Simula ng mawala ang kanyang mga magulang, mag-isa ng binuhay ni Cielo Alegre ang kanyang sarili.
Maraming trabaho na ang napasukan nya bago sya maging katulong sa bahay ng mga Arevalo.
Unang kita nya pa lang sa kanyang boss na si Ross Arevalo ay nakuha na nito ang kanyang puso.
Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nagtagal sya bilang katulong sa kabila ng hirap ng trabahong ito.
Ang masilayan araw-araw ang gwapong mukha ng lalaki.
Alam nya noon pa man na hindi sya magugustuhan ng lalaki dahil sa magkaibang estado ng kanilang mga buhay.
Pero gayumpaman, umaasa syang darating ang panahon na matututunan syang mahalin ng lalaki.
"Ingat sa pagmamaneho, Ross!" bilin nya sa lalaki habang pasakay ito ng kotse.
Masama sya nitong tiningnan. Sinuklian nya naman ito ng matamis na ngiti.
"What's your name again?" tumigil ito sa akmang pagsakay at hinarap sya.
"Cielo, your future wife." makapal ang mukhang aniya rito.
"Psh. Gusto mo ba'ng mawalan ng trabaho, Cielo?" masungit na tanong nito.
Imbis na matakot ay kinilig lang sya sa sinabi nito. Para kasing musika sa pandinig ang boses nito.
"Wag ka'ng beastmode! Ang aga-aga pa, oh." biro nya rito.
"Wala ka ba'ng trabaho? Hindi kita binabayaran para lang makipag-chismisan." tumaas ang kilay nito.
"Mamaya ka na magalit sa akin, baka ma-late ka." taboy nya rito.
Umiling lang ito at pumasok na sa loob ng kotse. Wala na ang sasakyan nito pero naroon pa rin sya.
"Sinungitan ka na naman ba ng apo ko, Cielo?" nagmula ito sa kanyang likuran.
Humarap sya rito. Ang Lolo ni Ross.
"Ganon lang po siguro maglambing ang apo nyo." biro nya na ikinatawa ng matanda.
Matapos makipag-usap sa matanda ay pumasok na sya sa loob para gawin ang kanyang trabaho.
UMAGA pa lang pero sira na ang mood ni Ross, at 'yon ay dahil kay Cielo.
Bawat kilos ng babae ay kinaiinisan nya. Idagdag pa ang mga walang kwentang bagay na sinasabi nito.
He erased all of his thoughts and focused on the way. Walang maiidulot na maganda ang babaeng 'yon.
NAKARAMDAM ng pagod si Cielo matapos nyang linisan ang garden ng mansion.
Itinabi nya ang mga ginamit bago pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan nya sa kusina ang mayordoma na nagluluto na ng tanghalian nila. Pasado alas-diyes na rin kasi.
"Oh? Mabuti at nariyan ka na Cielo, nalimutan kong sabihin sa'yo na nag-request si Sir Ross ng mango graham para mamayang hapon," anito habang hinahalo ang niluluto.
"Talaga po?" imbis na mag-reklamo dahil napapagod na sya, natuwa pa sya dahil sa sinabi ng mayordoma.
"Oo, ang kaso lang ay wala tayong stock ng gusto nyang ipaluto, pwede ka ba'ng mag-grocery muna?" nahihiyang tanong nito.
Mabilis naman syang tumango. "Oo naman po, magbibihis lang ako." patakbo syang umakyat sa kwarto nya upang magbihis.
Nagsuot sya ng isang beige trouser at isang white tube na may clear strap. Ang bago nyang white rubber shoes rin ang kanyang sinuot.
Tuwing maggo-grocery na lang sya nakakapag-suot ng mga ga'nong klase ng damit dahil bihira naman sya kung lumabas ng bahay.
Inayos nya rin ang pagkakapusod ng kanyang itim at mahabang buhok bago sya lumabas ng kwarto.
"Parang hindi ka naman maggo-grocery, hija. Para kang makikipag-date." humalakhak ang matanda sa sariling nitong biro.
"Nasisira na nga lang po sa cabinet ko kaya sinusuot ko na, kung pwede lang na ito ang suotin ko rito sa bahay ay ginawa ko na," patol nya sa mga biro nito.
