Home / Mystery/Thriller / Chasing that Light / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Chasing that Light: Chapter 11 - Chapter 20

34 Chapters

Chapter 10

Sheiha Fajardo's POVPalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang taong kaharap na napakahalatang nag-iiwasan pero pilit na tinitingnan ng palihim ang isa't isa. Kumagat ako sa hawak na mansanas habang pinabaling-baling ang ulo. Ang isa ay nakahalukipkip habang nakasandal sa sofa. Ang isa naman ay nakatukod ang siko sa sandalan at doon nangalumbaba habang nagbibilang 'kuno' ng tupa sa kesame. 'Anong nakain ng mga 'to?'  Napangiwi ako nang pilit sinisilip ng binatang nakapangalumbaba ang dalagang hindi maipinta ang mukhang nakahalukipkip na nakasandal sa sofa. Tsk, tsk, tsk... Dahan-dahan akong tumayo para iwan sila, "Aalis...muna...ako...kasi–" "Dito ka lang!" Na agad ding napabalik sa inuupuan dahil sa galit na ekspresiyon ni Brimme. "Sabi ko nga, hindi ako aalis. Saka hindi ko pa tapos kainin itong appl
last updateLast Updated : 2021-11-05
Read more

Chapter 11

Sheiha Fajardo's POVDinampot ko kung ano lang ang mahawakan ng mga kamay tapos tulak na ulit sa cart. Naiinis ako. Nababanas ako. Gusto kong manuntok pero dahil mabait ako, mas magpapakabait pa ako kaya restrain lang self. Nginitian ko ang bawat taong nakakasalubong ko rito sa grocery store. Na kahit langgam ay magsisilapitan dahil sa tamis niyon. Gusto kong mambalibag ng mga paninda. Kahit isang lata lang para kahit papaano ay mawala itong inis ko. Alam naman ni Brimme na hindi ko gusto ang mag-grocery! Nakapadaming iba't ibang brand tapos kailangan ko pang mamili ng trusted. Alam kong pinaparusahan ako ng pinsan kong 'yon dahil sa ex boyfriend niyang kulukoy! Kapag ako talaga nakita ko ang jowa ko noon baka siya ang pagbuntungan ko ng galit.  "Miss, pinapatay niyo na po iyang fudge bar... nadudurog na po," sabi ng isang lalaking stuff. Napangiwi ako saka dahan-dahan ibinalik ang fudge
last updateLast Updated : 2021-11-06
Read more

Chapter 12

Sheiha Fajardo's POV"Doc, ano pong ginagawa niyo rito?" Nakangiting tanong ko kay Andrius na kanina pa nakakunot ang noo.  Katangahan mo na naman, Sheiha! Anong meron sa tanong mong 'yan at palagi mong tinatanong? Kahit napaka-obvious naman nang sagot? Hindi naman niya narinig ang tawag ni Dane sa 'kin kanina, 'di ba? Sana hindi, dahil kapag nagkataon na narinig niya, bulilyaso lahat ng plano ko. "Grocery." Napatango-tango ako saka isa-isa silang tiningnan, "Paano ba 'yan, nice meeting you all. Mauuna na ako dahil baka nag-aalburuto na ang tigre na alaga ko sa bahay." "You have a tiger on your house?!" Gulat na tanong ni Shane. Natawa ako, "Hindi naman literal na tigre, mahal." "Is it Brimme?" tanong naman ni Dane. Nakanguso akong tumango-tango.  Napatango naman siya. Nagtanguan kaming d
last updateLast Updated : 2021-11-07
Read more

Chapter 13

Sheiha Fajardo's POVPagkabukas ni Brimme ng gate ay pagtataka agad ang siyang naging ekspresiyon niya.  Kailangan ko pa siyang tawagin dahil ni-lock niya mula sa loob ang gate. Para ata siguruhing hindi ako makakapasok kapag hindi ko dala iyong mga juice niya. Ano bang meron sa juice at napakaadik ng isang 'to?  "Good day," bati ni Andrius kay Brimme. "Same..." Binigyan ako ni Brimme ng nagtatanong na tingin. Napabuntong-hininga ako saka nagkibit-balikat. "Ewan," sagot ko na lang. Paano ba naman kasi. Ang kargador ng mga pinamili ko ay si Andrius. Siya na nga ang bumili lahat ng mga dala namin, siya pa ang nagbayad. Silbi, dobleng grasya, dobleng libre ang dumating sa 'kin ngayong araw na ito. Pinagpala ka nga naman. Akala ko kamalasan ang magiging bungad kapag nakita ko ang dalawang ex ko ngayon —ex-boyfriend, saka ex-crush— hin
last updateLast Updated : 2021-11-08
Read more

Chapter 1 4

Sheiha Fajardo's POV"Bakit hindi ka naka-uniform?"  "Eh?"  Tiningnan ko ang suot ko. Isang high waisted jeans na pinaresan ng isang white T-shirt na may print na 'Pretty'. Naka-tack in ito sa jeans. Pinaresan ng converse shoes. "Uniform? May nag-u-uniform kapag magre-resign? 'di ba naka-casual lang sila?"  Nakita ko ang pagkunot ng noo sa mukha ni Brimme. Siguro nakalimutan niya iyong sinasabi ko noong nakaraan. Huminga ako ng malalim saka nginitian siya. "Magre-resign na ako sa—" "Alam ko." Ako naman ang napakunot-noo.  "Pero hindi ko aakalain na gagawin mo talaga 'yun. I thought you're just bluffing," dagdag niya. "Well..." Umupo ako sa katapat na inuupuan niyang sofa, "Nangako na ako sayo na magpapakabait na ako." "At ito ang pagpapakabait
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more

