JOLO POV
ANONG oras na, kinakabahan na ako. Nasaan na kaya si Rusty? Naibigay naman kaya niya 'yung paper bag na pinapabigay ko kay Shella nang walang masamang nangyayari?
Kanina noong masiguro ko na mahimbing nang natutulog ang dalaga ay dali-dali na akong naghanda para sa munti kong surpresa para sa dalaga. A picnic date in the seaside. Oo na, alam ko na ang luma at medyo baduy but I really find this date romantic and worth to remember. Ito nalang ang tanging naiisip ko na pwedeng maging pambawi kay Shella. Mabuti na nga lang at nailagay pala ni Domingo sa chopper niya ang paper bag na pinatago ko sa kanya noon pa. The dress is my own choice. Pinasadya ko iyon na ipagawa sa isang designer doon din sa Maynila. Hinulaan ko nalang 'yung sukat ng katawan at binase sa pagkakaalala ko sa taas at timbang ng dalaga.
Alam ko naman at ramdam ko na seryoso si Shella noong sinabi niya na ipapaubaya na niya ako kay Angel, para daw sa ikabubuti ng lahat. Hindi ko a
SHELLA POVKINABUKASAN ay gumising akong may pakiramdam na tila ba binibiyak ang ulo ko. Ano bang nangyari kagabi? Ang huling naalala ko lang ay inalok ako ni Jolo na inumin 'yung red wine na binibigay niya na agad ko namang ginawa. Pagkatapos n'o ay wala na akong ibang maalala kung ano pa ba ang nangyari kagabi. Ni wala nga din akong ideya kung paano ako nakarating dito sa cabin eh.Pupungas-pungas akong tumayo mula sa pagkakahiga at agad akong napahawak sa sentido ko nang maramdaman ang matinding pangingirot n'on."Ah shit na malagkit, nasaan na ba si Jolo? Ang sakit ng ulo ko, akala ko ba alcohol free 'yung wine na binigay sa akin ng kumag na 'yon?" mahinang tanong ko sa sarili at marahang inikot ang paningin sa paligid. Bakit ba lagi nalang akong iniiwan ng unggoy na 'yon mag-isa dito sa cabin pag nakakatulog? Saraduhan ko kaya siya ulit para hindi na ako nag-iisip kung saang lupalop na naman sya nagpupunta.Akmang maglalakad na sana ako p
AGAD kong inilibot ang mga mata ko pagpasok namin ng restaurant, akala ko ay sa isang karinderya lang kami pupunta ni Jolo ngunit nagulat ako nang bumaba kami sakay ng isang shuttle at bumungad nga restaurant na ito. Parang hindi lang basta-basta na restaurant ito dahil masyadong elegante at makinang ang mga gamit nila at maging ang mga crew or staff ay disente tingnan. Kaunti lang din ang mga taong kumakain, siguro ay wala pa sa sampu ang bilang ko at kasama na din kami doon ni Jolo."May restaurant palang ganito dito sa isla?" wala sa loob na wika ko, agad naman akong nilingon ng binata sa tabi ko at dahan-dahan na tumango."Yes baby, hindi lang ito ang maganda dito. Hayaan mo at pagkatapos nating kumain ay mamasyal tayo. Para naman makalibot tayo bago tayo umuwi," masayang wika nito at inalalayan na ako sa pagpasok.Hindi ko alam kung bakit tila nakaramdam ako ng saya at kalungkutan sa sinabi ng binata. Masaya dahil sa wakas ay nagawa at nat
"HI Miss Shella, where's John Louis?""Hindi ako hanapan ng nawawalang unggoy!" singhal ko nang makasalubong si Chadrich.Hindi ko na rin siya nilingon kahit na naririnig ko ang ilang beses niyang pagtawag sa pangalan ko. Bahala sila ng kaibigan niyang unggoy. Ang ganda-ganda ng mood ko kanina kasi binigyan ako ni Jolo ng bulaklak tapos wala pang isang oras ay sisirain na naman ng magaling na unggoy na 'yon. Akala ko pa naman ay masusulit namin ang huling araw namin dito sa isla, akala ko din ay ipapasyal ako ng mokong pero mukhang malabo na yata 'yon mangyari. Puro akala lang pala ang lahat. Bwiset!Dire-diretso pa rin ako sa ginagawang malalaking hakbang upang tuluyan nang makalayo sa lugar. Ayoko na kumain! Tatambay nalang ako sa tabing dagat at mamimingwit ng isda kung sakaling magutom. Tama! Hindi na ako aasa kay Jolo sa anumang bagay. Ayoko na din makita ang pagmumukha ng damuhong iyon at ni paghinga niya ay kinaiinisan ko na din. Ubusin niya a
