HINDI alam ni Cielo kung ano ang kanyang mararamdaman. Kaya imbes na dagdagan pa ang kahihiyan nya ay inagaw nya mula kay Ross ang kanyang maleta.
"Room 247, nasa fifth floor po ito, Sir." Imporma ng babae.
"Okay thanks." Magiliw nitong kinuha ang card mula sa babae. Tumingin ito sa kanya at ngumiti ngunit sinimangutan nya lamang ito.
'Tama na ang pagpapa-asa mo sa akin.'
Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad palayo. Ramdam nya ang presensya ni Ross sa likod nya at pigilan man nya, hindi maiipagkailang nagdudulot ito ng magandang pakiramdam sa kanya.
Nakalimutan nyang alamin kung magkakasama ba sila sa iisang kwarto o hindi.
Muntik na syang matawa nang dahil sa naisip. Bakit nga ba sila magsasama sa iisang kwarto? Hindi naman sila mag-asawa o ano. Kakasabi nga lang nito na personal assistant lang sya.
"Bakit parang tahimik ka?" Pansin nito nang makasakay sila sa elevator.
"Hindi naman kailangang oras-oras ay magsasalita ako 'diba?" Sarkastikong banat nya.
"Yeah, your right." Sabi nito kasabay ng pagpitik ng elevator.
Nang bumukas ito ay nauna na rin syang lumabas. Hangga't maaari ay didistansya na sya sa lalaki.
At dahil nasa fifth floor na, inilibot nya ang paningin upang mapadali ang paghahanap. At naalala nyang iisang card ang mayroon sila. Ibig ba'ng sabihin ay isang kwarto lang ang ookupahin nila?
"Anong number ng kwarto ko?" Napapikit sya sa inis na nararamdaman.
"Room 247."
"At ang sa'yo?"
"247."
Napasinghap sya matapos marinig ang sagot nito. Magsasama nga talaga sila sa iisang kwarto? How nice.
"Bakit iisa lang ang kwarto natin?" Hindi napigilang usisa nya.
"Asked my Lolo." Nagkibit-balikat ito at nagtuloy na sa paglalakad. Impit syang napatili bago sumunod na rin sa lalaki.
Hindi nagtagal ay nahanap na rin nila ang kanilang kwarto. Nauna ng pumasok si Ross dahil nagda-dalawang isip pa sya kung papasok ba o ano.
"What? Come in, Cielo." Natatawang ani Ross. Napabuntong-hininga sya at pumasok na rin. She has no choice.
Nagulat sya nang makitang iisang kama lang ang naroon. Mariin syang napapikit.
'May sahig naman, Cielo. Doon ka na lang.'
Binitawan nya ang kanyang maleta at naupo sa sofa na nasa mini sala. Tahimik lang sila kaya napaka-awkward ng sitwasyon.
"What do you want to eat for dinner? I'll cook." Presinta ni Ross maya-maya.
"Bibili na lang ako."
"No. I'll cook for us." He insisted.
"Fine. Kahit ano." Nawawalan ng pasensyang pagsuko nya.
"Why did you suddenly become grumpy, huh?" Lumambot ang boses nito.
"Wala. Pagod lang." Tumayo sya at kumuha ng damit mula sa kanyang maleta. "Shower lang ako." Paalam nya at pumasok sa banyo.
Pinagmasdan nya ang kanyang repleksyon sa salamin. At doon nya napagtantong malayong-malayo sila ni Ross. At imposibleng mahulog ang katulad ng lalaki sa isang katulad nya. Mahirap at hindi nakapag-aral.
Unti-unting pumatak ang butil ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
"Ito na ang pagkakataon ko para mapalapit kay Ross. I shouldn't waste any moment." Bulong nya sa sarili. Napag-isip isip nyang bihira lang ang ganitong pagkakataon na mabait sa kanya si Ross. Pagbalik nila ng Manila, babalik na ulit sa dati ang lahat.
The cold Ross especially.
Inilubog nya ang kanyang katawan sa bath tub at ninamnam ang lamig ng tubig. Hinayaan nyang tangayin nito ang lahat ng kanyang isipin.
"Labas muna ako. I'll be back." Katok ni Ross mula sa labas.
"Okay." Nakapikit pa ring sagot nya. Narinig nya ang papalayong mga yabag, senyales na nakaalis na ang lalaki.
Sandali pa nyang ibinabad ang katawan bago tuluyan ng naligo at lumabas ng banyo. Wala pa si Ross nang makalabas sya kaya sinamantala nya ang pagkakataon para makapagbihis sya.
Mabilis akong ginawa nyang pagdadamit dahil sa takot na pumasok si Ross ay makita ang kanyang kahubdan. Nakahinga sya ng maluwag ng maisuot na nya ang kanyabg undergarments.
"Cielo, are you still in the bathroom?" Sigaw ni Ross.
