NAGPAHINGANG muli si Cielo matapos ang kanilang paglalaro ni Ross habang ang lalaki naman ay nagpaalam na lalabas raw muna saglit. Pero isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito bumabalik.
Sa isip-isip ni Cielo ay mabuti na ring wag muna itong bumalik dahil hindi nya alam kung paano nya ito pakikitunguhan matapos ang kagagahang ginawa nya.
Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa matapos nyang tanungin ang lalaki. At nang makabawi sa pagkabigla ay agad naman itong nagpaalam para umalis.
Alas-singko na ay wala pa si Ross. Nag-presinta pa naman itong sya ang magluluto pero hanggang ngayon ay hindi pa dumadating.
Napabuntong-hininga na lang sya kasabay ng pagtayo upang buksan ang tv sa sala. Sobrang tahimik at napaka-lungkot ng paligid.
Umuulan pa rin pero paunti-unti na lang ang patak nito. Hindi katulad kanina na sobrang lakas.
Nakaramdam sya ng gutom kaya nagtungo sya sa kusina para magtingin kung ano ang makakain nya sa loob ng ref. Hindi naman sya nabigo dahil may mga chocolates doon. Kumuha sya ng sapat na dami bago bumalik sa sala.
Naghanap sya ng nakakatawang panoorin upang pansamantala syang malibang.
NABIGLA si Ross sa naging tanong ni Cielo. Hindi agad ma-proseso ng kanyang utak ang mga biglaang kilos ng babae.
Pakiramdam nya ay namumula sya sa hiya kaya napagdesisyonan nyang lumabas muna upang magpahangin.
Nakarating sya sa lobby ng hotel. Doon muna sya nagpalipas ng oras habang hinihintay na tumila ang ulan.
Pero, mahabang sandali na ang inilagi nya roon ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Napagdesisyonan nyang bukas na lang nila simulan ang kanilang trabaho. Baka sakaling maganda na ang panahon bukas.
Paakyat na sana sya nang maalala nya ang pangako nyang sya ang magluluto ng dinner.
Bumalik muli sya upang magtanong sa mga staff ng hotel kung nasaan ang pinaka-malapit na grocery store.
"We have a grocery store inside this hotel, Sir." Nakangiting imporm nito sa kanya.
"Oh, saan?" Pag-usisa nya.
"Diretso lang po kayo, Sir, tapos pagdating nyo po doon ay kumaliwa kayo. Nandon po ang grocery store." Turo nito sa daan.
"Okay, thanks." Paalam nya bago naglakad palayo. Hindi naman sya nagkamali dahil agad nyang narating ang grocery store.
Marami ang mga tao sa loob. Siguro, kagaya nya ay bibili rin ito ng lulutuin para sa dinner.
Bago pumasok ay humigit muna sya ng cart dahil marami syang bibilhin. Napagdesisyonan nyang magluto ng beef steak para sa hapunan.
Una syang nagtungo sa meat section para kumuha ng beef. Pagkatapos ay ng mga rekado. Bumili rin sya ng mga chips at ibang mga pagkain.
"Thank you for shopping, Sir." Iniabot nito sa kanya ang kanyang sukli. Tumango lang sya bago hinigit na ang cart nya. Marami kasi ang kanyang pinamili at hindi nya kayang bitbitin lahat.
Abot-abot ang kanyang kaba nang makasakay na sya sa elevator. Hindi nya maintindihan kung bakit kailangan nya itong maramdaman. At isa pa sa ikinakabahala nya, si Cielo lang ang babaeng nakapagparamdam ng ganito sa kanya.
Iwinaglit nya ang kanyang mga isipin kasabay ng pagbukas ng elevator. Pareho silang gulat ni Cielo nang magsalubong ang kanilang mga tingin.
"Where are you going?" Nagtatakang tanong nya at saka lumabas mula sa elevator.
"Uh, pupuntahan kasi sana kita." Napakamot ito sa kanyang ulo. Lihim naman syang napangiti sa simpleng mga kilos nito.
"Nagaalala ka?" Bigla ay naitanong nya.
"Hindi, 'no. Ano kasi, gabi na, sabi mo ikaw ang magluluto ng dinner." Nag-iwas ito ng tingin.
"Akala ko pa naman, nami-miss mo agad ako." Kunwari pa syang ngumuso.
"Tara na nga." Nahihiya itong tumalikod at nauna ng naglakad.
"Cute." Naibulong nya sa sarili at saka sumunod na sa babae.
Tahimik lang sila pareho hanggang sa makarating sila sa loob ng kanilang hotel room. Dumiretso ang babae sa sala habang sya naman ay sa kusina upang maumpisahan na ang pagluluto. Mabuti na lang at mayroon ng mga gamit-pangluto rito sa hotel hindi na nila kailangan pang bumili.
