Xyrica’s POV: Pagkatapos magpaliwanag ni tito Leo ay nagpaalam siya sa amin na kakausapin niya raw muna si Joy. Naiwan kaming lahat sa sala habang nasa kusina naman sila ni Joy. Medyo awkward ‘yung atmosphere nang iwan kami ng dalawa, pero mabuti na lang at pinangunahan ni Cyborg ang pag-uusap sa Akinomo Phoenix Gang. Habang busy ang lahat sa pag-uusap ay napansin ko si Spencer na tahimik lang at palaging nakatingin sa direksyon kung saan dumaan sina Joy. Hindi ko alam kung hindi ba siya komportable na kasama kami, pero nakikinig naman siya paminsan-minsan kina Cyborg. “Spencer, sabihin mo lang kung hindi ka komportable na kasama kami kasi puwede naman kaming mag-usap sa mga bagay na maaari kang makapagbigay ng opinyon. Puwede naman kaming bumalik sa bahay nina ko at doon na lang mag-usap,” nakangiting tawag ko kay Spencer. Umiling naman si Spencer at kinaway ‘yung mga kamay niya na para bang sinasabi niya na hindi na kailangan. “I-I don’t feel uncomfortable, Xyrica. Nag-aalala lan
Xyrica’s POV: Bago bumalik sa bahay nina Michiaki ay hinatid muna namin si Joy at Spencer sa bahay nila. Tahimik lang kami sa buong byahe kasi walang nagtangkang magtanong kay Joy kung ano ‘yung pinag-usapan nila ni tito Leo. Ang mga kaibigan naman namin na naiwan ang bahalang nagpaalam ng maayos kay tito Leo at sumakay ng taxi patungo sa bahay ni Michiaki. Welcome naman siguro sila roon kahit hindi nila kami kasama, kasi maliban sa naroon si nurse Dawn ay napagsabihan na rin ni Michiaki ang mga magulang niya. Para kay tito Leo naman ay curious pa rin ako kung ano ‘yung napag-usapan nila ni Joy, at kung bakit nagkaganito siya. Siguro ay kakausapin na lang namin siya sa susunod— kung hindi man namin magawang magtanong kay Joy mismo. Halata nga sa mukha ni Spencer na gusto niyang magtanong sa girlfriend niya, pero halata rin sa mukha ni Joy na ayaw niya kaming kausapin. Pagdating namin sa bahay nina Spencer ay naunang lumabas si Joy na hindi man lang nagpaalam sa amin. Napabuntong-hin
Joy Steinfeld’s POV: Pagkatapos kong kumalma ay lumabas ako ng kwarto upang hanapin si King. Lumapit ako sa isang katulong noong hindi ko siya nakita sa sala, at tinanong kung nasaan si King. Ang sabi nila ay nasa kwarto raw kaya nagpasalamat ako sa katulong— tapos pinuntahan si King. Limampung minuto pa lang ang lumipas noong iniwan ako ni King, kaya nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya ngayon. Kinatok ko ‘yung pinto noong nakarating na ako sa kwarto niya. Kaagad naman itong binuksan ni King at pinapasok ako, base sa reaksyon niya ay mukhang kanina niya pa ako hinihintay. “How are you feeling?” Tanong niya sa akin at pinaupo ako. Ngumiti ako sabay sabing, “I’m fine, but thank you for asking. Pasensya na kung nag-alala ka dahil sa akin, King. Nakapagdesisyon na nga pala ako tungkol sa plano nina Xyrica… narito ako upang kausapin ka tungkol doon.” “Pumapayag ka na ba sa gusto nila? Wala na bang ibang paraan?” Puno ng pag-aalala ang mukha niya noong tinanong niya. Gusto ko nama
