"KUMUSTA ang pakiramdam mo, Shella? Okay kana ba? Nahihilo ka pa ba? Pasensya kana ha, akala ko kasi kakayanin mo 'yung byahe papunta sa pupuntahan natin. I didn't take your statement seriously enough when you said that you're dizzy in the chopper. Sorry talaga," agad na pahayag ni Jolo nang tuluyan na ngang mawala sa paningin namin sila Rusty at Doc. Val.Mariin din itong nakatingin sa akin at pansin na pansin ko ang pag-aalala nito sa kanyang mukha. Dahan-dahan nalang akong tumango bilang paunang sagot."Okay lang 'yon. Hindi ko din naman alam na mawawalan na pala ako ng malay. Akala ko kasi iidlip lang ako," saad ko at binuntutan ng tawa ang pahayag. Ayoko nalang mag-isip ng negative. Gusto ko na habang malaya kaming nagkakasama ni Jolo ngayon ay tanging masasaya lang na alaala ang mangyayari."Still I'm sorry, ginagawa ko nalang biro ang lahat. Kung gusto mo ay bumalik nalang tayo sa Maynila para makapagpahinga ka nang maayos-""Eh paano ang meeting m
Huling Na-update : 2022-02-24 Magbasa pa