Share

03

Penulis: Kia
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

KINABUKASAN ay maagang nagising si Cielo. Bagaman, kagabi pa lang ay nai-gayak na nya ang kanyang mga gamit. Gusto nya ay makapag-handa na sya agad dahil ayaw nyang may masabi si Ross sa kanya. 

Iniligpit nya ang hinigaan bago nakangiting humarap sa salamin. Pumustora pa sya na parang isang modelo bago pumasok sa banyo upang mag-sepilyo. 

Kahapon rin ay kinausap sya ni Manang Esing na hindi na nya kailangang magluto para sa umagahan dahil ito na raw ang gagawa. Kailangan daw ay makapag-beauty rest sya ani pa nito. 

Matapos ay lumabas sya at tumungo sa kanyang tukador upang ihanda ang damit na susuotin patungo sa Baguio. At dahil taglamig doon ay pinili nya ang makakapal na kasuotan. 

Pagkatapos ay lumabas na sya upang kumain ng almusal. Nang makarating sa kusina ay nadatnan nya si Ross habang nagtitimpla ng kape. Inilibot nya ang paningin pero hindi nya nakita ang mayordoma. Imposible namang hindi pa ito gising dahil alas-sais na. 

"Good morning." Preskong bati ng lalaki na nagpabalik sa kanyang diwa. 

"Uh...si Manang?" Sa halip ay tanong nya dahil masyado syang nad-distract dahil naka-topless lang ito. 

"Tulog pa." 

"Sinong nagluluto?" Naguguluhang tanong nya nang makita ang fried rice sa kawali. 

"Naglalagay ka ba ng creamer sa coffee mo?" Bigla ay tanong nito. Naibalik nya ang paningin nya rito.

"Ha? Hindi." Naglakad sya papunta sa stove para haluin ang sinangag. "Bakit ba iniwan itoni Manang?" Bulong nya sa sarili dahil nasunog na ito.

"Ako na dyan. Mag-kape ka na." Inagaw nito mula sa kanya ang sandok at ito ang nag-tuloy sa kanyang ginagawa. Halos mapatalon sya nang magdikit ang kanilang mga balat. Pero nang tingnan nya si Ross ay parang hindi minlang ito na-apektuhan sa pagdidikit ng kanilang mga balat. 

Nagtungo sya sa hapag upang uminom ng kape na itinimpla ng lalaki. Gusto nyang sumigaw dahil kinikilig sya sa mga simpleng galaw nito pero baka isipin nitong may sira na ang utak nya. 

"Masarap ba?" Tanong nito habang nakatingin sa kanya. Mabilis syang tumango dahil totoo naman. "Can you taste this? Maybe it's not good enough." 

Kinuha nya ang sandok at tinikman nga ito. Napa-thumbs up sya matapos itong malasahan. 

"Ang sarap!" Natutuwang gilalas nya kaya napangiti rin ito.

"I'm happy that you like it." Muli itong bumalik sa ginagawa at sya naman ay kinuha ang kanyang kape para inumin ito habang pinapanood ang pagluluto ng lalaki.

"Marunong ka palang magluto?" She commented.

"I think, there's nothing I can't do."

"Yabang." Bulong nya.

"Hindi 'yon kayabangan, Cielo. That is being proud of my own ability." Parang bigla ay nanga-ngaral na sabi nito.

"Okay, okay. Masyado kang seryoso." 

Hindi na ito nagsalita pa kaya mas pinili na lang din nyang manahimik. Baka mamaya ay ma-bwisit pa ito at hindi na maging masaya ang Baguio trip nila. 

Pinanood nya lang ito habang seryosong-seryoso ito sa ginagawa. She's not aware that Ross knows how to cook. Maybe there's still a lot of things that he doesn't know about him. 

Matapos nitong magluto ng sinangag ay nag-prito naman ito ng bacon at itlog. Habang pinapanood nya ito ay hindi nya maiwasang humanga dahil dinaig pa nito ang mga chef na napapanood nya sa tv. Bawat galaw nito ay nakakamangha at mas lalo pa syang nahuhulog para rito dahil sa mga kakaiba nitong kilos. 

ROSS DID his best to be nice at Cielo. Labag man sa kalooban nya. Ito ang kaisa-isang hiling ng kanyang lolo habang sila ay nasa Baguio. 

Bagaman ayaw nyang may ibang tao ang makaka-alam ng talento nya sa pagluluto ay hindi na sya nakatanggi sa kagustuhan ng matanda. 

Aaminin nyang hindi na dapat sya magluluto at hahayaang na lamang na magalit ang kanyang lolo kaya lang ay parang may humihigit sa kanya para bumangon sa higaan. Hindi rin kasi sya nakatulog sa kakaisip kung ano ang ibig-sabihin ni Venus sa text nito. 

Matapos nyang magluto ay nag-hain na nya para makakakain na sila ni Cielo. Ipinaghigit nya ito ng upuan at sya na rin ang sumandok ng pagkain nito. 

"Salamat." Magiliw na sabi nito habang nakatingin sa kanya.

