I was walking alone. I don't like to be extremely cautious on my surroundings lalo na kapag ganitong wala ako sa tamang hulog kung ano ang dapat gawin. Kasalukuyan kaming tahimik na nakaupo sa loob ng sasakyan na dala-dala nila Tyron at Redenn. Nagmamaneho si Tyron ng sasakyan habang nakaupo naman sa tabi nito si Redenn na naging maya't-maya ang naging pagsipol habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Ako naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ni Michael na hanggang ngayon ay tahimik na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa siya walang imik. Tahimik at diretso rin siyang nakatingin sa labas ng sasakyan. Kung titignan, mukhang may malalim siyang iniisip. "Ah, Michael? Okay lang ba ang lahat?" rinig kong biglang tanong ni Tyron na focus sa pagmamaneho. Hindi naman kaagad umimik si Michael. "Kumain lang talaga kami. Walang samaan ng loob. Pfft," rinig kong rebat naman ni Redenn. Akala ko ay mag-re-react na si Michael ngunit nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin pa rin sa labas ng
Naaantok ako. Gusto kong matulog at kalimutan na lang ang lahat ng iniisip at takot ko. Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nanatili lang na nakaupo sa kama. Nakatulala lang ako at nakatingin sa kawalan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka-ayaw ko ng maalala sa buong buhay ko. Ang alaala kung saan huling beses kong nakita ang pag-ngiti ni Daddy, at ang huling beses na narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Isang luha na naman ang muling pumatak sa aking mga mata. Hanggang ngayon ay sarili ko pa rin ang tanging sinisisi ko sa trahedyang nangyari sa buhay namin. Kung hindi lang sana namatay si Daddy, baka wala ako rito ngayon, baka hindi ako isang rented wife at tau-tauhan ni Michael Seth. Pero kagagawan din ito nang nagmamaneho ng sasakyan na 'yon. Kagagawan din ng taong 'yon ang kamalasang natatamasa ng pamilya namin ngayon. Kung hindi lang sana niya kami tinakasan, kung hindi lang sana niya hinayaang duguang nakahandusay si Daddy sa kalsada, baka, baka buhay p
Mommy, I don't know if kaya ko pa rin ba siyang pagkatiwalaan after ko malaman ang mga katotohanan. "Kumain na ba kayo?" magiliw na tanong ni Mommy habang nakatayo sa tapat ng aming lamesa. Nandito kami ngayon sa kusina dahil kasalukuyan pang inaasikaso nila Ranie at Reev ang sala. "We're good, Madam," sagot naman ni Michael. Tulala at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa mga oras na ito. Parang hindi ito ang unang beses na nagkita silang dalawa. "Ma'am, saan namin pwede ilapag 'tong mga pinamili namin?" rinig kong tanong naman ni Redenn bago itinaas ang mga dala-dala niyang plastik. Nakasunod naman sa kanya si Tyron na buhat-buhat ang pinaka malalaking plastik bags. "Hala! Nag-abala pa kayo," sabi naman ni Mommy. "Pero pakilagay na lang d'yan. Pasensya na talaga at wala kaming kahit ano ngayon, ah. Bibihira kasi na may bisita kami kaya 'di na ako nakapag handa pa," dugtong pa ni Mommy. Magsasalita na sana ako ngunit nagulat ako nang biglang itinaas ni Michael ang
Soon, Michael and I will be both happy. Kailangan lang namin na malampasan ang lahat ng pagsubok na ito. Nakaupo ako ngayon sa isang mesa kasama sila Tyron at Redenn. Kanina pa wala si Michael, hindi naman niya nabanggit sa akin kung saan siya pupunta. "Redenn, Tyron, nasaan si Michael?" tanong ko sa dalawa na busy sa pagtingin sa kanya kanya nilang cellphone. Napatingin sa akin si Tyron pero hindi niya ako sinagot. Tumingin muna siya sa gawi ni Redenn bago niya ito siniko. "G*go, nasaan daw si Michael?" tanong nito. Mabilis namang tumingin sa akin si Redenn bago niya kinamot ang gilid ng kanyang kilay. "Hindi ko rin alam, Renice. Hindi nagsabi si Michael kung saan siya pupunta. Basta umalis na lang siya at ibinilin ka sa amin," biglang sabi nito. Hindi ko kasi alam na umalis pala si Michael kanina. Gumamit kasi ako kanina ng banyo, at sa paglabas ko, doon ko lang nalaman na umalis na pala si Michael. "Hindi siya nagsabi sa inyo kung saan siya pupunta?" nagtatakhang tanong ko.
