WHAT'S my schedule for this week, Raz?" tanong ni Ross sa sekretarya habang ang mga mata ay nasa monitor ng computer.
"Meron po kayong business trip this coming Friday until Monday," sagot naman ng kanyang sekretarya.
Kumunot ang noo nya dahil sa sinabi nito. "I didn't know about that, saan yan?"
"Sa Baguio po ito, Sir. Akala ko po ay binanggit na sa'yo ng Lolo mo bago nya sabihin sa akin,"
Salubong ang kilay nyang hinarap ang sekretarya. "Who am I with?"
"Pumunta na lang daw po kayo sa opisina ng Lolo mo," nagtataka syang tumango sa babae.
Knowing his Lolo, masyado itong busy sa twing narito ito sa kanyang opisina. Sa twing may kailangan ito ay itinatawag na lang nito ang kailangang sabihin o pinadadaan sa kanyang sekretarya ang buong detalye. Nakakapagtakang gusto nitong personal syang makausap sa kabila ng hectic schedule nito.
He off his computer and immediately go to his Lolo's office.
Nadatnan nya itong nakaupo sa swivel chair habang nakapangalumbaba.
"Your just on time, Ross," anito matapos sumulyap sa wristwatch na suot.
"What is it about, Lo?" umupo sya sa chair na nasa harap ng table nito.
"Your secretary already told you, right?" tumango sya. "Your going to Baguio for a business trip,"
"Yeah, Raz told me about that. I came here to ask who am I with?" pinag-krus nya ang nga binti.
"Guess who," makahulugan sya nitong nginisihan.
"C'mon, Lo. Si Raz ba?" nababagot nyang tanong.
"No. Raz will be staying here dahil naka-leave ang secretary ko," pinaglaruan nito ang ballpen na nasa mesa.
"Then who?" nagtitimpi nyang tanong.
"Si Cielo," nagulantang ang buo nyang pagkatao dahil sa sinabi ng kanyang lolo.
NAKASIMANGOT si Cielo nang magising sya. Panaginip lang pala. Akala nya ay totoong katabi nya si Ross sa kama.
Bumangon sya para magtungo sa kusina.
"Ako na po ang magluluto para sa dinner, Manang," paalam ni Cielo sa matanda.
"Pagod ka pa yata, hija?" itinigil nito ang ginagawang paghihiwa ng mga rekados.
"Nakapagpahinga na po ako," nakangiti nyang sagot.
"Oh sige, hija. Lilinisin ko na lang ang kwarto ni Ross," biglang nagbago ang isip nya dahil sa sinabi ng matanda.
"U-uh, ako na lang po ang m-maglilinis doon," napapikit sya matapos sabihin 'yon.
"Sigurado ka ba?" nang-aasar na paniniguro nito.
"Opo. Akyat na po ako," tumalikod na sya at iniwan ang matanda.
Alam na alam na talaga nito kung paano hulihin ang kiliti nya.
Bukas ang kwarto ni Ross kaya malaya syang nakapasok. Isinarado nya rin ito upang hindi sya maistorbo sa gagawing paglilinis.
Napakamot sya sa ulo dahil napaka-gulo ng kwarto ng lalaki. Nakakalat ang mga T-shirt at short nito, pero gayumpaman ay wala namang underwear na mamamataan.
Inilagay nya sa tray na lagayan ng mga labahan ang damit ng lalaki. Inayos nya rin ang tiklop ng kumot nito, maging ang bedsheet ay parang plinantsa sa kahipidan.
Sa hindi sinasadya ay nagawi ang paningin nya sa isang photo album na nasa ibabaw ng cabinet.
Nilapitan nya ito para kunin. Puno ito ng alikabok, halatang matagal na noong huling beses itong mabuklat.
A pinched of pain draws in her heart when she finally open the album.
It was Ross' picture with his ex.
They seem so inlove with each other back then. Parang kumikislap pa sa saya ang mga mata ni Ross dito, hindi katulad ngayon na pawang inis at galit na lamang ang makikita.