Pinanood nya ang bawat kilos ng babae. Binuksan nito ang tv at saka prenteng naupo sa sofa. Mabilis syang nag-iwas ng tingin nang lingunin sya nito. Inabala na lang nya ang sarili sa pagluluto dahil matagal rin ang pagluluto ng beef steak.
He sliced the beef into cubes first. Pagkatapos ay inilagay nya ito sa isang bowl kasama ang lemon, toyo, paminta at garlic powder. Pinaghalo nya ito pagkatapos at ibinabad sa loob ng kalahating oras.
Habang pinapalipas ang oras ay napagdesisyonan nyang magbasa ng iba pang mga dokumento na hindi nya natapos kanina.
Paminsan-minsan ay sinusulyapan nya ang babae at abala pa rin talaga ito sa pinapanood. Para bang mag-isa lang sya at hindi nag-eexist ang kahit na sino.
Makalipas ang kalahating oras ay inumpisahan na nya ang pagluluto. Nagpainit muna sya ng mantika sa kawali bago ginisa ang sibuyas.
Nang maluto ang sibuyas ay tinanggal nya muna ito muli sa kawali dahil magpi-prito muna sya ng karne. Pagkatapos nitong maluto ay tinanggal nya rin ito mula sa kawali.
Naggisa sya ng bawang at ibinuhos dito ang marinate sauce. Nang kumulo na ay inilagay na nya ang karne at hinintay itong lumambot. Inilagay na rin nya ang sibuyas na ipinrito nya kanina.
Napansin nyang nagluto na rin pala ng kanin ang babae. Siguro ay habang wala sya ay ito ang inasikaso nito.
"Uhm, dinner's ready." Anunsyo nya nang makapag-hain ng kanin at ng beef steak.
Mabilis naman itong lumingon. Napailing na lang sya, basta talaga pagkain.
"Mukhang masarap." She commented.
"Hindi lang mukha. Masarap talaga."
"Talaga ba? Patikim nga at ng mahusgahan." Biro nito at tumikim ng sabaw. "Masarap nga." Naibulong nito maya-maya.
"I told you." Sabi naman nya habang ipinaghihigit ito ng upuan.
"Thanks."
Tahimik silang nagsimula sa pagkain. Animo'y parehong ninanamnam ang sarap ng pagkain.
"Uh, tungkol doon sa kanina. Pasensya na, nabigla lang ako talaga." Pagbukas nito sa usapan.
"No worries." He smiled and she reflects.
Sa huli ay natapos ang kanilang dinner na puro kwentuhan lang silang dalawa. Nag-presinta itong maghuhugas pero hindi sya pumayag kaya sa huli ay silang dalawa na lang rin ang naghugas.
"Grabe ka!" Reklamo nito nang pahidan nya ito ng bula sa pisngi. "Akala mo, ha!" Pinahidan din sya nito sa kanyang pisngi.
"What?" Natatawang saad nya bago pinahidan din ito sa itaas ng sarili nitong labi. Nagmukha tuloy bigote.
"Isa lang, gaganti lang ulit ako." Pagmamakaawa nito.
"Ayaw ko. Dadamihan mo, eh." Pagtanggi naman nya.
"Daya mo naman, eh. Dali na." Pilit pa rin nito.
"Sige na nga." Pagpayag nya. Tuwang-tuwang naman itong kumuha ng bula at ipinahid sa buong mukha nya.
Matagal bago sila natapos sa paghuhugas dahil panay ang laro nilang dalawa.
Pagkatapos ay dumiretso na agad ito sa paliligo habang sya ay tumambay muna sa sala. Nang matapos ito sa pagliligo ay sya naman ang pumalit.
HINDI mawala ang ngiti sa mga labi ni Cielo hanggang sa paliligo. Pakiramdam nya ay nasa ibabaw sya ng mga ulap dahil sa kakaibang kiliti na nararamdaman nya.
Sa isang kisap-mata ay naglevel-up ang pakikitungo sa kanya ni Ross. Ang mga ginagawa nito ay sapat na upang makapagpa-ligaya sa kanya.
Nakangiting mukha nito ang bumungad sa kanya pagkalabas nya ng banyo. Napatulala sya sa gwapong mukha ng lalaki. Kung ganito ang tanawin nya araw-araw ay hindi sya magsasawa.
"Shower lang ako." Paalam nito.
Napagisip-isip nyang dapat nyang ipagpasalamat ang pagpayag nya sa alok nitong pagpunta rito. Dahil doon ay nagkalapit ang loob nila ng lalaki.
Naisipan nyang tawagan ang matandang mayordoma upang balitaan ito. Hindi naman nagtagal ay sumagot agad ito.
"Hello, hija? Kamusta dyan?" Bungad nito.
"Sobrang lamig po dito pero kaya naman." Biro nya at pareho silang natawa.
"Si Ross kamusta? Hindi ka ba sinusungitan?"
"Hindi po. Sobrang bait nga nya. Para syang ibang-tao, Manang." Pag-kwento nya.
"Baka naman may nararamdaman na para sa iyo."
