Home / Romance / Beyond The Lines / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Beyond The Lines: Chapter 71 - Chapter 80

272 Chapters

Kabanata 70

Mabigat ang loob na pumasok ako sa gallery. Hanggang sa labas lang ako nagpahatid kay Russel dahil ayaw kong makadagdag pa sa hahabulin niyang oras. Marami raw siyang aasikasuhin ngayon. Hindi na namin muling napag-usapan ang tungkol doon pero ni isang segundo'y 'di nawala sa isip ko.Nasasaktan ako at wala akong karapatang magreklamo. Kung mayroon man, wala pa rin naman akong laban. Bakit kailangang siya pa ang pumasan sa problema ng mga Lewisham? Bakit palaging siya? Mula sa pekeng engagement, pag-aalaga kay Denise, hanggang ngayon... sa anak nito. Isang napakalaking insulto sa akin ito. Ni hindi man lang inisip ng Senior ang magiging opinyon ko hinggil dito. Kung sabagay, noon pa man ay mainit na ang dugo niya sa akin. Ngayon pa kayang opisyal na kaming magkasintahan ng apo niya?Kagabi, panay ang paghingi ng tawad ni Russel kalakip ng mga pangakong aayusin niya ito sa lalong madaling panahon. Ngunit ang kapalit no'n ay ang pagbalik niya sa mansion. Oo, babalik na s
Read more

Kabanata 71

Litong-lito ako sa kung anong unang gagawin. Lalapitan ko ba siya o tatanungin ko muna? Hindi ako makapaniwalang si Russel nga itong nakikita ko. I never thought he can drive a motorbike!Pakiramdam ko'y mukha na akong katawa-tawa dahil ang tagal kong nakatunganga.“Come here...” namamaos niyang sabi.Bahagyang kumikirot ang puso ko sa sandaling ito dahil sa pangungulila. Hindi ko gustong maramdaman na unti-unti na naman siyang inilalayo sa akin. Ganito rin kasi noon, nagsimula sa ilang araw na wala kaming komunikasyon hanggang sa naging taon.Lumapit pa rin ako sa kaniya sa kabila ng halo-halong nararamdaman.“Ikaw pala yung dumaan?”“Yeah.”My brows furrowed. “Bakit gano'n? Ang bilis mong magpatakbo! Paano kung madisgrasya ka?” hindi ko na napigilang sermonan siya.He sighed. “I'm sorry. May hinahabol kasi ako.”“Sino namang hinahabol mo at kailangang ga
Read more

Kabanata 72

Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ang init ng araw sa mukha ko. The windows are wide opened so the sunlight is freely kissing my skin. Ang cellphone ko kaagad ang una kong hinanap pagkabangon ko.Napahilamos ako nang makitang alas siyete na nang umaga. Dali-dali kong inayos ang higaan. Nagulat ako nang halos sabay lang kaming lumabas ng kuwarto ni Olive. Nagkatinginan kami at parehong natawa.“Buti na lang at Biyernes ngayon, wala akong gagawin!” bulalas niya habang humihikab pa. “Napuyat ako, sobra. Buti na lang hindi nagtaka si Mama!”Kinusot-kusot ko ang mga mata ko habang magkasunod kaming nagtungo sa kusina.“Uh... ako rin nga. Hindi ko namalayang nakatulog ulit ako. Wala rin akong pasok ngayon sa shop. Sa gallery lang ako pupunta pero saglit lang ako doon,” anas ko sa namamaos pang boses. Sinimulan ko nang maghilamos.“Oh, so it's both our free day! Gala tayo?” yaya niya.Ngumisi
Read more

