Share

Chapter 262

Xyrica’s POV:

Hindi na kami pinabalik sa Gangster Academy dahil sa haba ng pinag-usapan namin ng mga magulang ni Michiaki at ni nurse Dawn. Pasado alas onse na kasi, at nag-aalala ang mga magulang ni Michiaki na babyahe kami na madilim na sa labas. Hindi naman namin sila sinuway kasi babalik naman kami sa Gangster Academy bago pa man sumikat ang araw.

Magkatabi kami ng kwarto nina nurse Dawn at Cyborg. Hindi ko alam kung natutulog na ba sila, pero hindi pa rin ako inaantok. Mas dumami ‘yung iniisip ko dahil sa sinabi nila sa akin. Naiinis pa rin ako sa pagmumukha ni dean Steinfeld— at imbes na makaramdam ako ng guilt dahil nilayo ko sa kanya si Joy ay bigla na lang nabura. Hindi ko alam kung nararamdaman niya rin ba ‘yung naramdaman ko noong nawala ang mga magulang ko, pero mukha namang imposible. Ang pangit kasi ng ugali niya sa anak niya.

Naisipan kong dalawin si Cyborg. Nagbabakasakali akong gising pa siya kasi gusto ko siyang kausapin tungkol sa mga impormasyong nalaman ko kanin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status