AGAD akong napaatras sa kinatatayuan ko nang sunod-sunod na nagsidatingan at nagdagsaan ang mga tao sa labas ng banyo kung nasaan kaming dalawa ni Angel.
"Angel! Oh shit, what happened?!" hindik na bulalas ni Vincent at agad-agad na lumuhod para magpantay ang mga mata nila ng dalaga.
Hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko ay napako na ang mga paa ko roon. Tanging mabilis lang na pagtibok ng puso ko ang siyang tanging bumibingi sa pandinig ko. Anong nangyayari? Anong nagawa ko?
Nanlaki ang mga mata ko nang isang beses muling impit na sumigaw si Angel at pawang sakit na sakit sa anumang nangyayari sa kanya. Naluluha din itong napapakapit kay Vincent habang mariin na napapapikit ng mga mata. Pinagpapawisan na ako ng malamig at pakiramdam ko ay matutumba na ako dahil sa kakulangan ng paghinga.
"What the hell is happening here?!" hindi ko na napigilan ang mapahagulgol nang marinig ang boses na iyon. Hindi ko
"SIGURADO kana ba sa desisyon mo? Hindi na magbabago ang isip mo, Shella?"Saglit akong napalingon sa labas ng bintana nang marinig ang muling tanong sa akin ni Rusty, nakasakay ako ngayon sa loob ng sasakyan niya at hindi ko na alam kung saan na ba kaming lugar naroon. Medyo malalim na din kasi ang gabi at mangilan-ngilan nalang ang nakikita kong signboard. Marahas muna akong napabuntong hininga bago sulyapan ang binatang nagmamaneho sa tabi ko."Oo naman, matagal ko na din naman kasi itong plano-""Nang ganito ang nangyayari? You want to leave John Louis in the midst of this chaos?" singit nito sa gitna ng mga sinasabi ko kasabay ng pagkakakunot ng kanyang noo."Wala naman akong maitutulong eh, at saka siya na rin mismo ang nagsabing huwag na raw akong magpapakita sa kanya... kahit kailan," malungkot kong saad at mabilis na nag-iwas ng tingin.Naalala ko na naman kung paano bumagsak at nagkapira-piraso ang puso ko nang mar
HINDI ko alam kung gaano katagal ang naging pagtulog ko, basta paggising ko nalang at nakasandal na pala ang ulo ko sa isang lalaking hindi ko naman kilala. Ang kapal ng mukha ko sa part na 'yon. "Oh! Baguio na! Baguio na!" sigaw ng konduktor habang ang mga mata ay nakatuon sa aming mga pasahero. Saglit muna akong napaunat ng katawan bago napagpasyahang tumayo mula sa kinauupuan. Kahit medyo nakakaramdam ng kaunting hiya at tinapangan ko ang sariling magpasintabi sa katabi para makadaan. Tipid din akong ngumiti. "D-dito kana ba bababa?" nawala ang tipid na ngiti ko at saglit na nagkaroon ng gitla sa noo sa biglaang pagkakatanong noong lalaki. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong nito o magkukunyari na lamang na hindi ito narinig. "A-ah, oo eh. Isang tricycle nalang kasi ang sasakyan ko bago ako makarating sa amin-" "Pwede bang sumama?" Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Mabilis ko ding pinagmasdan ang kabuuan ng mukha nito.