"Sana nga po." Sakay nya sa mga biro nito.
"Naghapunan na ba kayo, hija?"
"Opo. Nagluto po si Rosa ng bistek." Imporma nya.
"Aba'y ipinagluto ka pa talaga. Nakakatuwa naman ang batang iyan." Komento nito.
"Sobrang sarap po ng bistek. Nakalimutan ko nga pong hindi pa pala nya ako jowa." Pagbibiro nya.
"Aba'y gusto kong matikman 'yan. Kaya lang ay baka makalimutan ko ang Manong Jun mo." Biro rin nito at malakas syang napahagalpak ng tawa.
"Hayaan nyo po, kapag bumalik na kami dyan, pipilitin ko po si Ross na magluto ulit."
"Hindi na ako makapaghintay. Oh sya, baka nakakaabala na ako. Mag-iingat kayo dyan."
"Kayo rin po. Si Lolo baka hindi nakakainom ng maintenance nya. Makakalimutin pa naman 'yon." Nag-aalang sabi nya.
"Lagi ko ngang sinasabihan at minsan nga ah nakakalimutan na. Oh sige na, ibaba ko na."
"Sige po. Goodnight, Manang." Aniya pa bago patayin ang tawag.
"Si Manang?"
Halos mapatalon sya dahil paglingon nya ay naroon na agad si Ross.
"Kanina ka pa?" Bigla ay namula ang kanyang pisngi dahil sa hiya.
"Kakarating ko lang." Sabi nito habang pinupunasan ang sariling buhok.
"Uh, may suggestion lang ako."
"What is that?" Itinigil nito ang ginagawa upang harapin sya.
"Ano kasi, kung ayos lang naman sa'yo. Gusto ko sanang mag-series marathon. May bago kasing Korean series na sikat na sikat ngayon."
"May I know the title?"
"Squid Game Series. Maganda raw kasi 'yon sabi ng mga friend ko sa f******k."
"Okay. Pero saan? Meron ba sa tv?" Usisa nito.
"Oo. May Netflix akong nakita kanina. Meron pa pala akong isa pag suggestion."
"Tell me." Umupo ito sa tabi nya.
"Pagkain." Nahihiyang bulong nya at natawa ito.
"Ano ba'ng gusto mo?" Nakangiting tanong nito.
"Uh, gusto ko sana ng fries tapos siomai ulit."
"You really like siomai, huh?"
"Medyo." Napakamot sya sa sariling ulo.
"Okay. Bibili tayo sa baba. Ako na lang ang magluluto." Sabi nito at tumayo. Nagulat sya nang ilahad nito ang mga palad.
Gulat pa rin nya itong inabot. Lihim syang napangiti. Doon na lang nya idinaan ang kanyang kilig dahil hindi nya ito pwedeng ipakita sa lalaki.
Magkahawak-kamay silang lumabas ng hotel room. Hindi sila nagbitaw hanggang sa makarating sila sa grocery store sa baba.
Pinagtitinginan na sila ng mga tao pero parang walang pakialam si Ross. Sya naman ay halos tumago na sa likod nito dahil sa hiya.
"Are you shy?" Tanong nito ay humarap sa kanya.
"Nakatitig kasi sila sa akin, eh."
"Syempre, gwapo ako, eh." Biro nito na ikinagulat nya. Hindi nya inaasahan na ang kilala nyang Ross na masungit ay kayang magbiro. Corny pero hindi baduy.
At mas hindi nya inaasahan nang akbayan sya nito bago sila muling naglakad upang maghanap ng kanilang bibilhin.
Tulala lang sya hanggang sa makabalik sila sa kanilang kwarto.
"Cielo, inaantok ka na ba?" Tanong ng lalaki na ikinabalik nya sa kanyang diwa.
"Uh, hindi. May naisip lang."
"Ako ba?"
"Hindi, 'no. Magluto ka na nga lang dahil nagugutom na ako." Taboy nya rito at mabilis naman itong sumunod.
Nakakatuwa dahil parang sya na ang amo sa kanilang dalawa. Nauutos-utusan na nya ito samantalang noon ay hindi.
Habang nagluluto ito ay binuksan na nya ang tv para maihanda na nya ang kanilang panonoorin.
Nagutom na naman sya nang maamoy ang niluluto ng lalaki. Tumayo sya at lumapit rito. Pasimple syang kumuha habang nakatalikod ang lalaki.
"What are you doing?" Bigla ay tanong nito. Napa-peace sign naman sya.
"Nagutom ako, eh." Pag-amin nya. Natatawa nitong pinisil ang kanyang pisngi bago ulit ipinapagtuloy ang ginagawa.
Hindi naman nagtagal ay natapos rin ang pagluluto nito. Inahon na rin nito ang steamed siomai. Sya na ang naglagay ng cheese sa fries pero ang lalaki ang gumawa ng sawsawan para sa dalawa nilang pagkain.
