SHELLA POV
"ANO Shella? Kaya mo na ba? Okay lang naman kung ako nalang muna ulit ang magiging secretary ngayon ni sir Jolo."
Agad akong umiling kay Lawrence dahil sa sinabi niya. Gusto ko nalang matapos ang linggong ito para makauwi na sa Baguio. Kaunting araw nalang ang titiisin ko. Kaunting araw nalang din ang natitira bago ko tuluyang iwanan si Jolo.
Gusto ko nang lumagay sa tahimik. Walang gulo at hindi komplikado. Katulad nalang ng buhay ko noon sa Baguio, noong hindi ko pa nakikilalala si Jolo.
"Oo, ayos na ako, Lawrence. Kaya ko naman na," saad ko at ngumiti nang tipid.
"Sure ka ha? Kahit anong mangyari huwag mong papabayaan si baby. Alagaan mo siya."
"Oo naman 'no! Ako pa ba."
Kahapon kasi, medyo naging masama ang pakiramdam ko. Sumakit ang ulo ko pagkagising at halos maya't maya gusto kong dumuwal pero wala namang lumalabas sa bibig ko. Minabuti nalang namin ni Lawrence na hindi
"SIR Jolo..."Halos sabay kaming napalingon ng binata nang marinig namin ang boses. Si Lawrence iyon. Agad kong napansin ang isang puting tasang bitbit-bitbit nito.Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nasa mukha ko ngayon. Nagtataka ba ako. Kinakabahan o malungkot. Napakaimposible naman kasi talagang si Lawrence ang pinaghihinalaan ni Jolo.Sa pagkakatanda ko, sinabi na sa akin ni Lawrence noon na malaki ang utang na loob niya kay Jolo kaya imposibleng magagawa niya itong traydurin o lokohin."Oh there you are, Lawrence. Where have you been?"Kay Jolo naman ngayon nalipat ang mga mata ko.Nagbago na ang emosyon nito sa mukha. Ibang-iba sa aura niya kanina na sobrang seryoso. Nakangiti siya ngayon nang tipid at tahimik lang na pinagmamasdan si Lawrence."A-ah sir, I m-made you a coffee..." sagot ni Lawrence at naglakad na nang dahan-dahan patungo dito sa lamesa ng binata.Hindi nakaligtas sa p
"LAWRENCE, sigurado ka ba dito? Papasamahin mo talaga ako kay Jolo?"Hindi ko na alam kung ilang beses ko na itong naitanong sa binata. Kanina pagkasabi ni Jolo na ako ang isasama niya sa meeting niya abroad ay agad niya ring tinawag si Lawrence nce para utusang tulungan daw ako sa gagawing pag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko. Pinauwi niya rin muna kami ni Lawrence sa penthouse para daw makuha pa ang ibang gamit na kakailanganin ko.Syempre kung ako lang naman ang tatanungin, ayoko. Ayoko nang madagdagan pa ang isipin lalo na at nakapagdesisyunan na akong pagkatapos ng linggong ito ay uuwi na akong Baguio. Nag-aalala ako sa mga bagay na maaaring mangyari kung kami lang ni Jolo ang aalis. Iyong tipo n akami lang talaga dalawa.Hindi naman sa wala akong tiwala sa lalaking iyon ha. Pero hindi din natin masabi ang mga bagay na ma posibilidad mangyari. Paano kung sa ilang araw na magkasama kami ni Jolo ay biglang ayawan ko nang umuwi sa Baguio, paano kung mah
