WALANG PAGSIDLAN ang tuwa ni Cielo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin aya makapaniwala na ang mga panaginip nya ay unti-unti ng nagkakatotoo.
At kung panaginip lang ang lahat ng ito, ayos lang sya kanya kung hindi na sya magising pa.
Kahit kailan ay hindi nya naisip na mangyayari ito dahil sa ugali na ipinakita noon sa kanya ni Ross.
"Habulin mo'ko!" Sigaw nya sa hihingal-hingal na si Ross sa huli nya. Halos isang oras na kasi silang nagb-bike.
"Be careful! The road is slippery!" Sigaw rin nito pabalik.
"I know what I am doing. Palibhasa, hindi mo ako kayang habulin!" She fired back while laughing.
"Wag mo akong hamunin!"
"Hinahamon kita!" Mayabang na aniya bago pumedal ng mabilis. Tatawa-tawa nyang tiningnan ang lalaki mula sa side mirror ng bike.
Malayo pa rin ang agwat nilang
NAESTATWA si Cielo sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang inusal ng lalaki. Masarap paniwalaan kaya lang ay baka nananaginip lang ito.Maya-maya pa ay kusa na rin itong bumitaw sa pagkakapit sa kanya at muling nakatulog. Ngunit nanatili pa rin sya sa kanyang kinatatayuan habang gulat pa rin.Nang maka-recover na ay umayos sya ng tayo at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa mga braso at sa katawan ng lalaki.Panandalian nyang kinalimutan ang narinig na sinabi ng lalaki. Para sa kanya, wala ng mas mahalaga sa ngayon kundi ang gumaling ito.Matapos itong punasan ay lumabas na sya ng kanilang kwarto bitbit ang plangganang may lamang tubig.Nagtungo sya sa lababo at ibinuhos roon ang ginamit na tubig. Nilabhan nya rin ang bimpo at sandaling isinampay sa banyo.Pagkalabas nya ay nanghihina syang napaupo sa bangko na
KUMAWALA ang isang patak ng luha mula sa mga mata ni Cielo makaraan ang ilang segundo.Hindi sya makapaniwalang ang lalaking inaabot nya lang noon ay nagtatapat ng pag-ibig para sa kanya ngayon dito sa kanyang harapan. Everything felt unreal."Shush. Why are you crying?" Saway nito sa kanya. Nagsunod-sunod ang kanina lang ay isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata."Tears of joy." She said and hugged him. Naramdaman nya ang marahan nitong mga haplos sa kanyang buhok."Your that happy?" Tanong nito."Of course. Hindi ko akalaing darating ako sa puntong ito. Na nandito ka sa harap ko at nagtatapat ng pag-ibig mo." She emotionally answered."Expect the unexpected, Cielo." He kissed her forehead."Hindi ba ako nananaginip lang? Sampalin mo nga ako." She j
MALAKAS na hinampas ni Ross ang manibela ng kanyang kotse nang bigla nyang maalala ang nakitang sakit sa mga mata ni Cielo kanina.Nasasaktan sya sa sarili nyang ginagawa pero wala syang pagpipilian. Habang maaga pa, kailangan nyang kalimutan si Cielo.Mas binilisan nya ang pagmamaneho upang makarating na sa kanyang kompanya. Pagkarating nya sa floor na kinaroroonan ng kanyang office ay sinalubong na agad sya ng kanyang sekretarya."Uh, Sir. May naghahanap po kasi sa inyo." Bungad nito sa kanya. Agad namang nangunot ang kanyang noo. Napaka-aga pa pero mayroon na agad naghahanap sa kanya? It must be an emergency."Who is it?" Sinulyapan nya ang kanyang office."Babae po, eh. Hindi ko po sya kilala." Sagot nito."Babae?" Ulit nya at tumango naman ito. Nagmamadali nyang tinungo ang kanyang office. Pagbukas pa lang nya ay nakum
PALABAS NA si Ross ng kanyang opisina nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Dinukot nya ito mula sa kanyang bulsa. Nangunot ang kanyang noo nang makita ang pangalan ni Venus. Bakit kailangan pa nitong tumawag?"What is it?" Tanong nya at saka nagpatuloy sa paglalakad."Dito ka na mag-dinner. Serriah and I cooked foods for us." Anyaya nito."Really? Where is she?" Natutuwang tanong nya."She's taking a bath. Amoy pawis raw sya at ayaw nyang maamoy mo 'yon. What a kid." Kwento nito na ikinatawa nya."Tell her that I'll be there in ten minutes.""Okay. Ingat ka."Muli nyang ibinalik sa kanyang bulsa ang telepono matapos makipag-usap sa babae. Sumakay sya sa elevator at hinintay itong makababa.Nang bumukas na ito ay agad syang lumabas at mabilis na nagtungo sa kanyang kotse. He