Isinara na nya ang album dahil hindi na nya kayang patuloy pa itong pagmasdan.
Tinapos na nya ang ginagawa at bumalik na sa kanyang kwarto. Napag-desisyonan nyang maligo muna dahil amoy pawis na sya. Kumuha sya ng damit nya upang sa kasilyas na rin magbihis.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang paglabas nya mula sa kasilyas ay naroon si Ross sa gilid ng kama nya habang nakaupo at nakatitig sa kanya.
"Uh, kanina ka pa ba?" naiilang na tanong niya rito.
Tumayo na ito. "Follow me at my office," masungit na anito bago sya iwan.
Kumunot ang noo nya pero mabilis rin namang tumalima. Nagsuklay muna sya bago nagtungo sa opisina ng lalaki. Kumatok muna sya at ng hindi makatanggap ng sagot ay pumasok na.
"May kailangan po ba kayo?" aniya nang nasa may pinto pa lang sya.
"Sitdown," itinuro nito ang upuan, mabilis naman syang naglakad papasok at umupo sa upuang itinuro nito.
"May kailan—," pinutol nito ang sasabihin nya.
"Wala akong kailangan sa'yo, I just need you to accompany me to Baguio," malamig na pahayag nito.
"Magkaiba ba 'yon?" naguguluhang bulong nya sa sarili.
Nag-angat sya ng tingin. "Ano naman ang gagawin ko sa Baguio, aber?" tanong nya rito na para ba'ng hindi nya amo ang kausap nya.
"Sasamahan mo ako," matigas na sabi nito, halatang nauubos na ang pasensya.
"Hindi mo ba kayang pumunta doon ng mag-isa?"
"I can. I just don't have a choice." nilaro nito ang ballpen na nasa mesa.
"Talaga ba? Nothing less, nothing more?" tukso nya pa rito.
"Ano ba'ng iniisip mo? Sasama ka ba o hindi?" masama ang tinging ibinigay nito sa kanya.
"Sige, kailan ba?" lumapad ng ngisi nya.
"This Friday, pabalik din tayo agad. And please, will you stop grinning? It was so annoying." salubong na salubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.
"Bakit nga pala ako ang isasama mo? Asan ang secretary mo?" hindi nya pinansin ang sinabi nito.
"You don't have to know," anito at tumayo para maglakad palabas ng opisina.
"Kung hindi lang talaga kita mahal, tinadyakan na kita!" mahinang sigaw nya.
Nakabusangot ang nukhang lumabas sya ng opisinang 'yon at dumiretso na sa kusina.
NAUBOS ang pasensya ni Ross dahil sa kakulitan ni Cielo. Imbis na masigawan pa ito ay umalis na lang sya at nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang Lolo.
"That girl is a headache, Lo," bungad nya sa matanda na nakaupo sa swivel chair nito.
"Why, hijo?" humagikgik ito.
"Napaka-daldal," reklamo nya.
"Kailangan mo ng masanay, Ross," makahulugang anito.
"Ano nga ba ang gagawin ko sa Baguio?" naaalala nyang hindi pa nga pala nya naiitanong kung anong business trip ang ipupunta nya doon.
"There's a client there, and kailangan mo ring maglibot ng mga lote doon na pwedeng patayuan ng mga bahay, alam mo namang marami na ang naghahanap ng bahay sa lugar na 'yon," mahaba nitong paliwanag.
"But, I can do that alone," sabi nya, umaasang hindi na nito ipapasama si Cielo.
"You have to come there with Cielo," pinal na anito.
"Looks like i don't have a choice," irita nyang sagot.
"Ano ba'ng inaayawan mo kay Cielo, hijo? She's a good lady," andito na naman ang kanyang Lolo sa pagpapabango sa pangalan ng babaeng 'yon.
"I just dont want her, Lo, periodt," aniya at lumaghok ng alak na dala.
"Wag ka'ng magtapos ng salita, Ross. Her beauty is irresistible," tinapik pa nito ang kanyang balikat.