Bigla syang nag-panic dahil hindi pa sya tapos magbihis. Dali-dali nyang isinuot ang kanyang pants.
"Cie—what the fuck?!" He hissed.
"Bakit ba kasi bigla ka na lang pumapasok?" Inis na tanong nya at ipinagpatuloy ang pagbibihis.
"I thought you were still in the bathroom." Iniwasan nitong salubungin ang mga tingin nya. Umirap lang sya at naglakad patungo sa kanyang maleta upang kunin ang mga skincare nya. "Gumagamit ka pala ng mga ganyan?" Pansin nito.
"Babae pa rin ako kahit na anong mangyari. Natural lang na gumamit ako ng mga ganito para mapanatili ang kalinisan ng katawan ko." Paliwanag nya.
"Yeah, your right. Anyway, ako naman ang maliligo." Paalam nito at umalis.
Binuksan nya muna ang tv upang malibang habang ginagawa ang kanyang skincare.
HINDI napigilan ni Ross ang nagkukumawalang ngiti sa kanyang mga labi. He saw half of Cielo's body earlier. At hindi maiitangging mayroon itong perfect built of body.
Hinubad nya ang kanyang saplot bago itinapat ang sarili sa maligamgam na tubig na nagmumula sa shower. Mabuti na lang at mayroong temperature setter ang banyo. Malamig pa naman ang klima ngayon dito at hindi nya gugustuhing maligo sa tubig na parang yelo.
Pagkatapos nyang maligo ay nagtalapi sya ng tuwalya sa kanyang bewang at lumabas na naka-topless. Nakita nya si Cielo habang nakaupo at nanonood ng tv.
Nasa tv ang buong atensyon nito at hindi nya alam kung napansin ba sya nito o nagpapatay-malisya lang ang babae.
Kumuha sya ng damit mula sa kanyang maleta bago pumunta sa harap ng tv upang mapunta sa kanya ang atensyon ni Cielo.
"Anong ginagawa mo diyan? Nanonood ako!" Reklamo nito.
"Masyado ka'ng naka-focus sa pinanonood mo. Hindi ka minlang kumukurap." Natatawang saad nya.
"Ano ba'ng pakialam mo? Kung ayaw mong magkagulo tayo, umalis ka diyan!" Sigaw nito at tumayo bago naglakad palapit sa kanya.
"Bet me, babe!" Asar nya pa lalo.
"Nakakainis ka!" Sigaw nito at mabilis na dinakmal ang kanyang buhok.
"Fuck! I'm your boss here, Cielo." Nawawalan ng pasensyang sigaw nya rin.
"Anong pakialam ko?" She fired back. Hindi ito tumigil sa pagsabunot sa kanya.
"Kapag hindi ka tumigil, hahalikan kita." Hamon nya rito.
"As if you can." Patol nito sa panghahamon nya. At dahil sa naging sagot nito, walang sabi-sabing hinalikan nya ito. Naramdaman nya ang pagtigil ni Cielo. At dahil nakapikit, hindi nya nakita kung ano ang reaksyon ng babae bago nya bitiwan ang mga labi nito.
Pagmulat ng kanyang mga mata, ang nagtatakang mga tingin nit Cielo ang nabungadan nya.
"That's your punishment." Then, he smirked playfully. Pumasok muli sya sa banyo at naiwan ang naguguluhang si Cielo.
HAWAK-HAWAK ni Cielo ang kanyang mga labi. Pakiramdam nya ay naiwan doon ang malalambot na mga labi ni Ross. Nag-iwan ito ng kakaibang pakiramdam sa buong pagkatao nya.
Kanina pa pumasok sa banyo ang lalaki at hanggang ngayon ay hindi pa ito lumalabas. Pero mabuti na rin 'yon, dahil hindi nya alam kung anong mukha ang ihaharap nya sa lalaki.
Halos mapatalon sya ng marinig nya ang pagbukas ng pinto sa banyo. Nagkunwari syang abala sa panonood at hindi alintana ang presensya ng lalaki.
"Oh? It's raining?" Rinig nyang sabi nito bago lumapit sa glass wall na nasa may gilid nya. "We can't visit the site." Dagdag pa nito.
"Site? You mean may pinapatayo kayong establishment dito?" Usisa nya at lumapit para panoorin ang sabay-sabay na pagpatak ng ulan.
"Yes. One of the reasons why we're here."
"You know what? I love it when it's raining. Nakaka-relax kasing pakinggan 'yong ingay na nagmumula sa bubong ng bahay." Wala sa sariling pag-kwento nya. "Kaya lang, may bad side din ang ulan, eh. Naiisip ko 'yong mga taong walang matutuluyan. At isa pa, tumutulo 'yong dati naming bahay." Matapos nyang sabihin 'yon ay natahimik silang dalawa. At para ba'ng bumalik sya sa katinuan. "Pasensya na." Baka hindi nito nagustuhan ang biglaang pagku-kwento nya.