"SHELLA pack your things, we will leave at any moment," utos ni Jolo habang kunot na kunot ang noo at kulang nalang ay magdikit ang kanyang dalawang kilay. Naglalakad ito papunta sa akin habang inilalagay ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa.Hindi pa man ako nakakasagot sa huling sinabi ni Chadrich ay itong si Jolo naman ngayon ang bigla-bigla nalang nangmamando. Wala nalang akong ibang nagawa kung hindi tumayo mula sa kinauupuan at sundan ang binata."Jolo, akala ko ba bukas pa tayo uuwi?" tanong ko rito habang nakatingala. Halos habulin ko rin ang paghinga ko sa sobrang bilis at malalaking hakbang na ginagawa ng binata. May naghihintay bang taxi sa labas na umaandar ang metro? Nagmamadali 'yan 'te?"We have to leave now. Where is Domingo, by the way?" muli niyang tanong at saglit na tumigil sa paglalakad at iniikot ang paningin na akala mo naman ay nandyan lang sa tabi-tabi ang kanyang hinahanap.Hindi ko maintindihan ang ikinikilos ni Jo
"JOLO, nasaan tayo?" iyon agad ang tanong ko nang marinig ang mahinang pagtigil ng makina ng sinasakyan naming chopper.Maingat na itinigil at ibinaba ni Rusty ang chopper sa isang rooftop kung saan kami nakasakay. Naunang bumaba si Jolo kaya naman hinintay ko na munang pagbuksan niya ako ng pinto at alalayang makababa. Binitbit ko na ang isang maliit na bag na tanging dala ko at lumapit na sa may pintuan ng chopper."Here baby, cover your head," mariing utos ni Jolo at ipinandong sa ulo ko ang isang coat na hindi ko naman napansin kung hawak na ba niya iyon kanina pa. Saan naman kaya niya nakuha ito?Magtatanong pa sana akong muli kung bakit kailangan ko pang magpandong ng ulo ngunit halos maningkit ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang matinding sikat ng araw. Nasa Maynila na ba kami? Agad-agad akong bumaba at naghanap muna ng masisilungan ngunit tanging ang fire exit lang ng building ang nakikita ko. Ayoko namang mauna pumasok at iwanan sila
"YOU already heard his confession, Shella. Siguro naman ay naniniwala ka na."Bumaling ang mga mata ko nang muling magsalita si Jolo. Hindi siya nakatingin sa akin o kahit kay Lawrence, blangko lamang ang mababasa sa mukha nito habang nakatiim bagang.Si Lawrence naman ngayon ang nilingon ko, nakayuko lamang ito at tahimik na humihikbi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa malaki ang tiwala ko kay Lawrence kaya hirap akong tanggapin at paniwalaan ang sinabi nito o dahil nararamdaman ko at may maliit pa rin na parte sa utak ko na hanggang ngayon ay nagtitiwala pa rin sa binata at sa ideya na hindi niya iyon magagawa sa boss niya. Hindi niya magagawang lokohin, pagnakawan o traydurin si Jolo!"Hindi, hindi iyon magagawa ni Lawrence, Jolo! Imposible! Napakaimposible-""But he already did, Shella! Stop forcing that fucking idea of yours thinking that Lawrence can never do that hideo