Hinigit nya ang upuan sa tabi nito upang doon na rin maupo. Masyado itong mabagal kumain kaya kinakailangan nya pang mag-adjust para dito. 

"Nakahanda na ba ang mga gamit mo?" Tanong nya para may mapag-usapan.

"Oo. Kagabi pa, ikaw?" 

"Yes." 

Nang matapos na silang kumain ay syang pagpasok ni manang sa kusina at nag-boluntaryo para maghugas. Kaya sabay na silang umakyat ni Cielo upang makapag-ligo na. 

"Be quick, Cielo." Bilin nya at tumango ito bago pumasok. Tinahak nya ang daan patungo sa kanyang kwarto at doon inilabas ang kanina nya pang inis. 

Nang mai-kalma ang sarili ay saka lang sya pumasok sa banyo upang maligo. Hinayaan nyang tangayin ng tubig ang lahat ng isipin nya sa buhay. 

MAHINANG napatili si Cielo nang makapasok na sa kanyang kwarto. Kung panaginip lang ito ay ayaw na nyang magising. Ito na ata ang pinaka-paborito nyang panaginip kung magkataon. 

Sandali pa syang nag-day dream bago naligo. In-enjoy nya ang tubig na lumalabas mula sa shower. Nare-relax sya at pakiramdam nya ay wala syang problema. Mabilis naman syang napakilos nang maalala ang bilin ni Ross. Walang kasimbilis syang nag-sabon at nag-shampoo. Mabilis nya rin itong binanlawan bago nagtalapi ng tuwalya at lumabas na. 

Lumapit sya sa kanyang salamin at nagpahid ng tawas sa kanyang kili-kiki. Hiyang na kasi rito ang kili-kiki nya kesa sa ibang mga mamahaling deodorant. Naglagay sya ng foundation at kaunting blush. Tapos ay nag-lipstick sya ng kulay pink. 

Hindi na nya pinatuyo ang kanyang buhok at nag-suot na agad ng damit. Inilugay nya rin lang ito dahil nga basa pa. Mabilis ang ginawa nyang pagsusuot sa kanyang sneakers. At para sa final touch, nag-spray sya ng pabango mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang buong katawan. 

Isinukbit nya ang kanyang black shoulder bag na bumagay sa kanyang denim jacket at plain pants. Hinigit nya ang kanyang maleta at lumabas sa kanyang kwarto. 

"I was waiting for you," anang lalaki nang ito ang mabungaran nya pagkalabas nya.

"Uh, kanina ka pa ba? Pasensya na, medyo natagalan."

"No, kakarating ko lang and it's actually fine with me." Sabi nito at kinuha ang kanyang maleta.

"Uh, ako na. Magaan lang naman 'yan." Bawi nya.

"It's fine, Cielo." Ngumiti ito kaya natahimik na lang sya at sumunod na pababa. 

"Mag-iingat kayo, hija." Bilin sa kanya ni manang nang puntahan nya ito sa kwarto nito. 

"Kayo rin po. Wag po kayong masyadong magpa-pagod lalo na at tatlong araw rin akong mawawala."

"Wag mo na akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. I-enjoy mo na lang ang moment nyo." Biro nito na pareho nilang ikinatawa. 

Inihatid pa sila nito hanggang sa labas ng bahay habang binibilinan sya ng mga kung-ano anong bagay.

"Have a nice trip. Enjoy your stay on Baguio." Bilin ng lolo ng lalaki. At matapos ang halos limang minutong pagbi-bilin ay nakasakay na rin sila ng sasakyan. 

"Wala ka ba'ng nakalimutan?" Paniniguro ni Ross.

"Wala naman." aniya at tumango lang ito. Minsan pa itong bumusina bago pina-abante ang kotse. Binuksan nya ang bintana para malanghap nya ang hangin. Pero kamalasan, saktong pagbukas nya ay bumuga ng usok ang jeep na nasa unahan nila. Napaubo sya at minura ang driver sa isip nya. 

"You okay?" Nag-aalalang tanong ni Ross.

"Oo. Nabigla lang 'yong ilong ko sa usok." Sagot nya bago uminom ng tubig.

"Naiinitan ka ba? Isarado mo na lang ang bintana. I'll open the aircon." 

"Uh, gusto ko kasi ng sariwang hangin."

"Hindi naman sariwa 'yan, eh. Mamaya na lang kapag nakalabas na tayo ng Manila." 

Sinunod nya ang sinabi nito. Maya-maya lang ay binuksan na rin nito ang aircon. At dahik masyadong tahimik ay nagsalpak na lang sya ng earphone at nagpatugtog ng sikat na kanta ng bandang IV of Spades. 

Paminsan-minsan ay napapasabay sya sa lyrics ng kanta kaya madalas ay natatampal nya ang kanyang bunganga. Hanggang sa nakatulogan na nya ang ganong posisyon. 

NAPABUNTONG-HININGA si Ross habang nakatitig sa mahimbing ang pagkakatulog na si Cielo. Kanina nya pa ito sinusubukang gumising dahil baka nagugutom na ito.