Dinala nila ito sa sala. Binuksan nya ang tv at itinutok ang atensyon sa panoorin habang kumakain ng fries at siomai.
Tahimik lang silang dalawa hanggang sa makaramdam na sya ng antok. Alas-dose na kaya pagod na ang kanyang mga mata.
"Inaantok na ako. Ikaw, tutulog ka na rin ba?" Mahinang tanong nya.
"What? Ikaw ang nag-aya nito tapos ikaw agad ang susuko?" Asar nito sa kanya.
"Pasensya na, ha? Hindi kasi ako mahilig magpuyat." Medyo masungit na aniya.
"Wala ng pagkain, eh, kaya tutulog ka na." Patuloy na pang-aasar nito.
"Hindi kaya. Bahala ka kung ayaw mong maniwala basta tutulog na ako." Tumayo na sya at naglakad papunta sa kama.
Humiga na sya at handa na sanang matulog nang maaalala ang lalaki. At kung saan ito matutulog. Mabilis syang napabangon at binalikan ito.
"Uh, saan ka pala matutulog?" Nahihiyang tanong nya.
"Dito na lang ako." Sagot nito na ikinabigla nya.
"Doon ka na sa kama. Sanay naman ako sa matigas na higaan."
"Doon ka na. I can manage." Tanggi nito.
"Nakakahiya. Doon ka na." Matigas na aniya.
"Para walang away, tayong dalawa." Pinal na sabi nito at pinatay ang tv. Naglakad ito patungo sa kusina upang dalhin ang mga plato.
"Bakit andyan ka pa? Inaantok ka na, diba?" Tanong nito nang makitang hindi sya gumagalaw sa kanyang pwesto.
"Dito na lang ako."
"Ayaw mo ba akong katabi?" Nakangusong tanong nito.
"Hindi 'yon ganon. Basta dito na lang ako."
"Come here." Mas seryosong pahayag nito. Napabuntong-hininga na lang sya bago naglakad na palapit.
Pinatay na nito ang ilaw at naiwan lang ang liwanag na nagmumula sa lamp shade. Wala syang nagawa kundi ang mahiga na sa tabi nito.
Naaninag nyang nakatalikod ito sa kanya kaya nakahinga sya ng maluwag.
"Ayos lang ba kung maglagay ako ng boundary?" Tanong nya.
"What?" Natawa ito.
"Unan. Boundary." Mas maliwanag na sabi nya.
"If you want to."
Mabuti na lang at marami ang extra'ng unan ng hotel. Inilagay nya ito sa pagitan nila ni Ross. Pagkatapos ay humiga na syag muli at ipinikit na ang kanyang mga mata.
"Cielo?" Tawag nito sa kanya.
"Hmm?" Inaantok ng sagot nya.
"Goodnight." Malambing na anito.
Just then, she closed her eyes with a smile in her lips.
MALALIM na sa gabi pero hindi pa rin nakakatulog si Ross. Nakahiga lang sya pero hindi sya dinadalaw ng antok.
Naririnig na nya ang hilik ni Cielo na marahil ay dumadagdag sa dahilan kung bakit hindi sya makatulog.
Idagdag pa ang katotohanang binabagabag sya ng nararamdaman nya para kay Cielo. Alam nyang mali, at kahit saang anggulo tingnan, hindi sila pwedeng dalawa.
Hindi rin nya inaasahan na sa sandaling panahon na magkasama sila ay agad syang mahuhulog para sa babae.
Hanggang sa hindi nya namalayang nakatulogan na nya ang malalim na pag-iisip.
Kinabukasan ay nauna syang nagising kumpara kay Cielo dahil gusto nyang magluto ng breakfast. Bukod doon ay maaga silang pupunta sa site.
Sinulyapan nya ang babaeng sobrang likot matulog. Naalala nyang kagabi ay makailang-beses syang nagising dahil nasisipa sya nito. Minsan naman ay bigla na lang itong magsasalita na labis nyang ikinagugulat.
Bumangon sya at nagtungo sa banyo upang maghilamos at mag-sepilyo. Pagkatapos ay lumabas na sya upang umpisahan ang pagluluto.
May natira silang kanin kagabi kaya naisipan nyang gawing fried rice. Pagkatapos ay nagluto sya ng itlog at tocino.
Tatawagin na sana nya si Cielo pero nakita nyang nakaupo na ito sa dining table.
"Gising ka na agad?" Nagtatakang tanong nya pero nagkibit-balikat lang ito. Natawa na lang sya dahil sobrang cute nito kapag magulo ang buhok.
Umupo na rin sya at sumandok ng sariling pagkain. Tahimik na naman sila habang kumakain.
Pagkatapos ay ang babae na ang nag-presinta upang maghugas. Sya naman ay inihanda ang kanyang mga dadalhin papunta sa construction site.
Narinig nyang pumasok ito sa banyo maya-maya. Siguro ay maliligo na.
Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na ito kaya sya naman ang naligo. Hindi na rin sya nagtagal dahil baka tanghaliin na sila.
Paglabas nya ay bihis na rin si Cielo at nagsusuklay na. Lumipas pa ang sampong minuto at pareho na silang gayak.
Kinuha nya ang kanyang mga dala-dala at sumunod na kay Cielo. Mabilis silang nakarating sa sasakyan dahil sa hindi alam na dahilan.
Nang pareho ng nakaayos ang seatbelt ay pinaharurot na nya ito patungo sa site. Hindi rin naman ito kalayuan sa hotel na inuokupa nila kaya nakarating sila agad.
Inalalayan nya pababa si Cielo hanggang sa marating nila ang office ng engineer na humahawak dito.
"Mr. Arevalo, nice to see you. Biglaan yata ang pagdalaw mo?" Bungad sa kanya ng lalaki.
"Hindi ka sinabihan ni Lolo? Actually, he sent me here dahil nagkaroon raw kayo ng conflict dito."
"Conflict? Wala naman pong conflict dito. At saka, bumisita ang Lolo mo dito noong nakaraang linggo lang." Kwento nito at hindi nya napigilang magtaka.
"But... Wait, I'll call him." Paalam nya. "Anyway, this is Cielo." Pakilala nya sa kasama at saka ito sinulyapan. Tumingin naman dito ang lalaki bago inilahad ang mga palad.
"Girlfriend? Hi there, Cielo. Nice meeting you."
"Iwan ko muna kayo. I'll call my Lolo." Lumabas muna sya saglit. Naka-ilang ring pa bago ito sumagot.
"Hello, apo? Kumusta?" Mukhang masayang bungad nito sa kanya.
"Lo, andito kami ngayon sa site. And according to the engineer, wala naman daw problema dito. Then, why did you send us here?" Hindi nya napigilang ipakita ang kanyang inis.
"Okay, okay. The truth is, I send you there together with Cielo so you can have time to know each other." Pag-amin nito sa ginawang kalokohan.
"Lo? You know, I have a lot of work left there. No time to this kind of set-up."
"Please. Just this, Ross. Do this for your Lolo." Pagmamakaawa nito sa kanya. "Treat Cielo the way she deserved to be treated." Dagdag pa nito.
"Lo, that's not the point. The point is you didn't tell me about this."
"Kung sinabi ko sa'yo, hindi ka papayag. I'm sorry, apo, I just want you to be happy."
"But, Lo, not in this kind of way!" Hindi nya napigilang magtaas ng kanyang boses. "I'm sorry. Nabigla lang ako." Paghingi nya agad bg paumanhin dahil baka masaktan nya abg damdamin nito.
"Hijo, alam mo namang gusto ko si Cielo para sa'yo. Matanda na ako at bilang na ang mga oras ko kaya gusto kong tuparin mo ang hiling ko."
Napabuntong-hininga na lang sya dahil mukhang wala na syang magagawa pa.
"Fine." Pagsuko nya.
"And, there's another one." Dagdag nito.
"Meron pa?" Reklamo nya habang nakabusangot ang mukha.
"Make yourself fall inlove with her. I want you to end up being together."
To be continued. . .
SA ISIP-ISIP ni Cielo ay kanina nya pa nasapak ang lalaking kausap nya. Puro walang-kwentang bagay ang sinasabi nito at hindi sya natutuwa.Bagaman kanina pang umaga nang magising sya ay kakaiba na ang mood nya. Marahil ay dahil malapit na ang kanyang red days."So, tell me, anong nagustuhan mo kay Ross?" Pag-usisa na naman nito. She smiled to hide the awkwardness. Hanggang kaya nya ay pipilitin nyang kontrolin ang kanyang sarili."Simple lang. Hindi kasi sya madaldal. Ayaw ko pa naman sa mga madadaldal at mausisa." Nakangiti ngunit sarkastikong sagot nya."Oh. Does it have something to do with me?" Mukhang napapahiya nitong tanong.She faked a laugh."What do you mean?" Maang na tanong nya."What you've said earlier, does is have something to do with me?" Muli ay tanong nito.
