Share

Chapter 275

Xyrica’s POV:

Pinakiusapan ako ni Joy na kung maaari raw ba’y hindi na muna siya babalik sa Gangster Academy kasi may hinihintay pa raw siya. Hindi niya sinabi kung ano ‘yung hinihintay niya. Hindi na rin ako nagtanong kasi kaagad na lang akong pumayag para hindi siya makaramdam ng anumang pressure, at para hindi magbago ‘yung isip niya. Kinausap ko na rin si nurse Dawn tungkol dito, at wala naman itong problema sa kanya. Ang tangi naming ginawa habang hinihintay si Joy na bumalik sa academy ay nagmamasid kay dean Steinfeld noong bumalik siya.

Ilang araw na nawala si dean Steinfeld, at kahit ‘yung sekretarya niya ay hindi alam kung saan siya nagtungo o kung ano ang ginawa niya. Nakakapanibago rin si dean Steinfeld kasi simula noong bumalik siya sa Gangster Academy ay para siyang may iniiwasan. Okay lang sana kung ako lang ‘yung nakakapansin, pero pati rin ang Akinomo Phoenix Gang ay alam kung paano siya umasta. Ano kaya ang tinatago ni dean Steinfeld?

Simula noong bumalik si dean St
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status