Xyrica’s POV: Pinakiusapan ako ni Joy na kung maaari raw ba’y hindi na muna siya babalik sa Gangster Academy kasi may hinihintay pa raw siya. Hindi niya sinabi kung ano ‘yung hinihintay niya. Hindi na rin ako nagtanong kasi kaagad na lang akong pumayag para hindi siya makaramdam ng anumang pressure, at para hindi magbago ‘yung isip niya. Kinausap ko na rin si nurse Dawn tungkol dito, at wala naman itong problema sa kanya. Ang tangi naming ginawa habang hinihintay si Joy na bumalik sa academy ay nagmamasid kay dean Steinfeld noong bumalik siya. Ilang araw na nawala si dean Steinfeld, at kahit ‘yung sekretarya niya ay hindi alam kung saan siya nagtungo o kung ano ang ginawa niya. Nakakapanibago rin si dean Steinfeld kasi simula noong bumalik siya sa Gangster Academy ay para siyang may iniiwasan. Okay lang sana kung ako lang ‘yung nakakapansin, pero pati rin ang Akinomo Phoenix Gang ay alam kung paano siya umasta. Ano kaya ang tinatago ni dean Steinfeld? Simula noong bumalik si dean St
Xyrica’s POV:I woke up from a cracking voice calling my name and a pair of cold hands shaking my body with force. My sight was a bit blurry, so I had to squint to focus on the person in front of me. I immediately saw miss Ludwig crying in front of me as if I was dead for a minute. She kept yelling to wake me up that I had to shove her away from me because her voice was ringing annoyingly in my head. “Miss Ludwig, bakit ba ang ingay mo?” Naiinis na tanong ko sa kanya at saka bumangon habang hawak ang noo ko. Bigla kasi itong sumakit noong tumayo ako… at doon ko na lang naalala kung ano ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Nataranta akong lumingon sa paligid at kung nasaan kami. Tapos tinanong si miss Ludwig, “Nasaan tayo? Isa ba ito sa mga biro mo, miss Ludwig? Dapat kasi hindi na lang ako sumama sa ‘yo e!”Nasa loob kami ng isang silid na walang bintana at walang ilaw. Ang tanging ilaw na nagbibigay liwanag sa amin ay ang galing gap ng sahig at pinto. Wala rin kaming ingay na nar
Xyrica’s POV:Ilang minuto pagkatapos naming magising ni miss Ludwig ay may narinig kaming ingay sa labas, tunog ng mga yapak at mga upuang ginalaw. Walang nagsalita kaya hindi namin alam kung babae o lalaki ba ang pumasok. Hindi ko rin alam kung kailan nila kami palalabasin dito, o kung may balak pa ba silang palabasin kami rito.“Dumistansya ka muna saglit, Xyrica. May gusto lang akong makita,” bulong sa akin ni miss Ludwig dahilan para lumayo ako sa pinto.She bent down all the way to lay flat on the floor because she wanted to know what was happening outside these four walls we were held captive. For a minute, I watched how she kept quiet while trying to grasp what was happening outside. Although I doubt she could see from those tight gaps between the floor and the door.Ilang saglit lang ay tumayo si miss Ludwig at saka ako lumapit sa kanya. “May nakita ka ba?” Bulong na tanong ko sa kanya at umupo ulit sa inupuan ko kanina.“May mga tao sa labas… sa tingin ko tatlong tao base sa
Joy Steinfeld’s POV:Hindi ko alam kung nasaan ‘yung taong tatawagan ko ngayon, pero hindi excuses ang gusto kong marinig sa kanya ngayon lalo na’t kailangan ko talaga ang impormasyong nakuha niya tungkol sa pasyente ni dad. Hindi ko aakalaing mas mapapaaga ang pagkikita namin ni dad dahil nasa kanya sina Xyrica at Van. Paano niya kaya nagawang dukutin ang dalawa?“Come on. Pick it up already,” I groaned as I waited for seconds to pass by. After the machine redirected me to voicemail, I called again just in case the phone was on silent mode. Then, after three seconds, the person I was dying to talk to answer.“What do you want?” Tanong niya sa akin pagkasagot niya sa tawag ko, pero masyadong mahina ‘yung boses niya. Para bang sinasadya niyang bumulong.“Nasaan ka ba? Narinig mo man lang ba kung ano ang nangyari kina Xyrica at Van?” Nagpapanic na tanong ko sa kanya, pero huminga ako ng malalim. Pinaalala ko sa sarili ko na kailangan kong kumalma kasi hindi nakakatulong ang pagpapanic.
