Home / Romance / KEEPING THE CEO / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of KEEPING THE CEO: Chapter 91 - Chapter 100

139 Chapters

CHAPTER EIGHTY EIGHT

"HI Miss Shella, where's John Louis?" "Hindi ako hanapan ng nawawalang unggoy!" singhal ko nang makasalubong si Chadrich. Hindi ko na rin siya nilingon kahit na naririnig ko ang ilang beses niyang pagtawag sa pangalan ko. Bahala sila ng kaibigan niyang unggoy. Ang ganda-ganda ng mood ko kanina kasi binigyan ako ni Jolo ng bulaklak tapos wala pang isang oras ay sisirain na naman ng magaling na unggoy na 'yon. Akala ko pa naman ay masusulit namin ang huling araw namin dito sa isla, akala ko din ay ipapasyal ako ng mokong pero mukhang malabo na yata 'yon mangyari. Puro akala lang pala ang lahat. Bwiset!Dire-diretso pa rin ako sa ginagawang malalaking hakbang upang tuluyan nang makalayo sa lugar. Ayoko na kumain! Tatambay nalang ako sa tabing dagat at mamimingwit ng isda kung sakaling magutom. Tama! Hindi na ako aasa kay Jolo sa anumang bagay. Ayoko na din makita ang pagmumukha ng damuhong iyon at ni paghinga niya ay kinaiinisan ko na din. Ubusin niya a
last updateLast Updated : 2022-03-04
Read more

CHAPTER EIGHTY NINE

"SHELLA pack your things, we will leave at any moment," utos ni Jolo habang kunot na kunot ang noo at kulang nalang ay magdikit ang kanyang dalawang kilay. Naglalakad ito papunta sa akin habang inilalagay ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa.Hindi pa man ako nakakasagot sa huling sinabi ni Chadrich ay itong si Jolo naman ngayon ang bigla-bigla nalang nangmamando. Wala nalang akong ibang nagawa kung hindi tumayo mula sa kinauupuan at sundan ang binata. "Jolo, akala ko ba bukas pa tayo uuwi?" tanong ko rito habang nakatingala. Halos habulin ko rin ang paghinga ko sa sobrang bilis at malalaking hakbang na ginagawa ng binata. May naghihintay bang taxi sa labas na umaandar ang metro? Nagmamadali 'yan 'te?"We have to leave now. Where is Domingo, by the way?" muli niyang tanong at saglit na tumigil sa paglalakad at iniikot ang paningin na akala mo naman ay nandyan lang sa tabi-tabi ang kanyang hinahanap. Hindi ko maintindihan ang ikinikilos ni Jo
last updateLast Updated : 2022-03-06
Read more

CHAPTER NINETY

"JOLO, nasaan tayo?" iyon agad ang tanong ko nang marinig ang mahinang pagtigil ng makina ng sinasakyan naming chopper.Maingat na itinigil at ibinaba ni Rusty ang chopper sa isang rooftop kung saan kami nakasakay. Naunang bumaba si Jolo kaya naman hinintay ko na munang pagbuksan niya ako ng pinto at alalayang makababa. Binitbit ko na ang isang maliit na bag na tanging dala ko at lumapit na sa may pintuan ng chopper. "Here baby, cover your head," mariing utos ni Jolo at ipinandong sa ulo ko ang isang coat na hindi ko naman napansin  kung hawak na ba niya iyon kanina pa. Saan naman kaya niya nakuha ito?Magtatanong pa sana akong muli kung bakit kailangan ko pang magpandong ng ulo ngunit halos maningkit ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang matinding sikat ng araw. Nasa Maynila na ba kami? Agad-agad akong bumaba at naghanap muna ng masisilungan ngunit tanging ang fire exit lang ng building ang nakikita ko. Ayoko namang mauna pumasok at iwanan sila
last updateLast Updated : 2022-03-08
Read more