HINDI maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Cielo. Dati ay pangarap lang nya na mayakap ang lalaki pero ngayon ay nagkatotoo na.Sinulyapan nya si Ross na abala sa pagmamaneho. Gayumpaman, ang isang kamay nito ay nakahawak sa kanyang mga palad.She's been dreaming this for so long.Nang lumingon ito sa kanya ay nakangiti na ito. Bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nya inaasahang mangyayari."Why are you looking at me?" Tanong nito bago muling humarap sa daan."I'm just making sure that it's not a dream." She answered."Of course it's not." Pinisil nito ang kanyang kamay.Iniwas nya ang kanyang paningin at humarap na lang din sa daan. Pakiramdam nya ay namumula ang pisngi nya. At ayaw nyang makita iyon ni Ross.'Hindi na ako teenager. Hindi na bagay sa akin ang mga
WALANG PAGSIDLAN ang tuwa ni Cielo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin aya makapaniwala na ang mga panaginip nya ay unti-unti ng nagkakatotoo.At kung panaginip lang ang lahat ng ito, ayos lang sya kanya kung hindi na sya magising pa.Kahit kailan ay hindi nya naisip na mangyayari ito dahil sa ugali na ipinakita noon sa kanya ni Ross."Habulin mo'ko!" Sigaw nya sa hihingal-hingal na si Ross sa huli nya. Halos isang oras na kasi silang nagb-bike."Be careful! The road is slippery!" Sigaw rin nito pabalik."I know what I am doing. Palibhasa, hindi mo ako kayang habulin!" She fired back while laughing."Wag mo akong hamunin!""Hinahamon kita!" Mayabang na aniya bago pumedal ng mabilis. Tatawa-tawa nyang tiningnan ang lalaki mula sa side mirror ng bike.Malayo pa rin ang agwat nilang
NAESTATWA si Cielo sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang inusal ng lalaki. Masarap paniwalaan kaya lang ay baka nananaginip lang ito.Maya-maya pa ay kusa na rin itong bumitaw sa pagkakapit sa kanya at muling nakatulog. Ngunit nanatili pa rin sya sa kanyang kinatatayuan habang gulat pa rin.Nang maka-recover na ay umayos sya ng tayo at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa mga braso at sa katawan ng lalaki.Panandalian nyang kinalimutan ang narinig na sinabi ng lalaki. Para sa kanya, wala ng mas mahalaga sa ngayon kundi ang gumaling ito.Matapos itong punasan ay lumabas na sya ng kanilang kwarto bitbit ang plangganang may lamang tubig.Nagtungo sya sa lababo at ibinuhos roon ang ginamit na tubig. Nilabhan nya rin ang bimpo at sandaling isinampay sa banyo.Pagkalabas nya ay nanghihina syang napaupo sa bangko na
KUMAWALA ang isang patak ng luha mula sa mga mata ni Cielo makaraan ang ilang segundo.Hindi sya makapaniwalang ang lalaking inaabot nya lang noon ay nagtatapat ng pag-ibig para sa kanya ngayon dito sa kanyang harapan. Everything felt unreal."Shush. Why are you crying?" Saway nito sa kanya. Nagsunod-sunod ang kanina lang ay isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata."Tears of joy." She said and hugged him. Naramdaman nya ang marahan nitong mga haplos sa kanyang buhok."Your that happy?" Tanong nito."Of course. Hindi ko akalaing darating ako sa puntong ito. Na nandito ka sa harap ko at nagtatapat ng pag-ibig mo." She emotionally answered."Expect the unexpected, Cielo." He kissed her forehead."Hindi ba ako nananaginip lang? Sampalin mo nga ako." She j
MALAKAS na hinampas ni Ross ang manibela ng kanyang kotse nang bigla nyang maalala ang nakitang sakit sa mga mata ni Cielo kanina.Nasasaktan sya sa sarili nyang ginagawa pero wala syang pagpipilian. Habang maaga pa, kailangan nyang kalimutan si Cielo.Mas binilisan nya ang pagmamaneho upang makarating na sa kanyang kompanya. Pagkarating nya sa floor na kinaroroonan ng kanyang office ay sinalubong na agad sya ng kanyang sekretarya."Uh, Sir. May naghahanap po kasi sa inyo." Bungad nito sa kanya. Agad namang nangunot ang kanyang noo. Napaka-aga pa pero mayroon na agad naghahanap sa kanya? It must be an emergency."Who is it?" Sinulyapan nya ang kanyang office."Babae po, eh. Hindi ko po sya kilala." Sagot nito."Babae?" Ulit nya at tumango naman ito. Nagmamadali nyang tinungo ang kanyang office. Pagbukas pa lang nya ay nakum
PALABAS NA si Ross ng kanyang opisina nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Dinukot nya ito mula sa kanyang bulsa. Nangunot ang kanyang noo nang makita ang pangalan ni Venus. Bakit kailangan pa nitong tumawag?"What is it?" Tanong nya at saka nagpatuloy sa paglalakad."Dito ka na mag-dinner. Serriah and I cooked foods for us." Anyaya nito."Really? Where is she?" Natutuwang tanong nya."She's taking a bath. Amoy pawis raw sya at ayaw nyang maamoy mo 'yon. What a kid." Kwento nito na ikinatawa nya."Tell her that I'll be there in ten minutes.""Okay. Ingat ka."Muli nyang ibinalik sa kanyang bulsa ang telepono matapos makipag-usap sa babae. Sumakay sya sa elevator at hinintay itong makababa.Nang bumukas na ito ay agad syang lumabas at mabilis na nagtungo sa kanyang kotse. He
