Soon, Michael and I will be both happy. Kailangan lang namin na malampasan ang lahat ng pagsubok na ito. Nakaupo ako ngayon sa isang mesa kasama sila Tyron at Redenn. Kanina pa wala si Michael, hindi naman niya nabanggit sa akin kung saan siya pupunta. "Redenn, Tyron, nasaan si Michael?" tanong ko sa dalawa na busy sa pagtingin sa kanya kanya nilang cellphone. Napatingin sa akin si Tyron pero hindi niya ako sinagot. Tumingin muna siya sa gawi ni Redenn bago niya ito siniko. "G*go, nasaan daw si Michael?" tanong nito. Mabilis namang tumingin sa akin si Redenn bago niya kinamot ang gilid ng kanyang kilay. "Hindi ko rin alam, Renice. Hindi nagsabi si Michael kung saan siya pupunta. Basta umalis na lang siya at ibinilin ka sa amin," biglang sabi nito. Hindi ko kasi alam na umalis pala si Michael kanina. Gumamit kasi ako kanina ng banyo, at sa paglabas ko, doon ko lang nalaman na umalis na pala si Michael. "Hindi siya nagsabi sa inyo kung saan siya pupunta?" nagtatakhang tanong ko.
Magbasa pa