"Cielo, wake up." Napapikit sya dahil sa inis na nararamdaman. Pero, kagaya kanina, mahimbing pa rin ang tulog nito. Kaya sa huli ay pinabayaan na lang nya at pina-abante na ang sasakyan. Gigising rin naman siguro ito kung nagugutom na.

Binuksan nya ang DVD player at nagpatugtog dahil kanina pa sya naiinip. Nakaka-kalahati pa lang sila ng pagbabyahe pero napapagod na sya. 

Mabuti na lang at wala ng masyadong traffic kaya mas mapapabilis ang kanilang byahe. 

"Malapit na ba tayo?" 

Mabilis syang napatingin sa kagigising lang na si Cielo. Nagkukusot pa ito ng kanyang mga mata habang humihikab.

"Pasensya na. Medyo mahaba 'yong tulog ko. Antukin kasi talaga ako." 

"It's okay. Actually, gigisingin na nga sana kita kasi baka nagugutom ka na." Ibinalik nya sa daan ang kanyang paningin.

"Uh, hindi pa naman. Nilalamig lang ako." 

Mabilis nyang itinabi ang kotse dahil sa sinabi nito. Kinuha nya ang jacket nya na nasa loob ng kanyang travel bag at inabot ito kay Cielo.

"May jacket naman ako. Pwede na 'to. Hindi ko lang akalaing tatagos pa 'yong lamig dito." Tanggi ng babae.

"Take it, Cielo. Baka sipunin ka." Pilit nya pa.

"Eh, paano ka? Ikaw naman ang lalamigin."

"I still have my other jacket. At saka hindi ako lamigin." Muli ay iniabot nya ito at sa pagkakataong ito ay tinanggap na ito ni Cielo.

"Thank you." Sabi nito habang nagsusuot ng jacket. 

"Saan mo ba gustong kumain?" 

"Ikaw na ang bahala." Nakangiting sagot nito.

"You choose, Cielo." 

"Hm? Parang gusto ko kasing ng mainit na sabaw. Bulalo ganon." 

"Okay. We'll find that." Sabi nya at itinuon na sa kalsada ang buong atensyon. Marami na silang nadaraanang mga fastfood chain pero wala namang bulalo doon. Hanggang sa makahanap sila ng hindi kalakihang restaurant na siguradong nagtitinda ng bulalo. 

Ipinarada nya sa gilid ang kanyang kotse bago bumaba at pinagbuksan ng pinto si Cielo na halatang nagulat sa kanyang ginawa. 

"Salamat." Aniya pa.

Magkasama silang pumasok sa loob. Sya na ang humanap ng pwesto bago sya nagtungo sa counter para um-order ng bulalo.

NAKATANAW si Cielo kay Ross na mukhang nawawalan na ng pasensya dahil mabagal ang pag-usad ng pila sa counter. 

Kung tutuusin ay pwede naman itong magpa-VIP pero mas pinili nitong pumila. Alam nyang wala lang ang mga 'yon para kay Ross. Pero hindi maiwasang tumalon ng kanyang puso dahil sa mga ginagawa at ipinadarama nito sa kanya. She feel so special. 

At dahil mukhang hindi pa agad makakabalik si Ross ay tinawagan nya muna si manang para balitaan ito. Mabilis namang sumagot ang matanda. 

"Hija? Nakarating na ba kayo? Kumusta?" Sunod-sunod na tanong nito. 

"Nakatigil pa po kami dito sa kainan. Kakain po." Magalang na sagot nya.

"Kumusta naman ang pakikitungo ni Ross sa'yo? Hindi ka ba sinusungitan?" 

"Hindi naman po. Ang totoo ay ibang-iba sya sa nakasanayan ko. Parang hindi sya si Ross." Kinikilig na paliwanag nya. Narinig nya ang tawa ng matanda mula sa kabilang linya.

"Mabuti kung ganon. Sige na hija, kumain muna kayo. Tatawagan na lang ulit kita mamaya." 

"Sige po, Manang." At saka nya pinatay ang tawag. Nang tingnan nya si Ross ay ito na ang kasalukuyang pinagsisilbihan ng babae sa counter. Kita ko ang palihim na mga ngiti nya habang nakatingin kay Ross. Muntik na akong mapairap nang padausdusin nya ang kanyang kamay sa mga daliri ni Ross nang kunin nya ang bayad. 

Maya-maya pa ay humarap sa kanya si Ross at saka ngumiti. Abot-langit ang sayang nararamdaman ni Cielo dahil sa isang ngiti lamang. 

Hindi nagtagal ay naglakad na ito papunta sa table nila habang may dalang isang malaking tray. 

"Andami naman nyan?" Takang tanong nya ng ilapag nito ang tray. May bulalo, siomai, burger, french fries at kung ano-ano pa. He just shrugged at her question. Naupo na rin ito sa katapat nyang upuan. 

Iniabot nito sa kanya ang pagkain. He even remove the rice from the plastic before giving it to her. At hindi nya inaasahan ang sunod nitong ginawa, tumusok ito ng siomai gamit ang tinidor bago ito hinipan at isinubo sa kanya. 