"He's nothing in my eyes," nagdilim ang mata nya ng pumasok sa isipan ang imahe ng babae.
'And besides, isang babae lang ang gusto ko, Lo.'
His lolo just chuckled.
"Halika na, kumain na tayo," nauna na itong lumabas.
Sumunod na rin sya dito. Pinatay nya muna ang ilaw ng silid bago sya lumabas.
As usual, naroon na naman si Cielo sa likod ng upuan nya. Hindi na nya ito pinansin at umupo na lang.
Sabay silang natapos ng kanyang Lolo pero mas nauna itong umakyat. Nanatili muna sya sa sala upang manood.
Matagal na syang nakaupo ng maalala nyang nakalimutan nyang inumin ang kanyang tsaa. Muli syang bumalik sa kusina para inumin ito.
"Oh, hijo? May kailangan ka ba?" tanong sa kanya ni Manang Esing.
Mabilis naman syang nilingon ni Cielo.
"I forgot to drink my tea." sa halip ay sabi nya.
"Ah, narito." iniabot ito sa kanya ng matanda.
Nakatingin lang sa kanya si Cielo, nakaramdam sya ng pagkailang dahil sa ginagawa nito.
"What?" iritang tanong nya.
"Psh. Sungit." nag-iwas na ito ng tingin at nag-focus na sa pagkain.
Bumalik na rin sya sa sala upang patayin ang TV. Umakyat na rin sya sa taas upang matulog na.
MATAPOS ang masaya nilang hapunan ay nag-boluntaryo si Cielo upang sya na ang maghugas.
Nang una ay ayaw pumayag ng matanda pero napilit rin nya ito.
She is humming while washing the dishes when suddenly someone cleared a throat.
Napalingon sya sa pinto at gaya ng kanyang inaasahan, naroon si Ross.
"Bakit po?" her eyes glistened.
"About our trip to Baguio, aalis tayo exactly eight in the morning," pinagkrus nito ang braso.
"Uh, yon lang ba?" itinigil nya ang paghuhugas at hinarap ang lalaki.
"What do you expect?" pilosopong tanong nito.
"Malay ko ba'ng gusto mo lang pala akong makita?" nagtaas- baba ang kanyang mga kilaym
Kabaliwan mo, Cielo," umirap ito habang sya ay napanganga sa sinabi nito.
Hindi dahil sa sinabihan sya nitong baliw kundi dahil sa pangalan nya. Kakaiba ang pagbanggit rito ng lalaki. Para ba'ng sa lahat ng tumatawag sa kanya ng ga'non ay ang kay Ross lang ang pinaka-masarap sa tenga.
'Baliw na nga siguro ako.'
"Goodnight, Cielo," nagulat sya sa sinabi nito.
Nagtatalon sya habang yakap-yakap ang sarili dahil sa sinabi ni Ross.
'Pwede naman palang first name basis, eh.'
Napangiti na lang sya dahil sa simpleng bagay na ginawa ni Ross. Nag-uunahan rin ang tibok ng kanyang puso dahil doon.
Tinapos na nya ang paghuhugas upang makaakyat na sa taas. Pinatay nya muna ng mga ilaw bago umakyat.
Nagulat sya nang makasalubong sa hagdan ang Lolo ni Ross.
"Can we talk for a minute, Cielo?" ngiting-tanong nito.
"Sige po," mabilis na payag nya.
"Follow me at my office, hija," sumunod sya sa sinabi nito.
"Ano po'ng pag-uusapan natin, Sir?" aniya ng makarating.
"Oh c'mon, stop being so formal. Just call me Lolo," nagulat sya sa sinabi nito.
Matagal bago sya nakapag-react. Kung alam lang nito na Lolo na talaga ang tawag nya rito ay baka mapanganga na lang ito.
"S-sige po, Lolo." ngumiti sya rito.
"It's about your trip to Baguio, Cielo," mas seryoso ng pahayag nito.
"May problema po ba?" nag-aalala nyang tanong.
"Wala naman, hija. I just want to ask for a little favor," alanganing pahayag nito.
