Joy Steinfeld’s POV: Sina Michiaki at Cyborg ang nagpaliwanag kung kaano-ano ni dad at kung kaano-ano ko si Leo Steinfeld. Ipinaliwanag din sa akin ni Xyrica kung kaano-ano ng pamilya niya si Leo Steinfeld kahit hindi niya naman kailangang sabihin sa akin. At inimbitahan ulit nila ako para makita ko raw sa personal si Leo Steinfeld. Kaagad naman kaming sumama ni King matapos niyang magpaalam sa mga magulang niya na aalis kami ng bahay. Sa buong byahe ay tahimik lang kami, kasi gusto nina Michiaki at Cyborg na ako na raw ang kusang kumilala kay Leo Steinfeld para may pag-uusapan pa kami. Basta ang alam ko lang ay family friend nina Michiaki at Xyrica si Leo Steinfeld. Tapos dean naman si Leo Steinfeld sa dating paaralang pinasukan ni Cyborg. Sina Michiaki at Cyborg din pala ang napag-utusang protektahan si Xyrica at nurse Dawn. Ngayon ay naintindihan ko na kung ganoon na lang ka close ang relasyon nila kay Xyrica. Pagdating namin sa bahay ni Leo Steinfeld ay nauna kaming pumasok nina
Xyrica’s POV: It’s been a while since I stayed in the bathroom while sitting on the toilet seat cover. I didn’t want to go out since I was still pissed about knowing my friends’ little mission— to look after me. I refuse the idea of someone watching my every move and knowing who I came in contact with, then reporting it to someone I barely knew. It’s not okay to snoop around and spy on people because it would be stalking. “Hindi pa siguro kompleto ang mga bisita ni tito Leo kasi hindi niya pa ako pinatawag,” sabi ko sa sarili ko. Ilang beses akong huminga ng malalim para kumalma ‘yung isip ko. Kahit hindi nila nirerespeto ‘yung privacy ko, ay kailangan ko pa ring kumalma kasi kakausapin ko sila ngayon. Si tito Leo na rin ang nagsabi na siya na mismo ang magpapaliwanag sa lahat. Makikinig ako sa sasabihin niya, pero nakadepende na rin sa paliwanag niya kung pagagalitan ko ba si Yuan o hindi. Isa pa naman siya sa atat na atat malaman kung ano ‘yung sekreto ko, maliban kina Michiaki at
Xyrica’s POV: Pagkatapos magpaliwanag ni tito Leo ay nagpaalam siya sa amin na kakausapin niya raw muna si Joy. Naiwan kaming lahat sa sala habang nasa kusina naman sila ni Joy. Medyo awkward ‘yung atmosphere nang iwan kami ng dalawa, pero mabuti na lang at pinangunahan ni Cyborg ang pag-uusap sa Akinomo Phoenix Gang. Habang busy ang lahat sa pag-uusap ay napansin ko si Spencer na tahimik lang at palaging nakatingin sa direksyon kung saan dumaan sina Joy. Hindi ko alam kung hindi ba siya komportable na kasama kami, pero nakikinig naman siya paminsan-minsan kina Cyborg. “Spencer, sabihin mo lang kung hindi ka komportable na kasama kami kasi puwede naman kaming mag-usap sa mga bagay na maaari kang makapagbigay ng opinyon. Puwede naman kaming bumalik sa bahay nina ko at doon na lang mag-usap,” nakangiting tawag ko kay Spencer. Umiling naman si Spencer at kinaway ‘yung mga kamay niya na para bang sinasabi niya na hindi na kailangan. “I-I don’t feel uncomfortable, Xyrica. Nag-aalala lan
Xyrica’s POV: Bago bumalik sa bahay nina Michiaki ay hinatid muna namin si Joy at Spencer sa bahay nila. Tahimik lang kami sa buong byahe kasi walang nagtangkang magtanong kay Joy kung ano ‘yung pinag-usapan nila ni tito Leo. Ang mga kaibigan naman namin na naiwan ang bahalang nagpaalam ng maayos kay tito Leo at sumakay ng taxi patungo sa bahay ni Michiaki. Welcome naman siguro sila roon kahit hindi nila kami kasama, kasi maliban sa naroon si nurse Dawn ay napagsabihan na rin ni Michiaki ang mga magulang niya. Para kay tito Leo naman ay curious pa rin ako kung ano ‘yung napag-usapan nila ni Joy, at kung bakit nagkaganito siya. Siguro ay kakausapin na lang namin siya sa susunod— kung hindi man namin magawang magtanong kay Joy mismo. Halata nga sa mukha ni Spencer na gusto niyang magtanong sa girlfriend niya, pero halata rin sa mukha ni Joy na ayaw niya kaming kausapin. Pagdating namin sa bahay nina Spencer ay naunang lumabas si Joy na hindi man lang nagpaalam sa amin. Napabuntong-hin
