Home / All / The Little Black Demon / Chapter 241 - Chapter 250

All Chapters of The Little Black Demon: Chapter 241 - Chapter 250

309 Chapters

Chalter 241

Xyrica’s POV: Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni dean Steinfeld, pero base sa ekspresyon nilang dalawa ni Dexter ay parang alam ko na kung sino ang ibig nilang sabihin. Magpapanggap na lang ba akong walang alam o ibibigay ko sa kanila ang rason kung bakit ko tinulungan si Joy? “See? She can’t even deny everything. Tama nga ‘yung hinala ko,” Dexter snapped his hand as if he won a lottery ticket. “Ang ibig bang sabihin nito ay tapos na ako sa trabaho ko?” May pinagkasunduan ba sina Dexter at dean Steinfeld? Hindi naman siguro magtatanong si Dexter sa kanya kung wala, hindi ba? “Dexter, will you shut up for a minute? Kailangan kong makausap si miss Dela Vega ng maayos. Kasi kung hindi ka lang sana tanga sa trabaho mo— edi sana nakasama ko na si Joy ngayon,” naiinis na sabi ni dean Steinfeld at nagbabanta ang mga titig nito. Mukhang wala yata siya sa mood ngayon. Napailing ako sabay sabing, “Sa totoo lang ay hindi ko po alam kung ano ang sinasabi ninyong dala
last updateLast Updated : 2022-08-03
Read more

Chapter 242

Xyrica’s POV: Nakapagdesisyon sina Michiaki at Cyborg na ipaalam kina miss Ludwig, Spencer, at Joy ang tungkol sa pag-uusap namin ni dean Steinfeld. Wala naman akong magagawa kasi nagpumilit ang dalawa na humingi raw kami ng opinyon sa iba. Kaya pagkatapos ng paglilinis namin sa Kentia Building ay nakipagkita kaagad kami nina miss Ludwig at Spencer. Sasakyan ni Cyborg ‘yung ginamit namin— kung sakali kasing may susunod man sa amin ay hindi makakapag-isip na sa bahay kami nina Spencer pupunta. Huminto rin kami sa iba pang lugar habang binabantayan ang mga sasakyan na posibleng nakasunod sa amin. Pagdating naman namin sa bahay nina Spencer ay sinalubong kami ni Joy. Hindi niya nga akalaing makikita niya si Michiaki ngayon e, at masaya ito. Ang nakakalungkot nga lang ay mapapawi ko rin ‘yung ngiti niya— sa oras na malaman niya ‘yung rason ng ipinunta namin dito. Pati sina miss Ludwig at Spencer ay walang alam kung bakit namin naisipang makipagkita kay Joy. Mas mabuti na ‘yung magkasama
last updateLast Updated : 2022-08-04
Read more

Chapter 243

Xyrica’s POV: Bumalik kami nina Michiaki at Cyborg kagabi sa Gangster Academy na wala man lang kahit ni-isang plano na nagawa. Wala naman kasing nakakaalam kung saan dinala ni dean Steinfeld si nurse Dawn— at hindi naman kami pumapayag na basta-basta na lang ibigay si Joy sa kanya. Dahil wala namang petsa na sinabi si dean Steinfeld ay may panahon pa ako para makaisip ng plano. Kailangan ko lang talaga matawagan si nurse Dawn, pero mukhang malabo itong mangyari. “Have you guys tried calling nurse Dawn again?” Tanong ko kina Michiaki at Cyborg pagkatapos ng klase. “Nasubukan ko na kagabi pagkatapos nating umuwi galing sa bahay ni King. Pero gaya ng dati ay wala pa ring sumasagot sa cellphone niya,” napabuntong-hiningang sagot ni Michiaki. Tinignan naman namin si Cyborg upang marinig ‘yung sagot niya, pero kinuha lang nito ang cellphone tapos sinubukang tawagan si nurse Dawn. Ilang segundo lang ay binaba niya na rin ang tawag sabay sabing, “Gaya pa rin ng dati. Parang naka-turn on ul
last updateLast Updated : 2022-08-05
Read more