"You miss your family?" Bigla ay tanong nito kaya napatingin sya rito.
"Sobra." Emosyonal na sabi nya.
"Why don't you take a leave? A vacation day so you can spend it with them." Suhestyon nito.
"Gusto ko man pero imposible." Mapait syang napangiti.
"Bakit? Galit ba sila sa'yo?" Tanong nito at mabilis syang napailing. "Then why?"
"Patay na sila." Pag-amin nya at umiwas ng tingin upang hindi nito makita ang namumuong luha sa kanyang mga mata. "Isang taon bago ako napadpad sa mansion nyo." Dagdag kwento nya.
It's been years but the wound is still fresh. Akala nya ay tanggap na nya ang lahat pero hindi pa pala.
She was already in the midst of breakdown when someone held her and embrace her so tight. Tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina nya pa pinipigilan.
"I'm sorry for that." Alo nito sa kanya at tanging hikbi lang ang naiganti nya. Ibinuka nya ang kanyang mga kamay at ginantihan ang yakap na ibinibigay ni Ross.
ROSS felt sad about Cielo' s life story. Alam nya ang sakit dahil sya mismo ay naranasan na rin ang mawalan ng mahal sa buhay. It must be so hard for her to live without her loved ones.
Yakap-yakap nya pa rin ang babae, umaasang mapapagaan nya ang pakiramdam nito. Hindi sya nagsalita. Hinayaan nyang patuloy itong humikbi dahil baka sa paraang 'yon ay mailabas nito ang lahat ng sakit na nararamdaman.
"I'm sorry for being too emotional." Kumawala ito mula sa kanyang pagkakayakap pero mabilis nya itong hinigit muli upang mabalot nya ito sa kanyang mga braso.
"Rest, Cielo." Utos nya at dahan-dahang umupo sa sofa habang kalong si Cielo.
"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong nito.
"I just want you to rest. Hindi rin naman tayo makakalabas dahil umuulan."
"Pwede namang dito na lang ako sa sofa matulog." Sabi pa nito.
"If you don't want here then, sa kama na lang." At saka nya ito binuhat patungo sa kama.
"Ross! Ibaba mo ako."
"There. Rest now." Sabi nya matapos itong ibaba sa kama. Kinumutan nya ito bago iniwan upang manood ng tv.
Nang makaupo ay para ba'ng bumalik sya sa kanyang pagiisip. Hindi nya alam kung anong pumasok sa isip nya at ginawa nya ang mga bagay na 'yon kay Cielo.
"I just wanted to helo her. That's it." Kumbinsi nya sa sarili.
Tumayo sya para kumuha ng alak sa bar counter ng kanilang hotel room. Sinulyapan nya si Cielo at mukhang mahimbing na agad ang pagkakatulog nito.
Bumalik sya sa sofa bitbit ang alak at ang baso. Nagsalin sya at mabilis itong ininom.
Nang magbukas ito ng usapan tungkol sa naging buhay nito noon kasama ang kanyang pamilya at kung ano ang buhay na pinagdadaanan nito, ay para ba'ng natunaw ang inis na nararamdaman nya para rito.
Nagsisisi syang ganon ang naging pag-trato nya kay Cielo. Wala naman itong ginagawang masama bukod sa mga pagpapa-cute nito sa kanya at ngayon lang nya napatantong napakababaw ng dahilan kung bakit sya naiinis rito.
"Ugh!" Ginulo nya ang kanyang buhok dala ng labis na pagkainis. Nagsalin muli sya ng alak at mabilis itong inubos. Nag-order rin sya ng natchos at fries para may kainin sila ni Cielo mamaya.
Nang makaubos na sya ng kalahating bote ay ibinalik na nya ito sa bar counter bago naghilamos ng mukha.
Pagkatapos ay saktong tumunog ang doorbell ng kwarto. Mabilis syang kumuha ng towel at pinunasan ang kanyang mukha bago pinagbuksan ang kung sino.
"Here's your order, Sir." Nakangiting bungad ng lalaking nagdala ng kanilang pagkain. Nilakihan nya ang bukas ng pinto at pinatuloy ang lalaki.
Nauna na syang pumasok upang kumuha ng cash sa kanyang wallet. Napansin nyang napatingin ito kay Cielo kaya bahagya nyang ibinaling ang atensyon nito.
"Just put it here." Utos nya at itinuro ang dining table.
"Okay po." Sabi nito at sinunod ang kanyang sinabi.
"Here. Sa'yo na ang sukli." Iniabot nya ang kanyang bayad nang matapos nitong ilagay ang mga pagkain.
"Thank you, Sir." Magiliw na anito bago hinila ang cart at naglakad papunta sa pinto. Inihatid nya ito upang sya na ang magsasara ng pinto.
Pagbalik nya ay tulog pa rin si Cielo kaya inasikaso nya muna ang mga papeles para paggising ng babae ay pupunta na sila sa site.
