Share

Chapter 273

Alam kong ibinigay ko na ang sarili ko kay Michael, at inaamin ko, wala akong nararamdamang pagsisisi.

Hindi ko na alam kung ano na ang mga sumunod na pangyayari. Basta alam ko ngayon ay nasa ilalim ako ni Michael habang patuloy ang malalim na halikan naming dalawa.

"Please, repeat it," sabi niya matapos niyang putulin ang kung ano mang ginagawa namin kanina.

Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula, basta nagising na lang ako na may iba ng nararamdaman sa lalaking ito.

"A-ano?" tanong ko.

Aaminin ko, malakas pa rin ang tama sa akin ng alak. Hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako at ramdam ko pa rin ang tila pag-ikot ng paligid ko.

"Gusto mo rin ako?" makabuluhang tanong niya.

Napatingin naman ako sa mga mata niya. Puno 'yon ng iba't-ibang uri ng emosyon. Mga emosyon na hindi ko mapangalanan.

Napaiwas ako ng tingin. Nahihiya ako dahil sa nasabi ko, bakit ko ba nabanggit ang bagay na 'yon? Dahil sa epekto ng alak, nalaglag ko ang sarili ko.

"Renice," pagtawag niya sa akin. Mabag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status