Gulat man ay ngumanga sya dahil ayaw nya itong mapahiya sa dami ng taong nakatingin sa kanya. Iniyuko nya rin ang kanyang ulo dahil sa hiyang nararamdaman. 

"Eat your food, Cielo." Sita nito sa kanya. Mabilis syang nag-angat ng ulo at nag-umpisang kumain. Tahimik lang ang lalaki at tutok sa ginagawang pagkain. 

"Uh, sa hotel ba tayo tutuloy pagdating natin sa Baguio?" Tanong nya upang magkaroon sila ng mapapag-usapan.

"Yes. Nag-book na rin si Lolo ng hotel room for us. He already planned everything." 

"Okay." Nakangiting sagot nya habang pinagmamasdan ito. 

"Don't stare at me. Hindi ka mabubusog." Muli ay sita nito.

"Busog na nga, eh." Biro nya. 

"Psh. Just eat." Pinigilan nito ang pag-ngiti. 

Natawa naman sya sa naging reaksyon ng lalaki. What a cutie. Matapos nilang kumain ay um-order pa ulit si Ross ng maraming siomai dahil nabanggit nyang paborito nya ito at nagustuhan nya ang timpla ng restaurant na kinainan nila. 

Ito rin ang nagbitbit ng pagkain at pinagbuksan syang muli ng pinto. Nang masigurong nakasakay na sya ay isinara na nito ang pinto at umikot sa driver's seat. 

"Eat this kapag nagutom ka." Iniabot nito sa kanya ang paper bag.

"Salamat." She giggled. Ngumiti lang ito bago pinaandar na ang makina. 

Lumipas ang kalahating oras at nakaramdam na agad sya ng gutom kaya naman kinain na nya ang siomain na binili ni Ross. Napatingin naman agad sa kanya ang lalaki. 

"Gusto mo?" Nahihiyang tanong nya.

"I want to but I'm driving." 

Nalungkot naman sya para dito. Hanggang sa may maisipan syang paraan kaya lang ay nag-aalangan sya. Baka kasi hindi magustuhan ni Ross ang gagawin nya. 

"Gusto mo, subuan kita?" Alanganing tanong nya.

"I'd love to." Ngiting-sabi nito kaya mabilis syang tumusok ng isang piraso at isinawsaw sa toyo at kalamansi. Itinapat nya ang kanyang palad para kung sakaling mang mahulog ay masasalo nya ito at hindi mapupunta sa kotse ni Ross. Dahan-dahan nya itong isinubo sa bibig ng lalaki na nasa daan ang paningin. 

"It's yummy, 'no?" .

"Kind of." Sagot nito. Natawa na lang sya lalo na ng maalala ang sinabi ng lolo ng lalaki. Na hindi raw vocal si Ross pagdating sa kanyang nararamdaman. 

'Kinabahan naman ako, baka mamaya, crush na din pala nya ako hindi lang nagsasabi.'

Natawa sya sa sariling naisip. Kung saan-saan na nakakaabot ang malikot nyang imahinasyon. 

Ganon lang ang ginawa nya hanggang sa maubos nilang dalawa ang siomai. Nakaramdam naman sya ng uhaw. Naubos na kasi ang tubig na baon nya at nakalimutan nyang bumili kanina. 

"Uh, pwede ba'ng dumaan muna tayo sa convenience store. Bibili sana ako ng tubig." She asked, shy.

"Of course. Ang alam ko may malapit na store dito, eh." 

Nakahinga naman sya ng maluwag dahil sa sinabi nito. Ang akala nya ay magagalit na ito sa kakulitan nya. 

Gaya ng sinabi nito, may tindahan nga silang nadaanan. Ipinarada nitong muli ang kotse bago tumingin sa kanya.

"What else do you want?" 

"Tubig lang."

"Okay. I'll buy you juice." At saka ito bumaba. Napailing na lang sya dahil napakakulit nito. Tinanaw nya ang lalaki habang papasok ito ng convenience store. As always, agaw atensyon na naman ang simpleng paglalakad nito. 

TINATAMAD bumaba ng sasakyan si Ross pero wala syang magawa. Para syang isang robot na kinokontrol ang bawat kilos. 

Naglakad sya patungo sa refrigerator ng tindahan at kumuha ng maraming tubig at juice. Kumuha na rin sya ng maraming chips na para tumahimik naman kahit kaunti ang byahe nila. 

Matapos nya itong bayaran sa counter ay lumabas na sya. Malapit na sya sa sasakyan nang mag-ring ang kanyang telepono. Sinulyapan nya muna si Cielo at abala ito sa sariling cellphone. Dinukot nya mula sa kanyang bulsa ang telepono at sinagot ang tawag kahit na hindi pa nakikita kung sino ang caller. 

"Who is this?" Masungit na tanong nya. Narinig nya naman ang mahinang tawa mula sa kabilang linya. Napatayo sya ng ayos matapos mapagtanto kung sino ang kausap.

"Hindi ako na-inform na hindi mo isini-save ang number ko?" May tampo sa tinig ni Venus.

"Hindi ko nabasa ang pangalan mo. Don't make any assumption." 