I was hesitating. I don't know anymore on what to do, and what to follow. Tahimik lang akong nakaupo sa sasakyan ni Michael habang binabagtas namin ang daan pauwi sa villa. "Do you want to eat anything?" tanong nito sa akin. Marahan ko naman siyang nilingon. Matapos ang naging pag-uusap namin kagabi ay parang ibang Michael na ang nasa harapan ko. "Hindi na. Gusto ko na lang siguro umuwi muna," sabi ko bago ko siya tuluyang tinignan. Nakita ko ang kanyang naging pagtango bago siya ngumiti. "Okay then. Paglulutuan na lang kita," sabi niya sa akin. Natigilan naman ako. Hindi ko alam kung kailan ba ako masasanay sa trato sa akin ngayon ng lalaking 'to. Simula kagabi ay panay na ang ngiti niya at nag-iba na ang trato niya sa akin. Nalilito ako. Hindi na ako sumagot at malalim na lang akong huminga upang mahabol ang paghinga kong parang napugto ng dahil sa sinabi niya. Hindi na kami muli umimik. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Nalilito ako sa dapat na gawin ko sa harap ng lalaki
Maybe I was right. Mahal ko talaga si Michael kaya naman kaya kong isugal ang lahat para sa kanya. Tulala lang akong nakatingin sa cellphone ko habang paulit ulit na binabasa ang text sa akin ni Michael. Kung gano'n nandito pala siya sa kompanya pero hindi niya man lang ako nagawang puntahan dito sa opisina niya. Napabuntong hininga ako bago ako lumapit sa kama na narito at doon ako naupo. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng gana na kumilos. Isa pa sa patuloy na bumabagabag sa isip ko ay ang napag usapan namin ni Redenn kanina lang umaga. "When are you going to choose a dress?" agad akong napatingin sa doorway nang marinig ko ang boses ni Michael na ngayon ay nakatayo roon at diretsong nakatingin sa akin. Hindi naman ako nakaimik agad. Pakiramdam ko biglang nag-flashback ang lahat sa isip ko. Parang biglang bumalik sa akin ang lahat nang unang beses akong pumunta rito sa Seth Corporation. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hanggang ngayon ay nalilito ako sa
Hindi ko na alam kung ano na ang mga sumunod na pangyayari. Basta alam ko ngayon ay nasa ilalim ako ni Michael habang patuloy ang malalim na halikan naming dalawa. "Please, repeat it," sabi niya matapos niyang putulin ang kung ano mang ginagawa namin kanina. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula, basta nagising na lang ako na may iba ng nararamdaman sa lalaking ito. "A-ano?" tanong ko. Aaminin ko, malakas pa rin ang tama sa akin ng alak. Hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako at ramdam ko pa rin ang tila pag-ikot ng paligid ko. "Gusto mo rin ako?" makabuluhang tanong niya. Napatingin naman ako sa mga mata niya. Puno 'yon ng iba't-ibang uri ng emosyon. Mga emosyon na hindi ko mapangalanan. Napaiwas ako ng tingin. Nahihiya ako dahil sa nasabi ko, bakit ko ba nabanggit ang bagay na 'yon? Dahil sa epekto ng alak, nalaglag ko ang sarili ko. "Renice," pagtawag niya sa akin. Mabagal ko naman siyang tinignan. Mababa ang boses niya at parang hinihila ako nito. "Hmm?" pagsagot ko. Hin
I never know the true meaning of love until Michael came to the view and makes me feel it. Nanatili ang aking mga mata kay Michael habang hinuhubad niya ang suot niyang damit. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Alam ko nawala na ang tama ng alak sa akin pero hindi ko makapa ang sarili ko na pigilan o ihinto kung ano man ang ginagawa namin sa mga oras na ito. Mabilis kong iniiwas sa kanya ang aking mga mata nang makita kong tumingin siya sa gawi ko. Ito ang unang beses na nakakita ako ng lalaking ginagawa ito sa harapan ko. "Look at me," sabi niya bago ko naramdaman ang kanyang kamay sa aking bewang. Hindi ko kayang tignan ang kanyang mga katawan. Nahihiya ako sa hindi ko malamang dahilan. "A-alis na ako," sabi ko bago ko kinuha ang kumot na katabi ko. Akma ko na sanang ibabalot 'yon sa aking katawan ngunit mabilis 'yong hinablot ni Michael at ibinato sa kung saan. "Na-ah. I have given you an enough time to choose earlier and yet, you teased me even more," sabi niya. Napatingin ako