"Ano po 'yon?" bahagya syang kinabahan.
"I want you to be extra kind to Ross while your on Baguio."
"Yon lang po ba?" nakahinga sya ng maluwag dahil akalan nya ay kung ano na ang nangyari.
"Gusto ko ring mas habaan mo pa ang pasensya mo sa kanya. Aware naman akong may pagka-masungit si Ross but trust me, he has a heart," hinawakan nito ang kanyang mga kamay kaya hindi nya naitago ang pagkabigla.
"B-bakit nyo po 'yan sinasabi sa akin?" nalilitong tanong nya.
"Wala naman, hija," mukhang may gusto pa itong sabihin pero hindi na ito nagsalita.
'Mm? Mukhang may gusto pa syang sabihin, eh. Ano kaya 'yon?'
"Anyway, take this. Gusto ko'ng bumili ka ng mga pangangailangan mo, I want you to take a day-off tommorow," iniabot nito sa kanya ang makapal na bugkos ng pera.
Nangunot naman ang noo nya. "Hindi ko po 'yan matatanggap," tanggi nya at ibinalik ang pera.
"Take this as my gift for you, Cielo. Magtatampo ako sa'yo kapag hindi mo ito tinanggap." malungkot na sabi nito.
"Napakarami po nyan," tanggi pa rin nya.
"Buy whatever you want. You can go to the salon also, although maganda ka na, make yourself more beautiful," ngumiti na ulit ito sa kanya.
"Bakit po?" naguguluhan nya pa ring tanong.
"Because that's what I want you to do, that's my gift for you,"
Napabuntong-hininga na lang sya. "Thank you po," wala syang nagawa kundi ang pumayag sa gusto nito.
Tumayo na sya at naglakad patingo sa pinto. Palabas na sana sya nang muli itong magsalita.
"Cielo?" tawag nito sa kanya.
Mabilis naman syang lumingon. "Po?"
"Ah, wala, hija. Goodnight." ramdam nyang may gusto pa itong sabihin ngunit hindi na sya nag-usisa pa.
Palaisipan pa rin sa kanya ang ginawa at sinabi ng matanda kanina pero mas pinili nyang paniwalaan ang sinabi nitong regalo ito para sa kanya.
Sandali syang naligo at nang matapos ay natulog na.
KARARATING lang ni Ross mula sa kusina nang mag-ring ang cellphone nya.
At dahil tinatamad ay hindi nya ito sinagot. Nahiga na lang sya sa kama nya at binuksan ang TV.
Maka-ilang beses pang nag-ring ang cellphone nya pero hindi nya pa rin ito sinasagot.
Sa isipin na baka ito ay ang kanyang secretary, tinatamad syang bumangon at kinuha ito.
Nangunot ang noo nya nang mabasa ang isang text message na naroon.
Gayumpaman ay hindi napigilang tumibok ng malakas ang kanyang puso. Wala pa rin talagang nagbago, mahal pa rin nya ang kanyang dating kasintahan. Masyado lang syang binulag ng galit nya rito.
Venus:
Hi honey. I miss you and I know you miss me too. So, guess what?
Nangunot ang noo nya nang mabasa ang text message nito. Magta-type na sana sya ng reply nang bigla itong mag-send ng picture.
It was a plane ticket bound from US to Manila.
Venus:
I will be home for two days. Be ready, Ross. I will take you back again in to my arms no matter what happen. Because your mine, all mine.
To be continued. . .