"Ikaw talagang bata ka. Heto ang pera, sobra-sobra naman 'yan kaya kumain ka kapag nagutom ka." iniabot nito sa kanya ang pera.
"Pwede po ba 'yon?" natatawang tanong nya.
"Iyon ang bilin ng Lolo mo," nang-aasar ang pagkakabanggit nito sa salitang 'Lolo mo'.
Napailing na lang sya at kapagkwan ay nagpa-alam na sa matanda. Nagtungo sya sa parking lot ng mansion upang hanapin ang driver ng mga Arevalo na sya ring asawa ni Manang Esing na itinuturing nya bilang pangalawang mga magulang.
"Magpapasama po ako sa grocery store, Mang Jun," aniya ng mahanap na ang matandang asawa ng mayordoma.
"Sandali lang, hija, magpapalit lang ako ng damit at pawisan na ako." paalam nito at pumasok sa loob ng bahay.
Sa loob ng halos limang taon nyang paninilbihan sa mga Arevalo ay naka-close na nya rin ang mag-asawa at itinuring na parang isang kadugo. Alam rin ng mga ito ang nararamdaman nya para sa kanilang amo.
Ilang saglit pa ay bumalik na ang matandang lalaki. Sumakay agad sila sa kotse at saka ito pinaharurot paalis.
Nakatanaw lang si Cielo sa labas ng bintana buong byahe. Nasa isip nya pa rin ang gwapong mukha ni Ross.
Hindi nya namalayang nakarating na sila sa grocery store kaya kinakailangan pa syang kulbitin ng driver.
"Andito na tayo, Cielo," pukaw nito sa naglalakbay nyang isipan.
Tumango lang sya at bumaba na. Nagsimula syang maglakad patungo sa grocery.
Bago sya pumasok ay humigit muna sya ng push cart na paglalagyan ng mga pamimilihin nya.
Kumuha sya ng ilang piraso ng cream, graham crackers, crashed graham, at condense. At dahil mango graham ang request nito ay kumuha rin sya ng maraming fresh mangoes at inilagay sa cart nya.
Nang makuha na ang lahat ng kailangan ay nagtungo na sya sa counter upang magbayad.
Nakaramdam sya ng pagkailang ng suyurin ng cashier ang kabuuan nya.
"Model po ba kayo, Ma'am?" nagsalubong ang kilay nya dahil sa tanong nito.
"Hindi," nakangiti pa ring sagot nya.
"Akala ko po ay model kayo," napapahiyang itinuloy nito ang ginagawa.
"Magkano lahat, Miss?" tanong nya sa cashier maya-maya.
"924 pesos po lahat," nag-abot sya ng isang libo at hinintay ang sukli nito.
Bitbit ang mga pinamili ay lumabas sya ng grocery. Sinalubong naman sya agad ni Mang Jun para ito na ang magbitbit ng mga dala nya.
"Wala ka na ba'ng bibilhin?" tanong nito nang makasakay na sila sa kotse.
"Wala na po." sagot nya habang nagse-seatbelt.
Tahimik lang sila buong byahe. Mabilis rin naman silang nakarating dahil hindi naman gaanong traffic.
Sinalubong rin sila ni Manang Esing para tulungan sa mga pinamili nila.
"Kumain muna tayo bago mo gawin 'yan, Cielo." anito sa kanya habang inilalagay sa mesa ang mga sangkap na binili nya.
"Sige po." sagot nya rito habang umuupo.
Naghain na rin ang matanda kaya nakapagsimula na silang kumain.
Pagkatapos ay ginawa na nya ang graham na request ni Ross.
Nakangiti sya habang ginagawa iyon dahil kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip nya.
Inilagay nya ito sa ref nang matapos na nya itong gawin. Hinugasan nya muna ang mga ginamit bago sya nagtungo sa sala upang magpahinga.
Humiga sya sa sofa at mahimbing na natulog.
PASADO alas- kwarto na ng magising si Cielo. Bumangon sya at nagtungo sa kanyang kwarto upang labhan ang ilang piraso nyang mga damit.
Hindi na nya inaalala ang pagluluto dahil ang matandang mayordoma talaga ang nakaatas dito. Kinakailangan nya lang magluto kaninang umaga dahil masama ang tyan ng matanda.