PAGKATAPOS maglinis ay nagpahinga na rin si Cielo. Nahiga sya sa kanyang kama at nakipagtitigan sa kanyang kisame. Hindi naman sya dinadalaw ng antok, ang balak nya ay magpahinga lang dahil napagod sya sa kanyang ginawa.As she close her eyes, image of him flashees on her mind. Lahat ng nagyari noong mga panahong nasa Baguio pa sila. Lahat ng 'yon ay nami-miss nya. At hindi nya maiwasang malungkot sa tuwing naiisip nya na hindi na iyon kailanman mauulit pa.Siguro ay may dahilan si Venus kung bakit sya bumalik dito sa Pilipinas. At marahil ay dahil sa kadahilanang may anak sila ni Ross. At isa iyon sa nakadagdag sa sakit na nararamdaman nya. Knowing that Ross is happy now cause the love of his life is finally here.Naimulat ni Cielo ang kayang mga mata dahil sa sari-saring bagay na kanyang naiisip. Halo-halo rin ang emosyong nararamdaman nya.Hindi nya namalayan ang pagpatak ng kanyang mg
ROSS BECAME devastated when Cielo left. Akala nya ay mas magiging masaya na sya ngayong wala na ang babae ngunit hindi pa rin pala.Walang araw ang lumipas na hindi nya ito naaalala. Ang mga alaala na ginawa nilang dalawa.He just need some space. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi na nya mahal si Cielo.Labis na pagsisisi ang kanyang naramdaman ng umalis ito kaya napag-desisyonan nyang wag na lang putulin ang ugnayan nya rito."I'll cancel everything, Atty." Nagulat ito sa kanyang sinabi."Why?" Naguguluhan nitong tanong."I just want to. Forget everything, wag kang mag-alala, babayaran pa rin naman kita. I just want to cancel the annulment.""Sige. But, it may takes some time.""It's okay."Bawat sulok ng kanyang bahay ay mayroon silang alaala ni
SHE KISSED her child before she closed her own eyes. Ang kaninang pagod at hirap na kanyang dinanas ay biglang nawala nang mahawakan nya ito. Gayumpaman, hindi nya maiwasang malungkot para sa kanyang anak dahil hindi nito namulatan ang sariling ama.Hinayaan nyang tangayin sya ng antok habang nakahiga sa kanyang dibdib ang kanyang anak.Nang magising sya ay ibang kapaligiran na ang kanyang namulatan. May nakakabit na ring mga kung ano-anong apparatus sa kanyang kamay.Inilibot nya ang kanyang paningin at nakita nya si Aling Ester na kasalukuyang natutulog sa sofa.Hinayaan nya lang ito dahil alam nyang ilang araw na rin itong walang tulog dahil sa pagbabantay sa kanya.Maya-maya pa ay may pumasok na isang nurse, may yakap-yakap itong isang chart. Ngumiti ito sa kanya kaya ganon din ang ginawa nya."Kamusta na po kayo?" Tano
UMALIS MUNA sandali ang doktor ni Cielo dahil may kailangan daw itong kunin. Kaya naiwan syang mag-isa at gulat pa rin sa mga nangyayari.Maraming katanungan sa kanyang isip at maraming mga isipin ang gumugulo sa kanya.Kaya nya bang buhayin ang bata?Maiibigay kaya nya rito ang mga pangangailangan nito?Kung hindi siguro naging ganto ang mga pangyayari, baka sakaling masaya lang sya ngayon at wala ng iba pang iniisip.Naisip nyang isa sa mga dahilan kung bakit sya pumayag na makipag-hiwalay kay Ross ay dahil sa kagustuhan nyang maging maligaya ito. At alam nyang mangyayari lamang iyon kapag nagkaroon ito ng anak, dahil 'yon ang isa sa pinakaminimithi nito.Pero, naisip din nyang, ang dahila nga pala ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa babae nito.Napabuntong-hininga na lang sya, ang mahalaga ay mayroon na s
ISA-ISANG bumagsak ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan. Bigla ay nakaramdam si Cielo ng pangungulila sa kanyang minamahal.Tanaw na tanaw mula sa kanyang kinaroroonan ang tahimik na kabisera ng maliit na islang kanyang magiging tirahan.Napabuntong-hininga sya at saka pinawi ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi.Isinara na nya ang bintana at saka napag-desisyonang maghanap ng mabibilhan ng pagkain.Hindi sya sigurado kung ilang araw syang mananatili dito sa hotel. Sa ngayon ay magpapahinga na lang muna sya at bukas ay saka na sya hahanap ng bahay na kanyang mauupahan.Napag-desisyonan nyang maligo muna dahil pakiramdam nya ay amoy pawis na sya. Nagsuot lang din sya ng simpleng damit at saka sya lumabas ng kanyang kwarto.Pagdating nya sa lobby ng hotel ay nagtungo muna sya sa staff na naroon upang magtanong kung saan may
