Home / Romance / The Rented Wife / Chapter 271 - Chapter 280

All Chapters of The Rented Wife: Chapter 271 - Chapter 280

364 Chapters

Chapter 270

Gusto kong ibalik ang lahat sa simula. Gusto kong ayusin ang relasyon naming dalawa. Nanatili akong nakaupo sa tapat ng study table. Kagat-kagat ko ang pang-ibaba kong labi habang mahinang humihikbi. Nakapatong na ngayon sa study table ang nagkahiwa-hiwalay ng parte ng cellphone ko. Nagsisisi ako. Maling-mali na humingi ako ng tulong sa siraulong katulad ng lalaking 'yon. Malalim akong napabuntong hininga. Kasalanan ko rin, kasalanan ko rin na umasa ako na kahit papaano ay may mabuting puso naman ang Michael na 'yon. Masyado ko kasing dinala ang sarili ko sa mga naging maliit na pag-uusap namin kanina sa ibaba. Napahinga ako ng malalim. Walang kahit anong cellphone ang makakapalit dito. Ito pa kasi ang cellphone ni Daddy. Ito 'yong cellphone at huling hawak-hawak niya bago siya mamatay. Galing pa 'to kay daddy. Binigay 'to sa akin ni mommy dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naaalala niya ang araw na nagpabago sa buhay naming lima. At ngayon, wala na 'to. Sinira na 'to ng lalaki
Read more

Chapter 271

Kapag nagkaroon pa ako ng pagkakataong ayusin ang lahat, gagawin ko. Iniharang ko ang aking kaliwang kamay sa aking mukha dahil tumatama ang sinag ng araw dito. Mabagal kong iminulat ang aking mata ang inilibot ang aking paningin sa paligid. Ilang minuto muna akong nakatingin lang sa kawalan bago nag-sink in sa akin kung nasaan ako sa mga oras na 'to. Kaagad akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama, at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nakalimutan ko na nandito nga pala ako sa bahay ng lalaking 'yon. Nakalimutan ko na isa nga pala akong pekeng asawa ng isang Michael Seth. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa bag kong nakapatong pa rin sa ibabaw ng lamesa. Napahinto naman ako nang makita ko ang sira kong cellphone na nakapatong sa mesa katabi nitong aking bag. Ilang minuto muna akong nakatitig lang doon bago ako napabuntong hininga. Dahan-dahan kong kinuha 'yon at tinitigan bago ako ngumiti. Masama pa rin ang loob ko dahil sa ginawa ng lalaking 'yon sa cell
Read more

Chapter 272

My mind was in chaos. I didn't know what to do and what to fulfill first. Mahal ko si Michael, pero hindi ko maikakaila na nasasaktan din ako matapos ng mga nalaman ko. Nakaupo na kami ngayon ni Michael sa lamesa namin dito sa kusina habang hinihintay si mommy na matapos sa pagluluto. Nakakapanibago ang bahay namin ngayon. Maganda na ito, may mga pintura na at marami na ring gamit. "Michael, may hindi pa pala ako naitanong sa 'yo," sabi ko bago ko siya tinignan ng diretso sa mata. Kanina pa kasi siya tahimik at parang wala sa mood na makipag usap. Nagsimula siyang ganyan matapos kong banggitin ang pangalang Enrique kanina. "We are already done with that Q and A. Let's just eat," sabi nito sa akin. Napasimangot naman ako. "Ang daya," sagot ko naman bago ako napahalukipkip. Hindi ko pa kasi naitanong kung kailan pa naging parte ng ibang mafia group sina Redenn at Tyron. "Kain na tayo!" masayang pag anunsyo ni Mommy habang dala dala ang isang malaking mangkok ng ulam. Agad naman
Read more

Chapter 273

Alam kong ibinigay ko na ang sarili ko kay Michael, at inaamin ko, wala akong nararamdamang pagsisisi. Hindi ko na alam kung ano na ang mga sumunod na pangyayari. Basta alam ko ngayon ay nasa ilalim ako ni Michael habang patuloy ang malalim na halikan naming dalawa. "Please, repeat it," sabi niya matapos niyang putulin ang kung ano mang ginagawa namin kanina. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula, basta nagising na lang ako na may iba ng nararamdaman sa lalaking ito. "A-ano?" tanong ko. Aaminin ko, malakas pa rin ang tama sa akin ng alak. Hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako at ramdam ko pa rin ang tila pag-ikot ng paligid ko. "Gusto mo rin ako?" makabuluhang tanong niya. Napatingin naman ako sa mga mata niya. Puno 'yon ng iba't-ibang uri ng emosyon. Mga emosyon na hindi ko mapangalanan. Napaiwas ako ng tingin. Nahihiya ako dahil sa nasabi ko, bakit ko ba nabanggit ang bagay na 'yon? Dahil sa epekto ng alak, nalaglag ko ang sarili ko. "Renice," pagtawag niya sa akin. Mabag
Read more

Chapter 274

Gusto kong ulit-ulitin ang mga oras na magkasama kami. Lalo ang mga oras na magkasama naming dinadama ang init ng isa't isa. Nanatili ang aking mga mata kay Michael habang hinuhubad niya ang suot niyang damit. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Alam ko nawala na ang tama ng alak sa akin pero hindi ko makapa ang sarili ko na pigilan o ihinto kung ano man ang ginagawa namin sa mga oras na ito. Mabilis kong iniiwas sa kanya ang aking mga mata nang makita kong tumingin siya sa gawi ko. Ito ang unang beses na nakakita ako ng lalaking ginagawa ito sa harapan ko. "Look at me," sabi niya bago ko naramdaman ang kanyang kamay sa aking balakang. Hindi ko kayang tignan ang kanyang mga katawan. Nahihiya ako sa hindi ko malamang dahilan. "A-alis na ako," sabi ko bago ko kinuha ang kumot na katabi ko. Akma ko na sanang ibabalot 'yon sa aking katawan ngunit mabilis 'yong hinablot ni Michael at ibinato sa kung saan. "Na-ah. I have given you an enough time to choose earlier and yet, you teased me eve
Read more