"AKALA ko ba may pinaghihinalaan kang magnanakaw sa kompanya mo, bakit mo iiwan 'yon?"Agad kong tanong kay Jolo nang sabay na kaming naglalakad papunta sa sasakyan niya. Nauna nang bumalik si Lawrence sa building nila. Hindi na daw kami babalik doon ni Jolo dahil aalis na kami maya-maya lamang."Oo nga, pero nandoon naman si Lawrence. He will take good care of my comnpany, alam ko.""Iyon na nga eh! Si Lawrence pa ang pinagbantay mo. Sa kanya mo pa hinabilin iyang kompanya mo. Paano nalang kung tama iyong hinala mo-"Agad akong napatikom ng bibig nang walang ano-ano ay biglang lumingon sa akin si Jolo na naging dahilan kung bakit ako napatigil sa paglalakad."Hey correction, my Shella-baby. Hindi ako ang naghihinala kay Lawrence at wala akong pangalan na binanggit ng taong pinaghihinalaan ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit si Lawrence ang pinag-iisipan mo nang ganoon eh."Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko iyong narinig ko na us
JOLO POV"JOLO..."Agad akong napalingon kay Shella nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Nakahinto na ang sasakyan ko at akma na sana akong bababa nang hindi na ginigising ang dalaga ngunit nagising naman ito."Nasaan na tayo? Nasa ibang bansa na ba?" tanong nito habang nagkukusot ng mga mata.Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa tanong niya. Really? Dahil sa nakatulog siya sa byahe ay iisipin niyang nasa ibang bansa na kami? Ano bang akala niya, ilang oras na siyang tulog? Eh wala pa ngang thirty minutes ang binyahe namin."No, hindi pa. Nandito pa din tayo sa Pilipinas," sagot ko habang nagpipigil ng tawa. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang mapansin ko na parang tumatagal ang titig sa akin ng dalaga. Delikado na 'to.Naalala ko kasi, parang nitong mga nakaraang araw ay sobrang pikuin niyang si Shella. Ayoko naman na mabadtrip siya sa tatlong araw at dalawang gabi naming pagsasama. I want this trip to be remembered as a
SHELLA POV"SERYOSO ka ba dyan, Jolo? Dyan mo talaga ako pasasakayin?" hindi makapaniwala kong tanong sa binata. Nandito kami ngayon sa isang rooftop. Hindi ito ang building ni Jolo. At hindi ko na din inabala ang sariling itanong pa iyon sa binata dahil wala rin naman akong pakielam. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay ang nginig ng mga tuhod ko at ang pakiramdam ng kabang nagbibigay yata ng dahilan sa puso ko para kumawala sa dibdib ko.Tanginis naman kasi, ramdam ko ang lakas ng hangin na dulot ng elesi ng lintik na chopper na 'to. Bukod pa roon ay naiinis din ako sa nakikitang pagmumukha ni Jolo na para bang nasisiyahan pa siya sa nakikitang takot sa mukha ko. Ang gagong 'to! Palibhasa hindi niya alam na may bata din ako sa tiyan ko eh. Hindi lang takot pansarili ang nararamdaman ko kung 'di pati na rin para sa bata."You'll be okay, Shella. Ako ang kasama mo. Hindi kita pababayaan. Para namang mapaptawad ko ang sarili ko pag may masamang nangyari sayo."
