Maybe after another mistake, siguro nga tanga ako para pagbigyan ko siyang muli, pero hindi ko alam. Naguguluhan ako. Nandito ako ngayon sa bahay namin muli ni Michael. Actually, iba na naman ito. Iba na naman sa mga bahay na nitirahan namin nitong nakaraan na pagmamay-ari lang din naman ng lalaking ito. "Hanggang kailan ba tayo magpapalipat-lipat?" nagtatakhang tanong ko. "Pakiramdam ko kasi wala tayong permanenteng bahay. Lahat naman ng tinirahan natin ay sa iyo, pero parang hindi rin dahil hindi nagtatagal umaalis tayo roon," sabi ko pa bago ako napanguso. Medyo nakakapagod din kasi talaga na paiba iba ng bahay. Parehong nakakapagod physically, mentally, at emotionally. "I'm sorry I am dragging you with this miserable life. I just can't leave you," sagot naman niya sa akin. Kaagad ko naman siyang nilingon bago ako malalim na bumuntong hininga. Kung nakakapagod na para sa akin, paano pa sa lalaking ito? "Ayos lang basta ikaw ang kasama ko," sabi ko bago ako naupo sa sahig at n
Magbasa pa