Home / Romance / KEEPING THE CEO / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of KEEPING THE CEO: Chapter 71 - Chapter 80

139 Chapters

CHAPTER SIXTH EIGHT

"WHERE'S Shella, Lawrence?" Agad kong tanong sa binata nang siya ang madatnan ko dito sa pagkalabas ko ng elevator. Inikot ko ang mga mata ko para makasiguradong kaming dalawa nga lang ni Lawrence ang nandito ngayon sa palapag na ito kung nasaan ang opisina ko. Nasaan si Shella? Akala ko ba isang linggo ko siyang magiging secretary? "A-ah sir Jolo, medyo masama po kasi ang pakiramdam ni miss Shella-" "What?! Then what the hell are you doing here? Bakit mo siya iniwan mag-isa sa penthouse mo? Kamusta na ba siya? At paanong naging masama ang pakiramdam niya? Sobra ba siyang napagod? Tell me, Lawrence!" sunod-sunong kong saad habang naniningkit ang mga mata. Hindi ko alam kung didiretso ba ako papasok sa pintuan ng opisina ko o babalik nalang sa elevator para sana bisitahin si Shella sa penthouse ni Lawrence. "A-ah sir, hindi naman po gaano malala ang kondisyon ni miss Shella. Medyo mabigat daw po kasi ulo niya kaninang p
last updateLast Updated : 2022-02-14
Read more

CHAPTER SIXTY NINE

SHELLA POV"ANO Shella? Kaya mo na ba? Okay lang naman kung ako nalang muna ulit ang magiging secretary ngayon ni sir Jolo." Agad akong umiling kay Lawrence dahil sa sinabi niya. Gusto ko nalang matapos ang linggong ito para makauwi na sa Baguio. Kaunting araw nalang ang titiisin ko. Kaunting araw nalang din ang natitira bago ko tuluyang iwanan si Jolo. Gusto ko nang lumagay sa tahimik. Walang gulo at hindi komplikado. Katulad nalang ng buhay ko noon sa Baguio, noong hindi ko pa nakikilalala si Jolo. "Oo, ayos na ako, Lawrence. Kaya ko naman na," saad ko at ngumiti nang tipid. "Sure ka ha? Kahit anong mangyari huwag mong papabayaan si baby.  Alagaan mo siya." "Oo naman 'no! Ako pa ba." Kahapon kasi, medyo naging masama ang pakiramdam ko. Sumakit ang ulo ko pagkagising at halos maya't maya gusto kong dumuwal pero wala namang lumalabas sa bibig ko.  Minabuti nalang namin ni Lawrence na hindi
last updateLast Updated : 2022-02-15
Read more

CHAPTER SEVENTY

"SIR Jolo..." Halos sabay kaming napalingon ng binata nang marinig namin ang boses. Si Lawrence iyon. Agad kong napansin ang isang puting tasang bitbit-bitbit nito. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nasa mukha ko ngayon. Nagtataka ba ako. Kinakabahan o malungkot. Napakaimposible naman kasi talagang si Lawrence ang pinaghihinalaan ni Jolo. Sa pagkakatanda ko, sinabi na sa akin ni Lawrence noon na malaki ang utang na loob niya kay Jolo kaya imposibleng magagawa niya itong traydurin o lokohin. "Oh there you are, Lawrence. Where have you been?" Kay Jolo naman ngayon nalipat ang mga mata ko.Nagbago na ang emosyon nito sa mukha. Ibang-iba sa aura niya kanina na sobrang seryoso. Nakangiti siya ngayon nang tipid at tahimik lang na pinagmamasdan si Lawrence. "A-ah sir, I m-made you a coffee..." sagot ni Lawrence at naglakad na nang dahan-dahan patungo dito sa lamesa ng binata. Hindi nakaligtas sa p
last updateLast Updated : 2022-02-16
Read more