At dahil iilang piraso lang ang kanyang nilabhan ay madali syang natapos. Medyo marumi na rin ng kanyang kwarto kaya napag-desisyonan nyang maglinis.
Mag-a-alas sais na ng matapos sya sa ginagawa. Bumaba na sya upang tumulong sa matanda sa paghahanda ng mga pagkain.
"Nakatulog ka ba, Cielo?" bungad na tanong nito.
"Kanina po. Kakatapos ko lang po'ng maglinis ng kwarto ko, naglaba rin po ako ng ilang pirasong mga damit." sabi nya habang kumukuha ng mga kubyertos.
Hindi na nagsalita pa ang matanda at pareho nilang ipinagpatuloy ang ginagawa.
Nagtimpla rin sya ng juice para sa mag-lolo. Inilabas nya maging ang panghimagas na ginawa nya para sa mga ito.
Ilang sandali pa ay dumulog na ang mag-Lolo sa hapag. Walang imik si Ross habang kumakain. Sumasagot lang ito sa tuwing tinatanong.
"Masarap ang graham, you made this Cielo, right?" puri ng matandang lalaki.
"Opo," proud nyang sagot.
"It's delicious right, Ross?" baling nito sa apo na abala sa pagsubo.
"Sakto lang," nakayuko nitong sagot.
"Ross was never been vocal on what he feels," napailing pa ang matanda
Halata naman sa mukha ng lalaki na nagustuhan nito ang ginawa nya. Nahihiya lang sigurong magsabi.
Nagulat sya ng tumayo ito at kumuha pa ng isang tupperware ng graham bago nagpaalam upang umakyat sa taas.
"See? He really loves your graham," ani ng matanda at tinapik ang kanyang balikat.
Naiwan naman syang nakatanga at nag-uumapaw ang saya sa puso.
'Nagustuhan ni Ross ang ginawa ko!'
"Tayo naman ang kumain, Cielo," anyaya sa kanya ni Mang Jun na pumukaw sa kanyang atensyon.
Tumalima sya at kagaya ng madalas na ginagawa ay sa pwesto ni Ross ulit sya naupo.
Masaya silang nagku-kwentuhan habang kumakain. Madalas ay tinutukso sya ng dalawang matanda sa nararamdaman nya para sa lalaki.
Maging ang mag-asawa ay nasarapan sa niluto nya at biniro syang paglulutuing muli na tanging tawa lang ang isinagot nya.
Sya na rin ang nagligpit at naghugas dahil iyon naman talaga ang nakaatas sa kanya.Matapos ay nagwalis-walis muli sya sa kusina.
Napatalon sya ng pag-angat ng kanyang tingin ay namataan nya si Ross na nakasandal sa hamba ng pintuan ng kusina habang nakamasid sa kanya.
"K-kanina ka pa dyan?" aniya habang inaayos ang kanyang buhok. Bigla syang naging kuryuso kung ano ang kanyang itsura.
Tumango ito na nakadagdag sa hiyang nararamdaman nya.
"I was here before you dance like a fool there," itinuro pa nito ang pwesto nya kanina.
Parang gusto nyang lumubog sa kinatatayuan nya ng maglaro ang maliit na ngiti sa mga labi nito.
Nakatingin pa rin ito sa kanya hanggang sa pag-inom nito ng tubig.
"Masarap ang graham na ginawa mo," at saka ito naglakad palayo.
Naiwan syang nakatingin pa rin sa papalayo nitong bulto habang pino-proseso ang sinabi ng lalaki.
'Nagustuhan nya nga!'
Tinapos na nya ang ginagawa dahil nakaramdam na rin sya ng antok.
Kinabukasan ay maaga ulit syang nagising. Kagaya ng dati nyang ginagawa, naligo muna sya bago bumaba upang umpisahan na ang trabaho.
It's laba day!
Nadatnan na nya si Manang Esing na nagluluto ng umagahan.
"Good morning, Manang!" masayang bati nya sa matanda.
"Nakakagulat ka, Cielo!" pinalo nito ang kanyang balikat.
Napatawa lang sya sa naging reaksyon nito.
"Nagkape na po kayo?" tanong nya habang tinitimpla ang sariling kape.