Xyrica’s POV:Lumabas si dean Steinfeld pagkatapos makausap si Joy sa telepono, at iniwan kami sa kamay ng mga Combat Angels. Pareho kaming may tape sa bibig ni miss Ludwig kasi ayaw raw marinig ni dean Steinfeld ang anumang sasabihin namin. Wala naman kaming magawa kundi ang maghintay sa pagbabalik niya, at sa oras na makita namin si Joy. Mukhang desidido naman siyang sundin ang sinasabi ni dean Steinfeld… para lang sa amin.Ilang minuto lang ay bumalik si dean Steinfeld, pero panay ang pag-iingay ko para matanggal ‘yung nakatali sa bibig ko. Hindi na siguro siya nakatiis at siya na mismo ang nagtanggal.“What do you want? Bakit ka ba nag-iingay?” Naiinis na tanong ni dean Steinfeld sa akin.“I need to pee! You’ve held us captive for hours, dean Steinfeld. Kanina ko pa pinipigilan ang urge para umihi kaya please lang… kailangan kong magpunta sa banyo kayo ayaw kong makaihi rito ngayon na,” sagot ko sa tanong niya habang nakatitig sa mga mata niya. Ito lang ‘yung paraan para maisip ni
Celeste Maekawa Crimson’s POV:I felt an immediate rage surging from the pit of my stomach while watching Lucas with handcuffs entering from the other side of the glass. The perpetrator who wrecked the family I once desired is sitting across from me. I never thought that this day would come.“Mayroon lamang kayong labinlimang minuto para makapag-usap,” paalala ng pulis na kasama ni Lucas. Pagkatapos ay iniwan niya na kaming dalawa upang makapag-usap.“Is this one of Xyrica’s tricks to fool me again? Sa tingin ba ninyo’y mauuto ninyo ako sa pangalawang beses?” Lucas asked while smirking. Even after all this time, his smugness never faded.“Xyrica has done her job, Lucas. So tell me, why would my daughter waste her talent for the second time on a pitiful person like you?” I nonchalantly asked as I kept giving him unsympathetic looks. “My daughter must’ve done her best to fool you, knowing you’re on your toes this time. Anyway, hindi ako naparito upang makipagkumustahan sa ‘yo…”“Narito
Xyrica’s POV:Pagkatapos namin makita ang mga senyales na magigising si mama ay kaagad namin siyang dinala sa hospital. Dahil sa nangyari ay hindi na ulit bumalik sa opisina sina tito Leo at nurse Dawn.Mabuti na lang talaga at may kasama ako rito sa bahay… maliban sa nurse na pumalit kay nurse Dawn sa pag-aalaga kay mama. Hindi ko siguro alam kung ano ang gagawin ko kay mama kung ako lang mag-isa.Narinig siguro ng Panginoon ang mga panalangin namin kasi naging maayos na ‘yung sitwasyon ni mama. Walang anumang komplikasyon ang nakita sa lahat ng test na binigay ng doktor. May mga tests nga na hindi na sana kailangan, kaso iyon ‘yung gusto ng mga magulang ni Michiaki. Wala naman kaming magawa kundi sundin ang gusto nila kasi alam kong para rin naman ang lahat sa ikakabuti niya.Pagkatapos ma-discharge ipinagpatuloy niya ang physical therapy na pinag-uutos ng doktor sa kanya. Ako ‘yung sumasama kay mama sa clinic habang ginagawa naman nina Joy at nurse Dawn ang mga gawain nila. Minsan