CHAPTER SEVENTY ONE

"LAWRENCE, sigurado ka ba dito? Papasamahin mo talaga ako kay Jolo?" Hindi ko na alam kung ilang beses ko na itong naitanong sa binata. Kanina pagkasabi ni Jolo na ako ang isasama niya sa meeting niya abroad ay agad niya ring tinawag si Lawrence nce para utusang tulungan daw ako sa gagawing pag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko. Pinauwi niya rin muna kami ni Lawrence sa penthouse para daw makuha pa ang ibang gamit na kakailanganin ko.Syempre kung ako lang naman ang tatanungin, ayoko. Ayoko nang madagdagan pa ang isipin lalo na at nakapagdesisyunan na akong pagkatapos ng linggong ito ay uuwi na akong Baguio. Nag-aalala ako sa mga bagay na maaaring mangyari kung kami lang ni Jolo ang aalis. Iyong tipo n akami lang talaga dalawa.Hindi naman sa wala akong tiwala sa lalaking iyon ha. Pero hindi din natin masabi ang mga bagay na ma posibilidad mangyari. Paano kung sa ilang araw na magkasama kami ni Jolo ay biglang ayawan ko nang umuwi sa Baguio, paano kung mah
last updateLast Updated : 2022-02-17
Read more

CHAPTER SEVENTY TWO

"AKALA ko ba may pinaghihinalaan kang magnanakaw sa kompanya mo, bakit mo iiwan 'yon?"Agad kong tanong kay Jolo nang sabay na kaming naglalakad papunta sa sasakyan niya. Nauna nang bumalik si Lawrence sa building nila. Hindi na daw kami babalik doon ni Jolo dahil aalis na kami maya-maya lamang."Oo nga, pero nandoon naman si Lawrence. He will take good care of my comnpany, alam ko.""Iyon na nga eh! Si Lawrence pa ang pinagbantay mo. Sa kanya mo pa hinabilin iyang kompanya mo. Paano nalang kung tama iyong hinala mo-"Agad akong napatikom ng bibig nang walang ano-ano ay biglang lumingon sa akin si Jolo na naging dahilan kung bakit ako napatigil sa paglalakad."Hey correction, my Shella-baby. Hindi ako ang naghihinala kay Lawrence at wala akong pangalan na binanggit ng taong pinaghihinalaan ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit si Lawrence ang pinag-iisipan mo nang ganoon eh."Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko iyong narinig ko na us
last updateLast Updated : 2022-02-18
Read more

CHAPTER SEVENTY THREE

JOLO POV"JOLO..."Agad akong napalingon kay Shella nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Nakahinto na ang sasakyan ko at akma na sana akong bababa nang hindi na ginigising ang dalaga ngunit nagising naman ito."Nasaan na tayo? Nasa ibang bansa na ba?" tanong nito habang nagkukusot ng mga mata.Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa tanong niya. Really? Dahil sa nakatulog siya sa byahe ay iisipin niyang nasa ibang bansa na kami? Ano bang akala niya, ilang oras na siyang tulog? Eh wala pa ngang thirty minutes ang binyahe namin."No, hindi pa. Nandito pa din tayo sa Pilipinas," sagot ko habang nagpipigil ng tawa. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang mapansin ko na parang tumatagal ang titig sa akin ng dalaga. Delikado na 'to.Naalala ko kasi, parang nitong mga nakaraang araw ay sobrang pikuin niyang si Shella. Ayoko naman na mabadtrip siya sa tatlong araw at dalawang gabi naming pagsasama. I want this trip to be remembered as a
last updateLast Updated : 2022-02-19
Read more

CHAPTER SEVENTY FOUR

SHELLA POV"SERYOSO ka ba dyan, Jolo? Dyan mo talaga ako pasasakayin?" hindi makapaniwala kong tanong sa binata. Nandito kami ngayon sa isang rooftop. Hindi ito ang building ni Jolo. At hindi ko na din inabala ang sariling itanong pa iyon sa binata dahil wala rin naman akong pakielam. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay ang nginig ng mga tuhod ko at ang pakiramdam ng kabang nagbibigay yata ng dahilan sa puso ko para kumawala sa dibdib ko.Tanginis naman kasi, ramdam ko ang lakas ng hangin na dulot ng elesi ng lintik na chopper na 'to. Bukod pa roon ay naiinis din ako sa nakikitang pagmumukha ni Jolo na para bang nasisiyahan pa siya sa nakikitang takot sa mukha ko. Ang gagong 'to! Palibhasa hindi niya alam na may bata din ako sa tiyan ko eh. Hindi lang takot pansarili ang nararamdaman ko kung 'di pati na rin para sa bata."You'll be okay, Shella. Ako ang kasama mo. Hindi kita pababayaan. Para namang mapaptawad ko ang sarili ko pag may masamang nangyari sayo."
last updateLast Updated : 2022-02-20
Read more