"Kanina pa, hija. Nariyan nga pala ang tinapay sa cabinet," itinuro nito ang kinalalagyan ng tinapay.
Kinuha nya ito at saka naupo upang magkape. Itinaas nya pa ang isang paa habang lumalaghok. Isinasawsaw nya rin ang tinapay bago ito isubo.
"Bakit nga pala ang aga mong magising?" nagtatakang tanong ng matanda bago naupo sa harap nya.
"Maglalaba po ako, Manang,"
"Ah ganon ba, eh, paano mo kukunin ang palalabhan ng mag-Lolo?"
"Iniwan po ni Lolo sa labas ng kwarto nya ang mga labahan, ewan ko lang ang kay Ross," kinindatan nya ang matanda.
"Ikaw talagang bata ka," nasabi na lang nito.
Tinapos nya na ang pagkakape at nagpaalam sa matanda na aakyat muli sa taas upang kuhanin ang mga lalabhan.
Nadaanan na nya ang kwarto ng matandang lalaki at gaya ng sabi nito ay naroon na nga sa labas ang maruruming damit nito.
Napangisi sya ng makitang wala ang mga damit ni Ross sa labas ng kwarto.
Dahan-dahan ang ginawa nyang pagpasok sa kwarto nito sa takot na magising ang lalaki.
Bumungad sa kanya ang natutulog na binata. Hindi gaya kahapon ay naka-damit na ito habang natutulog. Lumapit sya rito at pinagmasdan ito.
Bahagyang nakabuka ang kulay rosas nitong mga labi at magulo ang kulay brown nitong buhok.
Wala sa sarili nyang inilapit ang kanyang labi at hinalikan ang noo ng lalaki.
'I love you Ross.'
Sa takot na magising na ang lalaki ay umalis na sya rito at kinuha ang mga lalabhan nito.
Dahan-dahan rin ang ginawa nyang paglabas. Dinaanan nya rin ang damit ng matanda at saka sya bumaba.
Kumuha lang sya ng mga sabon sa cabinet bago nagtungo na sa likod bahay upang umpisahan na ang paglalaba.
Unti-unti ng sumisikat ang araw na lalong nakadagdag sa tuwang nararamdaman nya.
Tuloy-tuloy lang ang ginawa nyang paglalaba kahit na sinabihan na sya ng mayordoma na nariyan na ang mag-lolo.
Gusto na nyang matapos agad ang kanyang trabaho.
Tumayo lang sya ng nakaramdam na sya ng gutom. Nadatnan na nya si Manang Esing na naghuhugas ng mga pinagkainan.
"Kain ka na, hija," anito nang makita sya.
"Kumain na po kayo?" aniya habang naghahanda ng sariling pagkain.
"Oo, nauna na kami."
Mabilis lang ang ginawa nyang pagkain dahil marami pa syang labahan.
Mahapdi na rin ang mga kamay nya dahil sa pagkusot pero nakukuha nya pa ring ngumiti.
Nang sumapit ang alas-nwebe ay hinatiran sya ni Manang Esing ng meryenda kaya tumigil muna sya sa ginagawang pagbabanlaw upang kainin ang dala ng matanda.
"Gusto mo ba'ng ako na ang magtapos nyan?"
"Hindi na po, matatapos na rin naman po ako." tanggi nya.
Nginitian sya ng matanda.
"Bagay na bagay kayo ni Ross, hija," anito habang hinahaplos ang kanyang buhok.
"Talaga po? Minsan kasi Manang, naiisip kong hindi kami bagay ni Ross dahil katulong lang ako," malungkot nyang pahayag.
"Hindi ang katayuan sa buhay ang basehan ng pagmamahal, Cielo, tandaan mo 'yan," tumagos sa kaibuturan ng kanyang puso ang sinabi ng matanda.
"Salamat po sa pagpapalakas ng loob ko," taos pusong sabi nya
Ngumiti ito. "Ituloy mo na ang ginagawa mo ng makapag-pahinga ka na," anito bago umalis.
Itinuloy na nya ang pagbabanlaw at makalipas ang isang oras ay nagsasampay na sya. Nagsuot sya ng sumbrero para ipangkanlong sa init ng araw.
Saktong alas-dose ng matapos sya. Tinawag na rin sya ng mayordoma upang mananghalian.