"JOLO, nahihilo ako," hindi ko na talaga mapigilang hindi magsabi sa binata. Sobrang sakit na ng ulo ko at pakiramdam ko ay anumang oras ay mawawalan na ako ng malay.Halos fifteen minutes na din mula nang umandar 'tong lintik na chopper na ito at fifteen minutes ko na ding iniinda ang pag-ikot ng paligid ko. Hindi ko na kaya. Gusto ko nalang tumalon dito at wala na akong pakielam kung madurog man ang buong katawan ko kung sakaling lumagapak ako."Hindi mo na ba kaya? Gusto mo bang bumaba na tayo?" halata ang pag-aalala sa boses ni Jolo. Hindi ko alam kung magsasalita pa ba ako o kung tatango nalang. Kung ako lang naman talaga ang tatanungin ay gusto ko nang bumaba. Sabi na nga ba eh, maling-mali na ideya ang pumayag ako sa pagsakay sa lintik na harmless at safe daw na chopper na ito. Pakiramdam ko ay nasa likuran ko na si San Pedro na anumang oras ay handa nang kalabitin ako."We can't do that, John Louis. Medyo malayo pa ang destination niyo and aside from tha
SHELLA POV"HEY miss ma'am, are you okay?"Kamumulat ko palang ng mga mata at pakiramdam ko ay wala na ang hilo at sakit ng sikmurang nararamdaman ko kanina. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko na sobra kong pinagpapasalamat ngayon.Agad akong napalingon nang maalala ang narinig na boses. Hindi iyon si Jolo kung hindi si Rusty, halata ang pag-aalala sa mukha nito. Nasaan na naman kaya ang lintik na boss ko na 'yon at nasaan ako?Pinaikot ko ang mga mata ko para makasiguro kung nasaang lugar na ba ako. Basta ang alam ko lang ay wala na ako sa lintik na chopper na iyon. Shit! Bakit puro puti ang nakikita ko? Nasaan na naman ba ako?"Rusty...""Yeah, if you are wondering where you are. Tama ka, nasa ospital ka nga.""Ha? Bakit? Anong nangyari? At saka si Jolo? Nasaan siya?" sunod-sunod kong tanong habang tinitingnan pa rin ang kabuuan ng lugar. Paanong mapupunta ako sa ospital? At saka bakit hindi ko man lang namalayan na dinala na pala ako dito?
"MY EARS are waiting to hear your answer, miss ma'am. Sagutin mo na ang tanong ko bago pa mali ang maikwento ko kay John Louis-""Baka maichismis, ibig mong sabihin," singit ko sa sinasabi ni Rusty at mabilis nalang na napairap. Nagdadalawang isip pa rin ako kung aamin ba ako kay Rusty o ipagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagdedeny. Paano kung aminin ko nga sa kanya tapos bigla niya ring sasabihin iyon kay Jolo? Tiyak ako na magugulo na naman ang lahat. Gusto ko lang naman na makauwi sa Baguio nang hindi nalalaman ni Jolo ang tungkol sa pinagbubuntis ko. Ayoko lang na maging komplikado pa ang lahat."Well yeah, parang ganoon na nga. So tell me now, why are you hiding your pregnancy? Why are you keeping it a secret from your own child's father?" muling tanong nito habang naniningkit pa ang mga mata. Hindi ko malaman kung lalaki ba talaga itong si Rusty o nasapian lang ng maling kaluluwa ang katawan niya. Base sa mukha at pananalita, marites na marites ang datingan eh.
"GO honey, give the flowers now to your lola Lydia and don't forget to kiss her," nakangiti kong utos sa anak namin ni Shella na si Miracle. Agad nga itong tumalima at masayang naglakad kasabay pa na kaunting pagtalon-talon papunta kay auntie Lydia. "Mukha kang masaya ah, may nangyari bang maganda?" napalingon ako sa tabi ko nang marinig ang tanong ni Shella. Mabilis akong tumango at niyakap ito nang sobrang higpit ngunit may kasama pa ring pag-iingat. "You don't have to ask me that, love. Makasama lang kita palagi, sapat na'ng dahilan iyon para maging masaya. And also aside from that... dumating na pala ang mga wedding invitations na ipamimigay natin sa mga guest, aren't you excited about that? Hindi ba't personal choice mo ang piniling template doon?" tanong ko rito habang sinusulyapan ang kanyang mga mata. Agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko nang makita kong ngumuso si Shella. She's been doing that for almost a week now! Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabiha
NAUNA nang pumasok sila lola Tatiana at Shella sa loob ng kwarto ni auntie Lydia. Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung susunod ba ako rito o babalik nalang sa kwarto kung saan naiwan sila Rusty. I am longing to my daughter, parang mas gusto ko nang umuwi nalang ngayon kaysa makipag-usap sa taong ayoko nang makita pa at pag-aksayahan ng oras. I was about to walk away from the door of auntie Lydia's room when it suddenly opened, halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang makitang ang iniluwa noon ay ang asawa kong naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin. "At saan mo balak pumunta Mr. John Louis Raymundo? Hindi ba't sinabi mo kay nanay Tasing na sasamahan mo siyang makipag-usap sa tiyahin mo? Aba'y ilang minuto na kaming nandito sa loob ay wala ka pa rin. Tapos ngayon mahuhuli pa kitang aalis-""I'm not going anywhere, pupuntahan ko lang sana sila Rusty-""At bakit?!" nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumaas ang boses ni Shella at mas lalo lang naningkit ang mga
JOLO POVKUNOT na kunot ang noo kong hinabol ng tingin si Shella na ngayon ay palayo na nang palayo sa akin.Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung ano iyong mga pinagsasasabi niya kanina. Bantayan ko daw sila ni Miracle kahit hindi ko na sila makakasama like what the fuck right? I am fucking alive and breathing fine.Inubos ko na muna ang kape na binili ko bago ko napagdesisyunang sumunod kay Shella. Hindi naman siguro iyon aalis at pupunta kung saan. I know that she was just roaming around the area.I was about to pull the doorknob of the door when it suddenly opened. Si Rusty na nakahawak sa kanyang pisngi ang iniluwa noon."What the hell Domingo? Ano na namang kabaliwan ang ginawa mo?" naniningkit ang mga matang tanong ko sa kaibigan.Rusty just smiled awkwardly that makes my doubt even worst. Siguro ay may kinalaman ito
HINDI ko na alam kung anong mga gamit ang isinilid ko sa maliit na bag na nahablot ko kanina. Nagmamadali akong nagbihis habang tuloy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ko. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay nahihirapan ako huminga sa bawat pagdaan ng oras. Nanghihina ako at parang gusto ko nalang hayaan ang katawan kong matumba at umiyak nang umiyak. "Shella apo, tatagan mo ang loob mo. Huwag mong kalimutan na nandito lang kaming pamilya mo-""Hindi, 'nay Leoning. Hindi patay si Jolo. Hindi patay ang asawa ko. Magkikita pa kami... magkakasama pa kami..." saad ko habang umiiling-iling. Mabilis akong niyakap ni nanay Leoning kasabay ng paghaplos niya sa likod ko. Ngunit imbes na gumaan ang loob ko ay lalo lang akong pumalahaw ng iyak. Hindi ko na kayang magkunyari pa. Nasasaktan ako nang sobra-sobra at hindi ko na alam kung paano ko pa patitigilin ang sarili sa matinding pag-iyak. Agad kong tinuyo ang
SHELLA POV"RUSTY, sumagot na ba si Jolo?"Hindi ko na napigilan pa ang sarili na hindi mapangiwi nang dahan-dahan lamang na umiling bilang kasagutan sa akin si Rusty. Hindi ko alam kung nakailang beses na ba akong nagtanong sa kanya tungkol kay Jolo para sa araw na ito.Ilang oras na rin kasi ang lumipas magmula noong umalis kami sa Maynila. Hindi ko na nagawa pang itanong kay Rusty ang eksaktong lugar na pinagdalhan niya sa amin basta ang sinabi niya lang ay isa ito sa mga private property ng pamilya niya. Hindi ko alam kung gaano kalayo ito dahil nakatulog rin ako kanina sa biyahe. "Nasabi mo ba sa kanya kung saan ang lugar na ito? Kung paano pumunta dito?" muli kong tanong. Mariin lamang na tumango s Rusty sa akin bilang sagot at marahas na nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko alam kung nakukulitan na ba ito sa akin o naaawa. Naririnig at nakikita ko naman kasi kanina na maya't maya ay tinatawagan niya ang numer
JOLO POV"JOLO..."Mabilis kong nilingon si Shella sa tabi ko nang mahimigan ko ng matinding pag-aalala ang boses nito. Wala na rin sila Lawrence dito sa bakuran ko at sa hula ko ay nasa labas na sila para tingnan at alamin kung saan nanggaling ang putok ng baril na narinig namin kani-kanina lang.Alam kong narinig niya ang narinig ko. Kinakabahan ako sa maaaring makita ko sa labas. Sobra-sobra nang dahas ang nakikita ko para sa araw na ito. Nag-aalala ako kay Shella pati na rin sa pamilya niya dahil naiisip ko palang ngayon na baka magdulot na naman kakaibang trauma sa kanila ang narinig nilang malakas na putok ng baril."J-jolo... si A-angel... n-nasaan si Angel..."Marahan kong hinigit palapit sa akin ang dalaga at kinulong sa mga bisig ko. Ramdam ko ang takot sa katauhan nito dahil pansin na pansin ko ang pangangarag ng boses niya.