KINABUKASAN ay maagang nagising si Cielo. Bagaman, kagabi pa lang ay nai-gayak na nya ang kanyang mga gamit. Gusto nya ay makapag-handa na sya agad dahil ayaw nyang may masabi si Ross sa kanya.Iniligpit nya ang hinigaan bago nakangiting humarap sa salamin. Pumustora pa sya na parang isang modelo bago pumasok sa banyo upang mag-sepilyo.Kahapon rin ay kinausap sya ni Manang Esing na hindi na nya kailangang magluto para sa umagahan dahil ito na raw ang gagawa. Kailangan daw ay makapag-beauty rest sya ani pa nito.Matapos ay lumabas sya at tumungo sa kanyang tukador upang ihanda ang damit na susuotin patungo sa Baguio. At dahil taglamig doon ay pinili nya ang makakapal na kasuotan.Pagkatapos ay lumabas na sya upang kumain ng almusal. Nang makarating sa kusina ay nadatnan nya si Ross habang nagtitimpla ng kape. Inilibot nya ang paningin pero hindi nya nakita ang mayordoma. Impos
HINDI alam ni Cielo kung ano ang kanyang mararamdaman. Kaya imbes na dagdagan pa ang kahihiyan nya ay inagaw nya mula kay Ross ang kanyang maleta."Room 247, nasa fifth floor po ito, Sir." Imporma ng babae."Okay thanks." Magiliw nitong kinuha ang card mula sa babae. Tumingin ito sa kanya at ngumiti ngunit sinimangutan nya lamang ito.'Tama na ang pagpapa-asa mo sa akin.'Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad palayo. Ramdam nya ang presensya ni Ross sa likod nya at pigilan man nya, hindi maiipagkailang nagdudulot ito ng magandang pakiramdam sa kanya.Nakalimutan nyang alamin kung magkakasama ba sila sa iisang kwarto o hindi.Muntik na syang matawa nang dahil sa naisip. Bakit nga ba sila magsasama sa iisang kwarto? Hindi naman sila mag-asawa o ano. Kakasabi nga lang nito na personal assistant lang sya."Bak
NAGPAHINGANG muli si Cielo matapos ang kanilang paglalaro ni Ross habang ang lalaki naman ay nagpaalam na lalabas raw muna saglit. Pero isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito bumabalik.Sa isip-isip ni Cielo ay mabuti na ring wag muna itong bumalik dahil hindi nya alam kung paano nya ito pakikitunguhan matapos ang kagagahang ginawa nya.Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa matapos nyang tanungin ang lalaki. At nang makabawi sa pagkabigla ay agad naman itong nagpaalam para umalis.Alas-singko na ay wala pa si Ross. Nag-presinta pa naman itong sya ang magluluto pero hanggang ngayon ay hindi pa dumadating.Napabuntong-hininga na lang sya kasabay ng pagtayo upang buksan ang tv sa sala. Sobrang tahimik at napaka-lungkot ng paligid.Umuulan pa rin pero paunti-unti na lang ang patak nito. Hindi katulad kanina na sobrang lakas.&
SA ISIP-ISIP ni Cielo ay kanina nya pa nasapak ang lalaking kausap nya. Puro walang-kwentang bagay ang sinasabi nito at hindi sya natutuwa.Bagaman kanina pang umaga nang magising sya ay kakaiba na ang mood nya. Marahil ay dahil malapit na ang kanyang red days."So, tell me, anong nagustuhan mo kay Ross?" Pag-usisa na naman nito. She smiled to hide the awkwardness. Hanggang kaya nya ay pipilitin nyang kontrolin ang kanyang sarili."Simple lang. Hindi kasi sya madaldal. Ayaw ko pa naman sa mga madadaldal at mausisa." Nakangiti ngunit sarkastikong sagot nya."Oh. Does it have something to do with me?" Mukhang napapahiya nitong tanong.She faked a laugh."What do you mean?" Maang na tanong nya."What you've said earlier, does is have something to do with me?" Muli ay tanong nito.