PAGKATAPOS maglinis ay nagpahinga na rin si Cielo. Nahiga sya sa kanyang kama at nakipagtitigan sa kanyang kisame. Hindi naman sya dinadalaw ng antok, ang balak nya ay magpahinga lang dahil napagod sya sa kanyang ginawa.As she close her eyes, image of him flashees on her mind. Lahat ng nagyari noong mga panahong nasa Baguio pa sila. Lahat ng 'yon ay nami-miss nya. At hindi nya maiwasang malungkot sa tuwing naiisip nya na hindi na iyon kailanman mauulit pa.Siguro ay may dahilan si Venus kung bakit sya bumalik dito sa Pilipinas. At marahil ay dahil sa kadahilanang may anak sila ni Ross. At isa iyon sa nakadagdag sa sakit na nararamdaman nya. Knowing that Ross is happy now cause the love of his life is finally here.Naimulat ni Cielo ang kayang mga mata dahil sa sari-saring bagay na kanyang naiisip. Halo-halo rin ang emosyong nararamdaman nya.Hindi nya namalayan ang pagpatak ng kanyang mg
HINDI ALAM ni Ross kung ano ang kanyang paniniwalaan. Napuno ng katanungan ang kanyang isipan. Galit at poot ang tanging nararamdaman nya para kay Cielo.Pakiramdam nya ay pinaikot sya ng babae sa napakatagal na panahon. Napakagaling nitong magpaikot ng mga tao dahil halos lahat sila ay naloko nya.Pinalis nya ang kanyang mga luha na walang sawa sa pag-agos. Nagsalin sya ng alak sa kanyang baso at inubos ang laman nito.Hinigpitan nya ang kapit nya sa baso dahil sa galit na nararamdaman. Kulang na lang ay mabasag na ito dahil sa ginawa nya.Tama lang pala ang naging desisyon nya na iwasan na ang babae. At ngayon nga ay isa-isa ng lumalabas ang mga lihim nito.It sucks loving Cielo.'Yon lang ang tanging nasa isip ni Ross. Akala nya ay sa maikling panahon na nagkasama sila ay nakilala na nya ang buong pagkatao ng babae, pero
HINDI NAGPA-APEKTO si Cielo sa sinabi ng lalaki. Malamang ay umaarte lang ito. Kahapon ay halos isumpa na sya nito nang malaman nito ang katotohanan sa kanyang pagkatao."Wag mo na akong tatawagan kahit kailan, Ross. At wag ka ring umarte na para ba'ng mahal mo ako. Kung alam mo na ang katotohanan tungkol sa akin, mas nauna kong malaman ang katotohanan tungkol sa'yo." Sabi nya rito sa malamig na tono."What do you mean?""Hindi ko na kailangan pa'ng magpaliwanag sa'yo. Siguro, kailangan na nating bumalik sa kung ano ang turingan natin dati. 'Yong tipong nabubuhay ka pa rin kahit na lagi kitang ginugulo. Pero, wag ka'ng mag-alala dahil ngayon, mas magiging payapa na ang buhay mo." Hirap nyang sabi habang pinipigilan ang pagpiyok ng kanyang boses. Ayaw nyang isipin nito na maski sya ay nahihirapan sa desisyong ginawa nya kahit na 'yon naman talaga ang totoo."If that's what you
KINABUKASAN ay maagang nagising si Cielo. Ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kanyang kwarto ang gumising sa kanya.Nag-inat sya ng kanyang katawan bago nakangiting bumangon. Pakiramdam nya ay napakasarap ng tulog nya. At dahil doon ay sobrang gaan ng kanyang pakiramdam.Humarap sya sa maliit na salamin na nasa kanyang kwarto at nakangiting pinagmasdan ang kanyang sarili."Bagong simula, Cielo." Nakangiting pagkausap nya sa kanyang sarili. Ilang minuto pa nyang pinagmasdan ang kanyang sarili bago sya lumabas upang magtungo sa silid ni Kirsten.At dahil nga maaga pa, tulog pa ito nang pumunta sya. Hindi na nya ito inabala pa at diretso na syang bumaba sa kusina upang maghanda ng umagahan.Doon ay nadatnan nya si Anthony na nakaupo at nagtatatali ng sapatos. Hindi nito namalayan ang kanyang presensya dahil abala ito sa ginagawa.
