Joy Steinfeld’s POV: Gaya ng iniisip ko ay pinahinto kami ng mga Combat Angels sa paglalakad kahit may tatlong metros na agwat pa sa distansya namin sa kanila. Bago nila kami kinausap ay nagkatinginan muna ang dalawang Combat Angels, pagkatapos ay lumapit ‘yung isa sa amin. Kaagad kung nilabas ‘yung susi at ipinakita sa Combat Angel na lumapit. Kinuha niya ‘yung susi at sinuri ito saglit, gusto niya sigurong ikumpirma kung hindi ba peke ‘yung susi na dala ko. “I would like to ask for your phone number,” ito ‘yung sabi ng Combat Angel sabay balik ng susi sa akin. Ginawa ko ‘yung sinabi ni Xyrica kanina at hindi nag-atubiling sabihin sa Combat Angel ang cellphone number. Pagkatapos niyang humingi ng cellphone number ay nanatili kaming apat sa kung saan kami nakatayo, at bumalik ‘yung Combat Angel sa puwesto niya. Sakto naman at ilang segundo ay may tumawag sa cellphone ni Xyrica— isa itong restricted number. Sinagot ko na ang tawag kasi kanina ko pa ito inaasahan, “Hey, dad. I’m in f
Joy Steinfeld’s POV:Pag-akyat ko sa second floor ay sinigurado ko munang nasa attic talaga si nurse Dawn sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan niya. Walang sumagot, pero may nakarinig ako na nabasag sa taas. Kaagad akong umakyat sa attic kahit alam kong makikita ni dad ‘yung ginagawa ko— dahil sa CCTV. Pero hindi na iyon importante sa ngayon.“Nurse Dawn!” Tawag ko ulit sa kanya noong umakyat na ako sa hagdan. Sinigurado kong hindi sasara ‘yung entrance ng attic kasi mahihirapan akong buksan ito sa oras na masara ito. Sa baba lang kasi ito puwedeng buksan, kaya siguro naisip ni dad na sa attic na lang ikulong si nurse Dawn kasi mahihirapan siyang buksan ito. Pero hindi naman ako nag-aalala kahit sumara ‘yung attic kasi nasa baba naman sina King, puwede ko silang tawagan upang buksan ang entrance.“Hmmmp!” Ito lang ‘yung nasabi ni nurse Dawn kasi nakatali ‘yung bibig, kamay, at paa niya sa upuan.Kaagad akong umapit sa kanya at inalis ‘yung takip sa bibig. “Okay ka lang ba nurse Dawn
Xyrica’s POV:Nakabalik na galing sa conference si dean Steinfeld, pero hindi niya ako kailanman pinatawag sa opisina niya para kausapin tungkol sa nangyari. Nakakapanghinala ang mga galawan niya, pero binalewala ko na lang sa ngayon. Mas mabuti nga na hindi niya na ako kausapin para matuloy na namin ni Cyborg ang paghahanap sa taong may sala sa pamilya ko.Dahil abala si nurse Dawn noon sa pagsagot sa mga tanong nina Michiaki, Cyborg, Joy, at Spencer ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makipag-usap sa kanya. Hindi rin ako nakahingi ng tawad noong sinadya kong ibalewala ‘yung tawag niya. Pansin kong wala siyang kinikimkim na galit sa akin kasi niyakap niya pa ako bago kami bumalik sa Gangster Academy. Hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makakausap kasi abala kaming mga estudyante sa exams.Ayaw ko namang humingi ng tawad sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya, maliban sa parang hindi sinsero ang ganoong paraan ay wala ring cellphone si nurse Dawn. Ang sabi niya ay tatawag lang siy
Xyrica’s POV:Matapos akong ihatid ng mga kaibigan ko ay dumiretso ako sa banyo para maligo. Gusto ko munang magpalamig kasi madali sa akin ang mag-aral. Tatlong subjects lang namang ang kailangan kong pag-aralan, ang problema nga lang ay marami na ‘yung topics na dumaan sa amin. Hindi rin ako sigurado kung nasulat ko ba ang lahat na kailangan kong pag-aralan. Kung hindi ko man nasulat ang lahat, puwede ko namang lapitan si miss Ludwig para sa kanya ako humingi ng ibang notes.Pagkatapos kong magbihis at makapag-apply ng skincare ay nilabas ko sa bag ‘yung iPad at notebook ko. Nasa iPad kasi ang mga PowerPoint Presentation na ginamit ng mga teachers namin sa pagtuturo, tapos sa notebook ko isinulat ang mga importanteng sinabi ng mga teachers na hindi nakalagay sa PowerPoint Presentation.Kinuha ko na rin ‘yung cellphone ko kasi nakatanggap ako ng notification. May twenty-eight missed calls ako galing pa rin sa unknown number na tumawag kanina, at may dalawang text message. Binasa ko ‘y