HINDI maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Cielo. Dati ay pangarap lang nya na mayakap ang lalaki pero ngayon ay nagkatotoo na.Sinulyapan nya si Ross na abala sa pagmamaneho. Gayumpaman, ang isang kamay nito ay nakahawak sa kanyang mga palad.She's been dreaming this for so long.Nang lumingon ito sa kanya ay nakangiti na ito. Bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nya inaasahang mangyayari."Why are you looking at me?" Tanong nito bago muling humarap sa daan."I'm just making sure that it's not a dream." She answered."Of course it's not." Pinisil nito ang kanyang kamay.Iniwas nya ang kanyang paningin at humarap na lang din sa daan. Pakiramdam nya ay namumula ang pisngi nya. At ayaw nyang makita iyon ni Ross.'Hindi na ako teenager. Hindi na bagay sa akin ang mga
WALANG PAGSIDLAN ang tuwa ni Cielo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin aya makapaniwala na ang mga panaginip nya ay unti-unti ng nagkakatotoo.At kung panaginip lang ang lahat ng ito, ayos lang sya kanya kung hindi na sya magising pa.Kahit kailan ay hindi nya naisip na mangyayari ito dahil sa ugali na ipinakita noon sa kanya ni Ross."Habulin mo'ko!" Sigaw nya sa hihingal-hingal na si Ross sa huli nya. Halos isang oras na kasi silang nagb-bike."Be careful! The road is slippery!" Sigaw rin nito pabalik."I know what I am doing. Palibhasa, hindi mo ako kayang habulin!" She fired back while laughing."Wag mo akong hamunin!""Hinahamon kita!" Mayabang na aniya bago pumedal ng mabilis. Tatawa-tawa nyang tiningnan ang lalaki mula sa side mirror ng bike.Malayo pa rin ang agwat nilang
NAESTATWA si Cielo sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang inusal ng lalaki. Masarap paniwalaan kaya lang ay baka nananaginip lang ito.Maya-maya pa ay kusa na rin itong bumitaw sa pagkakapit sa kanya at muling nakatulog. Ngunit nanatili pa rin sya sa kanyang kinatatayuan habang gulat pa rin.Nang maka-recover na ay umayos sya ng tayo at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa mga braso at sa katawan ng lalaki.Panandalian nyang kinalimutan ang narinig na sinabi ng lalaki. Para sa kanya, wala ng mas mahalaga sa ngayon kundi ang gumaling ito.Matapos itong punasan ay lumabas na sya ng kanilang kwarto bitbit ang plangganang may lamang tubig.Nagtungo sya sa lababo at ibinuhos roon ang ginamit na tubig. Nilabhan nya rin ang bimpo at sandaling isinampay sa banyo.Pagkalabas nya ay nanghihina syang napaupo sa bangko na
KUMAWALA ang isang patak ng luha mula sa mga mata ni Cielo makaraan ang ilang segundo.Hindi sya makapaniwalang ang lalaking inaabot nya lang noon ay nagtatapat ng pag-ibig para sa kanya ngayon dito sa kanyang harapan. Everything felt unreal."Shush. Why are you crying?" Saway nito sa kanya. Nagsunod-sunod ang kanina lang ay isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata."Tears of joy." She said and hugged him. Naramdaman nya ang marahan nitong mga haplos sa kanyang buhok."Your that happy?" Tanong nito."Of course. Hindi ko akalaing darating ako sa puntong ito. Na nandito ka sa harap ko at nagtatapat ng pag-ibig mo." She emotionally answered."Expect the unexpected, Cielo." He kissed her forehead."Hindi ba ako nananaginip lang? Sampalin mo nga ako." She j
ROSS BECAME devastated when Cielo left. Akala nya ay mas magiging masaya na sya ngayong wala na ang babae ngunit hindi pa rin pala.Walang araw ang lumipas na hindi nya ito naaalala. Ang mga alaala na ginawa nilang dalawa.He just need some space. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi na nya mahal si Cielo.Labis na pagsisisi ang kanyang naramdaman ng umalis ito kaya napag-desisyonan nyang wag na lang putulin ang ugnayan nya rito."I'll cancel everything, Atty." Nagulat ito sa kanyang sinabi."Why?" Naguguluhan nitong tanong."I just want to. Forget everything, wag kang mag-alala, babayaran pa rin naman kita. I just want to cancel the annulment.""Sige. But, it may takes some time.""It's okay."Bawat sulok ng kanyang bahay ay mayroon silang alaala ni