Chapter 15

Madilim ang paligid. May black-out ba? Hindi ba nakabayad ng kuryente si Brimme? Pero imposible 'yun dahil hands on siya kapag bayaran na ang usapan. Ayaw nun ang matambakan ng mga bayarin. Pinakaayaw nga niya ay iyong nangungutang. Pero bakit ang dilim sa kinatatayuan ko? Paggising ko ay ito na agad ang bungad sa 'kin. Anong oras na ba? Ilang oras ba akong natulog at naabutan ako ng kadiliman ng gabi? Akala ko ba gigisingin ako ni Brimme kapag tapos na siyang magluto ng pananghalian? E, bakit ang ang dilim na sa labas? Wala akong makita kahit sinag pa ng buwan.  Bumangon ako saka kumakapa sa paligid. Una kong hinawakan ang dingding at naglakad gamit ito bilang gabay para makarating sa pintuan. Nang mahawakan ko na ang door knob, agad ko itong pinihit at lumabas. Gaya nang ginawa ko kanina, hinawakan ko ang dingding para makarating sa kwarto ni Brimme.  Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin n
last updateLast Updated : 2021-11-10
Read more

Chapter 16

 Sheiha Fajardo's POV"Paano ba 'yan, nandiyan na ang sundo ko," sabi ni Lian habang nakahawak sa strap ng bag niya. Tiningnan ko ang paparating na magarang sasakyan, saka napangiti. Naalala ko kasi bigla iyong mga panahon na hinahatid ako ni papa sa school gamit ang kotse namin. Habang nag-aaway kami ni Brimme sa likuran, sila mama at papa naman ay nagtatawanan dahil sa kakulitan namin. Salitan ang mga magulang ko at mga magulang ni Brimme sa paghahatid sa amin. Kapag walang trabaho si papa ay siya ang maghahatid, kapag si tito naman ang wala, siya ang naghahatid sa 'min. Pero mostly, si tito dahil palaging busy si papa.  "Sasabay na ako sa 'yo, pwede? May bibilhin kasi ako sa mall, magpapakuha na lang ako roon," May hinahalungkat si Dolly sa bag niya habang sinasabi 'yun.  Agad namang tumango si Lian,"Ikaw, Sheiha. Hindi ka sasama?"  Umiling ako saka siya nginitia
last updateLast Updated : 2021-11-11
Read more

Chapter 17

Sheiha Fajardo's POVNaipilig ko ang ulo habang hawak ang batok. Hindi ko maintindihan—hindi, wala akong maintindihan. Wala akong maunawaan sa mga nangyayari.  "Bakit walang laman ang vault? Anong ibig sabihin nun?"  Wala akong magawa kung hindi ang tanungin ang sarili ko nang paulit-ulit hanggang sa malaman ko ang sagot. Hindi man sinasabi ni Brimme ang iba pang detalye, alam kong may mas malaki pang kaganapan ang nangyayari ngayon.  "Pero bakit kami binigyan ni papa ng kwintas na may nakatagong susi? Bakit bigla na lang siyang nawala pagkatapos ibigay iyon kay Bryly?"  Bakit nga ba? Kahit sa tanong na iyon ay wala akong sagot. Noong tinanong ko naman si Brimme tungkol dito ay wala rin siyang alam. "Bakit hanggang ngayon hindi siya nagbibigay ng pahiwatig kung buhay pa nga siya gaya ng sinasabi ni Bryly? Na hindi talaga siya kinidnap, na sa palag
last updateLast Updated : 2021-11-13
Read more

Chapter 18

Sheiha Fajardo's POV"Salamat ng marami," sabi ko at lumabas na ng kotse niya. Pero nagtaka ako nang lumabas din siya at sumabay sa paglalakad ko.  "I also have an appointment here." Tumingin ito sa 'kin, "I didn't know that you work here." Nagkibit-balikat ako, "Hindi ka naman nagtatanong." "Do I have to? Wala bang magagalit?" Ngumiti ako. Sometimes, life is good to us. Kung sino pa ang taong nagawan mo nang masama noon, siya pa ang umiintindi sa'yo ngayon. Things may be difficult for us in first, but through the process of letting go, moving on and forgiving both parties, you can achieve the peace you've been longed for. Same old, Dane. Nothing change, huh? He doesn't want to interfere others businesses kung hindi naman siya kasali rito. He keep his mouth shut and pretend not to know. Saka lang siya kikilos kung may kinalaman sa kaniya ang bagay na 'yun.&nbs
last updateLast Updated : 2021-11-14
Read more

Chapter 19

Sheiha Fajardo's POVKadiliman. Ito na naman ang bumungad sa 'kin. Kailan ba ito mawawala? Kailan ba ito matatapos? Kailan ko na naman kaya makikita ang liwanag?  Minsan, napapagod na rin akong kamuhian ang dilim. Napapagod na akong punahin ito at hanapin ang liwanag. Minsan nga naiisip ko, ang kadilimang bumabalot sa 'kin ngayon ay siyang naging sandalan ko mula pa noon. Bakit ba palagi kong hinahanap ang liwanag? Kung nandito naman ang dilim na nagsisilbing tahanan ko mula pa noon. Siguro tama nga na hindi ko na hanapin pa ang liwanag kung ang kadiliman naman ang palaging yumayakap sa 'kin. I want to feel at east, kahit ngayon lang. Kumapa-kapa ako sa dilim. Ang disadvantages lang ng kadiliman ay wala kang makikitang kahit na ano. Para bang puno ito ng mga lihim. Na kahit anong hanap mo nito ay hindi mo malalaman kung nasaan dahil sa wala kang makita. Kapag sobra namang maliwanag, nakikita mo lahat. Mga kas
last updateLast Updated : 2021-11-15
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status