ROSS BECAME devastated when Cielo left. Akala nya ay mas magiging masaya na sya ngayong wala na ang babae ngunit hindi pa rin pala.Walang araw ang lumipas na hindi nya ito naaalala. Ang mga alaala na ginawa nilang dalawa.He just need some space. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi na nya mahal si Cielo.Labis na pagsisisi ang kanyang naramdaman ng umalis ito kaya napag-desisyonan nyang wag na lang putulin ang ugnayan nya rito."I'll cancel everything, Atty." Nagulat ito sa kanyang sinabi."Why?" Naguguluhan nitong tanong."I just want to. Forget everything, wag kang mag-alala, babayaran pa rin naman kita. I just want to cancel the annulment.""Sige. But, it may takes some time.""It's okay."Bawat sulok ng kanyang bahay ay mayroon silang alaala ni
SHE KISSED her child before she closed her own eyes. Ang kaninang pagod at hirap na kanyang dinanas ay biglang nawala nang mahawakan nya ito. Gayumpaman, hindi nya maiwasang malungkot para sa kanyang anak dahil hindi nito namulatan ang sariling ama.Hinayaan nyang tangayin sya ng antok habang nakahiga sa kanyang dibdib ang kanyang anak.Nang magising sya ay ibang kapaligiran na ang kanyang namulatan. May nakakabit na ring mga kung ano-anong apparatus sa kanyang kamay.Inilibot nya ang kanyang paningin at nakita nya si Aling Ester na kasalukuyang natutulog sa sofa.Hinayaan nya lang ito dahil alam nyang ilang araw na rin itong walang tulog dahil sa pagbabantay sa kanya.Maya-maya pa ay may pumasok na isang nurse, may yakap-yakap itong isang chart. Ngumiti ito sa kanya kaya ganon din ang ginawa nya."Kamusta na po kayo?" Tano
UMALIS MUNA sandali ang doktor ni Cielo dahil may kailangan daw itong kunin. Kaya naiwan syang mag-isa at gulat pa rin sa mga nangyayari.Maraming katanungan sa kanyang isip at maraming mga isipin ang gumugulo sa kanya.Kaya nya bang buhayin ang bata?Maiibigay kaya nya rito ang mga pangangailangan nito?Kung hindi siguro naging ganto ang mga pangyayari, baka sakaling masaya lang sya ngayon at wala ng iba pang iniisip.Naisip nyang isa sa mga dahilan kung bakit sya pumayag na makipag-hiwalay kay Ross ay dahil sa kagustuhan nyang maging maligaya ito. At alam nyang mangyayari lamang iyon kapag nagkaroon ito ng anak, dahil 'yon ang isa sa pinakaminimithi nito.Pero, naisip din nyang, ang dahila nga pala ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa babae nito.Napabuntong-hininga na lang sya, ang mahalaga ay mayroon na s
ISA-ISANG bumagsak ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan. Bigla ay nakaramdam si Cielo ng pangungulila sa kanyang minamahal.Tanaw na tanaw mula sa kanyang kinaroroonan ang tahimik na kabisera ng maliit na islang kanyang magiging tirahan.Napabuntong-hininga sya at saka pinawi ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi.Isinara na nya ang bintana at saka napag-desisyonang maghanap ng mabibilhan ng pagkain.Hindi sya sigurado kung ilang araw syang mananatili dito sa hotel. Sa ngayon ay magpapahinga na lang muna sya at bukas ay saka na sya hahanap ng bahay na kanyang mauupahan.Napag-desisyonan nyang maligo muna dahil pakiramdam nya ay amoy pawis na sya. Nagsuot lang din sya ng simpleng damit at saka sya lumabas ng kanyang kwarto.Pagdating nya sa lobby ng hotel ay nagtungo muna sya sa staff na naroon upang magtanong kung saan may
WALANG IBANG nararamdaman si Cielo kundi lungkot at sakit. At nang yakapin sya ng lalaki ay mas lalo syang binalot ng takot imbes na ng tuwa. Dahil alam nyang ito na ang huling yakap nya sa lalaki."I'm so sorry." Bulong nito na lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Hindi ba ay ito ang gusto nitong mangyari? Bakit ngayon ay parang sising-sisi na ito?Hindi sya nagsalita. Ninamnam nya ang sandali na kayakap nya ito. She will miss this kind of warmth coming from Ross.At nang makuntento ay sya na rin ang kusang bumitaw. Yumuko sya habang pinapawi ang kanyang mga luha. Kailangan na nyang masanay dahil simula ngayon ay ang kanyang sarili na lang ang kanyang maaasahan."Pwede ba akong humingi ng isang pabor?" Tanong nya bagaman ang kanyang mga mata ay nananatiling nasa sahig. "Bigyan mo lang ako ng ilang araw para ihanda ang mga gamit ko at para makaalis ako dito." At saka nya ito hinarap. Nakit