SHE KISSED her child before she closed her own eyes. Ang kaninang pagod at hirap na kanyang dinanas ay biglang nawala nang mahawakan nya ito. Gayumpaman, hindi nya maiwasang malungkot para sa kanyang anak dahil hindi nito namulatan ang sariling ama.Hinayaan nyang tangayin sya ng antok habang nakahiga sa kanyang dibdib ang kanyang anak.Nang magising sya ay ibang kapaligiran na ang kanyang namulatan. May nakakabit na ring mga kung ano-anong apparatus sa kanyang kamay.Inilibot nya ang kanyang paningin at nakita nya si Aling Ester na kasalukuyang natutulog sa sofa.Hinayaan nya lang ito dahil alam nyang ilang araw na rin itong walang tulog dahil sa pagbabantay sa kanya.Maya-maya pa ay may pumasok na isang nurse, may yakap-yakap itong isang chart. Ngumiti ito sa kanya kaya ganon din ang ginawa nya."Kamusta na po kayo?" Tano
UMALIS MUNA sandali ang doktor ni Cielo dahil may kailangan daw itong kunin. Kaya naiwan syang mag-isa at gulat pa rin sa mga nangyayari.Maraming katanungan sa kanyang isip at maraming mga isipin ang gumugulo sa kanya.Kaya nya bang buhayin ang bata?Maiibigay kaya nya rito ang mga pangangailangan nito?Kung hindi siguro naging ganto ang mga pangyayari, baka sakaling masaya lang sya ngayon at wala ng iba pang iniisip.Naisip nyang isa sa mga dahilan kung bakit sya pumayag na makipag-hiwalay kay Ross ay dahil sa kagustuhan nyang maging maligaya ito. At alam nyang mangyayari lamang iyon kapag nagkaroon ito ng anak, dahil 'yon ang isa sa pinakaminimithi nito.Pero, naisip din nyang, ang dahila nga pala ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa babae nito.Napabuntong-hininga na lang sya, ang mahalaga ay mayroon na s
ISA-ISANG bumagsak ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan. Bigla ay nakaramdam si Cielo ng pangungulila sa kanyang minamahal.Tanaw na tanaw mula sa kanyang kinaroroonan ang tahimik na kabisera ng maliit na islang kanyang magiging tirahan.Napabuntong-hininga sya at saka pinawi ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi.Isinara na nya ang bintana at saka napag-desisyonang maghanap ng mabibilhan ng pagkain.Hindi sya sigurado kung ilang araw syang mananatili dito sa hotel. Sa ngayon ay magpapahinga na lang muna sya at bukas ay saka na sya hahanap ng bahay na kanyang mauupahan.Napag-desisyonan nyang maligo muna dahil pakiramdam nya ay amoy pawis na sya. Nagsuot lang din sya ng simpleng damit at saka sya lumabas ng kanyang kwarto.Pagdating nya sa lobby ng hotel ay nagtungo muna sya sa staff na naroon upang magtanong kung saan may
WALANG IBANG nararamdaman si Cielo kundi lungkot at sakit. At nang yakapin sya ng lalaki ay mas lalo syang binalot ng takot imbes na ng tuwa. Dahil alam nyang ito na ang huling yakap nya sa lalaki."I'm so sorry." Bulong nito na lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Hindi ba ay ito ang gusto nitong mangyari? Bakit ngayon ay parang sising-sisi na ito?Hindi sya nagsalita. Ninamnam nya ang sandali na kayakap nya ito. She will miss this kind of warmth coming from Ross.At nang makuntento ay sya na rin ang kusang bumitaw. Yumuko sya habang pinapawi ang kanyang mga luha. Kailangan na nyang masanay dahil simula ngayon ay ang kanyang sarili na lang ang kanyang maaasahan."Pwede ba akong humingi ng isang pabor?" Tanong nya bagaman ang kanyang mga mata ay nananatiling nasa sahig. "Bigyan mo lang ako ng ilang araw para ihanda ang mga gamit ko at para makaalis ako dito." At saka nya ito hinarap. Nakit