"Sorry. Akala ko kasi ay kinalimutan mo na ako."

"I have to go." Pinatay na agad nya ang tawag bago pa ito mapunta sa kung saan. Ibinulsa nya muna ang kanyang telepono bago naglakad na patungo sa kanyang kotse. 

Sinuot na nyang muli ang kanyang pekeng maskara bago pa sya makapasok sa loob. Iniabot nya kay Cielo ang mga pinabili nito. 

"Salamat!" Tuwang-tuwang sabi nito na nakadagdag sa inis nya. He doesn't want to please this girl, but here he is. 

Binuhay nya ang makina at saka pina-abante ang kotse. Good thing, he bought a lot of foods. Nanahimik rin sa wakas si Cielo. 

"Malapit na ba tayo?" Ngumunguya pang tanong nito. Agad na nawala ang ngiti nya dahil miski ata may kinakain ay hindi ito matitigil sa kakasalita. 

"We're actually here in Baguio. Medyo malayo pa nga lang sa destination natin." Nagtitimping sagot nya.

"Hm. Ganon ba? Nakaka-excite naman. First time ko kasing makakarating doon." Saad nito na para ba'ng interesado sya. 

"Baguio is a good place." Sakay nya sa mga sinasabi nito. 

"Talaga? You should tour me there." 

Muntik na syang mapamura ng dahil sa sinabi nito. The guts of this girl.

"Sure." Napipilitang pagsang-ayon nya. Malalim syang napabuntong-hininga. 

'Ano ba'ng akala nya? Magliliwaliw lang kami doon?' 

Pinalis nya ang mga isipin at itinutok muli abg atensyon sa kalsada dahil baka madisgrasya pa sila. 

NAKATINGIN lang si Cielo sa labas dahil namamangha sya sa ganda ng mga tanawing nakikita nya. Para sa isang kagaya nya na first time makarating dito ay isa na itong malaking achievement para sa kanya. 

"We're here." Anunsyo ni Ross. Napatingin sya sa malaking gusaling nasa harap nila. Baguio's Hotel. 

Ipinarada lang ni Ross ang sasakyan bago kinuha ang mga dala nila sa backseat at pinagbuksan sya ng pinto. Ini-lock nito ang kotse bago nauna ng naglakad papasok.

"Do you have reservations, Sir?" Magiliw na bati ng babaeng nasa front desk.

"Yes. Reservation for Mr. Arevalo." 

"I'll check for it, Sir," anito bago tumingin sa monitor ng computer. "Kasama nyo po ang girlfriend nyo?" Ibinaling ng babae sa kanya ang tingin nito. Napatago naman sya sa likod ni Ross dahil sa hiyang nararamdaman. 

"Uh, she's just...my personal assistant." 

Gumuho ang mundo nya dahil sa narinig. Pwede namang sumang-ayon na lang ito pero hindi nito ginawa. 

Pero may parte rin sa kanya ang naiinis sa kanyang sarili. Ito naman ang katotohanan, kahit kailan ay hindi sila magiging mag-katapat ni Ross dahil una pa lang ay nasa taas na ang lalaki at sya ay habambuhay na atang mananatili sa ibaba. 

Mapait syang napangiti nang maramdaman ang sakit na gumuhit sa kanyang puso. Truth hurts, ika nga nila.

To be continued. . .

Bab terkait

  • Loving The Beast   04

    HINDI alam ni Cielo kung ano ang kanyang mararamdaman. Kaya imbes na dagdagan pa ang kahihiyan nya ay inagaw nya mula kay Ross ang kanyang maleta."Room 247, nasa fifth floor po ito, Sir." Imporma ng babae."Okay thanks." Magiliw nitong kinuha ang card mula sa babae. Tumingin ito sa kanya at ngumiti ngunit sinimangutan nya lamang ito.'Tama na ang pagpapa-asa mo sa akin.'Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad palayo. Ramdam nya ang presensya ni Ross sa likod nya at pigilan man nya, hindi maiipagkailang nagdudulot ito ng magandang pakiramdam sa kanya.Nakalimutan nyang alamin kung magkakasama ba sila sa iisang kwarto o hindi.Muntik na syang matawa nang dahil sa naisip. Bakit nga ba sila magsasama sa iisang kwarto? Hindi naman sila mag-asawa o ano. Kakasabi nga lang nito na personal assistant lang sya."Bak

  • Loving The Beast   05

    NAGPAHINGANG muli si Cielo matapos ang kanilang paglalaro ni Ross habang ang lalaki naman ay nagpaalam na lalabas raw muna saglit. Pero isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito bumabalik.Sa isip-isip ni Cielo ay mabuti na ring wag muna itong bumalik dahil hindi nya alam kung paano nya ito pakikitunguhan matapos ang kagagahang ginawa nya.Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa matapos nyang tanungin ang lalaki. At nang makabawi sa pagkabigla ay agad naman itong nagpaalam para umalis.Alas-singko na ay wala pa si Ross. Nag-presinta pa naman itong sya ang magluluto pero hanggang ngayon ay hindi pa dumadating.Napabuntong-hininga na lang sya kasabay ng pagtayo upang buksan ang tv sa sala. Sobrang tahimik at napaka-lungkot ng paligid.Umuulan pa rin pero paunti-unti na lang ang patak nito. Hindi katulad kanina na sobrang lakas.&

