Home / All / The Little Black Demon / Chapter 251 - Chapter 260

All Chapters of The Little Black Demon: Chapter 251 - Chapter 260

309 Chapters

Chapter 251

Xyrica’s POV:Kami na ang kusang gumising kay Dexter matapos ang isang oras na paghihintay para magising siya. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang pagpalo ni Cyborg sa leeg niya kasi ang bilis ng pangyayari. Kinabahan pa ako noong una ay baka na-paralyze si Dexter sa nangyari, pero mabuti na lang at nagising ito.“Ano ang ginawa ninyo sa akin?” Gulat na tanong ni Dexter noong nagising siya. Sinubukan niya pang makawala, pero wala namang kwenta kasi maayos ‘yung pagkakatali nina nurse Samson at Cyborg sa kanya.Kami lang ni Cyborg ang nandito sa examination room kasi ayaw sumali ni nurse Samson sa pagtatanong. Ayaw niya rin sigurong madamay kung sakaling may hindi magandang mangyari. Pero siya naman ang kusang nagsara sa Clinic para wala raw mga estudyante na makapasok at makarinig sa pag-uusap namin. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung gusto niya bang tumulong sa amin o dumistansya sa amin.“Sasagutin ba ninyo ‘yung tanong ko?” Tanong ulit ni Dexter.Lumapit ako kay Dexter sabay sabin
last updateLast Updated : 2022-08-16
Read more

Chapter 252

Xyrica’s POV: Nakarating na lang sina Michiaki at Cyborg na may dalang sasakyan, pero hindi man lang sinabi sa akin ni Dexter ang pangalan ng kapatid niya. Kahit edad o kasarian nito ay pinilit niyang ilihim sa akin kahit alam niya na kung ano ‘yung gagawin ko sa kanya kapag nainip ako lalo. Natatakot siguro siyang madamay ‘yung kapatid niya sa ginawa namin. “Ano ang gagawin natin sa kanya?” Tanong ni Michiaki sa akin at tinignan si Dexter. “Let’s cover Dexter’s mouth first, then the two of you should carry him inside the car. Ako na ang magbabantay sa inyo kung sakali mang may taong makakita sa atin,” sabi ko sa dalawa at naunang lumabas sa examination room. “Aalis kayo?” Kaagad na tanong sa akin ni nurse Samson. Nag-aalala pa rin ang mukha nito, at mukhang mas lalo itong nagdududa sa ginagawa namin nina Michiaki at Cyborg. Tumango ako at sumagot ako kay nurse Samson, “Hindi siya puwedeng manatili rito, nurse Samson. Maliban kasi sa mga estudyante na pumupunta rito sa Clinic, nat
last updateLast Updated : 2022-08-17
Read more

Chapter 253

Xyrica’s POV:Kaagad naming pinuntahan ang address na binanggit ni Dexter. Medyo malayo ito kung ikukumpara sa distansya mula sa Gangster Academy hanggang sa bahay ko. Mabuti na lang at dumaan kami sa isang gasoline station para makapag-gasolina si Cyborg sa sasakyan niya. Sinabi na rin lahat ni Dexter ang mga bagay na aasahan namin sa oras na makarating kami sa bahay ni dean Steinfeld.Ang sabi niya ay hindi madaling makakapasok sa bahay ni dean Steinfeld kasi maliban sa puno ito ng mga CCTV ay may mga combat angels din daw na nagbabantay. Nagtaka nga kaming tatlo nina Michiaki at Cyborg kung bakit may combat Angels sa bahay ni dean. Ang alam kasi namin ay tanging ang Gangster Academy lang ang maaaring umangkin sa mga ito— at walang sinuman ang maaaring maglabas ng kahit isang Combat Angels.Tinanong namin si Dexter kung bakit may Combat Angels sa bahay ni dean Steinfeld, pero hindi niya naman alam kung bakit. Hindi na namin siya pinilit na sumagot kasi halata naman sa mukha niya na w
last updateLast Updated : 2022-08-18
Read more