HINDI ko alam kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko ngayon, pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga kahit na nasa open space naman ako. Hindi ko napansin na matutumba na pala ako sa kinatatayuan ko nang bigla ko nalang maramdaman na para bang may kung sinong sumalo sa akin. It was Deither. Agad na lumingon sa akin ito habang punong puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. "Okay ka lang ba, Shella?" tanong nito habang titig na titig sa aking mga mata. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Gusto kong umiling ngunit maging iyon ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay naestatwa na ako at tanging malakas na kabog ng dibdib ko na lamang ang naririnig. "S-sino ka?" nauutal na tanong ni Neil kay Diether. Marahil nagtataka ito sa estrangherong bigla nalang nasa aking likuran at ngayon ay yakap-yakap ako. "I'm Dieth-" Hindi na nagawang tapusin pa ni Diether ang sasabihin niya dahil agad na sumingit si Neil. "Hindi naman ikaw 'yung lalaking nakita ko noon sa kubo
"SHELLA, mas mabuti siguro kung-"Naputol at naiwan sa ere ang mga sinasabi ni Neil nang bigla kaming makarinig nang malalakas na kalampag sa gate ng bahay niya. Nanlalaki ang mga matang nagkatinginan kaming dalawa. "N-neil... sino 'yon?" puno ng takot kong tanong sa kaibigan at mabilis na inalis ang mga luhang nagkalat sa aking mukha. Saglit na inalis niya sa akin ang kanyang atensyon at maingat na sumilip sa kanyang katabing bintana. Halos bundulin ako nang matinding kaba nang mabilis itong lumingon sa akin habang dahan-dahan na umiiling. "S-shella... Shella, si Mario..." Hindi ko alam kung saan na napunta ang tapang na pinagyayabang ko kanina. Pakiramdam ko ay parehong takot at pangamba ang nararamdaman ko ngayon katulad ng nararamdaman ko noon sa tuwing iniisip na baka magkita o magkasalubong kami ni Angel sa building ni Jolo. "What's happening here? Okay lang ba kayo?" tanong ni Diether at akmang bubuksan ang bintana nang mabilis itong hinigit ni Ne
JOLO POV"HOW'S Angel?" bungad kong tanong nang mamataan si Vincent na nakaupo sa gilid ng Emergency Room. Agad naman itong nag-angat ng ulo at mariin na tumitig sa akin. Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko sa paraan ng pagtitig ni Vincent, madiin na para bang tumatagos hanggang sa likuran ko. "Vincent, stop staring at me like that and just answer my fucking question-" hindi ko na natapos ang mga salitang sasabihin nang bigla nalang itong tumayo sa kinauupuan at marahas akong inatake. Ngayon, ay nakahawak siya nang mahigpit sa kwelyo ng damit ko at matalim ang mga matang nakikipagtitigan sa akin. "This is all your fault, Jolo! Kung sakaling may masamang mangyari kay Angel lalo na sa batang nasa sinapupunan niya, I am fucking telling you, Jolo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!"Agad kong iwinaksi ang mga kamay nitong mahigpit na nakakapit sa akin at matalim na tinitigan ito mula ulo hanggang paa. "I know this i
I AM working my ass off here in my company when the door of my office suddenly open. Agad akong nag-angat ng paningin upang tingnan kung sino ang pumasok. Umarko ang dalawa kong kilay nang makita ang taong hindi ko inaasahang makita ngayong araw. "What are you doing here, Domingo? Our next meeting will be moved next month. Mukhang napaaga ka yata at ilang beses kanang nagpapabalik balik dito," usal ko at muli nang binalik ang atensyon sa binabasang dokumento. Magmula nang tanggalin ko ang secretary kong si Lawrence ay hindi pa rin muli ako nakakahanap ng kapalit nito. Bukod kasi sa wala akong makitang mas better sa dati kong secretary ay busy rin ako sa pag-aalaga at pagbabantay kay Angel sa ospital. Angel and I had a conversation about where does she want to be bed rest, mas gusto niya daw sa ospital tutal wala din naman daw mag-assikaso sa kanya sa bahay nila. Both of her parents are in abroad, doing international meetings and conference also. "Wala
"WHAT are you doing here again, Domingo? Wala ka bang kompanya na pwedeng pagkaabalahan?" naaasar kong wika sa kaibigan nang muli na naman itong makitang naglalakad patungo sa akin. Halos doble ang tinambak ng mga papel na kailangan kong basahin at pirmahan ngayon. Lot of investor and business partner are suggesting to release a new product and upgrade the old ones. Kaya naman binubusisi at binabasa ko nang maigi ang mga files na binibigay sa akin ng mga secretary nila. "Don't you miss me, John Louis? I'm hurt-""Nagkita tayo last week, ilang beses kang nagpunta dito sa building ko, right? You can leave as early as of now because I have so many things to do. Hindi ako pwedeng umalis dito sa mesa ko or else madagdagan na naman ang gatambak na papeles na meron ako," saad ko at marahas na napabuntong hininga. I am so worn out reading and analysing each and every paper I had on my table. Pakiramdam ko nga ay nagkakahalo-halo na sa utak ko ang mga dokum