Kumuha rin sya ng fries na ipaglilibang nya sa sarili habang nagbabasa ng ilang mga dokumento.
Abala sya sa ginagawa nang maramdaman nya ang mga galaw ni Cielo. Agad syang napatingin sa kinaroroonan nito at nakumpirmang gising na nga ito.
Nang magtama ang kanilang paningin ay agad nya itong nginitian ay ganon din naman ang ginawa nito.
"How was your sleep?" Tanong nya.
"Ayos lang." Sabi nito bago naglakad patungo sa kitchen upang uminom ng tubig.
"I guess, we can't go to the site right now. It's still raining," aniya nang maupo ito sa kaharap nyang sofa.
"Ayos lang sa akin. Sa'yo ba? Hindi ba maapektuhan ang schedule mo?"
"It's actually fine with me."
"Hmm? We should think of something we can do while waiting for the rain to stop. Like games, something like that." Suhestyon nito.
"Mm. Great idea." Sabi nya at umayos ng upo.
"How about, Truth or Dare game? That is exciting." Dagdag suhestyon nito. "Okay lang ba sa'yo?"
"Yes. Oh, wait, I have a bottle here." Sabi nya at tumayo upang kunin ang bote na pinalagyan nya ng tubig kanina. Kinuha nya ito bago bumalik kay Cielo. " We can use this."
"Tamang-tama pala, eh. Sige ako muna maunang mag-spin." Presinta nito bago tumayo at inusog ang mga upuan upang magkaroon sila ng mas malaking espasyo. "Malinis naman 'yan."
Umupo sya sa katapat ng pwesto nito habang ito ay kumukuha ng tubig na ipangba-balanse sa bote. Pagbalik nito ay agad nitong pina-ikot ang bote.
"Paano ba 'yan? Ikaw ang una!" Tuwang-tuwang saad nito nang tumapat sa kanya ang bote.
"Okay."
"Truth or Dare?" Animo'y excited na excited na tanong nito.
"Hmm. Dare."
"Dare? Sigurado na 'yan? Sige, eto dare ko. Post a picture of a cute thing on your I*******m account."
"Dare na 'yan? Easy!" Mayabang na sabi nya. Then, he took a stolen of photo of her and posted it on his i*******m account right away.
"Patingin!" She urged. Inagaw nito mula sa kanya ang cellphone at kita nya nang manlaki ang mga mata nito.
"Your cute."
RAMDAM ni Cielo ang pagiinit ng kanyang pisngi dahil sa papuri ng lalaki. Itinago nya ang kanyang mukha sa takot na makita nito ang kanyang itsura.
"Okay! Ako naman ang magpapa-ikot." Presinta nito at mabilis na inagaw ang bote. "Get ready, babawi ako." Tukso pa nito.
Natawa sya ng malakas nang sa lalaki ulit tumapat ang bote.
"Truth or Dare?"
"I'll go with truth this time."
"Do you love someone in the past?" Nagdadalawang-isip man ay itinanong nya.
"Yes, I have." Nakangiting sagot nito. Gumuho ang pag-asa ni Cielo dahil sa sagot nito. "My Mom and Dad." Dagdag nito at halos mag-pyesta sya sa tuwa.
"Okay! My turn!" She get the bottle from Ross' hands.
"Ikaw naman ngayon!" He stuck his tongue out.
"Dare!" Hindi pa man ito nagtatanong ay buong tapang na syang sumagot.
"I dare you to order a food on the hotel's restaurant and pretend that you did not." Then, he smirked.
"Ang hirap naman! Madaya ka." Reklamo pa nito pero sumunod rin naman. "Hello? I'll order a tuna sandwich. Yes, isa lang. Room 247. Thanks!" Sinamaan nya ito ng tingin matapos nyang ibaba ang telepono.
Tumayo sya mula sa kinauupuan at nagpabalik-balik mula sa kama hanggang sa mini sala.
"Relax. Basic lang 'yong gagawin mo, eh. You'll tell him first that you didn't order and then when he seems like he believes you, tell him the truth, easy!"
"For you! Bakit hindi kaya ikaw ang gumawa?" Maarteng sigaw nya. Nang marinig ang doorbell ay dahan-dahan syang naglakad patungo roon habang malakas na kumakabog ang kanyang dibdib.
"Here's your order, Ma'am." Magiliw na bungad ng lalaki. Nagkunwari naman syang walang alam sa sinasabi nito.
"Order? I didn't order anything. Maybe you've mistaken."
"Room 247 po ito, 'diba?"
"Yes. Pero hindi ako nag-order nyan."
"Pero, Ma'am. Hindi naman po pwedeng nagkamali lang ng number na nailagay."