Chapter 254

Joy Steinfeld’s POV: “Let’s go home,” nakangiting sabi ko kay King at hinawakan ‘yung kamay niya. “Huwag kang mag-alala kasi hindi pa naman nakakauwi si dad e, at saka makakapasok naman ako sa bahay kasi hindi naman ito binawi ni dad.” “Hindi ba parang delikado?” Tanong sa akin ni King at hinawakan na rin ‘yung kamay ko. Hindi napawi ‘yung ngiti ko sa tanong niya, sa halip ay ngumiti ako kasabay ng mata ko para maisip niyang hindi ako kinakabahan sa gagawin ko ngayon. Tapos sinagot ko ‘yung tanong niya, “Nahanap na raw nina Xyrica si nurse Dawn, at nasa labas na sila ng bahay namin. Hindi ko naman puwedeng pabayaan na lang sila dahil lang hindi pa natutupad ‘yung plano ko. Ilang beses na akong tinulungan ni Xyrica, ito na ‘yung pagkakataon kong bumawi sa kanya.” Napabuntong-hininga si King sabay sabing, “I’ll grab my keys.” Tumango ako sabay sabing, “Sige, ako na rin ang magpapaalam kina tita na aalis tayo. Gusto ko ring ipaintindi sa kanya na okay lang na bumalik ako sa bahay tut
last updateLast Updated : 2022-08-20
Read more

Chapter 255

Joy Steinfeld’s POV: Gaya ng iniisip ko ay pinahinto kami ng mga Combat Angels sa paglalakad kahit may tatlong metros na agwat pa sa distansya namin sa kanila. Bago nila kami kinausap ay nagkatinginan muna ang dalawang Combat Angels, pagkatapos ay lumapit ‘yung isa sa amin. Kaagad kung nilabas ‘yung susi at ipinakita sa Combat Angel na lumapit. Kinuha niya ‘yung susi at sinuri ito saglit, gusto niya sigurong ikumpirma kung hindi ba peke ‘yung susi na dala ko. “I would like to ask for your phone number,” ito ‘yung sabi ng Combat Angel sabay balik ng susi sa akin. Ginawa ko ‘yung sinabi ni Xyrica kanina at hindi nag-atubiling sabihin sa Combat Angel ang cellphone number. Pagkatapos niyang humingi ng cellphone number ay nanatili kaming apat sa kung saan kami nakatayo, at bumalik ‘yung Combat Angel sa puwesto niya. Sakto naman at ilang segundo ay may tumawag sa cellphone ni Xyrica— isa itong restricted number. Sinagot ko na ang tawag kasi kanina ko pa ito inaasahan, “Hey, dad. I’m in f
last updateLast Updated : 2022-08-22
Read more

Chapter 256

Joy Steinfeld’s POV:Pag-akyat ko sa second floor ay sinigurado ko munang nasa attic talaga si nurse Dawn sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan niya. Walang sumagot, pero may nakarinig ako na nabasag sa taas. Kaagad akong umakyat sa attic kahit alam kong makikita ni dad ‘yung ginagawa ko— dahil sa CCTV. Pero hindi na iyon importante sa ngayon.“Nurse Dawn!” Tawag ko ulit sa kanya noong umakyat na ako sa hagdan. Sinigurado kong hindi sasara ‘yung entrance ng attic kasi mahihirapan akong buksan ito sa oras na masara ito. Sa baba lang kasi ito puwedeng buksan, kaya siguro naisip ni dad na sa attic na lang ikulong si nurse Dawn kasi mahihirapan siyang buksan ito. Pero hindi naman ako nag-aalala kahit sumara ‘yung attic kasi nasa baba naman sina King, puwede ko silang tawagan upang buksan ang entrance.“Hmmmp!” Ito lang ‘yung nasabi ni nurse Dawn kasi nakatali ‘yung bibig, kamay, at paa niya sa upuan.Kaagad akong umapit sa kanya at inalis ‘yung takip sa bibig. “Okay ka lang ba nurse Dawn
last updateLast Updated : 2022-08-23
Read more

Chapter 257

Xyrica’s POV:Nakabalik na galing sa conference si dean Steinfeld, pero hindi niya ako kailanman pinatawag sa opisina niya para kausapin tungkol sa nangyari. Nakakapanghinala ang mga galawan niya, pero binalewala ko na lang sa ngayon. Mas mabuti nga na hindi niya na ako kausapin para matuloy na namin ni Cyborg ang paghahanap sa taong may sala sa pamilya ko.Dahil abala si nurse Dawn noon sa pagsagot sa mga tanong nina Michiaki, Cyborg, Joy, at Spencer ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makipag-usap sa kanya. Hindi rin ako nakahingi ng tawad noong sinadya kong ibalewala ‘yung tawag niya. Pansin kong wala siyang kinikimkim na galit sa akin kasi niyakap niya pa ako bago kami bumalik sa Gangster Academy. Hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makakausap kasi abala kaming mga estudyante sa exams.Ayaw ko namang humingi ng tawad sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya, maliban sa parang hindi sinsero ang ganoong paraan ay wala ring cellphone si nurse Dawn. Ang sabi niya ay tatawag lang siy
last updateLast Updated : 2022-08-24
Read more