HINDI na ako nagpatumpik tumpik pa at marahas na sanang bubuksan ang pintuan ng silid nang mabilis pa sa alas kwatrong hinigit ako ni Rusty palayo. Nakakunot ang noo na nilingon ko ito. "What the fuck are you thinking? I need to talk to Angel right now!" nagngingitngit ang mga ngipin na asik ko sa kaibigan. Mabilis lang itong tumango sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Is it true? That I am not the father of Angel's unborn child? Pero hindi pa naman ako nakakasigurado kaya kailangan ko nang makausap ang dalaga ngayon na mismo!"You can't face Angel with that kind of emotion in your face, John Louis, mukha kang dragon na handa nang bumuga ng apoy. Take a deep breath and calm down dude. Alalahanin mo pa rin na hindi pupwedeng mastress si Angel lalo na sa kondisyon niya ngayon," mahabang saad nito at hindi pa rin binibitawan ang pagakakahawak sa braso ko. Rusty was pulling me and I don't know where we are heading to. Kayang
"GO honey, give the flowers now to your lola Lydia and don't forget to kiss her," nakangiti kong utos sa anak namin ni Shella na si Miracle. Agad nga itong tumalima at masayang naglakad kasabay pa na kaunting pagtalon-talon papunta kay auntie Lydia. "Mukha kang masaya ah, may nangyari bang maganda?" napalingon ako sa tabi ko nang marinig ang tanong ni Shella. Mabilis akong tumango at niyakap ito nang sobrang higpit ngunit may kasama pa ring pag-iingat. "You don't have to ask me that, love. Makasama lang kita palagi, sapat na'ng dahilan iyon para maging masaya. And also aside from that... dumating na pala ang mga wedding invitations na ipamimigay natin sa mga guest, aren't you excited about that? Hindi ba't personal choice mo ang piniling template doon?" tanong ko rito habang sinusulyapan ang kanyang mga mata. Agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko nang makita kong ngumuso si Shella. She's been doing that for almost a week now! Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabiha
NAUNA nang pumasok sila lola Tatiana at Shella sa loob ng kwarto ni auntie Lydia. Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung susunod ba ako rito o babalik nalang sa kwarto kung saan naiwan sila Rusty. I am longing to my daughter, parang mas gusto ko nang umuwi nalang ngayon kaysa makipag-usap sa taong ayoko nang makita pa at pag-aksayahan ng oras. I was about to walk away from the door of auntie Lydia's room when it suddenly opened, halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang makitang ang iniluwa noon ay ang asawa kong naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin. "At saan mo balak pumunta Mr. John Louis Raymundo? Hindi ba't sinabi mo kay nanay Tasing na sasamahan mo siyang makipag-usap sa tiyahin mo? Aba'y ilang minuto na kaming nandito sa loob ay wala ka pa rin. Tapos ngayon mahuhuli pa kitang aalis-""I'm not going anywhere, pupuntahan ko lang sana sila Rusty-""At bakit?!" nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumaas ang boses ni Shella at mas lalo lang naningkit ang mga
JOLO POVKUNOT na kunot ang noo kong hinabol ng tingin si Shella na ngayon ay palayo na nang palayo sa akin.Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung ano iyong mga pinagsasasabi niya kanina. Bantayan ko daw sila ni Miracle kahit hindi ko na sila makakasama like what the fuck right? I am fucking alive and breathing fine.Inubos ko na muna ang kape na binili ko bago ko napagdesisyunang sumunod kay Shella. Hindi naman siguro iyon aalis at pupunta kung saan. I know that she was just roaming around the area.I was about to pull the doorknob of the door when it suddenly opened. Si Rusty na nakahawak sa kanyang pisngi ang iniluwa noon."What the hell Domingo? Ano na namang kabaliwan ang ginawa mo?" naniningkit ang mga matang tanong ko sa kaibigan.Rusty just smiled awkwardly that makes my doubt even worst. Siguro ay may kinalaman ito
HINDI ko na alam kung anong mga gamit ang isinilid ko sa maliit na bag na nahablot ko kanina. Nagmamadali akong nagbihis habang tuloy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ko. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay nahihirapan ako huminga sa bawat pagdaan ng oras. Nanghihina ako at parang gusto ko nalang hayaan ang katawan kong matumba at umiyak nang umiyak. "Shella apo, tatagan mo ang loob mo. Huwag mong kalimutan na nandito lang kaming pamilya mo-""Hindi, 'nay Leoning. Hindi patay si Jolo. Hindi patay ang asawa ko. Magkikita pa kami... magkakasama pa kami..." saad ko habang umiiling-iling. Mabilis akong niyakap ni nanay Leoning kasabay ng paghaplos niya sa likod ko. Ngunit imbes na gumaan ang loob ko ay lalo lang akong pumalahaw ng iyak. Hindi ko na kayang magkunyari pa. Nasasaktan ako nang sobra-sobra at hindi ko na alam kung paano ko pa patitigilin ang sarili sa matinding pag-iyak. Agad kong tinuyo ang
