time.Hindi nagtagal ay nagawa niyang mapatumba lahat ng lalaking ito. I thought it ended but they immediately got back on their feet like nothing happened. Nangamba ako dahil sa sitwasyon ni Xian. He's catching his breath, I'm afraid

  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 53: Happiness In A Heartbeat

    CLAIRE'S POV I still remember the day when my foster father died because of me. 29th of August, this day of the year has now come, his death anniversary. Nag-iwan ako ng note sa ibabaw ng bedside table bago tahimik na nilisan ang silid ni Mama habang natutulog pa si Mommy. Hindi ko na siya hinintay na magising dahil siguradong hindi niya ako papayagang umalis ng mag-isa. A beam of sunlight touches my face as I exit the hospital. It's still early in the morning. I called a taxi and told the location after I got inside the back seat. Kaagad namang nagmaneho paalis ang taxi driver habang kalmado akong bumaling ng tingin sa bintana ng sasakyan. Xian said he will be back this afternoon when he left last night. He told me that he's staying at his own residence in their family's hotel. He probably stayed there alone. I felt embarrassed after I misunderstood him yesterday. It's funny how we said sorry to each other after a small misunderstanding. Ilang sandali pa, napansin kong huminto

  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 52: Misleading Clue

    XIAN'S POVI headed directly to the headmaster's office after I found that Claire was gone from her room. Where did that woman think of going with that weak body? That stupid. "Where is she?" bungad kong tanong kay Lolo Edgar nang makapasok ako sa opisina nito. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang bumuntong-hininga at mapanglaw ang mga mata na tumingin sa'kin. "She's too stubborn so I let her go." He stood up and faced the window. "That's why I need you to look after her and also..." He interlocked his fingers behind his back before turning around. "I want you to do something for me in secret," he requested. Unti-unti siyang naglakad pabalik sa kaniyang lamesa at may kung anong bagay na kinuha sa drawer nito. I stared at a picture and a phone when he placed it on the table. He moved the photo toward me. It's a photograph of an old warehouse. "I ordered to burn down this warehouse six years ago. That's where all the illegal weapons were stored, it was an illegal activity committe

  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 51: Fear And Anger

    CLAIRE'S POVI was looking in a daze, my eyes locked directly in my grandfather's direction. He's currently talking to someone over the telephone.Mahigit isang araw akong nawalan ng malay. Nang magising ako kanina lang mula sa hospital ng akademya, nagmadali ako para pumunta sa opisina ni Lolo. He promised to let me go and visit my mother once the duel is done. He refused at first since my body is still recovering but I insisted that I must go right away.Hindi pa alam nina Elaine na nagising na ako. Hindi ko rin alam kung nasaan sila ngayon, kahit si Xian ay hindi ko nakita nang magising ako. Pero mas mabuti na 'yon dahil wala akong balak na magpaalam pa sa kanila.Nabalik ako sa huwisyo nang maibaba ni Lolo ang telepono bago bumaling sa'kin ng tingin. He just called someone who would escort me outside the academy."May naghihintay na sa'yo sa tapat ng entrance gate ng academy. I'll give you two weeks to be with your mother and after that, you have to come back here. I will send som

  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 50: Sweet Combat

    CLAIRE'S POVDinig ko hanggang sa loob ng waiting room ang malakas at sabay-sabay na sigawan ng mga estudyante mula sa academy's arena. Ngayong araw na gaganapin ang labanan sa pagitan naming apat.Five days have passed since I learned about my mother's accident. Supposedly, the duel should be held two days after that but Lolo gave me time to fully recover. My body is fine but my mind keeps straying, I've been restless these past few days because of too much concern.Nababahala tuloy ako sa magaganap na laban ilang sandali lang mula ngayon. Unang maghaharap sina Elaine at Rachelle bago ako at si Abby. Kaya naman nakahanda na ang lahat para sa matinding pagtutuos naming apat.Kasalukuyan akong mag-isa sa loob ng waiting room ng arena dahil ayoko pang lumabas at magpakita sa maraming estudyante. Meron namang monitor sa loob ng silid. Nakikita ko mula roon ang mga nagaganap sa labas. Maraming estudyante ang nasa kaniya-kaniya nilang upuan para manood. Pati ang mga grupo at mga miyembro

  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 49: Her Great Solace

    CLAIRE'S POVBumitaw siya sa pagkakayakap at naupo sa tabi ko. Nangungusap ang kaniyang mga mata na diretsong tumitig sa'kin habang marahang hinaplos ang aking mukha. At kahit hindi niya sabihin, alam kong talagang labis siyang nag-alala para sa'kin. Pero sa kabila no'n ay hindi ko rin maiwasang mag-alala because of his circumstance. It made me happy to see him but he's not supposed to be here. What if he suddenly experiences an anxiety attack? I held his hand away from my cheek and looked at him with a worried face. "You... You shouldn't be here, Xian. Paano kung-" he cut me off using his index finger."I'm fine. I don't know why but maybe I overcame my fear because of you..." He moved his face closer to mine and whispered, "You're the only one I could think of right now..." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at ilang beses pa akong kumurap ng mata. Ano bang sinasabi niya? That doesn't make any sense to me, is he serious?I wrinkled my forehead when I heard his soft laughter. Ni

  • Gangster Academy: Nerd Princess   Chapter 48: The Last Key

    CLAIRE'S POV Nang makapasok sa loob ng ikalimang kwarto ay may namataan kaming isang pigura ng babae. Nakatalikod ito sa amin habang magkalakip ang dalawang kamay sa likod. "Congratulations on reaching this level..." Unti-unti itong humarap sa amin. She seems like in her late twenties. Nakatali ang kaniyang buhok at nakasuot ng itim na pants at leather jacket. "I'm the holder of the key, kailangan niyo lang makuha ang laso sa aking braso para manalo. But if I injured your target mark, you lose..." mahaba niya pang pahayag sa marahang boses bago ngumisi. Kulay puting laso ang nakatali sa kaniyang kanang braso. We can't underestimate her, she might be a good fighter that my grandfather has chosen to be part of this tournament."What are you waiting for? Let the game begin..." nangingising usal niya bago naglabas ng punyal sa dalawa niyang kamay. Kaagad kaming naalerto ni Elaine at inihanda ang aming sarili. Hindi nagtagal ay mabilis niya kaming sinugod. Napahigpit ang pagkakahawak

DMCA.com Protection Status