"PAANONG... a-anong..."Hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat kong bitawan ngayon. Tila hindi ko mawari o mahanap ang mga tanong na sasabihin ko kay Angel. Nagtataka ako. Paanong siya ang nagdala pauwi kay baby Miracle dito ganoong ang tiyahin ni Jolo na si Lydia ang nakunan ng surveillance camera na siyang kumuha sa anak ko."Don't know the right words you want to say? That's okay, Shella. Kahit ako ay hindi ko naisip na gagawin ko 'to. Na ako pa mismo ang magbabalik sa inyo ng anak niyo-""Paanong napunta sayo si Miracle ganoong ang tiyahin ni Jolo ang nakunan sa camera na siyang kumuha sa anak namin? Imposible namang tinaya mo ang buhay mo para kay Miracle-""Simple lang..." maarte nitong pagkakausal sabay lagay ng kanyang mga kamay sa kanyang harapan. "... Vincent only wants Jolo's company. Ang nanay niya lang naman ang nagbalak ng masama sa anak niyo. Vincent and I don't have any care to your sw
SHELLA POVINIWAN ko na muna saglit si nanay Tasing sa ospital at nagpaalam na uuwi muna sa bahay ni Jolo. Kakamustahin ko na muna ang pamilya ko roon at kukuha ng ilang gamit dahil nakikini-kinita ko na parang aabutin pa ng ilang araw ang pagpapahinga ni nanay Tasing sa ospital. Agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na bukas ang gate ng bahay ng binata at may iilang malalaking taong nakasuot ng panggwardya ang mga nakatayong nakapalibot paikot sa lugar. Hindi ko nalang iyon inisip pa at naglakad na patungo sa loob ng kabahayan. Tumaas ang isang kilay ko nang hindi ko pa man naitatapak ang mga paa ko para makapasok sa loob ng bakuran ng bahay ni Jolo ay agad nang may humarang na lalaki sa daraanan ko. Matalim ang mga matang pinukulan ko ito ng isang titig. "Ma'am kailangan ko na po munang mahingi ang pangalan niyo at-""Ako ang asawa ng may-ari ng bahay na ito. Ako si Shella at ako lang din naman ang ina ng anak ni Jolo," buong tapa
AGAD akong dumapa nang makitang kakalabitin ni Vincent ang baril niyang nakatutok sa akin. Pinagpapawisan ako ng malamig.Mabilis akong umikot at nagtago para kunin ang nakatagong baril na ibinigay sa akin ni Rusty kanina. I thought I would never be able to hold a thing like this that could take someone's life, but experiencing this kind of scenario makes me realize that you will be put in a situation that you never in your life imagined would happen.Kailangan mong lumaban katulad na lamang kung paano ka nila labanan.Pinakiramdaman ko ang buo kong katawan kung may masakit ba o may tama na pala ako ng baril na hindi ko pa alam pero marahas akong nagpakawala ng isang buntong hininga nang matiyak kong hindi ako. Hindi ako ang tinamaan ng bala.Kung ganoon... huwag niyong sabihin na si Vincent ang..."Vincent anak ko!"Mabilis akong napalinga sa paligid at malakas na sinip