Joy Steinfeld’s POV: Pagkatapos kong kumalma ay lumabas ako ng kwarto upang hanapin si King. Lumapit ako sa isang katulong noong hindi ko siya nakita sa sala, at tinanong kung nasaan si King. Ang sabi nila ay nasa kwarto raw kaya nagpasalamat ako sa katulong— tapos pinuntahan si King. Limampung minuto pa lang ang lumipas noong iniwan ako ni King, kaya nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya ngayon. Kinatok ko ‘yung pinto noong nakarating na ako sa kwarto niya. Kaagad naman itong binuksan ni King at pinapasok ako, base sa reaksyon niya ay mukhang kanina niya pa ako hinihintay. “How are you feeling?” Tanong niya sa akin at pinaupo ako. Ngumiti ako sabay sabing, “I’m fine, but thank you for asking. Pasensya na kung nag-alala ka dahil sa akin, King. Nakapagdesisyon na nga pala ako tungkol sa plano nina Xyrica… narito ako upang kausapin ka tungkol doon.” “Pumapayag ka na ba sa gusto nila? Wala na bang ibang paraan?” Puno ng pag-aalala ang mukha niya noong tinanong niya. Gusto ko nama
Xyrica’s POV: Pinakiusapan ako ni Joy na kung maaari raw ba’y hindi na muna siya babalik sa Gangster Academy kasi may hinihintay pa raw siya. Hindi niya sinabi kung ano ‘yung hinihintay niya. Hindi na rin ako nagtanong kasi kaagad na lang akong pumayag para hindi siya makaramdam ng anumang pressure, at para hindi magbago ‘yung isip niya. Kinausap ko na rin si nurse Dawn tungkol dito, at wala naman itong problema sa kanya. Ang tangi naming ginawa habang hinihintay si Joy na bumalik sa academy ay nagmamasid kay dean Steinfeld noong bumalik siya. Ilang araw na nawala si dean Steinfeld, at kahit ‘yung sekretarya niya ay hindi alam kung saan siya nagtungo o kung ano ang ginawa niya. Nakakapanibago rin si dean Steinfeld kasi simula noong bumalik siya sa Gangster Academy ay para siyang may iniiwasan. Okay lang sana kung ako lang ‘yung nakakapansin, pero pati rin ang Akinomo Phoenix Gang ay alam kung paano siya umasta. Ano kaya ang tinatago ni dean Steinfeld? Simula noong bumalik si dean St
Xyrica’s POV:I woke up from a cracking voice calling my name and a pair of cold hands shaking my body with force. My sight was a bit blurry, so I had to squint to focus on the person in front of me. I immediately saw miss Ludwig crying in front of me as if I was dead for a minute. She kept yelling to wake me up that I had to shove her away from me because her voice was ringing annoyingly in my head. “Miss Ludwig, bakit ba ang ingay mo?” Naiinis na tanong ko sa kanya at saka bumangon habang hawak ang noo ko. Bigla kasi itong sumakit noong tumayo ako… at doon ko na lang naalala kung ano ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Nataranta akong lumingon sa paligid at kung nasaan kami. Tapos tinanong si miss Ludwig, “Nasaan tayo? Isa ba ito sa mga biro mo, miss Ludwig? Dapat kasi hindi na lang ako sumama sa ‘yo e!”Nasa loob kami ng isang silid na walang bintana at walang ilaw. Ang tanging ilaw na nagbibigay liwanag sa amin ay ang galing gap ng sahig at pinto. Wala rin kaming ingay na nar
Xyrica’s POV:Ilang minuto pagkatapos naming magising ni miss Ludwig ay may narinig kaming ingay sa labas, tunog ng mga yapak at mga upuang ginalaw. Walang nagsalita kaya hindi namin alam kung babae o lalaki ba ang pumasok. Hindi ko rin alam kung kailan nila kami palalabasin dito, o kung may balak pa ba silang palabasin kami rito.“Dumistansya ka muna saglit, Xyrica. May gusto lang akong makita,” bulong sa akin ni miss Ludwig dahilan para lumayo ako sa pinto.She bent down all the way to lay flat on the floor because she wanted to know what was happening outside these four walls we were held captive. For a minute, I watched how she kept quiet while trying to grasp what was happening outside. Although I doubt she could see from those tight gaps between the floor and the door.Ilang saglit lang ay tumayo si miss Ludwig at saka ako lumapit sa kanya. “May nakita ka ba?” Bulong na tanong ko sa kanya at umupo ulit sa inupuan ko kanina.“May mga tao sa labas… sa tingin ko tatlong tao base sa