[Disclaimer: Sensitive content]
Hindi ako magkandaugaga sa init na nararamdaman. Mabilis akong nilamon ng pantasya na tila ba isang panaginip ang tagpong ito. Mahigpit akong nakakapit sa magkabilang braso ni Russel upang mapanatili ang aking balanse. Nakapanghihina ang idinudulot ng halik niya sa akin at ang bawat pagdampi'y magkakaiba. Mayroong mariin, mabagal, mabilis, malalim, at mas mapusok.Ang kamay niya'y malayang naglalakbay sa aking katawan, mula sa likod, sa baywang, patungo sa mga sensitibong parte. Kumalas ako sa pagpapalitan namin ng halik upang mapakawalan ang impit na daing.
“S-sabi ko naman sa 'yo, ayos lang ako...” hirap kong sabi.
“I'm not satisfied, baby...” aniya sa mapaglarong boses habang ang dila'y lumalapat sa aking balat.
Napapikit ako nang maglaro ang daliri niya sa gitna ng mga hita ko. Tuluyan na akong napahiga sa kama dahil sa kawalan ng lakas.
Naghahalo ang amoy ng alak at ang paban
Ibinigay ko kay Nanay ang ibinayad ni Luke sa akin kinaumagahan. Bigla kasi siyang sumulpot sa condo ni Russel, mabuti na lang at nakagayak na kami pareho. Minuto na lang kung tutuusin ang bibilangin sa pag-alis. Tumanggi siya sa free delivery at siya na raw mismo ang magdadala noon kaya hinayaan ko na lang.“Marami-rami na akong naipon sa mga bigay mo, Alliyah,” si Nanay matapos ilagay sa alkansiya ang lilibuhing pera.“Masyado ka naman po kasing nagtitipid, 'nay. Ayaw niyo ba mag-parlor ni Tiya Marga?”Natawa siya. “Matatanda na kami para riyan!”“Wala namang age limit ang pagpapaganda, Inay,” katwiran ko.“Ay naku! Basta ako, hindi ako interesado. Maganda pa naman ang buhok ko, oh!” Iniladlad niya ang nakapusod niyang buhok. Natural naman ngang maganda iyon dahil maalaga si Nanay sa sarili kahit pa tumatanda na.“Eh, kung mag-shopping na lang kayo ni Tiya Marga?” suhe
Ang lahat ng mga salitang binitawan ni Alodia ay nanatili sa utak ko. All those revelations stayed up that caused me sleepless nights and stressful days. Hindi ko magawang buksan kay Russel dahil natatakot ako sa kumpirmasyon niya. Dahil kahit alam kong mayroon siyang sariling desisyon, hindi niya maaaring suwayin at kalabanin ang mga Lewisham. Nasasaktan ako pero hindi ko kayang magdulot siya ng malaking gulo dahil lang sa akin. Gayunpaman, natatakot akong marinig ang posibilidad kapag kinumpirma niyang wala na rin siyang magagawa.Sinubukang makibalita ni Eiser sa naging pagkikita namin ni Alodia nang mapansin niya ang namumugto kong mga mata. I can feel his concern but I chose not to tell anyone about my problem. Kung mayroon man akong dapat pagsabihan, unang-una ay si Russel iyon. It hurts me more to feel so weak because until now, I can't tell Russel about that. It's just that... I am afraid I might hurt him if he see me in this vulnerable state.Ang pinakaayaw ko
Sa pandinig ko'y walang kasiguraduhan ang bawat salitang binibigkas ni Alodia sa kadahilanang wala akong tiwala sa kaniya kahit pa nagmagandang-loob siyang sabihin sa akin ang plano ng mga Lewisham. Akala ko'y una at huling pagkikita na namin iyon ngunit muli siyang nagpunta sa gallery para lang abisuhan ako.Sa parehong lugar kung saan kami nagkita, nagtungo ako sa Fermenteas sa pangalawang pagkakataon. At gaya ng una, siya pa rin ang bukod tanging kakaiba sa mga taong nadatnan ko.“I'm glad you came. Do you trust me now?”Naninibago pa rin ako sa presensiya niya. Kung kailan ako masasanay ay hindi ko alam. Ayaw ko na ring dumating sa ganoong punto.Naupo ulit kami pandalawahang mesa.Tuwid akong umupo't inihanda ang sarili sa mga bagong maririnig. “What is it this time?”Siya naman ay mukhang walang iniindang kahit anong problema. Gusto kong mainggit sa kung paano niya nagagawang ngumiti nang maaliwalas gayong amina
Lutang akong umuwi ng bahay. Naputol ang usapan namin ng Senior nang tawagin siya sa production. Inalok akong ihahatid ni Alodia subalit tinanggihan ko na. Tama na iyong isa, sobra na kung madadagdagan pa. We're not even friends.Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Nanghihina akong napaupo sa higaan. As usual, walang tao rito sa bahay. Ang lahat ay nasa farm at mamayang padilim pa ang uwi. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon. Naligo muli ako't nagbihis ng pormal na damit.Makailang-beses akong nagbuntong-hininga bago buksan ang art workshop kahit walang session ngayon. I don't know... I just feel like being alone. Mas mapag-iisipan ko nang mabuti ang mga bagay na dapat kong gawin kung mag-isa ako. Hindi na ako nag-abalang buksan ang opisina. Sapat na rito.Para akong lumulutang kahit kauupo ko lang sa puwesto ko. Kitang-kita ko pagkakaayos at pagkakahilera ng mga upuan at maliliit na mesa. Kumalat ang paningin ko sa buong silid at inisa-isang tingnan ang