Xyrica’s POV: Ilang araw akong hindi nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa sinabi ni nurse Dawn sa akin noong tumawag siya. Curious ako kung sino ang taong sumira sa pamilya namin, at kung nasa malayo ba ito o nasa malapit lang. Curious din ako kung anong klaseng estado sa buhay ang meron siya, pero naisip kong mayaman siya kasi nagawa niya ang mga iyon sa pamilya ko. Syempre, kakailanganin ng pera para magkaroon ng alalay. Mabuti na lang at parang umayon sa akin ang panahon kasi pakiramdam ko ay bumilis ‘yung takbo ng oras. Natapos din ‘yung exams na hinihintay namin kaya makakapunta na kami sa bahay nina Michiaki. Kinailangan lang naming iwan ang ibang miyembro ng Akinomo Phoenix Gang kasi hindi muna nila puwedeng makita si nurse Dawn. Mabuti na lang at nagboluntaryo si Allen na dalhin ang mga kaibigan namin sa bar niya para magsaya, pero syempre walang libre kahit kaibigan niya. Nangako naman kaming tatlo nina Michiaki at Cyborg na pupunta kami kapag maaga kaming makakauwi. Na
Xyrica’s POV:Akala ko’y hindi masaya ‘yung mga magulang ni Michiaki na makita kami ni Cyborg, pero nagbibiro lang pala sila. Wala kasi silang talent sa pagbibiro kaya ang akala ko’y sa Gangster Academy ang punta namin ni Cyborg. Mababait naman pala ang mga magulang ni Cyborg noong hindi na nila sinubukang magbiro sa amin. Ilang beses din humingi ng pasensya si Michiaki sa amin kasi nahihiya siya sa inaasta ng mga magulang niya.Nagkaroon kami ng tyansa na kilalain ang dalawa kasi may ilang oras pa naman na natitira bago maghapunan. Nag-usap kami tungkol kay nurse Dawn at Michiaki, ‘yung mga paksa lang na hindi seryoso. Hindi rin nila kailanman nabanggit ang mga magulang namin ni nurse Dawn, pero sa pagkakaalam ko ay matalik silang magkaibigan. Siguro gusto nilang pag-usapan ang mga importanteng bagay pagkatapos ng hapunan— kasi hindi rin kailanman nabanggit ni nurse Dawn ang tungkol sa pag-uusap namin sa cellphone noon.Matapos maghanda ni manang Rose ng hapunan ay tinawag niya na kam
Xyrica’s POV: “My dear, the cause why we haven’t started talking yet is that we don’t know where to start, dear. We also don’t know how to say everything nicely,” sagot ng mama ni Michiaki. “But, you don’t have to say it nicely for me to understand. Say it like how you naturally talk to people you know. How you deliver the news isn’t significant, tita. I only want to hear the truth. Sino ba talaga ang may pakana sa aksidente?” Medyo naiinip na sabi ko sa kanila. I did not mean to be rude, but I think they owe me this news. “It was dean Steinfeld!” Kaagad na sabi nurse Dawn sa akin na nakapikit ang mga mata at nakakuyom ang mga kamay. “Iyan na, nasabi ko na sa ‘yo.” I raised an eyebrow because of confusion. Then I asked, “Which dean Steinfeld are you talking about just now? ‘Yun bang nagtatrabaho sa Gang-Ku-Fia Academy o sa Gangster Academy? Please make your statement clear, nurse Dawn.” “Kilala mo si Leo Steinfeld?” Tanong sa akin ng papa ni Michiaki. “Of course, I knew him. I ev
Xyrica’s POV: Hindi na kami pinabalik sa Gangster Academy dahil sa haba ng pinag-usapan namin ng mga magulang ni Michiaki at ni nurse Dawn. Pasado alas onse na kasi, at nag-aalala ang mga magulang ni Michiaki na babyahe kami na madilim na sa labas. Hindi naman namin sila sinuway kasi babalik naman kami sa Gangster Academy bago pa man sumikat ang araw. Magkatabi kami ng kwarto nina nurse Dawn at Cyborg. Hindi ko alam kung natutulog na ba sila, pero hindi pa rin ako inaantok. Mas dumami ‘yung iniisip ko dahil sa sinabi nila sa akin. Naiinis pa rin ako sa pagmumukha ni dean Steinfeld— at imbes na makaramdam ako ng guilt dahil nilayo ko sa kanya si Joy ay bigla na lang nabura. Hindi ko alam kung nararamdaman niya rin ba ‘yung naramdaman ko noong nawala ang mga magulang ko, pero mukha namang imposible. Ang pangit kasi ng ugali niya sa anak niya. Naisipan kong dalawin si Cyborg. Nagbabakasakali akong gising pa siya kasi gusto ko siyang kausapin tungkol sa mga impormasyong nalaman ko kanin