Share

Chapter 246

Xyrica’s POV:

Biglang kumalma ang ekspresyon ni tito Leo, at binigay kay Cyborg ‘yung cellphone na hawak niya. Pagkatapos ay wala na siyang sinabi tungkol sa litrato kasi sinadya niyang baguhin ang paksa. Nag-offer din siya ng maiinom. Iniwan niya kami ni Cyborg habang hinahanda niya ‘yung refreshments na ibibigay sa amin, sa kusina niya.

“Kilala niya ba si Joy?” Pabulong na tanong ko kay Cyborg. Pansin ko kasing matatagalan pa siya sa paghahanda. Ayaw ko namang pag-usapan ito sa harap niya.

Napakibit-balikat lang si Cyborg sabay sabing, “Napansin kong nabigla siya, pero wala naman siyang sinabing kilala niya si Joy. Sa totoo lang ay hindi ko alam, Xyrica. Kahit medyo close kami niyang si dean Steinfeld ay hindi ko alam kung ano ‘yung iniisip niya e. Depende na lang kung susubukan nating magtanong tungkol dito.”

“Ikaw na ang magtanong sa kanya, Cyborg. Hindi ba’t ikaw naman ang nagsabi na mas close kayong dalawa?” Nakangiting sabi ko rito. Tapos tinitigan siya na para bang sinasabi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status