WALANG IBANG nararamdaman si Cielo kundi lungkot at sakit. At nang yakapin sya ng lalaki ay mas lalo syang binalot ng takot imbes na ng tuwa. Dahil alam nyang ito na ang huling yakap nya sa lalaki."I'm so sorry." Bulong nito na lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Hindi ba ay ito ang gusto nitong mangyari? Bakit ngayon ay parang sising-sisi na ito?Hindi sya nagsalita. Ninamnam nya ang sandali na kayakap nya ito. She will miss this kind of warmth coming from Ross.At nang makuntento ay sya na rin ang kusang bumitaw. Yumuko sya habang pinapawi ang kanyang mga luha. Kailangan na nyang masanay dahil simula ngayon ay ang kanyang sarili na lang ang kanyang maaasahan."Pwede ba akong humingi ng isang pabor?" Tanong nya bagaman ang kanyang mga mata ay nananatiling nasa sahig. "Bigyan mo lang ako ng ilang araw para ihanda ang mga gamit ko at para makaalis ako dito." At saka nya ito hinarap. Nakit
BUONG GABING hindi makatulog si Cielo dahil sa sinabi ni Ross. Matapos itong sabihin ng lalaki ay lumabas na ito ng kanilang kwarto at hindi nya alam kung saan ito nagpunta.Nakaramdam sya ng uhaw kaya agad syang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga. Nakaramdam pa sya ng pagkahilo dahil sa tama ng alak.Napahawak sya sa headboard ng kama upang doon kumuha ng lakas. Nabigla ata sya ng pagtayo.Nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay agad na syang naglakad palabas ng kwarto. Nagtungo na sya sa baba at agad na uminom ng tubig. Nagdala na rin sya ng isang pitsel patungo sa kanyang kwarto para hindi na sya bababa pa kung sakaling mauuhaw ulit sya.Isang baitang na lang at nasa second floor na sya nang marinig nya ang boses ni Ross sa na nanggagaling sa kwartong nasa kanang bahagi. Nasa kaliwang bahagi kasi ang kanyang kwarto.Dahil sa kuryosidad ay agad syang naglakad
MATAPOS nitong bitiwan ang mga salitang tumatak sa kanyang isipan ay marahas itong tumayo at lumabas ng kwarto. Naiwan si Cielo na ramdam ang kakaibang sakit na bumalot sa kanyang pagkatao.Nagpaulit-ulit sa kanyang pandinig ang salitang binitiwan nito. Mariin syang napapikit at pinigilan ang sarili na mapaluha.Gayumpaman ay hindi sya nagtagumpay. Isa-isang bumagsak ang kanyang mga luha kasabay ng pagpatak ng malakas na ulan.Maya-maya pa ay kumulog ng malakas kasabay ng mga pagkidlat. Napasigaw sya dahil sa takot na kanyang nararamdaman.Mas lumakas ang kanyang hagulgol at napatago sya sa ilalim ng kanyang kumot.At sa isang iglap ay nawalan ng kuryente na syang dahilan ng lalo nyang pag-iyak. She never likes darkness because she felt so scared.At ngayon ay nangyari ang isa sa mga kinakatakutan nya.
NANG kumalma na ay agad na dinampot ni Cielo ang kanyang bag at naglakad palabas ng lugar. Wala na syang pakialam sa kung ano-man ang kanyang itsura at sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng ibang tao.Kailangan nyang hanapin si Ross at magpaliwanag rito. Sa panahong ito ay sila na lang ang maaaring magdamayan.Nagtatakang napatingin sa kanya si Manang Esing matapos makita ang kanyang itsura. Nakita nya nang mabilis itong nagpaalam sa kausap upang lapitan sya. Hinila sya nito palabas sa lugar."Cielo, bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?" Labis ang pagkaka-kunot ng noo nito. Napailing-iling naman sya at muli ay pumatak ang kanyang mga luha. She felt so useless. "Cielo, magsalita ka. Anong nangyari? At bakit mukhang masama rin ang timpla ni Ross? Nag-away ba kayo?" Sunod-sunod na tanong nito."Manang...hindi ko na po alam ang gagawin ko. Napaka-walang kwenta kong asawa."
KUSANG PUMATAK ang luha mula sa mga mata ni Cielo matapos marinig ang sinabi ng doktora.Wari ba ay isa itong sirang plaka na patuloy na nagpapaulit-ulit sa kanyang pandinig."Sorry, Cielo." Mahinang sabi nito ngunit sapat lang para marinig nya."Doc...I-I can't be p-pregnant?" Umiiyak na tanong nya."There are two answers to your question, it's either you can't be pregnant at all or you can be but it may be harder and will take a lot of time."Napailing-iling na lang sya habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang mga luha.Mas lalong nadagdagan ang kanyang mga isipin. Kung paano nya ito sasabihin at ipapaalam kay Ross at sa lolo nito."Stop crying, Cielo. You have to rest, makakasama 'yan sa'yo." Sawa sa kanya ng doktora. Mahirap man ay pinilit nya ang sarili na tumigil sa pag-iyak. "Ihahatid