Xyrica’s POV:Pagkatapos ng tatlong linggong paghihintay ay nahatulan na rin si dean Steinfeld sa lahat ng masasamang nagawa niya sa pamilya namin, pati na rin sa kapatid ni Miss Ludwig. Habambuhay na pagkakakulong ang naging hatol ng hukom para sa kanya at bawal din siyang magpiyansa. Hindi ito ang gusto kong ending para kay dean Steinfeld, pero pinili ko ‘yung daan kung saan ay kailanman hindi ako matutulad sa kanya.Mabilis na kumalat ang balita sa paaralan tungkol kay dean Steinfeld dahil sa tulong nina Michiaki. Nalaman ko ring awtomatikong natanggal na nila si dean Steinfeld sa trabaho. Ito na rin ang pagkakataon na titigilan ko na ang pagtawag kay Lucas Steinfeld ng ‘dean’… kasi sa totoo lang, hindi naman siya karapat-dapat na tawaging dean.Sa kabila nang lahat ay nagpapasalamat pa rin kami ng mga kapatid ko kasi naging maayos naman ang proseso. Naging witness kami ng mga kapatid ko laban kay Lucas Steinfeld at kasama namin doon sina miss Ludwig at Allen.Para naman sa naging
Allen’s POV:Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni dean Steinfeld upang matagumpay na nailabas sa hospital ang pain na ginawa nina Xyrica para sa kanya. Matapos ko kasing bigyan ng babala sina Xyrica at Dawn ay hindi na ako umalis pa sa tabi ni dean Steinfeld. Dahil dito ay napag-utusan niya akong maghintay sa kotse habang siya naman ‘yung papasok sa loob.Wala namang sinabi si dean Steinfeld kung ano ang paraan na gagamitin niya. Hindi man lang siya nagdalawang-isip sa ginawa niya kahit alam niyang maraming CCTV sa loob ng hospital. Nagtaka na lang ako noong nakalabas siya sa emergency exit, tapos buhat niya na ‘yung pain sa bisig niya.Tinulungan ko siyang buksan ang pinto ng sasakyan, at nag-alok akong tulungan siya. Kaso hindi siya pumayag kaya bumalik na lang ako sa loob ng kotse at umupo sa driver’s seat. Naisip ko kasi na baka gusto niya munang makasama ‘yung pain habang natutulog.“Drive fast, but safely. Ayaw kong madisgrasya tayo… lalo na’t kasama natin si Celeste,” utos sa a
Xyrica’s POV:Lumabas ako para tawagan sina Michiaki at ipaalam ang tungkol sa babala na binigay sa amin ni Allen. Gusto ko ring sabihin sa kanya na kung maaari ay lumabas na ‘yung iba sa kuwarto, at magpaiwan lang ‘yung dalawa sa kanila. Kaso ilang beses kong sinubukang tawagan si Michiaki, pero hindi pa rin siya sumsagot. Malapit na akong mainis sa kanya. Ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko si Yuan. Mabuti na lang at sinagot niya kaagad ‘yung tawag ko.“Hello, Xyrica? Bakit ka napatawag?” Tanong sa akin ni Yuan.Huminga ako ng malalim para mawala ‘yung inis na nabuo dahil kay Michiaki. At saka ako nagtanong kay Yuan, “Yuan, where is Michiaki? I’ve calling him for ages, but he kept ignoring my calls. Malapit na akong mainis sa kanya. Alam niya ba na may importante sana akong sasabihin sa inyo?”“Ah, si Michiaki ba? Umalis siya rito sa hospital kasi siya ‘yung napag-utusan na bumili ng pagkain. Sa katunayan ay kasama niya nga si JL ngayon e,” sagot ni Yuan. “Naiwan niya rito ‘yung c
Xyrica’s POV:Ipinagtapat ko kaagad kay nurse Dawn ang tungkol sa DNA test na ginawa ni Joy, matapos niya akong bigyan ng pahintulot. Kaagad naman akong pinagsabihan ni nurse Dawn na pabalikin si Joy sa bahay ni tito Leo para silang dalawa naman daw ang mag-usap. Pero bago ang lahat ng iyan ay ilang minuto rin naming kinausap si Joy para lang hindi niya kamuhian ‘yung sarili niya.Malaki kasi ang naging epekto ng realidad sa emosyonal na estado ni Joy. Pakiramdam niya raw ay parang hindi na siya nilulubayan ng masasamang balita. Hindi pa nga raw natatapos ang isang balita ay may susunod naman… mas malala pa kaysa sa una. Wala kaming masabi sa parteng iyon kasi totoo naman ang sinasabi niya. Hindi naman kami Diyos para baguhin ang mga kapalaran namin.Pinaalala ko na lang sa kanya na may pamilya siya na gusto siyang kilalanin. Alam kong hindi sapat ang sinabi ko para gumaan ‘yung pakiramdam niya, pero pumayag naman siyang makipagkita kay nurse Dawn. May kondisyon nga lang siya… ayaw ni