Kabanata 73

Hindi mawala-wala ang tingin sa akin ni Russel nang lumabas ako ng kuwarto. Nawalang parang bula ang kanina'y inip niyang paghihintay, na ayon kay Nanay ay halos gusto na akong pasukin kanina.Pansin ko ang paglunok niya habang ang mga mata'y patuloy sa paggalugad sa aking kabuuan. Suot ko na ngayon ang dress na binili ko kahapon na si Olive ang pumili. Siya rin ang nag-ayos sa akin kaya pakiramdam ko'y dumoble ang confidence ko. Kaya pala itim ang gusto niyang bilhin ko'y dahil itim din ang ipahihiram niyang slingback. Ang mahaba kong buhok ay nakapormang waterfall braid kaya nagmukha akong prinsesa.Malapad ang ngiti ni Nanay nang iabot sa akin ang purse. “Gumandang lalo, naku... mukhang magkakaroon ka ng kaagaw riyan, Russel,” biro niya sabay hagikhik.Nagkatinginan kami ni Russel. Umangat ang sulok ng kaniyang labi kalakip ng pagsisid ng kaniyang mga mata sa akin. Nakalulunod ang paraan niya ng pagsulyap. Naroon ang admirasyon, pagkamangha, at pa
Read more

Kabanata 74

Nadagdagan ang pagkailang nina Karris dahil sa sinabi ni Glen. Pabulong iyon ngunit rinig pa rin nila. Glen doesn't seem to care though. Niyaya niya akong maglibot kalaunan. Pinaunlakan ko kaagad dahil gusto ko rin siyang makausap nang masinsinan. Nadaanan namin ang ilang seniors sa isang table. May mga tumawag sa akin kaya napatigil pa ako roon. “Good evening, Miss Martinez,” maaliwalas ang mukhang bati sa akin ng isa. They are seniors reason why I felt nervous. Sila yung mga batikan na sa larangang ito. Noon pa man, nangangarap na akong makatagpo ng mahusay na pintor. Nakagagalak na naririto silang lahat sa harap ko ngayon. Isa-isa ko silang kinamayan. Wala nang bakanteng upuan kaya hindi ko na kinailangang umupo. “I've seen some of your paintings, hija. You're so great! No wonder, the Britain's school management awarded you the big titles of the year!” ani ng nagpakilalang si Mr. Alejandro. “Thank you so much po sa inyo. It's such a
Read more

Kabanata 75

[Disclaimer: Sensitive content]Hindi ako magkandaugaga sa init na nararamdaman. Mabilis akong nilamon ng pantasya na tila ba isang panaginip ang tagpong ito. Mahigpit akong nakakapit sa magkabilang braso ni Russel upang mapanatili ang aking balanse. Nakapanghihina ang idinudulot ng halik niya sa akin at ang bawat pagdampi'y magkakaiba. Mayroong mariin, mabagal, mabilis, malalim, at mas mapusok.Ang kamay niya'y malayang naglalakbay sa aking katawan, mula sa likod, sa baywang, patungo sa mga sensitibong parte. Kumalas ako sa pagpapalitan namin ng halik upang mapakawalan ang impit na daing.“S-sabi ko naman sa 'yo, ayos lang ako...” hirap kong sabi.“I'm not satisfied, baby...” aniya sa mapaglarong boses habang ang dila'y lumalapat sa aking balat.Napapikit ako nang maglaro ang daliri niya sa gitna ng mga hita ko. Tuluyan na akong napahiga sa kama dahil sa kawalan ng lakas.Naghahalo ang amoy ng alak at ang paban
Read more

Kabanata 76

Ibinigay ko kay Nanay ang ibinayad ni Luke sa akin kinaumagahan. Bigla kasi siyang sumulpot sa condo ni Russel, mabuti na lang at nakagayak na kami pareho. Minuto na lang kung tutuusin ang bibilangin sa pag-alis. Tumanggi siya sa free delivery at siya na raw mismo ang magdadala noon kaya hinayaan ko na lang.“Marami-rami na akong naipon sa mga bigay mo, Alliyah,” si Nanay matapos ilagay sa alkansiya ang lilibuhing pera.“Masyado ka naman po kasing nagtitipid, 'nay. Ayaw niyo ba mag-parlor ni Tiya Marga?”Natawa siya. “Matatanda na kami para riyan!”“Wala namang age limit ang pagpapaganda, Inay,” katwiran ko.“Ay naku! Basta ako, hindi ako interesado. Maganda pa naman ang buhok ko, oh!” Iniladlad niya ang nakapusod niyang buhok. Natural naman ngang maganda iyon dahil maalaga si Nanay sa sarili kahit pa tumatanda na.“Eh, kung mag-shopping na lang kayo ni Tiya Marga?” suhe
Read more