"SA tingin mo magiging okay lang si Lawrence kasama 'yung mga panget na lalaking 'yon?" tanong ko kay Rusty habang naghihintay kaming bumukas ang isang elevator. Dahan-dahan itong lumingon sa akin at inilagay sa bulsa niya ang cellphone na parang kanina niya pa yata kinakalikot."Huwag mo nang abalahin pa ang sarili mong isipin pa 'yon, Shella. At saka, akala ko ba ayaw mong malagay sa kapahamakan ang baby na nasa sinapupunan mo? Ano nalang kaya ang nangyari sayo kung sakaling mainit din ang ulo ng mga lalaking kumukuha kay Lawrence? You should consider your options more carefully, hindi ka dapat basta-basta nangingielam pagdating sa mga ganoong bagay."Mabilis na kumunot ang noo ko at naningkit ang mga mata nang marinig ang mahabang litanyang panenermon ng binata. Hindi lang pala chismoso si Rusty, daig niya pa si Nanay Leoning pagdating sa pagsesermon. Alam ko naman na delikado 'yung ginawa ko kanina eh, harangan ko ba naman at yakapin nang mahigpit si Lawrence
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na inaayusan ako ng dalawang babae at isang bading, panay lamang ako ngiti nang tipid at magsasalita lamang kung sakaling tanungin nila ako ng mga bagay-bagay na hindi naman masasagot nang tanging pagtango o pag-iling lamang."Ang ganda-ganda mo talaga, hija. Sigurado ka bang hindi ka isang model?"Mabilis akong napailing at napayuko nang kaunti. "Hindi po," nahihiya kong saad. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ang lumipas simula noong ayusan nila ako. Iyong dalawa na babae ang nag-aayos ng buhok ko samantalang 'yung bading naman ang panay tingin sa salamin habang nilalagyan ako ng make up."Alam mo ba? Pwedeng-pwede ka sumali sa mga beauty pageant o hindi naman kaya ay maging isang runway model. Maganda ang pagkakamakinis ng balat mo at matangkad ka. Gusto mo ba isali kita? Marami akong kakilala-""Ay hindi na po. Wala po akong hilig sa mga ganoon," hindi ko na hinayaang matapos pa an
"GO honey, give the flowers now to your lola Lydia and don't forget to kiss her," nakangiti kong utos sa anak namin ni Shella na si Miracle. Agad nga itong tumalima at masayang naglakad kasabay pa na kaunting pagtalon-talon papunta kay auntie Lydia. "Mukha kang masaya ah, may nangyari bang maganda?" napalingon ako sa tabi ko nang marinig ang tanong ni Shella. Mabilis akong tumango at niyakap ito nang sobrang higpit ngunit may kasama pa ring pag-iingat. "You don't have to ask me that, love. Makasama lang kita palagi, sapat na'ng dahilan iyon para maging masaya. And also aside from that... dumating na pala ang mga wedding invitations na ipamimigay natin sa mga guest, aren't you excited about that? Hindi ba't personal choice mo ang piniling template doon?" tanong ko rito habang sinusulyapan ang kanyang mga mata. Agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko nang makita kong ngumuso si Shella. She's been doing that for almost a week now! Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabiha
NAUNA nang pumasok sila lola Tatiana at Shella sa loob ng kwarto ni auntie Lydia. Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung susunod ba ako rito o babalik nalang sa kwarto kung saan naiwan sila Rusty. I am longing to my daughter, parang mas gusto ko nang umuwi nalang ngayon kaysa makipag-usap sa taong ayoko nang makita pa at pag-aksayahan ng oras. I was about to walk away from the door of auntie Lydia's room when it suddenly opened, halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang makitang ang iniluwa noon ay ang asawa kong naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin. "At saan mo balak pumunta Mr. John Louis Raymundo? Hindi ba't sinabi mo kay nanay Tasing na sasamahan mo siyang makipag-usap sa tiyahin mo? Aba'y ilang minuto na kaming nandito sa loob ay wala ka pa rin. Tapos ngayon mahuhuli pa kitang aalis-""I'm not going anywhere, pupuntahan ko lang sana sila Rusty-""At bakit?!" nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumaas ang boses ni Shella at mas lalo lang naningkit ang mga