"Then, check it again." Utos nya at gumuhit ang takot sa mukha nito. Ibinalik nito ang pagkain sa cart at handa ng umalis. "Uh, kuya." Tawag nya at mabilis naman itong lumingon. "It's a prank! Akin na, babayaran ko na 'yan." Alanganing aniya.
"Po? Seryoso po ba?"
"Oo. Nag- truth or dare kasi kami. 'Yon 'yong dare ko. Pasensya na kuya, nadamay ka pa."
"Ayos lang po, Ma'am." Muli nitong iniabot sa kanya ang tuna sandwich na in-order nya. Matapos nyang mag-bayad ay umalis na rin agad ang lalaki.
"Babawi ako!" Salubong nya sa tumatawang si Ross."
"We'll see." Mayabang na sabi nito bago pinaikot muli ang bote.
"Oh ano ka ngayon? Truth or Dare?!" Tuwang-tuwang tanong nya ng tumapat sa lalaki ang bote.
"Truth." Pinag-krus nito ang mga braso.
"Okay. Maganda ba ako?"
"What kind of question is that?"
"Your only allowed to say the truth." Paalala nya.
"The truth? Well, your not maganda." Seryosong sabi nito kaya nagsalubong ang kilay nya. "Because your gorgeous." Dagdag nito at saka ngumiti.
"Bolero!" Nahihiya nyang sabi at pina-ikot muli ang bote upang makaligtas sa kahihiyan. Napasimangot sya nang sa kanya tumapat ang bote.
"Ohh. Truth or dare?"
"Truth. Baka kung ano-ano na naman ang ipagawa mo sa akin kapag nag-dare ako." Umirap sya.
"Okay. Nagka-boyfriend ka na ba?"
Napamaang sya sa tanong nito pero hindi nya ipinahalata.
"Wala. No Boyfriend Since Birth." Pinag-krus nya ang mga balikat.
"Bakit parang offended ka?" Tukso ng lalaki at sinundot ang tagiliran nya.
"Hindi kaya! Spin mo na nga!" Utos nya at minsan pa itong ngumisi bago pina-ikot ang bote. Muli na naman syang napasimangot nang tumapat na naman ito sa kanya. "May daya yata 'yan, eh." Napakamot sya sa kanyang ulo.
"Palusot. Truth or dare?"
"Truth."
"Okay. Do you love someone right now?"
Nagulat sya sa naging tanong nito. Hindi pa ba halata na gusto nya ang lalaki? O gusto nitong marinig mula sa kanya?
"I have." Sa halip ay sabi nya. Tumango-tango naman ito habang sya ay pina-ikot ng muli ang bote. Halos mapatalon sya sa tuwa ng tumapat ito sa lalaki. "Paano ba 'yan? Truth or dare?"
"Truth."
Inipon nya ang lahat ng lakas ng loob na mayroon sya upang maitanong sa lalaki ang tanong na matagal ng gumugulo sa kanyang isipan.
"May pag-asa ba ako sa'yo?" Tanong nya at halatang nabigla si Ross base sa naging reaksyon nito. Well, bahala na. It's now or never. Atleast, makakampante na sya kapag nalaman nya ang sagot ng lalaki.
To be continued. . .
NAGPAHINGANG muli si Cielo matapos ang kanilang paglalaro ni Ross habang ang lalaki naman ay nagpaalam na lalabas raw muna saglit. Pero isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito bumabalik.Sa isip-isip ni Cielo ay mabuti na ring wag muna itong bumalik dahil hindi nya alam kung paano nya ito pakikitunguhan matapos ang kagagahang ginawa nya.Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa matapos nyang tanungin ang lalaki. At nang makabawi sa pagkabigla ay agad naman itong nagpaalam para umalis.Alas-singko na ay wala pa si Ross. Nag-presinta pa naman itong sya ang magluluto pero hanggang ngayon ay hindi pa dumadating.Napabuntong-hininga na lang sya kasabay ng pagtayo upang buksan ang tv sa sala. Sobrang tahimik at napaka-lungkot ng paligid.Umuulan pa rin pero paunti-unti na lang ang patak nito. Hindi katulad kanina na sobrang lakas.&
SA ISIP-ISIP ni Cielo ay kanina nya pa nasapak ang lalaking kausap nya. Puro walang-kwentang bagay ang sinasabi nito at hindi sya natutuwa.Bagaman kanina pang umaga nang magising sya ay kakaiba na ang mood nya. Marahil ay dahil malapit na ang kanyang red days."So, tell me, anong nagustuhan mo kay Ross?" Pag-usisa na naman nito. She smiled to hide the awkwardness. Hanggang kaya nya ay pipilitin nyang kontrolin ang kanyang sarili."Simple lang. Hindi kasi sya madaldal. Ayaw ko pa naman sa mga madadaldal at mausisa." Nakangiti ngunit sarkastikong sagot nya."Oh. Does it have something to do with me?" Mukhang napapahiya nitong tanong.She faked a laugh."What do you mean?" Maang na tanong nya."What you've said earlier, does is have something to do with me?" Muli ay tanong nito.