Chapter 258

Xyrica’s POV:Matapos akong ihatid ng mga kaibigan ko ay dumiretso ako sa banyo para maligo. Gusto ko munang magpalamig kasi madali sa akin ang mag-aral. Tatlong subjects lang namang ang kailangan kong pag-aralan, ang problema nga lang ay marami na ‘yung topics na dumaan sa amin. Hindi rin ako sigurado kung nasulat ko ba ang lahat na kailangan kong pag-aralan. Kung hindi ko man nasulat ang lahat, puwede ko namang lapitan si miss Ludwig para sa kanya ako humingi ng ibang notes.Pagkatapos kong magbihis at makapag-apply ng skincare ay nilabas ko sa bag ‘yung iPad at notebook ko. Nasa iPad kasi ang mga PowerPoint Presentation na ginamit ng mga teachers namin sa pagtuturo, tapos sa notebook ko isinulat ang mga importanteng sinabi ng mga teachers na hindi nakalagay sa PowerPoint Presentation.Kinuha ko na rin ‘yung cellphone ko kasi nakatanggap ako ng notification. May twenty-eight missed calls ako galing pa rin sa unknown number na tumawag kanina, at may dalawang text message. Binasa ko ‘y
last updateLast Updated : 2022-08-25
Read more

Chapter 259

Xyrica’s POV: Ilang araw akong hindi nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa sinabi ni nurse Dawn sa akin noong tumawag siya. Curious ako kung sino ang taong sumira sa pamilya namin, at kung nasa malayo ba ito o nasa malapit lang. Curious din ako kung anong klaseng estado sa buhay ang meron siya, pero naisip kong mayaman siya kasi nagawa niya ang mga iyon sa pamilya ko. Syempre, kakailanganin ng pera para magkaroon ng alalay. Mabuti na lang at parang umayon sa akin ang panahon kasi pakiramdam ko ay bumilis ‘yung takbo ng oras. Natapos din ‘yung exams na hinihintay namin kaya makakapunta na kami sa bahay nina Michiaki. Kinailangan lang naming iwan ang ibang miyembro ng Akinomo Phoenix Gang kasi hindi muna nila puwedeng makita si nurse Dawn. Mabuti na lang at nagboluntaryo si Allen na dalhin ang mga kaibigan namin sa bar niya para magsaya, pero syempre walang libre kahit kaibigan niya. Nangako naman kaming tatlo nina Michiaki at Cyborg na pupunta kami kapag maaga kaming makakauwi. Na
last updateLast Updated : 2022-08-26
Read more

Chapter 260

Xyrica’s POV:Akala ko’y hindi masaya ‘yung mga magulang ni Michiaki na makita kami ni Cyborg, pero nagbibiro lang pala sila. Wala kasi silang talent sa pagbibiro kaya ang akala ko’y sa Gangster Academy ang punta namin ni Cyborg. Mababait naman pala ang mga magulang ni Cyborg noong hindi na nila sinubukang magbiro sa amin. Ilang beses din humingi ng pasensya si Michiaki sa amin kasi nahihiya siya sa inaasta ng mga magulang niya.Nagkaroon kami ng tyansa na kilalain ang dalawa kasi may ilang oras pa naman na natitira bago maghapunan. Nag-usap kami tungkol kay nurse Dawn at Michiaki, ‘yung mga paksa lang na hindi seryoso. Hindi rin nila kailanman nabanggit ang mga magulang namin ni nurse Dawn, pero sa pagkakaalam ko ay matalik silang magkaibigan. Siguro gusto nilang pag-usapan ang mga importanteng bagay pagkatapos ng hapunan— kasi hindi rin kailanman nabanggit ni nurse Dawn ang tungkol sa pag-uusap namin sa cellphone noon.Matapos maghanda ni manang Rose ng hapunan ay tinawag niya na kam
last updateLast Updated : 2022-08-27
Read more
PREV
1
...
2425262728
...
31
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status