SHELLA POV"RUSTY, sumagot na ba si Jolo?"Hindi ko na napigilan pa ang sarili na hindi mapangiwi nang dahan-dahan lamang na umiling bilang kasagutan sa akin si Rusty. Hindi ko alam kung nakailang beses na ba akong nagtanong sa kanya tungkol kay Jolo para sa araw na ito.Ilang oras na rin kasi ang lumipas magmula noong umalis kami sa Maynila. Hindi ko na nagawa pang itanong kay Rusty ang eksaktong lugar na pinagdalhan niya sa amin basta ang sinabi niya lang ay isa ito sa mga private property ng pamilya niya. Hindi ko alam kung gaano kalayo ito dahil nakatulog rin ako kanina sa biyahe. "Nasabi mo ba sa kanya kung saan ang lugar na ito? Kung paano pumunta dito?" muli kong tanong. Mariin lamang na tumango s Rusty sa akin bilang sagot at marahas na nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko alam kung nakukulitan na ba ito sa akin o naaawa. Naririnig at nakikita ko naman kasi kanina na maya't maya ay tinatawagan niya ang numer
JOLO POV"JOLO..."Mabilis kong nilingon si Shella sa tabi ko nang mahimigan ko ng matinding pag-aalala ang boses nito. Wala na rin sila Lawrence dito sa bakuran ko at sa hula ko ay nasa labas na sila para tingnan at alamin kung saan nanggaling ang putok ng baril na narinig namin kani-kanina lang.Alam kong narinig niya ang narinig ko. Kinakabahan ako sa maaaring makita ko sa labas. Sobra-sobra nang dahas ang nakikita ko para sa araw na ito. Nag-aalala ako kay Shella pati na rin sa pamilya niya dahil naiisip ko palang ngayon na baka magdulot na naman kakaibang trauma sa kanila ang narinig nilang malakas na putok ng baril."J-jolo... si A-angel... n-nasaan si Angel..."Marahan kong hinigit palapit sa akin ang dalaga at kinulong sa mga bisig ko. Ramdam ko ang takot sa katauhan nito dahil pansin na pansin ko ang pangangarag ng boses niya.
"PAANONG... a-anong..."Hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat kong bitawan ngayon. Tila hindi ko mawari o mahanap ang mga tanong na sasabihin ko kay Angel. Nagtataka ako. Paanong siya ang nagdala pauwi kay baby Miracle dito ganoong ang tiyahin ni Jolo na si Lydia ang nakunan ng surveillance camera na siyang kumuha sa anak ko."Don't know the right words you want to say? That's okay, Shella. Kahit ako ay hindi ko naisip na gagawin ko 'to. Na ako pa mismo ang magbabalik sa inyo ng anak niyo-""Paanong napunta sayo si Miracle ganoong ang tiyahin ni Jolo ang nakunan sa camera na siyang kumuha sa anak namin? Imposible namang tinaya mo ang buhay mo para kay Miracle-""Simple lang..." maarte nitong pagkakausal sabay lagay ng kanyang mga kamay sa kanyang harapan. "... Vincent only wants Jolo's company. Ang nanay niya lang naman ang nagbalak ng masama sa anak niyo. Vincent and I don't have any care to your sw
SHELLA POVINIWAN ko na muna saglit si nanay Tasing sa ospital at nagpaalam na uuwi muna sa bahay ni Jolo. Kakamustahin ko na muna ang pamilya ko roon at kukuha ng ilang gamit dahil nakikini-kinita ko na parang aabutin pa ng ilang araw ang pagpapahinga ni nanay Tasing sa ospital. Agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na bukas ang gate ng bahay ng binata at may iilang malalaking taong nakasuot ng panggwardya ang mga nakatayong nakapalibot paikot sa lugar. Hindi ko nalang iyon inisip pa at naglakad na patungo sa loob ng kabahayan. Tumaas ang isang kilay ko nang hindi ko pa man naitatapak ang mga paa ko para makapasok sa loob ng bakuran ng bahay ni Jolo ay agad nang may humarang na lalaki sa daraanan ko. Matalim ang mga matang pinukulan ko ito ng isang titig. "Ma'am kailangan ko na po munang mahingi ang pangalan niyo at-""Ako ang asawa ng may-ari ng bahay na ito. Ako si Shella at ako lang din naman ang ina ng anak ni Jolo," buong tapa
AGAD akong dumapa nang makitang kakalabitin ni Vincent ang baril niyang nakatutok sa akin. Pinagpapawisan ako ng malamig.Mabilis akong umikot at nagtago para kunin ang nakatagong baril na ibinigay sa akin ni Rusty kanina. I thought I would never be able to hold a thing like this that could take someone's life, but experiencing this kind of scenario makes me realize that you will be put in a situation that you never in your life imagined would happen.Kailangan mong lumaban katulad na lamang kung paano ka nila labanan.Pinakiramdaman ko ang buo kong katawan kung may masakit ba o may tama na pala ako ng baril na hindi ko pa alam pero marahas akong nagpakawala ng isang buntong hininga nang matiyak kong hindi ako. Hindi ako ang tinamaan ng bala.Kung ganoon... huwag niyong sabihin na si Vincent ang..."Vincent anak ko!"Mabilis akong napalinga sa paligid at malakas na sinip