HINDI maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Cielo. Dati ay pangarap lang nya na mayakap ang lalaki pero ngayon ay nagkatotoo na.Sinulyapan nya si Ross na abala sa pagmamaneho. Gayumpaman, ang isang kamay nito ay nakahawak sa kanyang mga palad.She's been dreaming this for so long.Nang lumingon ito sa kanya ay nakangiti na ito. Bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nya inaasahang mangyayari."Why are you looking at me?" Tanong nito bago muling humarap sa daan."I'm just making sure that it's not a dream." She answered."Of course it's not." Pinisil nito ang kanyang kamay.Iniwas nya ang kanyang paningin at humarap na lang din sa daan. Pakiramdam nya ay namumula ang pisngi nya. At ayaw nyang makita iyon ni Ross.'Hindi na ako teenager. Hindi na bagay sa akin ang mga
WALANG PAGSIDLAN ang tuwa ni Cielo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin aya makapaniwala na ang mga panaginip nya ay unti-unti ng nagkakatotoo.At kung panaginip lang ang lahat ng ito, ayos lang sya kanya kung hindi na sya magising pa.Kahit kailan ay hindi nya naisip na mangyayari ito dahil sa ugali na ipinakita noon sa kanya ni Ross."Habulin mo'ko!" Sigaw nya sa hihingal-hingal na si Ross sa huli nya. Halos isang oras na kasi silang nagb-bike."Be careful! The road is slippery!" Sigaw rin nito pabalik."I know what I am doing. Palibhasa, hindi mo ako kayang habulin!" She fired back while laughing."Wag mo akong hamunin!""Hinahamon kita!" Mayabang na aniya bago pumedal ng mabilis. Tatawa-tawa nyang tiningnan ang lalaki mula sa side mirror ng bike.Malayo pa rin ang agwat nilang
NAESTATWA si Cielo sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang inusal ng lalaki. Masarap paniwalaan kaya lang ay baka nananaginip lang ito.Maya-maya pa ay kusa na rin itong bumitaw sa pagkakapit sa kanya at muling nakatulog. Ngunit nanatili pa rin sya sa kanyang kinatatayuan habang gulat pa rin.Nang maka-recover na ay umayos sya ng tayo at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa mga braso at sa katawan ng lalaki.Panandalian nyang kinalimutan ang narinig na sinabi ng lalaki. Para sa kanya, wala ng mas mahalaga sa ngayon kundi ang gumaling ito.Matapos itong punasan ay lumabas na sya ng kanilang kwarto bitbit ang plangganang may lamang tubig.Nagtungo sya sa lababo at ibinuhos roon ang ginamit na tubig. Nilabhan nya rin ang bimpo at sandaling isinampay sa banyo.Pagkalabas nya ay nanghihina syang napaupo sa bangko na
KUMAWALA ang isang patak ng luha mula sa mga mata ni Cielo makaraan ang ilang segundo.Hindi sya makapaniwalang ang lalaking inaabot nya lang noon ay nagtatapat ng pag-ibig para sa kanya ngayon dito sa kanyang harapan. Everything felt unreal."Shush. Why are you crying?" Saway nito sa kanya. Nagsunod-sunod ang kanina lang ay isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata."Tears of joy." She said and hugged him. Naramdaman nya ang marahan nitong mga haplos sa kanyang buhok."Your that happy?" Tanong nito."Of course. Hindi ko akalaing darating ako sa puntong ito. Na nandito ka sa harap ko at nagtatapat ng pag-ibig mo." She emotionally answered."Expect the unexpected, Cielo." He kissed her forehead."Hindi ba ako nananaginip lang? Sampalin mo nga ako." She j
MALAKAS na hinampas ni Ross ang manibela ng kanyang kotse nang bigla nyang maalala ang nakitang sakit sa mga mata ni Cielo kanina.Nasasaktan sya sa sarili nyang ginagawa pero wala syang pagpipilian. Habang maaga pa, kailangan nyang kalimutan si Cielo.Mas binilisan nya ang pagmamaneho upang makarating na sa kanyang kompanya. Pagkarating nya sa floor na kinaroroonan ng kanyang office ay sinalubong na agad sya ng kanyang sekretarya."Uh, Sir. May naghahanap po kasi sa inyo." Bungad nito sa kanya. Agad namang nangunot ang kanyang noo. Napaka-aga pa pero mayroon na agad naghahanap sa kanya? It must be an emergency."Who is it?" Sinulyapan nya ang kanyang office."Babae po, eh. Hindi ko po sya kilala." Sagot nito."Babae?" Ulit nya at tumango naman ito. Nagmamadali nyang tinungo ang kanyang office. Pagbukas pa lang nya ay nakum