"Ako na ang maghuhugas, magpahinga ka na lang," inagaw sa kanya ni Manang ang sponge upang ito na ang magtuloy ng kanyang ginagawa.
"Kaya ko naman po," dahilan nya.
"Ako na, Cielo," wala na syang nagawa dahil inumpisahan na nito ang pagsasabon.
Iniwan nya ang matanda sa kusina at nagtungo sa sala upang doon magpahinga.
Inihilig nya ang kanyang ulo sa sandalan ng sofa dahil sa pagod na nararamdaman.
Binuksan nya rin ang TV para malibang habang nagpapahinga.
Nang matapos ang matanda sa ginagawa ay dumulog rin ito sa kanya upang makinood. Paborito kasi nito ang drama na kasalukuyang ipinapalabas.
Mahigit isang oras silang nanood ng TV at sabay ring umakyat ng matapos ang palabas.
Napagdesisyonan nyang mahiga sa kanyang kama pero dala marahil ng pagod ay nakatulog sya.
Nagising sya nang maramdaman ang bahagyang paghaplos sa kanya.
Dahan-dahan nyang iminulat ang mga mata upang makita kung sino ang gumising sa kanya.
Si Ross habang nakangiti sa kanya.
'Nanaginip ba ako?'
To be continued. . .
WHAT'S my schedule for this week, Raz?" tanong ni Ross sa sekretarya habang ang mga mata ay nasa monitor ng computer."Meron po kayong business trip this coming Friday until Monday," sagot naman ng kanyang sekretarya.Kumunot ang noo nya dahil sa sinabi nito. "I didn't know about that, saan yan?""Sa Baguio po ito, Sir. Akala ko po ay binanggit na sa'yo ng Lolo mo bago nya sabihin sa akin,"Salubong ang kilay nyang hinarap ang sekretarya. "Who am I with?""Pumunta na lang daw po kayo sa opisina ng Lolo mo," nagtataka syang tumango sa babae.Knowing his Lolo, masyado itong busy sa twing narito ito sa kanyang opisina. Sa twing may kailangan ito ay itinatawag na lang nito ang kailangang sabihin o pinadadaan sa kanyang sekretarya ang buong detalye. Nakakapagtakang gusto nitong personal syang makausap sa kabila ng hectic schedule nito.
KINABUKASAN ay maagang nagising si Cielo. Bagaman, kagabi pa lang ay nai-gayak na nya ang kanyang mga gamit. Gusto nya ay makapag-handa na sya agad dahil ayaw nyang may masabi si Ross sa kanya.Iniligpit nya ang hinigaan bago nakangiting humarap sa salamin. Pumustora pa sya na parang isang modelo bago pumasok sa banyo upang mag-sepilyo.Kahapon rin ay kinausap sya ni Manang Esing na hindi na nya kailangang magluto para sa umagahan dahil ito na raw ang gagawa. Kailangan daw ay makapag-beauty rest sya ani pa nito.Matapos ay lumabas sya at tumungo sa kanyang tukador upang ihanda ang damit na susuotin patungo sa Baguio. At dahil taglamig doon ay pinili nya ang makakapal na kasuotan.Pagkatapos ay lumabas na sya upang kumain ng almusal. Nang makarating sa kusina ay nadatnan nya si Ross habang nagtitimpla ng kape. Inilibot nya ang paningin pero hindi nya nakita ang mayordoma. Impos
HINDI alam ni Cielo kung ano ang kanyang mararamdaman. Kaya imbes na dagdagan pa ang kahihiyan nya ay inagaw nya mula kay Ross ang kanyang maleta."Room 247, nasa fifth floor po ito, Sir." Imporma ng babae."Okay thanks." Magiliw nitong kinuha ang card mula sa babae. Tumingin ito sa kanya at ngumiti ngunit sinimangutan nya lamang ito.'Tama na ang pagpapa-asa mo sa akin.'Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad palayo. Ramdam nya ang presensya ni Ross sa likod nya at pigilan man nya, hindi maiipagkailang nagdudulot ito ng magandang pakiramdam sa kanya.Nakalimutan nyang alamin kung magkakasama ba sila sa iisang kwarto o hindi.Muntik na syang matawa nang dahil sa naisip. Bakit nga ba sila magsasama sa iisang kwarto? Hindi naman sila mag-asawa o ano. Kakasabi nga lang nito na personal assistant lang sya."Bak