BUONG GABING hindi makatulog si Cielo dahil sa sinabi ni Ross. Matapos itong sabihin ng lalaki ay lumabas na ito ng kanilang kwarto at hindi nya alam kung saan ito nagpunta.Nakaramdam sya ng uhaw kaya agad syang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga. Nakaramdam pa sya ng pagkahilo dahil sa tama ng alak.Napahawak sya sa headboard ng kama upang doon kumuha ng lakas. Nabigla ata sya ng pagtayo.Nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay agad na syang naglakad palabas ng kwarto. Nagtungo na sya sa baba at agad na uminom ng tubig. Nagdala na rin sya ng isang pitsel patungo sa kanyang kwarto para hindi na sya bababa pa kung sakaling mauuhaw ulit sya.Isang baitang na lang at nasa second floor na sya nang marinig nya ang boses ni Ross sa na nanggagaling sa kwartong nasa kanang bahagi. Nasa kaliwang bahagi kasi ang kanyang kwarto.Dahil sa kuryosidad ay agad syang naglakad
MATAPOS nitong bitiwan ang mga salitang tumatak sa kanyang isipan ay marahas itong tumayo at lumabas ng kwarto. Naiwan si Cielo na ramdam ang kakaibang sakit na bumalot sa kanyang pagkatao.Nagpaulit-ulit sa kanyang pandinig ang salitang binitiwan nito. Mariin syang napapikit at pinigilan ang sarili na mapaluha.Gayumpaman ay hindi sya nagtagumpay. Isa-isang bumagsak ang kanyang mga luha kasabay ng pagpatak ng malakas na ulan.Maya-maya pa ay kumulog ng malakas kasabay ng mga pagkidlat. Napasigaw sya dahil sa takot na kanyang nararamdaman.Mas lumakas ang kanyang hagulgol at napatago sya sa ilalim ng kanyang kumot.At sa isang iglap ay nawalan ng kuryente na syang dahilan ng lalo nyang pag-iyak. She never likes darkness because she felt so scared.At ngayon ay nangyari ang isa sa mga kinakatakutan nya.
NANG kumalma na ay agad na dinampot ni Cielo ang kanyang bag at naglakad palabas ng lugar. Wala na syang pakialam sa kung ano-man ang kanyang itsura at sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng ibang tao.Kailangan nyang hanapin si Ross at magpaliwanag rito. Sa panahong ito ay sila na lang ang maaaring magdamayan.Nagtatakang napatingin sa kanya si Manang Esing matapos makita ang kanyang itsura. Nakita nya nang mabilis itong nagpaalam sa kausap upang lapitan sya. Hinila sya nito palabas sa lugar."Cielo, bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?" Labis ang pagkaka-kunot ng noo nito. Napailing-iling naman sya at muli ay pumatak ang kanyang mga luha. She felt so useless. "Cielo, magsalita ka. Anong nangyari? At bakit mukhang masama rin ang timpla ni Ross? Nag-away ba kayo?" Sunod-sunod na tanong nito."Manang...hindi ko na po alam ang gagawin ko. Napaka-walang kwenta kong asawa."
KUSANG PUMATAK ang luha mula sa mga mata ni Cielo matapos marinig ang sinabi ng doktora.Wari ba ay isa itong sirang plaka na patuloy na nagpapaulit-ulit sa kanyang pandinig."Sorry, Cielo." Mahinang sabi nito ngunit sapat lang para marinig nya."Doc...I-I can't be p-pregnant?" Umiiyak na tanong nya."There are two answers to your question, it's either you can't be pregnant at all or you can be but it may be harder and will take a lot of time."Napailing-iling na lang sya habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang mga luha.Mas lalong nadagdagan ang kanyang mga isipin. Kung paano nya ito sasabihin at ipapaalam kay Ross at sa lolo nito."Stop crying, Cielo. You have to rest, makakasama 'yan sa'yo." Sawa sa kanya ng doktora. Mahirap man ay pinilit nya ang sarili na tumigil sa pag-iyak. "Ihahatid