JOLO POVKUNOT na kunot ang noo kong hinabol ng tingin si Shella na ngayon ay palayo na nang palayo sa akin.Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung ano iyong mga pinagsasasabi niya kanina. Bantayan ko daw sila ni Miracle kahit hindi ko na sila makakasama like what the fuck right? I am fucking alive and breathing fine.Inubos ko na muna ang kape na binili ko bago ko napagdesisyunang sumunod kay Shella. Hindi naman siguro iyon aalis at pupunta kung saan. I know that she was just roaming around the area.I was about to pull the doorknob of the door when it suddenly opened. Si Rusty na nakahawak sa kanyang pisngi ang iniluwa noon."What the hell Domingo? Ano na namang kabaliwan ang ginawa mo?" naniningkit ang mga matang tanong ko sa kaibigan.Rusty just smiled awkwardly that makes my doubt even worst. Siguro ay may kinalaman ito
HINDI ko na alam kung anong mga gamit ang isinilid ko sa maliit na bag na nahablot ko kanina. Nagmamadali akong nagbihis habang tuloy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ko. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay nahihirapan ako huminga sa bawat pagdaan ng oras. Nanghihina ako at parang gusto ko nalang hayaan ang katawan kong matumba at umiyak nang umiyak. "Shella apo, tatagan mo ang loob mo. Huwag mong kalimutan na nandito lang kaming pamilya mo-""Hindi, 'nay Leoning. Hindi patay si Jolo. Hindi patay ang asawa ko. Magkikita pa kami... magkakasama pa kami..." saad ko habang umiiling-iling. Mabilis akong niyakap ni nanay Leoning kasabay ng paghaplos niya sa likod ko. Ngunit imbes na gumaan ang loob ko ay lalo lang akong pumalahaw ng iyak. Hindi ko na kayang magkunyari pa. Nasasaktan ako nang sobra-sobra at hindi ko na alam kung paano ko pa patitigilin ang sarili sa matinding pag-iyak. Agad kong tinuyo ang
SHELLA POV"RUSTY, sumagot na ba si Jolo?"Hindi ko na napigilan pa ang sarili na hindi mapangiwi nang dahan-dahan lamang na umiling bilang kasagutan sa akin si Rusty. Hindi ko alam kung nakailang beses na ba akong nagtanong sa kanya tungkol kay Jolo para sa araw na ito.Ilang oras na rin kasi ang lumipas magmula noong umalis kami sa Maynila. Hindi ko na nagawa pang itanong kay Rusty ang eksaktong lugar na pinagdalhan niya sa amin basta ang sinabi niya lang ay isa ito sa mga private property ng pamilya niya. Hindi ko alam kung gaano kalayo ito dahil nakatulog rin ako kanina sa biyahe. "Nasabi mo ba sa kanya kung saan ang lugar na ito? Kung paano pumunta dito?" muli kong tanong. Mariin lamang na tumango s Rusty sa akin bilang sagot at marahas na nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko alam kung nakukulitan na ba ito sa akin o naaawa. Naririnig at nakikita ko naman kasi kanina na maya't maya ay tinatawagan niya ang numer
JOLO POV"JOLO..."Mabilis kong nilingon si Shella sa tabi ko nang mahimigan ko ng matinding pag-aalala ang boses nito. Wala na rin sila Lawrence dito sa bakuran ko at sa hula ko ay nasa labas na sila para tingnan at alamin kung saan nanggaling ang putok ng baril na narinig namin kani-kanina lang.Alam kong narinig niya ang narinig ko. Kinakabahan ako sa maaaring makita ko sa labas. Sobra-sobra nang dahas ang nakikita ko para sa araw na ito. Nag-aalala ako kay Shella pati na rin sa pamilya niya dahil naiisip ko palang ngayon na baka magdulot na naman kakaibang trauma sa kanila ang narinig nilang malakas na putok ng baril."J-jolo... si A-angel... n-nasaan si Angel..."Marahan kong hinigit palapit sa akin ang dalaga at kinulong sa mga bisig ko. Ramdam ko ang takot sa katauhan nito dahil pansin na pansin ko ang pangangarag ng boses niya.