BUONG GABING hindi makatulog si Cielo dahil sa sinabi ni Ross. Matapos itong sabihin ng lalaki ay lumabas na ito ng kanilang kwarto at hindi nya alam kung saan ito nagpunta.Nakaramdam sya ng uhaw kaya agad syang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga. Nakaramdam pa sya ng pagkahilo dahil sa tama ng alak.Napahawak sya sa headboard ng kama upang doon kumuha ng lakas. Nabigla ata sya ng pagtayo.Nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay agad na syang naglakad palabas ng kwarto. Nagtungo na sya sa baba at agad na uminom ng tubig. Nagdala na rin sya ng isang pitsel patungo sa kanyang kwarto para hindi na sya bababa pa kung sakaling mauuhaw ulit sya.Isang baitang na lang at nasa second floor na sya nang marinig nya ang boses ni Ross sa na nanggagaling sa kwartong nasa kanang bahagi. Nasa kaliwang bahagi kasi ang kanyang kwarto.Dahil sa kuryosidad ay agad syang naglakad
MATAPOS nitong bitiwan ang mga salitang tumatak sa kanyang isipan ay marahas itong tumayo at lumabas ng kwarto. Naiwan si Cielo na ramdam ang kakaibang sakit na bumalot sa kanyang pagkatao.Nagpaulit-ulit sa kanyang pandinig ang salitang binitiwan nito. Mariin syang napapikit at pinigilan ang sarili na mapaluha.Gayumpaman ay hindi sya nagtagumpay. Isa-isang bumagsak ang kanyang mga luha kasabay ng pagpatak ng malakas na ulan.Maya-maya pa ay kumulog ng malakas kasabay ng mga pagkidlat. Napasigaw sya dahil sa takot na kanyang nararamdaman.Mas lumakas ang kanyang hagulgol at napatago sya sa ilalim ng kanyang kumot.At sa isang iglap ay nawalan ng kuryente na syang dahilan ng lalo nyang pag-iyak. She never likes darkness because she felt so scared.At ngayon ay nangyari ang isa sa mga kinakatakutan nya.
NANG kumalma na ay agad na dinampot ni Cielo ang kanyang bag at naglakad palabas ng lugar. Wala na syang pakialam sa kung ano-man ang kanyang itsura at sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng ibang tao.Kailangan nyang hanapin si Ross at magpaliwanag rito. Sa panahong ito ay sila na lang ang maaaring magdamayan.Nagtatakang napatingin sa kanya si Manang Esing matapos makita ang kanyang itsura. Nakita nya nang mabilis itong nagpaalam sa kausap upang lapitan sya. Hinila sya nito palabas sa lugar."Cielo, bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?" Labis ang pagkaka-kunot ng noo nito. Napailing-iling naman sya at muli ay pumatak ang kanyang mga luha. She felt so useless. "Cielo, magsalita ka. Anong nangyari? At bakit mukhang masama rin ang timpla ni Ross? Nag-away ba kayo?" Sunod-sunod na tanong nito."Manang...hindi ko na po alam ang gagawin ko. Napaka-walang kwenta kong asawa."
KUSANG PUMATAK ang luha mula sa mga mata ni Cielo matapos marinig ang sinabi ng doktora.Wari ba ay isa itong sirang plaka na patuloy na nagpapaulit-ulit sa kanyang pandinig."Sorry, Cielo." Mahinang sabi nito ngunit sapat lang para marinig nya."Doc...I-I can't be p-pregnant?" Umiiyak na tanong nya."There are two answers to your question, it's either you can't be pregnant at all or you can be but it may be harder and will take a lot of time."Napailing-iling na lang sya habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang mga luha.Mas lalong nadagdagan ang kanyang mga isipin. Kung paano nya ito sasabihin at ipapaalam kay Ross at sa lolo nito."Stop crying, Cielo. You have to rest, makakasama 'yan sa'yo." Sawa sa kanya ng doktora. Mahirap man ay pinilit nya ang sarili na tumigil sa pag-iyak. "Ihahatid