  • Loving The Beast   06

    SA ISIP-ISIP ni Cielo ay kanina nya pa nasapak ang lalaking kausap nya. Puro walang-kwentang bagay ang sinasabi nito at hindi sya natutuwa.Bagaman kanina pang umaga nang magising sya ay kakaiba na ang mood nya. Marahil ay dahil malapit na ang kanyang red days."So, tell me, anong nagustuhan mo kay Ross?" Pag-usisa na naman nito. She smiled to hide the awkwardness. Hanggang kaya nya ay pipilitin nyang kontrolin ang kanyang sarili."Simple lang. Hindi kasi sya madaldal. Ayaw ko pa naman sa mga madadaldal at mausisa." Nakangiti ngunit sarkastikong sagot nya."Oh. Does it have something to do with me?" Mukhang napapahiya nitong tanong.She faked a laugh."What do you mean?" Maang na tanong nya."What you've said earlier, does is have something to do with me?" Muli ay tanong nito.

  • Loving The Beast   07

    HINDI maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Cielo. Dati ay pangarap lang nya na mayakap ang lalaki pero ngayon ay nagkatotoo na.Sinulyapan nya si Ross na abala sa pagmamaneho. Gayumpaman, ang isang kamay nito ay nakahawak sa kanyang mga palad.She's been dreaming this for so long.Nang lumingon ito sa kanya ay nakangiti na ito. Bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nya inaasahang mangyayari."Why are you looking at me?" Tanong nito bago muling humarap sa daan."I'm just making sure that it's not a dream." She answered."Of course it's not." Pinisil nito ang kanyang kamay.Iniwas nya ang kanyang paningin at humarap na lang din sa daan. Pakiramdam nya ay namumula ang pisngi nya. At ayaw nyang makita iyon ni Ross.'Hindi na ako teenager. Hindi na bagay sa akin ang mga

  • Loving The Beast   08

    WALANG PAGSIDLAN ang tuwa ni Cielo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin aya makapaniwala na ang mga panaginip nya ay unti-unti ng nagkakatotoo.At kung panaginip lang ang lahat ng ito, ayos lang sya kanya kung hindi na sya magising pa.Kahit kailan ay hindi nya naisip na mangyayari ito dahil sa ugali na ipinakita noon sa kanya ni Ross."Habulin mo'ko!" Sigaw nya sa hihingal-hingal na si Ross sa huli nya. Halos isang oras na kasi silang nagb-bike."Be careful! The road is slippery!" Sigaw rin nito pabalik."I know what I am doing. Palibhasa, hindi mo ako kayang habulin!" She fired back while laughing."Wag mo akong hamunin!""Hinahamon kita!" Mayabang na aniya bago pumedal ng mabilis. Tatawa-tawa nyang tiningnan ang lalaki mula sa side mirror ng bike.Malayo pa rin ang agwat nilang

  • Loving The Beast   09

    NAESTATWA si Cielo sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang inusal ng lalaki. Masarap paniwalaan kaya lang ay baka nananaginip lang ito.Maya-maya pa ay kusa na rin itong bumitaw sa pagkakapit sa kanya at muling nakatulog. Ngunit nanatili pa rin sya sa kanyang kinatatayuan habang gulat pa rin.Nang maka-recover na ay umayos sya ng tayo at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa mga braso at sa katawan ng lalaki.Panandalian nyang kinalimutan ang narinig na sinabi ng lalaki. Para sa kanya, wala ng mas mahalaga sa ngayon kundi ang gumaling ito.Matapos itong punasan ay lumabas na sya ng kanilang kwarto bitbit ang plangganang may lamang tubig.Nagtungo sya sa lababo at ibinuhos roon ang ginamit na tubig. Nilabhan nya rin ang bimpo at sandaling isinampay sa banyo.Pagkalabas nya ay nanghihina syang napaupo sa bangko na

  • Loving The Beast   10

    KUMAWALA ang isang patak ng luha mula sa mga mata ni Cielo makaraan ang ilang segundo.Hindi sya makapaniwalang ang lalaking inaabot nya lang noon ay nagtatapat ng pag-ibig para sa kanya ngayon dito sa kanyang harapan. Everything felt unreal."Shush. Why are you crying?" Saway nito sa kanya. Nagsunod-sunod ang kanina lang ay isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata."Tears of joy." She said and hugged him. Naramdaman nya ang marahan nitong mga haplos sa kanyang buhok."Your that happy?" Tanong nito."Of course. Hindi ko akalaing darating ako sa puntong ito. Na nandito ka sa harap ko at nagtatapat ng pag-ibig mo." She emotionally answered."Expect the unexpected, Cielo." He kissed her forehead."Hindi ba ako nananaginip lang? Sampalin mo nga ako." She j