Xyrica’s POV:Nasa bahay na ako ni Spencer, kasama sina Cyborg at Kris, nang nakatanggap ako ng tawag mula kay Aris. Bago kasi sila umalis ng bahay noon ay nag-iwan sila ng personal card na naglalaman ng mga cellphone number nila. Kaya noong binigay sa akin ni nurse Dawn ‘yung cellphone niya ay tinawagan ko sila upang malaman nila na may cellphone na ulit ako. Bumili na lang si nurse Dawn ng bago kasi wala naman talaga sa isip kong magka-cellphone ulit.“Hindi ka pa ba papasok, Xyrica?” Tanong sa akin ni Spencer matapos pumasok nina Cyborg at Kris sa loob.I raised my hand so he would know I’m telling him to wait. Then I replied, “Sandali lang, Spencer. Sasagutin ko muna itong tawag… baka kasi importante e. Susunod na lang ako sa inyo sa loob kapag natapos ako. Ayos lang ba?”Tumango si Spencer, at iniwan ako sa labas ng bahay nila. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit dito sa labas… makakaya kong makipag-usap kay Aris ng ilang minuto. Hindi na ako nag-atubiling sagutin ang tawag
Xyrica’s POV:Nagawang tapusin nina Michiaki ang proyekto nang limang araw sa tulong nina miss Ludwig at ng mga kaibigan niya, pati na rin sa tulong ni tito Leo. Wala silang kinuhang eksperto para tumulong sa kanila kasi sila lang mismo ang nagtulungan sa isa’t isa.Si Van, bilang top one sa Gangster Academy, ay ipinakita niya ang kakayahan niya sa pag-imbento. Sa wakas at may pakinabang na rin ang talento niya laban kay dean Steinfeld. Noong huli kasing nagpakitang gilas siya ay nahuli kami ng mga tauhan ni dean Steinfeld. Kahit na nagtulungan silang lahat ay mas marami pa rin ang nagawa nila ni Alver. ‘Yung iba sa mga kasama nila ay naghihintay lang kapag may utos ang dalawa sa kanila.Dalawang Combat Angels ang nagbagong -anyo. Kung hindi dahil sa Akinomo Phoenix Gang at ni Cyborg… ay baka wala kaming Combat Angels na nagamit. Sila kasi ang gumawa ng paraan upang mailabas ang dalawang Combat Angels na hindi nalalaman ng mga tao. Hindi ko alam kung anong paraan ang ginawa nila, bast
Xyrica’s POV:Naabutan ko si Cyborg na nakatayo malapit sa bintana, at para bang may malalim na iniisip. Ilang beses ko siyang tinawag, pero napansin niya lang ako noong kinalabit ko na siya sa balikat. Kaagad naman siyang bumalik sa pagkaka-upo, at hinihintay akong magsalita.“Parang mas malalim pa yata ‘yung iniisip mo kaysa sa akin,” nagtatakang sabi ko sa kanya.“Pasensya ka na kung hindi ko kaagad narinig ‘yung unang beses na pagtawag mo sa akin, Xyrica. Kumusta nga pala ‘yung pakikipag-usap mo kay Allen? At maaari ko bang malaman kung ano ‘yung pinag-usapan ninyo?” Cyborg curiously asked.Natahimik ako ng ilang segundo kasi nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba kay Cyborg ang binabalak ko. Hindi pa naman kasi ako sigurado kung matutupad ba ‘yung plano ko at kung kailan. Marami-rami kasi ang mga bagay na dapat kong isaalang-alang bago iyon gawin.“How about we talk about something else? Something that would interest the both of us?” Sabi ko na lang sa kanya. Alam niya na