Makailang-ulit kong ikinurap-kurap ang mga mata ko upang ayusin ang nanlalabong paningin. Ang puting kisame ang bumungad sa akin. Latang-lata akong bumangon.Napagtanto kong mag-isa lang akong narito sa silid. Nanuot sa ilong ko ang pamilyar na amoy ng hospital ngunit taliwas naman sa hitsura nito. Mukha itong personalized clinic.I checked myself, too, at nakita kong nakabihis na ako. Ang huli kong natatandaan ay nagising akong walang saplot habang may isang lalaking nasa tabi ko na wala ring kasuot-suot.Malalim akong napasinghap nang maalala ang iba pang detalye. Nagtungo ako sa V.B Tower kasama si Ivan! Nahimatay ako roon at iyon ang sumunod na nangyari! Ibig sabihin... si Ivan iyong katabi ko! At ang mga dumating ay sina Alodia at Russel.Si Russel... Naabutan niya akong ganoon!Para akong lumutang sa ere sa pagkakabigla. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng silid na iyon.Napatigil ako nang makita silang dalawa. Nakaupo si Russel sa hi
Ang dami kong gustong gawin. Gusto kong personal na makausap si Ivan at alamin kung totoo ngang may nangyari sa amin pero ayaw ko namang mas masaktan pa si Russel. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya hanggang sa mapagod ako... Hanggang sa wala na akong mailabas na boses. Palagay ko'y iyon lang ang makababawas sa sakit na nararamdaman ko. Ni hindi ko pa rin lubusang mapaniwalaan ang mga nangyari kahit nakalipas na ang dalawang araw. Sa mga nagdaang oras, wala akong ibang ginawa kundi indahin ang lahat. Sa Art Gallery hanggang sa Art Workshop, nakakaya kong magkunwaring ayos lang.I'm trying hard to work in the shop. Kahit pa ang utak ko'y tinatangay ng imahe ni Russel. Iyong pag-aalala niya sa akin noong maabutan niya ako sa tabi ni Ivan, iyong huli naming pag-uusap kung kailan siya nagdesisyong lalayo muna sa akin. Lahat ng naging reaksyon niya: galit, sakit, pagtatampo... Lahat ng iyon ay malinaw na malinaw pang nakatatak sa isip ko.Matapos ang lahat ng iyon, hindi
“P-puwede ba tayong mag-usap?” Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi mapaiyak. “No. Nagmamadali ako.” “M-may itatanong lang ako.” Please, Russel. Let me speak. This hurts so much! Nagbuntong-hininga siya sa paraang tila nauubusan ng pasensiya. Walang pasabing tinalikuran niya ako at iniwang bukas ang pinto. Sinundan ko siya sa sala. Naantala ko nga yata ang pagbibihis niya dahil nakakalat pa sa couch ang mga susuotin niya. “S-saan ang punta mo?” Sa kabila ng kaba ay naitanong ko pa rin. Kahit pa alam kong hindi na dapat ako nagtatanong. Nang wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya, sinampal ako ng katotohanan. Right. I don't have the right to ask. “Get straight to the point,” inip niyang sabi. Nakagat ko ang labi ko. Nanatili akong nakatayo ngunit malayo sa kaniya. Natatakot akong lumapit. Natatakot akong muling masaksihan ang pagkadisgusto niya sa akin. “N-nabalitaan ko lang na kayo na raw
“Saan ka naman pupunta?” Kanina pa pabalik-balik si Arcel sa sala at sa bakuran ng bahay dahil sa akin. Nagulat nga ako nang maabutan siyang nariyan na bago pa ako makapag-text sa kaniya. Isinilid ko lahat ng kakailanganin sa travel bag. Agad niyang kinuha iyon mula sa akin nang lumabas ako. “Kaya ko naman,” giit ko. He looked at me with a hint of pity in his eyes. Tinaasan ko siya ng kilay pero balewalang inilagay niya iyon sa kotse. Kotse. Nalaglag ang panga ko nang mapagtanto iyon ngayon lang. Pinangunutan ko siya ng noo nang balikan niya ako at kunin ang easel na nakasandal sa pader. “Sa 'yo iyan?” tukoy ko sa itim na sedan. “For the meantime,” aniya. Sumunod ako sa kaniya patungo roon. “What for?” “Sa tingin mo ba, papayag ang boyfriend mo na sunduin at ihatid kita araw-araw gamit ang motorsiklo ko? Pinahiram niya ako niyan.” Napaatras ako. “Anong sabi mo?” “Oops! Bawal tumanggi, All