Chapter 244

Xyrica’s POV: Isang araw pa ang dumaan at hindi na ulit nagtangka si dean Steinfeld na kausapin ako. Hindi niya ako pinatawag sa opisina niya, at saka wala rin namang sumusunod sa akin habang nasa Academy ako. Alam kong hindi niya pa rin nakakalimutan ‘yung napag-usapan namin, pero hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kanya na dumistansya sa akin. Okay na okay ang ganitong sitwasyon kasi nabibigyan ako ng panahon upang makapag-isip ng maayos. Natapos na nga pala ‘yung punishment namin, at bumalik ulit kami sa dati naming gawain ni Cyborg. Tapos sa Akinomo Phoenix Gang naman, tanging si Michiaki lang ang kinakausap ko sa ngayon. Hindi naman sa galit ako sa kanila, pero kinailangan ko lang talagang umiwas. Si Michiaki na ang hinayaan kong magpaliwanag sa iba pang miyembro ng Akinomo Phoenix Gang para hindi nila masasamain ‘yung ginagawa ko. Ayaw ko ring maisip ng mga kaibigan ko na may isa akong paborito sa kanila— kahit wala naman talaga. Maiintindihan naman siguro nila sa oras na s
last updateLast Updated : 2022-08-07
Read more

Chapter 245

Xyrica’s POV:Pinapasok kami sa loob ng bahay nitong lalaking napagkamalan kong si dean Steinfeld. Kahit maamo ang mukha nito ay hinayaan kong si Cyborg muna ang unang pumasok. Kung sakali kasing may mangyari ay makakatakbo kaagad ako sa labas, at makakahingi ng tulong sa mga kapit-bahay.“Sa tingin ko ay hindi mo pa rin nababanggit sa kanya ang tungkol sa akin,” natatawang sabi ng lalaki kay Cyborg, at pinaupo niya kami sa couch.Umiling naman si Cyborg sabay sabing, “Hindi pa po. Sa katunayan nga po ay gusto niyang malaman kung sino ‘yung taong kakausapin namin ngayon e. Gustuhin ko mang sabihin sa kanya ay hindi ko magawa. Baka kasi may tanong siya na hindi ko masagot— at baka ito rin ang maging dahilan kung bakit hindi siya pumayag na makipagkita sa ‘yo.”Tinignan ko ng masama si Cyborg. At ‘yung mga titig ko ay parang nagsasabing— ‘Bakit ninyo ako pinag-uusapan? Alam naman siguro ninyong kasama lang ninyo ako, hindi ba? Invisible ba ako sa paningin ninyo?’ Sana pala ay hindi na la
last updateLast Updated : 2022-08-08
Read more

Chapter 246

Xyrica’s POV: Biglang kumalma ang ekspresyon ni tito Leo, at binigay kay Cyborg ‘yung cellphone na hawak niya. Pagkatapos ay wala na siyang sinabi tungkol sa litrato kasi sinadya niyang baguhin ang paksa. Nag-offer din siya ng maiinom. Iniwan niya kami ni Cyborg habang hinahanda niya ‘yung refreshments na ibibigay sa amin, sa kusina niya. “Kilala niya ba si Joy?” Pabulong na tanong ko kay Cyborg. Pansin ko kasing matatagalan pa siya sa paghahanda. Ayaw ko namang pag-usapan ito sa harap niya. Napakibit-balikat lang si Cyborg sabay sabing, “Napansin kong nabigla siya, pero wala naman siyang sinabing kilala niya si Joy. Sa totoo lang ay hindi ko alam, Xyrica. Kahit medyo close kami niyang si dean Steinfeld ay hindi ko alam kung ano ‘yung iniisip niya e. Depende na lang kung susubukan nating magtanong tungkol dito.” “Ikaw na ang magtanong sa kanya, Cyborg. Hindi ba’t ikaw naman ang nagsabi na mas close kayong dalawa?” Nakangiting sabi ko rito. Tapos tinitigan siya na para bang sinasabi
last updateLast Updated : 2022-08-09
Read more

Chapter 247

Xyrica’s POV:Sa dami ng napag-usapan namin nina tito Leo at Cyborg ay hindi na namin napansin ang mga oras na lumipas. At kung hindi lang siguro tinignan ni Cyborg ‘yung cellphone niya ay baka nagpatuloy pa rin kami sa pag-uusap ngayon. Kulang na kulang kasi ang tatlong oras para malaman ang lahat ng impormasyon na alam ni tito Leo.Kahit gustuhin ko mang marinig ang lahat ng sasabihin ni tito Leo ay kinailangan naming bumalik sa Gangster Academy. Ayaw ko kasing ma-interrogate kami ni Cyborg— dahil lang natagalan kami sa pagbalik. Gusto nga sana ni tito Leo na sa bahay niya na lang kami matulog kaso pareho naming tinanggihan ni Cyborg ang alok. Hindi naman nagpumilit si tito Leo, at pinagsabihan na lang si Cyborg na tawagan siya sa oras na makabalik kami sa Gangster Academy.“Xyrica, okay lang na matulog ka kung inaantok ka na. Gigisingin na lang kita kapag nakarating tayo sa Gangster Academy,” sabi sa akin ni Cyborg pagpasok namin sa kotse niya.Ngumiti lang ako sa kanya sabay sabing
last updateLast Updated : 2022-08-10
Read more