PALABAS NA si Ross ng kanyang opisina nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Dinukot nya ito mula sa kanyang bulsa. Nangunot ang kanyang noo nang makita ang pangalan ni Venus. Bakit kailangan pa nitong tumawag?"What is it?" Tanong nya at saka nagpatuloy sa paglalakad."Dito ka na mag-dinner. Serriah and I cooked foods for us." Anyaya nito."Really? Where is she?" Natutuwang tanong nya."She's taking a bath. Amoy pawis raw sya at ayaw nyang maamoy mo 'yon. What a kid." Kwento nito na ikinatawa nya."Tell her that I'll be there in ten minutes.""Okay. Ingat ka."Muli nyang ibinalik sa kanyang bulsa ang telepono matapos makipag-usap sa babae. Sumakay sya sa elevator at hinintay itong makababa.Nang bumukas na ito ay agad syang lumabas at mabilis na nagtungo sa kanyang kotse. He
ROSS BECAME devastated when Cielo left. Akala nya ay mas magiging masaya na sya ngayong wala na ang babae ngunit hindi pa rin pala.Walang araw ang lumipas na hindi nya ito naaalala. Ang mga alaala na ginawa nilang dalawa.He just need some space. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi na nya mahal si Cielo.Labis na pagsisisi ang kanyang naramdaman ng umalis ito kaya napag-desisyonan nyang wag na lang putulin ang ugnayan nya rito."I'll cancel everything, Atty." Nagulat ito sa kanyang sinabi."Why?" Naguguluhan nitong tanong."I just want to. Forget everything, wag kang mag-alala, babayaran pa rin naman kita. I just want to cancel the annulment.""Sige. But, it may takes some time.""It's okay."Bawat sulok ng kanyang bahay ay mayroon silang alaala ni
SHE KISSED her child before she closed her own eyes. Ang kaninang pagod at hirap na kanyang dinanas ay biglang nawala nang mahawakan nya ito. Gayumpaman, hindi nya maiwasang malungkot para sa kanyang anak dahil hindi nito namulatan ang sariling ama.Hinayaan nyang tangayin sya ng antok habang nakahiga sa kanyang dibdib ang kanyang anak.Nang magising sya ay ibang kapaligiran na ang kanyang namulatan. May nakakabit na ring mga kung ano-anong apparatus sa kanyang kamay.Inilibot nya ang kanyang paningin at nakita nya si Aling Ester na kasalukuyang natutulog sa sofa.Hinayaan nya lang ito dahil alam nyang ilang araw na rin itong walang tulog dahil sa pagbabantay sa kanya.Maya-maya pa ay may pumasok na isang nurse, may yakap-yakap itong isang chart. Ngumiti ito sa kanya kaya ganon din ang ginawa nya."Kamusta na po kayo?" Tano
UMALIS MUNA sandali ang doktor ni Cielo dahil may kailangan daw itong kunin. Kaya naiwan syang mag-isa at gulat pa rin sa mga nangyayari.Maraming katanungan sa kanyang isip at maraming mga isipin ang gumugulo sa kanya.Kaya nya bang buhayin ang bata?Maiibigay kaya nya rito ang mga pangangailangan nito?Kung hindi siguro naging ganto ang mga pangyayari, baka sakaling masaya lang sya ngayon at wala ng iba pang iniisip.Naisip nyang isa sa mga dahilan kung bakit sya pumayag na makipag-hiwalay kay Ross ay dahil sa kagustuhan nyang maging maligaya ito. At alam nyang mangyayari lamang iyon kapag nagkaroon ito ng anak, dahil 'yon ang isa sa pinakaminimithi nito.Pero, naisip din nyang, ang dahila nga pala ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa babae nito.Napabuntong-hininga na lang sya, ang mahalaga ay mayroon na s
ISA-ISANG bumagsak ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan. Bigla ay nakaramdam si Cielo ng pangungulila sa kanyang minamahal.Tanaw na tanaw mula sa kanyang kinaroroonan ang tahimik na kabisera ng maliit na islang kanyang magiging tirahan.Napabuntong-hininga sya at saka pinawi ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi.Isinara na nya ang bintana at saka napag-desisyonang maghanap ng mabibilhan ng pagkain.Hindi sya sigurado kung ilang araw syang mananatili dito sa hotel. Sa ngayon ay magpapahinga na lang muna sya at bukas ay saka na sya hahanap ng bahay na kanyang mauupahan.Napag-desisyonan nyang maligo muna dahil pakiramdam nya ay amoy pawis na sya. Nagsuot lang din sya ng simpleng damit at saka sya lumabas ng kanyang kwarto.Pagdating nya sa lobby ng hotel ay nagtungo muna sya sa staff na naroon upang magtanong kung saan may