CHAPTER SEVENTY FIVE

"JOLO, nahihilo ako," hindi ko na talaga mapigilang hindi magsabi sa binata. Sobrang sakit na ng ulo ko at pakiramdam ko ay anumang oras ay mawawalan na ako ng malay.Halos fifteen minutes na din mula nang umandar 'tong lintik na chopper na ito at fifteen minutes ko na ding iniinda ang pag-ikot ng paligid ko. Hindi ko na kaya. Gusto ko nalang tumalon dito at wala na akong pakielam kung madurog man ang buong katawan ko kung sakaling lumagapak ako."Hindi mo na ba kaya? Gusto mo bang bumaba na tayo?" halata ang pag-aalala sa boses ni Jolo. Hindi ko alam kung magsasalita pa ba ako o kung tatango nalang. Kung ako lang naman talaga ang tatanungin ay gusto ko nang bumaba. Sabi na nga ba eh, maling-mali na ideya ang pumayag ako sa pagsakay sa lintik na harmless at safe daw na chopper na ito. Pakiramdam ko ay nasa likuran ko na si San Pedro na anumang oras ay handa nang kalabitin ako."We can't do that, John Louis. Medyo malayo pa ang destination niyo and aside from tha
last updateLast Updated : 2022-02-21
Read more

CHAPTER SEVENTY SIX

SHELLA POV"HEY miss ma'am, are you okay?"Kamumulat ko palang ng mga mata at pakiramdam ko ay wala na ang hilo at sakit ng sikmurang nararamdaman ko kanina. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko na sobra kong pinagpapasalamat ngayon.Agad akong napalingon nang maalala ang narinig na boses. Hindi iyon si Jolo kung hindi si Rusty, halata ang pag-aalala sa mukha nito. Nasaan na naman kaya ang lintik na boss ko na 'yon at nasaan ako?Pinaikot ko ang mga mata ko para makasiguro kung nasaang lugar na ba ako. Basta ang alam ko lang ay wala na ako sa lintik na chopper na iyon. Shit! Bakit puro puti ang nakikita ko? Nasaan na naman ba ako?"Rusty...""Yeah, if you are wondering where you are. Tama ka, nasa ospital ka nga.""Ha? Bakit? Anong nangyari? At saka si Jolo? Nasaan siya?" sunod-sunod kong tanong habang tinitingnan pa rin ang kabuuan ng lugar. Paanong mapupunta ako sa ospital? At saka bakit hindi ko man lang namalayan na dinala na pala ako dito?
last updateLast Updated : 2022-02-22
Read more

CHAPTER SEVENTY SEVEN

"MY EARS are waiting to hear your answer, miss ma'am. Sagutin mo na ang tanong ko bago pa mali ang maikwento ko kay John Louis-""Baka maichismis, ibig mong sabihin," singit ko sa sinasabi ni Rusty at mabilis nalang na napairap. Nagdadalawang isip pa rin ako kung aamin ba ako kay Rusty o ipagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagdedeny. Paano kung aminin ko nga sa kanya tapos bigla niya ring sasabihin iyon kay Jolo? Tiyak ako na magugulo na naman ang lahat. Gusto ko lang naman na makauwi sa Baguio nang hindi nalalaman ni Jolo ang tungkol sa pinagbubuntis ko. Ayoko lang na maging komplikado pa ang lahat."Well yeah, parang ganoon na nga. So tell me now, why are you hiding your pregnancy? Why are you keeping it a secret from your own child's father?" muling tanong nito habang naniningkit pa ang mga mata. Hindi ko malaman kung lalaki ba talaga itong si Rusty o nasapian lang ng maling kaluluwa ang katawan niya. Base sa mukha at pananalita, marites na marites ang datingan eh.
last updateLast Updated : 2022-02-23
Read more
PREV
1
...
678910
...
14
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status