Share

Kabanata 73

Hindi mawala-wala ang tingin sa akin ni Russel nang lumabas ako ng kuwarto. Nawalang parang bula ang kanina'y inip niyang paghihintay, na ayon kay Nanay ay halos gusto na akong pasukin kanina.

Pansin ko ang paglunok niya habang ang mga mata'y patuloy sa paggalugad sa aking kabuuan. Suot ko na ngayon ang dress na binili ko kahapon na si Olive ang pumili. Siya rin ang nag-ayos sa akin kaya pakiramdam ko'y dumoble ang confidence ko. Kaya pala itim ang gusto niyang bilhin ko'y dahil itim din ang ipahihiram niyang slingback. Ang mahaba kong buhok ay nakapormang waterfall braid kaya nagmukha akong prinsesa.

Malapad ang ngiti ni Nanay nang iabot sa akin ang purse. “Gumandang lalo, naku... mukhang magkakaroon ka ng kaagaw riyan, Russel,” biro niya sabay hagikhik.

Nagkatinginan kami ni Russel. Umangat ang sulok ng kaniyang labi kalakip ng pagsisid ng kaniyang mga mata sa akin. Nakalulunod ang paraan niya ng pagsulyap. Naroon ang admirasyon, pagkamangha, at pa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status