Kabanata 77

Ang lahat ng mga salitang binitawan ni Alodia ay nanatili sa utak ko. All those revelations stayed up that caused me sleepless nights and stressful days. Hindi ko magawang buksan kay Russel dahil natatakot ako sa kumpirmasyon niya. Dahil kahit alam kong mayroon siyang sariling desisyon, hindi niya maaaring suwayin at kalabanin ang mga Lewisham. Nasasaktan ako pero hindi ko kayang magdulot siya ng malaking gulo dahil lang sa akin. Gayunpaman, natatakot akong marinig ang posibilidad kapag kinumpirma niyang wala na rin siyang magagawa.Sinubukang makibalita ni Eiser sa naging pagkikita namin ni Alodia nang mapansin niya ang namumugto kong mga mata. I can feel his concern but I chose not to tell anyone about my problem. Kung mayroon man akong dapat pagsabihan, unang-una ay si Russel iyon. It hurts me more to feel so weak because until now, I can't tell Russel about that. It's just that... I am afraid I might hurt him if he see me in this vulnerable state.Ang pinakaayaw ko
Read more

Kabanata 78

Sa pandinig ko'y walang kasiguraduhan ang bawat salitang binibigkas ni Alodia sa kadahilanang wala akong tiwala sa kaniya kahit pa nagmagandang-loob siyang sabihin sa akin ang plano ng mga Lewisham. Akala ko'y una at huling pagkikita na namin iyon ngunit muli siyang nagpunta sa gallery para lang abisuhan ako.Sa parehong lugar kung saan kami nagkita, nagtungo ako sa Fermenteas sa pangalawang pagkakataon. At gaya ng una, siya pa rin ang bukod tanging kakaiba sa mga taong nadatnan ko.“I'm glad you came. Do you trust me now?”Naninibago pa rin ako sa presensiya niya. Kung kailan ako masasanay ay hindi ko alam. Ayaw ko na ring dumating sa ganoong punto.Naupo ulit kami pandalawahang mesa.Tuwid akong umupo't inihanda ang sarili sa mga bagong maririnig. “What is it this time?”Siya naman ay mukhang walang iniindang kahit anong problema. Gusto kong mainggit sa kung paano niya nagagawang ngumiti nang maaliwalas gayong amina
Read more

Kabanata 79

Lutang akong umuwi ng bahay. Naputol ang usapan namin ng Senior nang tawagin siya sa production. Inalok akong ihahatid ni Alodia subalit tinanggihan ko na. Tama na iyong isa, sobra na kung madadagdagan pa. We're not even friends.Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Nanghihina akong napaupo sa higaan. As usual, walang tao rito sa bahay. Ang lahat ay nasa farm at mamayang padilim pa ang uwi. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon. Naligo muli ako't nagbihis ng pormal na damit.Makailang-beses akong nagbuntong-hininga bago buksan ang art workshop kahit walang session ngayon. I don't know... I just feel like being alone. Mas mapag-iisipan ko nang mabuti ang mga bagay na dapat kong gawin kung mag-isa ako. Hindi na ako nag-abalang buksan ang opisina. Sapat na rito.Para akong lumulutang kahit kauupo ko lang sa puwesto ko. Kitang-kita ko pagkakaayos at pagkakahilera ng mga upuan at maliliit na mesa. Kumalat ang paningin ko sa buong silid at inisa-isang tingnan ang
Read more
PREV
1
...
678910
...
28
DMCA.com Protection Status