WHAT'S my schedule for this week, Raz?" tanong ni Ross sa sekretarya habang ang mga mata ay nasa monitor ng computer. "Meron po kayong business trip this coming Friday until Monday," sagot naman ng kanyang sekretarya. Kumunot ang noo nya dahil sa sinabi nito. "I didn't know about that, saan yan?" "Sa Baguio po ito, Sir. Akala ko po ay binanggit na sa'yo ng Lolo mo bago nya sabihin sa akin," Salubong ang kilay nyang hinarap ang sekretarya. "Who am I with?" "Pumunta na lang daw po kayo sa opisina ng Lolo mo," nagtataka syang tumango sa babae. Knowing his Lolo, masyado itong busy sa twing narito ito sa kanyang opisina. Sa twing may kailangan ito ay itinatawag na lang nito ang kailangang sabihin o pinadadaan sa kanyang sekretarya ang buong detalye. Nakakapagtakang gusto nitong personal syang makausap sa kabila ng hectic schedule nito.
Last Updated : 2021-08-22 Read more