Share

Chapter 280

Xyrica’s POV:

Hindi na kami kinausap ni Allen matapos akong pagsabihan ni miss Ludwig. Okay lang sa akin na tahimik kami kasi wala rin naman akong maisip na puwedeng sabihin kay Allen. Nabigla pa rin kasi ako na isa pala siya sa mga tauhan ni dean Steinfeld. Hindi ko akalaing muntikan ko ng sabihin sa kanya ang plano namin… paano na lang kung sinabi niya kay dean Steinfeld ang plano? Edi mawawasak kaagad ‘yung gusto kong mangyari kahit hindi pa kami nagsisimula.

Ilang minuto kaming nanahimik, hanggang sa pumasok ulit si dean Steinfeld sa silid. Nabigla naman siya sa nakikita niya… akala niya siguro ay magsisigawan kami ni Allen dahil sa nangyari. Pero hindi naman siya nagbigay ng kumento, at kinausap na lang si Allen.

“Ano ang ginawa mo sa kanila at natahimik sila? Alam mo bang kanina pa ako naiirita sa mga boses nila kaya kinailangan kong takpan ang mga bibig nila?” Natatawang sabi ni dean Steinfeld kahit wala naman talagang nakakatawa sa sinabi niya.

Gusto ko na lang tumayo sa kinau
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status