NAGPAHINGANG muli si Cielo matapos ang kanilang paglalaro ni Ross habang ang lalaki naman ay nagpaalam na lalabas raw muna saglit. Pero isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito bumabalik.Sa isip-isip ni Cielo ay mabuti na ring wag muna itong bumalik dahil hindi nya alam kung paano nya ito pakikitunguhan matapos ang kagagahang ginawa nya.Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa matapos nyang tanungin ang lalaki. At nang makabawi sa pagkabigla ay agad naman itong nagpaalam para umalis.Alas-singko na ay wala pa si Ross. Nag-presinta pa naman itong sya ang magluluto pero hanggang ngayon ay hindi pa dumadating.Napabuntong-hininga na lang sya kasabay ng pagtayo upang buksan ang tv sa sala. Sobrang tahimik at napaka-lungkot ng paligid.Umuulan pa rin pero paunti-unti na lang ang patak nito. Hindi katulad kanina na sobrang lakas.&
SA ISIP-ISIP ni Cielo ay kanina nya pa nasapak ang lalaking kausap nya. Puro walang-kwentang bagay ang sinasabi nito at hindi sya natutuwa.Bagaman kanina pang umaga nang magising sya ay kakaiba na ang mood nya. Marahil ay dahil malapit na ang kanyang red days."So, tell me, anong nagustuhan mo kay Ross?" Pag-usisa na naman nito. She smiled to hide the awkwardness. Hanggang kaya nya ay pipilitin nyang kontrolin ang kanyang sarili."Simple lang. Hindi kasi sya madaldal. Ayaw ko pa naman sa mga madadaldal at mausisa." Nakangiti ngunit sarkastikong sagot nya."Oh. Does it have something to do with me?" Mukhang napapahiya nitong tanong.She faked a laugh."What do you mean?" Maang na tanong nya."What you've said earlier, does is have something to do with me?" Muli ay tanong nito.
HINDI maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Cielo. Dati ay pangarap lang nya na mayakap ang lalaki pero ngayon ay nagkatotoo na.Sinulyapan nya si Ross na abala sa pagmamaneho. Gayumpaman, ang isang kamay nito ay nakahawak sa kanyang mga palad.She's been dreaming this for so long.Nang lumingon ito sa kanya ay nakangiti na ito. Bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nya inaasahang mangyayari."Why are you looking at me?" Tanong nito bago muling humarap sa daan."I'm just making sure that it's not a dream." She answered."Of course it's not." Pinisil nito ang kanyang kamay.Iniwas nya ang kanyang paningin at humarap na lang din sa daan. Pakiramdam nya ay namumula ang pisngi nya. At ayaw nyang makita iyon ni Ross.'Hindi na ako teenager. Hindi na bagay sa akin ang mga
WALANG PAGSIDLAN ang tuwa ni Cielo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin aya makapaniwala na ang mga panaginip nya ay unti-unti ng nagkakatotoo.At kung panaginip lang ang lahat ng ito, ayos lang sya kanya kung hindi na sya magising pa.Kahit kailan ay hindi nya naisip na mangyayari ito dahil sa ugali na ipinakita noon sa kanya ni Ross."Habulin mo'ko!" Sigaw nya sa hihingal-hingal na si Ross sa huli nya. Halos isang oras na kasi silang nagb-bike."Be careful! The road is slippery!" Sigaw rin nito pabalik."I know what I am doing. Palibhasa, hindi mo ako kayang habulin!" She fired back while laughing."Wag mo akong hamunin!""Hinahamon kita!" Mayabang na aniya bago pumedal ng mabilis. Tatawa-tawa nyang tiningnan ang lalaki mula sa side mirror ng bike.Malayo pa rin ang agwat nilang