  • Loving The Beast   11

    MALAKAS na hinampas ni Ross ang manibela ng kanyang kotse nang bigla nyang maalala ang nakitang sakit sa mga mata ni Cielo kanina.Nasasaktan sya sa sarili nyang ginagawa pero wala syang pagpipilian. Habang maaga pa, kailangan nyang kalimutan si Cielo.Mas binilisan nya ang pagmamaneho upang makarating na sa kanyang kompanya. Pagkarating nya sa floor na kinaroroonan ng kanyang office ay sinalubong na agad sya ng kanyang sekretarya."Uh, Sir. May naghahanap po kasi sa inyo." Bungad nito sa kanya. Agad namang nangunot ang kanyang noo. Napaka-aga pa pero mayroon na agad naghahanap sa kanya? It must be an emergency."Who is it?" Sinulyapan nya ang kanyang office."Babae po, eh. Hindi ko po sya kilala." Sagot nito."Babae?" Ulit nya at tumango naman ito. Nagmamadali nyang tinungo ang kanyang office. Pagbukas pa lang nya ay nakum

Bab terbaru

  • Loving The Beast   Wakas

    ROSS BECAME devastated when Cielo left. Akala nya ay mas magiging masaya na sya ngayong wala na ang babae ngunit hindi pa rin pala.Walang araw ang lumipas na hindi nya ito naaalala. Ang mga alaala na ginawa nilang dalawa.He just need some space. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi na nya mahal si Cielo.Labis na pagsisisi ang kanyang naramdaman ng umalis ito kaya napag-desisyonan nyang wag na lang putulin ang ugnayan nya rito."I'll cancel everything, Atty." Nagulat ito sa kanyang sinabi."Why?" Naguguluhan nitong tanong."I just want to. Forget everything, wag kang mag-alala, babayaran pa rin naman kita. I just want to cancel the annulment.""Sige. But, it may takes some time.""It's okay."Bawat sulok ng kanyang bahay ay mayroon silang alaala ni

  • Loving The Beast   46

    SHE KISSED her child before she closed her own eyes. Ang kaninang pagod at hirap na kanyang dinanas ay biglang nawala nang mahawakan nya ito. Gayumpaman, hindi nya maiwasang malungkot para sa kanyang anak dahil hindi nito namulatan ang sariling ama.Hinayaan nyang tangayin sya ng antok habang nakahiga sa kanyang dibdib ang kanyang anak.Nang magising sya ay ibang kapaligiran na ang kanyang namulatan. May nakakabit na ring mga kung ano-anong apparatus sa kanyang kamay.Inilibot nya ang kanyang paningin at nakita nya si Aling Ester na kasalukuyang natutulog sa sofa.Hinayaan nya lang ito dahil alam nyang ilang araw na rin itong walang tulog dahil sa pagbabantay sa kanya.Maya-maya pa ay may pumasok na isang nurse, may yakap-yakap itong isang chart. Ngumiti ito sa kanya kaya ganon din ang ginawa nya."Kamusta na po kayo?" Tano

  • Loving The Beast   45

    UMALIS MUNA sandali ang doktor ni Cielo dahil may kailangan daw itong kunin. Kaya naiwan syang mag-isa at gulat pa rin sa mga nangyayari.Maraming katanungan sa kanyang isip at maraming mga isipin ang gumugulo sa kanya.Kaya nya bang buhayin ang bata?Maiibigay kaya nya rito ang mga pangangailangan nito?Kung hindi siguro naging ganto ang mga pangyayari, baka sakaling masaya lang sya ngayon at wala ng iba pang iniisip.Naisip nyang isa sa mga dahilan kung bakit sya pumayag na makipag-hiwalay kay Ross ay dahil sa kagustuhan nyang maging maligaya ito. At alam nyang mangyayari lamang iyon kapag nagkaroon ito ng anak, dahil 'yon ang isa sa pinakaminimithi nito.Pero, naisip din nyang, ang dahila nga pala ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa babae nito.Napabuntong-hininga na lang sya, ang mahalaga ay mayroon na s

  • Loving The Beast   44

    ISA-ISANG bumagsak ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan. Bigla ay nakaramdam si Cielo ng pangungulila sa kanyang minamahal.Tanaw na tanaw mula sa kanyang kinaroroonan ang tahimik na kabisera ng maliit na islang kanyang magiging tirahan.Napabuntong-hininga sya at saka pinawi ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi.Isinara na nya ang bintana at saka napag-desisyonang maghanap ng mabibilhan ng pagkain.Hindi sya sigurado kung ilang araw syang mananatili dito sa hotel. Sa ngayon ay magpapahinga na lang muna sya at bukas ay saka na sya hahanap ng bahay na kanyang mauupahan.Napag-desisyonan nyang maligo muna dahil pakiramdam nya ay amoy pawis na sya. Nagsuot lang din sya ng simpleng damit at saka sya lumabas ng kanyang kwarto.Pagdating nya sa lobby ng hotel ay nagtungo muna sya sa staff na naroon upang magtanong kung saan may