CHAPTER NINETY ONE

"YOU already heard his confession, Shella. Siguro naman ay naniniwala ka na." Bumaling ang  mga mata ko nang muling magsalita si Jolo. Hindi siya nakatingin sa akin o kahit kay Lawrence, blangko lamang ang mababasa sa mukha nito habang nakatiim bagang. Si Lawrence naman ngayon ang nilingon ko, nakayuko lamang ito at tahimik na humihikbi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa malaki ang tiwala ko kay Lawrence kaya hirap akong tanggapin at paniwalaan ang sinabi nito o dahil nararamdaman ko at may maliit pa rin na parte sa utak ko na hanggang ngayon ay nagtitiwala pa rin sa binata at sa ideya na hindi niya iyon magagawa sa boss niya. Hindi niya magagawang lokohin, pagnakawan o traydurin si Jolo!"Hindi, hindi iyon magagawa ni Lawrence, Jolo! Imposible! Napakaimposible-""But he already did, Shella! Stop forcing that fucking idea of yours thinking that Lawrence can never do that hideo
last updateLast Updated : 2022-03-09
Read more

CHAPTER NINETY TWO

"SA tingin mo magiging okay lang si Lawrence kasama 'yung mga panget na lalaking 'yon?" tanong ko kay Rusty habang naghihintay kaming bumukas ang isang elevator. Dahan-dahan itong lumingon sa akin at inilagay sa bulsa niya ang cellphone na parang kanina niya pa yata kinakalikot. "Huwag mo nang abalahin pa ang sarili mong isipin pa 'yon, Shella. At saka, akala ko ba ayaw mong malagay sa kapahamakan ang baby na nasa sinapupunan mo? Ano nalang kaya ang nangyari sayo kung sakaling mainit din ang ulo ng mga lalaking kumukuha kay Lawrence? You should consider your options more carefully, hindi ka dapat basta-basta nangingielam pagdating sa mga ganoong bagay."Mabilis na kumunot ang noo ko at naningkit ang mga mata nang marinig ang mahabang litanyang panenermon ng binata. Hindi lang pala chismoso si Rusty, daig niya pa si Nanay Leoning pagdating sa pagsesermon. Alam ko naman na delikado 'yung ginawa ko kanina eh, harangan ko ba naman at yakapin nang mahigpit si Lawrence
last updateLast Updated : 2022-03-11
Read more

CHAPTER NINETY THREE

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na inaayusan ako ng dalawang babae at isang bading, panay lamang ako ngiti nang tipid at magsasalita lamang kung sakaling tanungin nila ako ng mga bagay-bagay na hindi naman masasagot nang tanging pagtango o pag-iling lamang. "Ang ganda-ganda mo talaga, hija. Sigurado ka bang hindi ka isang model?" Mabilis akong napailing at napayuko nang kaunti. "Hindi po," nahihiya kong saad. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ang lumipas simula noong ayusan nila ako. Iyong dalawa na babae ang nag-aayos ng buhok ko samantalang 'yung bading naman ang panay tingin sa salamin habang nilalagyan ako ng make up. "Alam mo ba? Pwedeng-pwede ka sumali sa mga beauty pageant o hindi naman kaya ay maging isang runway model. Maganda ang pagkakamakinis ng balat mo at matangkad ka. Gusto mo ba isali kita? Marami akong kakilala-""Ay hindi na po. Wala po akong hilig sa mga ganoon," hindi ko na hinayaang matapos pa an
last updateLast Updated : 2022-03-12
Read more

CHAPTER NINETY FOUR

ILANG minuto na rin simula nang marating namin ni Rusty ang venue ng party. Nakaupo lamang kami sa isang gilid at panay lamang linga para mahanap si Jolo. "Ah Shella?" agad akong napalingon sa binata nang marinig ang biglaang pagtikhim nito at pagtawag sa aking pangalan. "Bakit?" tanong ko at marahan na inilapit ang tenga sa kanya. Hindi ko alam kung nagsisimula na ba ang party dahil medyo mga kantang dumadagundong sa tenga ang ipinatutugtog nila. Lumapit rin nang kaunti si Rusty sa akin bago nagsalita. "I have to go somewhere, mabilis lang. Okay lang ba kung iwan muna kita dito?" saad nito at muli nang lumayo. Saglit akong napakunot ng noo dahil tanging ang mga huling salita lamang ng binata ang maayos kong narinig. Mukhang nakuha naman nito ang ibig sabihin ng pagtataka sa aking mukha kaya isang beses ulit itong lumapit sa akin at bumulong sa aking tenga. "I said I have to go somewhere for a bit, okay lang ba kung iw
last updateLast Updated : 2022-03-13
Read more

