"ANO Shella, ready ka na ba?" Mabilis akong napalingon kay Lawrence nang bigla itong napatanong. Nakasakay kami ngayon sa elevator at hinihintay nalang na makarating sa palapag kung nasaan naroroon ang opisina ni Jolo. Pagkatapos nga ng naging pag-uusap namin noong gabi na iyon ni Lawrence ay agad niya ring tinawagan si Jolo para ipaalam na pumapayag na ako. Binigyan kami ng binata ng dalawang araw upang makapaghanda kahit papaano at makabili ng mga damit na babagay para nga sa akin, bilang secretary ni Jolo. Ayoko namang mapahiya dahil karamihan sa mga dala kong damit ay ilang taon na ang pinaglumaan. Si Lawrence ang namili ng lahat. Kulay, disenyo, haba at ikli ng mga damit. Maging mga sapatos ay bumili kami, iyong walang takong at hindi mataas ang pinili namin. Bawal kasi sa buntis magsuot ng mga sandals o sapatos na may takong, delikado. Siya rin ang nagbayad ng mga iyon na pinagpasalamat ko talaga sa kanya nang maigi. "
Terakhir Diperbarui : 2022-02-10 Baca selengkapnya