WALANG IBANG nararamdaman si Cielo kundi lungkot at sakit. At nang yakapin sya ng lalaki ay mas lalo syang binalot ng takot imbes na ng tuwa. Dahil alam nyang ito na ang huling yakap nya sa lalaki."I'm so sorry." Bulong nito na lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Hindi ba ay ito ang gusto nitong mangyari? Bakit ngayon ay parang sising-sisi na ito?Hindi sya nagsalita. Ninamnam nya ang sandali na kayakap nya ito. She will miss this kind of warmth coming from Ross.At nang makuntento ay sya na rin ang kusang bumitaw. Yumuko sya habang pinapawi ang kanyang mga luha. Kailangan na nyang masanay dahil simula ngayon ay ang kanyang sarili na lang ang kanyang maaasahan."Pwede ba akong humingi ng isang pabor?" Tanong nya bagaman ang kanyang mga mata ay nananatiling nasa sahig. "Bigyan mo lang ako ng ilang araw para ihanda ang mga gamit ko at para makaalis ako dito." At saka nya ito hinarap. Nakit
BUONG GABING hindi makatulog si Cielo dahil sa sinabi ni Ross. Matapos itong sabihin ng lalaki ay lumabas na ito ng kanilang kwarto at hindi nya alam kung saan ito nagpunta.Nakaramdam sya ng uhaw kaya agad syang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga. Nakaramdam pa sya ng pagkahilo dahil sa tama ng alak.Napahawak sya sa headboard ng kama upang doon kumuha ng lakas. Nabigla ata sya ng pagtayo.Nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay agad na syang naglakad palabas ng kwarto. Nagtungo na sya sa baba at agad na uminom ng tubig. Nagdala na rin sya ng isang pitsel patungo sa kanyang kwarto para hindi na sya bababa pa kung sakaling mauuhaw ulit sya.Isang baitang na lang at nasa second floor na sya nang marinig nya ang boses ni Ross sa na nanggagaling sa kwartong nasa kanang bahagi. Nasa kaliwang bahagi kasi ang kanyang kwarto.Dahil sa kuryosidad ay agad syang naglakad
MATAPOS nitong bitiwan ang mga salitang tumatak sa kanyang isipan ay marahas itong tumayo at lumabas ng kwarto. Naiwan si Cielo na ramdam ang kakaibang sakit na bumalot sa kanyang pagkatao.Nagpaulit-ulit sa kanyang pandinig ang salitang binitiwan nito. Mariin syang napapikit at pinigilan ang sarili na mapaluha.Gayumpaman ay hindi sya nagtagumpay. Isa-isang bumagsak ang kanyang mga luha kasabay ng pagpatak ng malakas na ulan.Maya-maya pa ay kumulog ng malakas kasabay ng mga pagkidlat. Napasigaw sya dahil sa takot na kanyang nararamdaman.Mas lumakas ang kanyang hagulgol at napatago sya sa ilalim ng kanyang kumot.At sa isang iglap ay nawalan ng kuryente na syang dahilan ng lalo nyang pag-iyak. She never likes darkness because she felt so scared.At ngayon ay nangyari ang isa sa mga kinakatakutan nya.
NANG kumalma na ay agad na dinampot ni Cielo ang kanyang bag at naglakad palabas ng lugar. Wala na syang pakialam sa kung ano-man ang kanyang itsura at sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng ibang tao.Kailangan nyang hanapin si Ross at magpaliwanag rito. Sa panahong ito ay sila na lang ang maaaring magdamayan.Nagtatakang napatingin sa kanya si Manang Esing matapos makita ang kanyang itsura. Nakita nya nang mabilis itong nagpaalam sa kausap upang lapitan sya. Hinila sya nito palabas sa lugar."Cielo, bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?" Labis ang pagkaka-kunot ng noo nito. Napailing-iling naman sya at muli ay pumatak ang kanyang mga luha. She felt so useless. "Cielo, magsalita ka. Anong nangyari? At bakit mukhang masama rin ang timpla ni Ross? Nag-away ba kayo?" Sunod-sunod na tanong nito."Manang...hindi ko na po alam ang gagawin ko. Napaka-walang kwenta kong asawa."
KUSANG PUMATAK ang luha mula sa mga mata ni Cielo matapos marinig ang sinabi ng doktora.Wari ba ay isa itong sirang plaka na patuloy na nagpapaulit-ulit sa kanyang pandinig."Sorry, Cielo." Mahinang sabi nito ngunit sapat lang para marinig nya."Doc...I-I can't be p-pregnant?" Umiiyak na tanong nya."There are two answers to your question, it's either you can't be pregnant at all or you can be but it may be harder and will take a lot of time."Napailing-iling na lang sya habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang mga luha.Mas lalong nadagdagan ang kanyang mga isipin. Kung paano nya ito sasabihin at ipapaalam kay Ross at sa lolo nito."Stop crying, Cielo. You have to rest, makakasama 'yan sa'yo." Sawa sa kanya ng doktora. Mahirap man ay pinilit nya ang sarili na tumigil sa pag-iyak. "Ihahatid