NAESTATWA si Cielo sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang inusal ng lalaki. Masarap paniwalaan kaya lang ay baka nananaginip lang ito.Maya-maya pa ay kusa na rin itong bumitaw sa pagkakapit sa kanya at muling nakatulog. Ngunit nanatili pa rin sya sa kanyang kinatatayuan habang gulat pa rin.Nang maka-recover na ay umayos sya ng tayo at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa mga braso at sa katawan ng lalaki.Panandalian nyang kinalimutan ang narinig na sinabi ng lalaki. Para sa kanya, wala ng mas mahalaga sa ngayon kundi ang gumaling ito.Matapos itong punasan ay lumabas na sya ng kanilang kwarto bitbit ang plangganang may lamang tubig.Nagtungo sya sa lababo at ibinuhos roon ang ginamit na tubig. Nilabhan nya rin ang bimpo at sandaling isinampay sa banyo.Pagkalabas nya ay nanghihina syang napaupo sa bangko na
ROSS BECAME devastated when Cielo left. Akala nya ay mas magiging masaya na sya ngayong wala na ang babae ngunit hindi pa rin pala.Walang araw ang lumipas na hindi nya ito naaalala. Ang mga alaala na ginawa nilang dalawa.He just need some space. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi na nya mahal si Cielo.Labis na pagsisisi ang kanyang naramdaman ng umalis ito kaya napag-desisyonan nyang wag na lang putulin ang ugnayan nya rito."I'll cancel everything, Atty." Nagulat ito sa kanyang sinabi."Why?" Naguguluhan nitong tanong."I just want to. Forget everything, wag kang mag-alala, babayaran pa rin naman kita. I just want to cancel the annulment.""Sige. But, it may takes some time.""It's okay."Bawat sulok ng kanyang bahay ay mayroon silang alaala ni
SHE KISSED her child before she closed her own eyes. Ang kaninang pagod at hirap na kanyang dinanas ay biglang nawala nang mahawakan nya ito. Gayumpaman, hindi nya maiwasang malungkot para sa kanyang anak dahil hindi nito namulatan ang sariling ama.Hinayaan nyang tangayin sya ng antok habang nakahiga sa kanyang dibdib ang kanyang anak.Nang magising sya ay ibang kapaligiran na ang kanyang namulatan. May nakakabit na ring mga kung ano-anong apparatus sa kanyang kamay.Inilibot nya ang kanyang paningin at nakita nya si Aling Ester na kasalukuyang natutulog sa sofa.Hinayaan nya lang ito dahil alam nyang ilang araw na rin itong walang tulog dahil sa pagbabantay sa kanya.Maya-maya pa ay may pumasok na isang nurse, may yakap-yakap itong isang chart. Ngumiti ito sa kanya kaya ganon din ang ginawa nya."Kamusta na po kayo?" Tano
UMALIS MUNA sandali ang doktor ni Cielo dahil may kailangan daw itong kunin. Kaya naiwan syang mag-isa at gulat pa rin sa mga nangyayari.Maraming katanungan sa kanyang isip at maraming mga isipin ang gumugulo sa kanya.Kaya nya bang buhayin ang bata?Maiibigay kaya nya rito ang mga pangangailangan nito?Kung hindi siguro naging ganto ang mga pangyayari, baka sakaling masaya lang sya ngayon at wala ng iba pang iniisip.Naisip nyang isa sa mga dahilan kung bakit sya pumayag na makipag-hiwalay kay Ross ay dahil sa kagustuhan nyang maging maligaya ito. At alam nyang mangyayari lamang iyon kapag nagkaroon ito ng anak, dahil 'yon ang isa sa pinakaminimithi nito.Pero, naisip din nyang, ang dahila nga pala ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa babae nito.Napabuntong-hininga na lang sya, ang mahalaga ay mayroon na s
ISA-ISANG bumagsak ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan. Bigla ay nakaramdam si Cielo ng pangungulila sa kanyang minamahal.Tanaw na tanaw mula sa kanyang kinaroroonan ang tahimik na kabisera ng maliit na islang kanyang magiging tirahan.Napabuntong-hininga sya at saka pinawi ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi.Isinara na nya ang bintana at saka napag-desisyonang maghanap ng mabibilhan ng pagkain.Hindi sya sigurado kung ilang araw syang mananatili dito sa hotel. Sa ngayon ay magpapahinga na lang muna sya at bukas ay saka na sya hahanap ng bahay na kanyang mauupahan.Napag-desisyonan nyang maligo muna dahil pakiramdam nya ay amoy pawis na sya. Nagsuot lang din sya ng simpleng damit at saka sya lumabas ng kanyang kwarto.Pagdating nya sa lobby ng hotel ay nagtungo muna sya sa staff na naroon upang magtanong kung saan may
