"Oh newlyweds, kayo na ang bahala sa isa't isa pag-uwi niyo sa Pilipinas, ha. Ikaw na ang bahala sa asawa mo, okay? Alagaan mo siya. Huwag puro trabaho ang atupagin," sabi ni Mommy sa akin. "Mom! Oo na nga po, kanina niyo pa 'yan sinasabi. 'Di ba pwedeng siya na ang bahala sa sarili niya? He can handle his self naman, eh. Ako dapat ang alagaan niya." Kung nakita mo sana ang ginawa niya kagabi. Psh. Galing makipagsuntukan. Tapos pinabayaan pa niya akong matulog sa sasakyan niya, sa halip na gisingin o kaya ay buhatin niya ako papasok sa bahay. Ang sakit tuloy ng katawan ko. Binatukan niya ako. "Ouch! Masakit! Mommy naman!" "Huwag kasing gano'n, anak. Know your responsibilities as a wife." My gosh. Mommy ko iyan. Oo, mommy ko talaga 'yan. "Iho, ikaw na ang bahala sa anak ko, ha. Naku, kapag nagpasaway 'to, you can scold her."
Last Updated : 2021-08-26 Read more