Chapter 248

Dean Leo Steinfeld’s POV:“Hindi ko akalain na makikita kita rito,” ito ang sabi sa akin ni Lucas pagkatapos niyang umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.Nasa Japan kasi kami ngayon dahil sa isang conference. Kailangan kasi may isang tao na magrerepresenta sa bawat Academy sa buong bansa. Sa katunayan ay hindi naman sana ako ‘yung dadalo rito, kaso nagbago ‘yung isip ko pagkatapos naming mag-usap nina Cyborg at Xyrica. Alam ko kasing hindi magpapahuli sa ganitong event si Lucas kaya kinailangan kong magpakita sa kanya— kasi kailangan ko siyang tanungin tungkol sa anak niya.Bago ako umalis ay nagpaalam ako kay Cyborg, at binigyan ko siya ng heads up na tatlong araw rin na mawawala si Lucas sa Gangster Academy. Sana ay sapat na ang tatlong araw para mahanap nila si Dawn, bago pa man mahuli ang lahat. Sa ngayon kasi ay ito muna ‘yung matutulong ko kay Xyrica lalo na’t hawak ni Lucas ang Gang-Ku-Fia Academy sa mga palad niya.Tumikhim ako at saka nagsalita, “Binabawi ko na ‘yung sinab
last updateLast Updated : 2022-08-11
Read more

Chapter 249

Xyrica’s POV:Matapos kong kausapin si Joy ay malinaw sa akin ‘yung plano niya. Ayaw niya na talagang bumalik kay dean Steinfeld— dahil siguro wala siyang tiwala rito. May plano naman daw siya para tulungan akong mailigtas si nurse Dawn, pero kailangan niya lang daw ng kaunting panahon. Tinanong ko siya kung ano ‘yung plano niya kaso hindi niya sinabi sa akin kung ano iyon. Mas mabuti na raw kung wala akong alam para tigilan na rin ako ni dean Steinfeld.Hindi ko naman pinilit si Joy na sabihin sa akin ‘yung plano niya kasi may tiwala ako sa kanya. Pareho kami ng kaaway kaya alam kong gumagawa rin siya ng paraan upang mapatumba ‘yung dad niya. Kailangan lang talaga naming makawala kay dean Steinfeld at sa mga koneksyon nito sa loob at labas ng Gangster Academy.Bago kami bumalik nina Cyborg at Michiaki sa Academy ay binalaan ko na si Joy… na tatlong araw lang mawawala si dean Steinfeld dahil sumali ito sa isang conference sa ibang bansa. Sinabihan ko na rin siya na dapat bago bumalik s
last updateLast Updated : 2022-08-13
Read more

Chapter 250

Xyrica’s POV: “Holy shi— did you kill him?” Gulat na tanong ni nurse Samson noong nakita niyang nakahandusay si Dexter sa sahig. Umiling ako sabay sabing, “Relax, pinatulog lang naman siya ni Cyborg. Magigising din siya mamaya.” Ilang oras ang hinintay ni Dexter dito sa Clinic para lang mapuntahan ako ni Cyborg. Ang bilin kasi ni nurse Samson ay huwag niya muna akong iwan— hindi niya naman ito masaway kasi hindi rin umaalis si nurse Samson sa tabi ko. Pagkatapos makarating ni Cyborg dito sa Clinic ay kaagad kaming iniwan ni nurse Samson. Kumuha kasi siya ng bandage na ipapabaon sana sa akin— ito ay kung sakaling gusto kong palitan ang bandage na ako lang mag-isa. Kaagad namang nagpaalam si Dexter sa amin, hindi niya man lang ipinaliwanag kay Cyborg ang nangyari. Gusto niya lang talagang makaalis kasi ito naman ang napag-usapan namin. Mabuti na lang at namukhaan siya ni Cyborg, dahil na rin sa tulong ko. Hindi rin nagawang manlaban ni Dexter kasi tinamaan kaagad ni Cyborg ang parte
last updateLast Updated : 2022-08-14
Read more
PREV
1
...
2324252627
...
31
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status