WALANG IBANG nararamdaman si Cielo kundi lungkot at sakit. At nang yakapin sya ng lalaki ay mas lalo syang binalot ng takot imbes na ng tuwa. Dahil alam nyang ito na ang huling yakap nya sa lalaki."I'm so sorry." Bulong nito na lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Hindi ba ay ito ang gusto nitong mangyari? Bakit ngayon ay parang sising-sisi na ito?Hindi sya nagsalita. Ninamnam nya ang sandali na kayakap nya ito. She will miss this kind of warmth coming from Ross.At nang makuntento ay sya na rin ang kusang bumitaw. Yumuko sya habang pinapawi ang kanyang mga luha. Kailangan na nyang masanay dahil simula ngayon ay ang kanyang sarili na lang ang kanyang maaasahan."Pwede ba akong humingi ng isang pabor?" Tanong nya bagaman ang kanyang mga mata ay nananatiling nasa sahig. "Bigyan mo lang ako ng ilang araw para ihanda ang mga gamit ko at para makaalis ako dito." At saka nya ito hinarap. Nakit
BUONG GABING hindi makatulog si Cielo dahil sa sinabi ni Ross. Matapos itong sabihin ng lalaki ay lumabas na ito ng kanilang kwarto at hindi nya alam kung saan ito nagpunta.Nakaramdam sya ng uhaw kaya agad syang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga. Nakaramdam pa sya ng pagkahilo dahil sa tama ng alak.Napahawak sya sa headboard ng kama upang doon kumuha ng lakas. Nabigla ata sya ng pagtayo.Nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay agad na syang naglakad palabas ng kwarto. Nagtungo na sya sa baba at agad na uminom ng tubig. Nagdala na rin sya ng isang pitsel patungo sa kanyang kwarto para hindi na sya bababa pa kung sakaling mauuhaw ulit sya.Isang baitang na lang at nasa second floor na sya nang marinig nya ang boses ni Ross sa na nanggagaling sa kwartong nasa kanang bahagi. Nasa kaliwang bahagi kasi ang kanyang kwarto.Dahil sa kuryosidad ay agad syang naglakad
MATAPOS nitong bitiwan ang mga salitang tumatak sa kanyang isipan ay marahas itong tumayo at lumabas ng kwarto. Naiwan si Cielo na ramdam ang kakaibang sakit na bumalot sa kanyang pagkatao.Nagpaulit-ulit sa kanyang pandinig ang salitang binitiwan nito. Mariin syang napapikit at pinigilan ang sarili na mapaluha.Gayumpaman ay hindi sya nagtagumpay. Isa-isang bumagsak ang kanyang mga luha kasabay ng pagpatak ng malakas na ulan.Maya-maya pa ay kumulog ng malakas kasabay ng mga pagkidlat. Napasigaw sya dahil sa takot na kanyang nararamdaman.Mas lumakas ang kanyang hagulgol at napatago sya sa ilalim ng kanyang kumot.At sa isang iglap ay nawalan ng kuryente na syang dahilan ng lalo nyang pag-iyak. She never likes darkness because she felt so scared.At ngayon ay nangyari ang isa sa mga kinakatakutan nya.
NANG kumalma na ay agad na dinampot ni Cielo ang kanyang bag at naglakad palabas ng lugar. Wala na syang pakialam sa kung ano-man ang kanyang itsura at sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng ibang tao.Kailangan nyang hanapin si Ross at magpaliwanag rito. Sa panahong ito ay sila na lang ang maaaring magdamayan.Nagtatakang napatingin sa kanya si Manang Esing matapos makita ang kanyang itsura. Nakita nya nang mabilis itong nagpaalam sa kausap upang lapitan sya. Hinila sya nito palabas sa lugar."Cielo, bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?" Labis ang pagkaka-kunot ng noo nito. Napailing-iling naman sya at muli ay pumatak ang kanyang mga luha. She felt so useless. "Cielo, magsalita ka. Anong nangyari? At bakit mukhang masama rin ang timpla ni Ross? Nag-away ba kayo?" