Share

Chapter 268

Xyrica’s POV:

Matapos sabihin sa amin ni Michiaki ang napaka-detelyadong plano ay namangha ang lahat, maliban sa amin ni Cyborg. Hindi ko alam kung ano ‘yung rason ni Cyborg, pero alam kong matalino si Michiaki pagdating sa ganitong bagay. May pagkapilyo kasi si Michiaki, isa rin sa rason kung bakit siya na sinuspinde noon. Hindi ko akalaing magagamit namin ‘yung pagkapilyo niya ngayon.

Maganda ‘yung planong naisip ni Michiaki, pero medyo delikado. Kailangan kasi naming pabalikin si Joy at si nurse Dawn sa Gangster Academy para gumana ‘yung gusto ni Michiaki. Dahil may mga mata na nakabantay kay dean Steinfeld sa loob ng academy sa tulong ni tito Leo, kailangan na lang namin ng mata na magbabantay sa kanya sa labas. Nangako naman ang mga magulang ni Michiaki na sila ang magbibigay sa amin kung ano ‘yung kulang sa plano.

Bago matapos ang pag-uusap tungkol sa plano ni Michiaki ay kinausap muna ni tito Leo sa Cyborg sa harap namin. “Cyborg, alam kong malaki ang utang na loob ko sa ‘yo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status