SHELLA'S POV "ARE you sure you'll going to be okay here, Shella? Pwede namang hindi na ako sumama kanila Austin-""Shh, ano ka ba. Okay lang ako. At saka iidlip lang naman ako. Sigurado akong paggising ko ay nakabalik na kayo," nakangiti kong usal habang sinasabayan sa paglalakad si Diether patungong pintuan ng bahay. Marahas na nagpakawala ng malalim na buntong hininga ang binata habang mababasa pa rin ang matinding pag-aalala sa mukha nito. Pupunta kasing bayan si Austin, ang pinsan nito, may kailangan daw kasi silang sunduin doon. Hindi naman daw nabanggit sa kanya kung sino basta pinapasama siya. "Pwede naman ako magsabi kay Austin na ayokong sumama at babantayan nalang kita-""Hindi na, ano ka ba. Okay nga lang ako. Bakit ka ba nag-alala?" natatawa kong tanong dito habang nakakunot ang noo. Halos ilang buwan na rin ang lumipas magmula noong umalis kami sa Baguio at dito muna sa family house nila sa Ilocos manirahan. Mala
Last Updated : 2022-03-30 Read more