Share

Chapter 247

Xyrica’s POV:

Sa dami ng napag-usapan namin nina tito Leo at Cyborg ay hindi na namin napansin ang mga oras na lumipas. At kung hindi lang siguro tinignan ni Cyborg ‘yung cellphone niya ay baka nagpatuloy pa rin kami sa pag-uusap ngayon. Kulang na kulang kasi ang tatlong oras para malaman ang lahat ng impormasyon na alam ni tito Leo.

Kahit gustuhin ko mang marinig ang lahat ng sasabihin ni tito Leo ay kinailangan naming bumalik sa Gangster Academy. Ayaw ko kasing ma-interrogate kami ni Cyborg— dahil lang natagalan kami sa pagbalik. Gusto nga sana ni tito Leo na sa bahay niya na lang kami matulog kaso pareho naming tinanggihan ni Cyborg ang alok. Hindi naman nagpumilit si tito Leo, at pinagsabihan na lang si Cyborg na tawagan siya sa oras na makabalik kami sa Gangster Academy.

“Xyrica, okay lang na matulog ka kung inaantok ka na. Gigisingin na lang kita kapag nakarating tayo sa Gangster Academy,” sabi sa akin ni Cyborg pagpasok namin sa kotse niya.

Ngumiti lang ako sa kanya sabay sabing
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status