CHAPTER NINETY FIVE

AGAD akong napaatras sa kinatatayuan ko nang sunod-sunod na nagsidatingan at nagdagsaan ang mga tao sa labas ng banyo kung nasaan kaming dalawa ni Angel. "Angel! Oh shit, what happened?!" hindik na bulalas ni Vincent at agad-agad na lumuhod para magpantay ang mga mata nila ng dalaga. Hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko ay napako na ang mga paa ko roon. Tanging mabilis lang na pagtibok ng puso ko ang siyang tanging bumibingi sa pandinig ko. Anong nangyayari? Anong nagawa ko? Nanlaki ang mga mata ko nang isang beses muling impit na sumigaw si Angel at pawang sakit na sakit sa anumang nangyayari sa kanya. Naluluha din itong napapakapit kay Vincent habang mariin na napapapikit ng mga mata. Pinagpapawisan na ako ng malamig at pakiramdam ko ay matutumba na ako dahil sa kakulangan ng paghinga. "What the hell is happening here?!" hindi ko na napigilan ang mapahagulgol nang marinig ang boses na iyon. Hindi ko
last updateLast Updated : 2022-03-14
Read more

CHAPTER NINETY SIX

"SIGURADO kana ba sa desisyon mo? Hindi na magbabago ang isip mo, Shella?" Saglit akong napalingon sa labas ng bintana nang marinig ang muling tanong sa akin ni Rusty, nakasakay ako ngayon sa loob ng sasakyan niya at hindi ko na alam kung saan na ba kaming lugar naroon. Medyo malalim na din kasi ang gabi at mangilan-ngilan nalang ang nakikita kong signboard. Marahas muna akong napabuntong hininga bago sulyapan ang binatang nagmamaneho sa tabi ko. "Oo naman, matagal ko na din naman kasi itong plano-""Nang ganito ang nangyayari? You want to leave John Louis in the midst of this chaos?" singit nito sa gitna ng mga sinasabi ko kasabay ng pagkakakunot ng kanyang noo. "Wala naman akong maitutulong eh, at saka siya na rin mismo ang nagsabing huwag na raw akong magpapakita sa kanya... kahit kailan," malungkot kong saad at mabilis na nag-iwas ng tingin. Naalala ko na naman kung paano bumagsak at nagkapira-piraso ang puso ko nang mar
last updateLast Updated : 2022-03-15
Read more

CHAPTER NINETY SEVEN

HINDI ko alam kung gaano katagal ang naging pagtulog ko, basta paggising ko nalang at nakasandal na pala ang ulo ko sa isang lalaking hindi ko naman kilala. Ang kapal ng mukha ko sa part na 'yon. "Oh! Baguio na! Baguio na!" sigaw ng konduktor habang ang mga mata ay nakatuon sa aming mga pasahero. Saglit muna akong napaunat ng katawan bago napagpasyahang tumayo mula sa kinauupuan. Kahit medyo nakakaramdam ng kaunting hiya at tinapangan ko ang sariling magpasintabi sa katabi para makadaan. Tipid din akong ngumiti. "D-dito kana ba bababa?" nawala ang tipid na ngiti ko at saglit na nagkaroon ng gitla sa noo sa biglaang pagkakatanong noong lalaki. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong nito o magkukunyari na lamang na hindi ito narinig. "A-ah, oo eh. Isang tricycle nalang kasi ang sasakyan ko bago ako makarating sa amin-" "Pwede bang sumama?" Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Mabilis ko ding pinagmasdan ang kabuuan ng mukha nito.
last updateLast Updated : 2022-03-16
Read more
PREV
1
...
89101112
...
14
DMCA.com Protection Status