Chapter 275

It was almost midnight, and my train of thoughts is running back and forth like it has no plans on putting me to sleep. Nandito ako ngayon sa kusina. Inaasikaso ko ang mga pinamili ko noong nakaraan sa mall kasama si Redenn. Napahinga ako ng malalim. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang d*bdib ko kahit pa nagpaliwanag na sa akin si Michael. Napatingin ako sa container na nasa aking harapan ngayon. Kitang kita ko sa container ang itsura ko. Buwan pa lang ang binilang pero ang dami ng nagbago sa itsura ko. Hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba akong awra na nakikita sa sarili ko ngayon. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi nang isa na namang alaala ang pumasok sa isip ko. Flashback "Renice," agad akong napatigil sa paggalaw nang makita ko kung sino ang lalaking ngayon ay nasa aking harapan. Ilang beses ko pang ipinikit at idinilat ang aking mga mata upang masigurado kung tama nga ba ang nakikita ko sa mga oras na ito. Ngunit hindi nga ako nagkakamali, si Michael nga! "
Read more

Chapter 276

Siguro nga masyado kong mahal si Michael kaya naman kaya kong ibigay sa kanya ang lahat, kahit kapatawaran. Tulala akong nakatingin ngayon sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawala sa mood matapos nang mga narinig ko kanina. Ang maalala ang sinapit ni daddy ay patuloy na gugulo sa isipan ko hanggang sa makilala ko kung sino ang walang hiyang nakapatay sa kanya at tinakbuhan ang kanyang nagawa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari noong araw na 'yon. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko. "Are you okay?" mabilis akong napatingin sa aking likod matapos kong marinig ang boses ni Michael. Kaagad kong pinunasan ang luha kong kanina pa kusang tumutulo. "O-oo naman," sagot ko bago ako huminga ng malalim at nilingon siya. Nakita ko ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata. "What's the matter?" biglang tanong nito bago naglakad papalapit sa akin. Hindi naman ako kaagad nakaimik. Ni-minsan kasi wala pa akong pina
Read more

Chapter 277

I know for once na maaayos din ang lahat. I know that babalik din kami sa dati. Just like on how we were. "This is your room," sabi ni Michael sa akin. Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking pinto. "Dito? Ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Yes," simpleng sagot niya bago naglakad papalayo sa akin. Nanatili naman akong nakatayo sa harapan ng pinto kung saan niya ako iniwan, pero ang mga mata ko ay nanatiling nakasunod sa kanya. Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi bago ko binuksan ang cellphone kong kanina pa nasa loob ng aking bag. Napahinga ako ng malalim. Lowbatt na kasi ngayon ang cellphone ko, at 'di ko alam kung paano ko tatawagan at sasabihin kay mommy na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko tungkol sa trabaho ko. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto nang magsisilbi kong kwarto rito sa bahay ni Michael. Mabagal ko itong binuksan at mabagal ko ring sinilip ang loob no'n. Kaagad kong kinapa ang switch ng ilaw sa
Read more

Chapter 278

I was walking alone. I don't like to be extremely cautious on my surroundings lalo na kapag ganitong wala ako sa tamang hulog kung ano ang dapat gawin. Kasalukuyan kaming tahimik na nakaupo sa loob ng sasakyan na dala-dala nila Tyron at Redenn. Nagmamaneho si Tyron ng sasakyan habang nakaupo naman sa tabi nito si Redenn na naging maya't-maya ang naging pagsipol habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Ako naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ni Michael na hanggang ngayon ay tahimik na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa siya walang imik. Tahimik at diretso rin siyang nakatingin sa labas ng sasakyan. Kung titignan, mukhang may malalim siyang iniisip. "Ah, Michael? Okay lang ba ang lahat?" rinig kong biglang tanong ni Tyron na focus sa pagmamaneho. Hindi naman kaagad umimik si Michael. "Kumain lang talaga kami. Walang samaan ng loob. Pfft," rinig kong rebat naman ni Redenn. Akala ko ay mag-re-react na si Michael ngunit nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin pa rin sa labas ng
Read more

Chapter 279

Naaantok ako. Gusto kong matulog at kalimutan na lang ang lahat ng iniisip at takot ko. Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nanatili lang na nakaupo sa kama. Nakatulala lang ako at nakatingin sa kawalan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka-ayaw ko ng maalala sa buong buhay ko. Ang alaala kung saan huling beses kong nakita ang pag-ngiti ni Daddy, at ang huling beses na narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Isang luha na naman ang muling pumatak sa aking mga mata. Hanggang ngayon ay sarili ko pa rin ang tanging sinisisi ko sa trahedyang nangyari sa buhay namin. Kung hindi lang sana namatay si Daddy, baka wala ako rito ngayon, baka hindi ako isang rented wife at tau-tauhan ni Michael Seth. Pero kagagawan din ito nang nagmamaneho ng sasakyan na 'yon. Kagagawan din ng taong 'yon ang kamalasang natatamasa ng pamilya namin ngayon. Kung hindi lang sana niya kami tinakasan, kung hindi lang sana niya hinayaang duguang nakahandusay si Daddy sa kalsada, baka, baka buhay p
Read more
PREV
1
...
2627282930
...
37
DMCA.com Protection Status