  • Loving The Beast   43

    WALANG IBANG nararamdaman si Cielo kundi lungkot at sakit. At nang yakapin sya ng lalaki ay mas lalo syang binalot ng takot imbes na ng tuwa. Dahil alam nyang ito na ang huling yakap nya sa lalaki."I'm so sorry." Bulong nito na lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Hindi ba ay ito ang gusto nitong mangyari? Bakit ngayon ay parang sising-sisi na ito?Hindi sya nagsalita. Ninamnam nya ang sandali na kayakap nya ito. She will miss this kind of warmth coming from Ross.At nang makuntento ay sya na rin ang kusang bumitaw. Yumuko sya habang pinapawi ang kanyang mga luha. Kailangan na nyang masanay dahil simula ngayon ay ang kanyang sarili na lang ang kanyang maaasahan."Pwede ba akong humingi ng isang pabor?" Tanong nya bagaman ang kanyang mga mata ay nananatiling nasa sahig. "Bigyan mo lang ako ng ilang araw para ihanda ang mga gamit ko at para makaalis ako dito." At saka nya ito hinarap. Nakit

  • Loving The Beast   42

    BUONG GABING hindi makatulog si Cielo dahil sa sinabi ni Ross. Matapos itong sabihin ng lalaki ay lumabas na ito ng kanilang kwarto at hindi nya alam kung saan ito nagpunta.Nakaramdam sya ng uhaw kaya agad syang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga. Nakaramdam pa sya ng pagkahilo dahil sa tama ng alak.Napahawak sya sa headboard ng kama upang doon kumuha ng lakas. Nabigla ata sya ng pagtayo.Nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay agad na syang naglakad palabas ng kwarto. Nagtungo na sya sa baba at agad na uminom ng tubig. Nagdala na rin sya ng isang pitsel patungo sa kanyang kwarto para hindi na sya bababa pa kung sakaling mauuhaw ulit sya.Isang baitang na lang at nasa second floor na sya nang marinig nya ang boses ni Ross sa na nanggagaling sa kwartong nasa kanang bahagi. Nasa kaliwang bahagi kasi ang kanyang kwarto.Dahil sa kuryosidad ay agad syang naglakad

  • Loving The Beast   41

    MATAPOS nitong bitiwan ang mga salitang tumatak sa kanyang isipan ay marahas itong tumayo at lumabas ng kwarto. Naiwan si Cielo na ramdam ang kakaibang sakit na bumalot sa kanyang pagkatao.Nagpaulit-ulit sa kanyang pandinig ang salitang binitiwan nito. Mariin syang napapikit at pinigilan ang sarili na mapaluha.Gayumpaman ay hindi sya nagtagumpay. Isa-isang bumagsak ang kanyang mga luha kasabay ng pagpatak ng malakas na ulan.Maya-maya pa ay kumulog ng malakas kasabay ng mga pagkidlat. Napasigaw sya dahil sa takot na kanyang nararamdaman.Mas lumakas ang kanyang hagulgol at napatago sya sa ilalim ng kanyang kumot.At sa isang iglap ay nawalan ng kuryente na syang dahilan ng lalo nyang pag-iyak. She never likes darkness because she felt so scared.At ngayon ay nangyari ang isa sa mga kinakatakutan nya.

  • Loving The Beast   40

    NANG kumalma na ay agad na dinampot ni Cielo ang kanyang bag at naglakad palabas ng lugar. Wala na syang pakialam sa kung ano-man ang kanyang itsura at sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng ibang tao.Kailangan nyang hanapin si Ross at magpaliwanag rito. Sa panahong ito ay sila na lang ang maaaring magdamayan.Nagtatakang napatingin sa kanya si Manang Esing matapos makita ang kanyang itsura. Nakita nya nang mabilis itong nagpaalam sa kausap upang lapitan sya. Hinila sya nito palabas sa lugar."Cielo, bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?" Labis ang pagkaka-kunot ng noo nito. Napailing-iling naman sya at muli ay pumatak ang kanyang mga luha. She felt so useless. "Cielo, magsalita ka. Anong nangyari? At bakit mukhang masama rin ang timpla ni Ross? Nag-away ba kayo?" Sunod-sunod na tanong nito."Manang...hindi ko na po alam ang gagawin ko. Napaka-walang kwenta kong asawa."

  • Loving The Beast   39

    KUSANG PUMATAK ang luha mula sa mga mata ni Cielo matapos marinig ang sinabi ng doktora.Wari ba ay isa itong sirang plaka na patuloy na nagpapaulit-ulit sa kanyang pandinig."Sorry, Cielo." Mahinang sabi nito ngunit sapat lang para marinig nya."Doc...I-I can't be p-pregnant?" Umiiyak na tanong nya."There are two answers to your question, it's either you can't be pregnant at all or you can be but it may be harder and will take a lot of time."Napailing-iling na lang sya habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang mga luha.Mas lalong nadagdagan ang kanyang mga isipin. Kung paano nya ito sasabihin at ipapaalam kay Ross at sa lolo nito."Stop crying, Cielo. You have to rest, makakasama 'yan sa'yo." Sawa sa kanya ng doktora. Mahirap man ay pinilit nya ang sarili na tumigil sa pag-iyak. "Ihahatid

DMCA.com Protection Status