"PAANONG... a-anong..."Hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat kong bitawan ngayon. Tila hindi ko mawari o mahanap ang mga tanong na sasabihin ko kay Angel. Nagtataka ako. Paanong siya ang nagdala pauwi kay baby Miracle dito ganoong ang tiyahin ni Jolo na si Lydia ang nakunan ng surveillance camera na siyang kumuha sa anak ko."Don't know the right words you want to say? That's okay, Shella. Kahit ako ay hindi ko naisip na gagawin ko 'to. Na ako pa mismo ang magbabalik sa inyo ng anak niyo-""Paanong napunta sayo si Miracle ganoong ang tiyahin ni Jolo ang nakunan sa camera na siyang kumuha sa anak namin? Imposible namang tinaya mo ang buhay mo para kay Miracle-""Simple lang..." maarte nitong pagkakausal sabay lagay ng kanyang mga kamay sa kanyang harapan. "... Vincent only wants Jolo's company. Ang nanay niya lang naman ang nagbalak ng masama sa anak niyo. Vincent and I don't have any care to your sw
SHELLA POVINIWAN ko na muna saglit si nanay Tasing sa ospital at nagpaalam na uuwi muna sa bahay ni Jolo. Kakamustahin ko na muna ang pamilya ko roon at kukuha ng ilang gamit dahil nakikini-kinita ko na parang aabutin pa ng ilang araw ang pagpapahinga ni nanay Tasing sa ospital. Agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na bukas ang gate ng bahay ng binata at may iilang malalaking taong nakasuot ng panggwardya ang mga nakatayong nakapalibot paikot sa lugar. Hindi ko nalang iyon inisip pa at naglakad na patungo sa loob ng kabahayan. Tumaas ang isang kilay ko nang hindi ko pa man naitatapak ang mga paa ko para makapasok sa loob ng bakuran ng bahay ni Jolo ay agad nang may humarang na lalaki sa daraanan ko. Matalim ang mga matang pinukulan ko ito ng isang titig. "Ma'am kailangan ko na po munang mahingi ang pangalan niyo at-""Ako ang asawa ng may-ari ng bahay na ito. Ako si Shella at ako lang din naman ang ina ng anak ni Jolo," buong tapa
AGAD akong dumapa nang makitang kakalabitin ni Vincent ang baril niyang nakatutok sa akin. Pinagpapawisan ako ng malamig.Mabilis akong umikot at nagtago para kunin ang nakatagong baril na ibinigay sa akin ni Rusty kanina. I thought I would never be able to hold a thing like this that could take someone's life, but experiencing this kind of scenario makes me realize that you will be put in a situation that you never in your life imagined would happen.Kailangan mong lumaban katulad na lamang kung paano ka nila labanan.Pinakiramdaman ko ang buo kong katawan kung may masakit ba o may tama na pala ako ng baril na hindi ko pa alam pero marahas akong nagpakawala ng isang buntong hininga nang matiyak kong hindi ako. Hindi ako ang tinamaan ng bala.Kung ganoon... huwag niyong sabihin na si Vincent ang..."Vincent anak ko!"Mabilis akong napalinga sa paligid at malakas na sinip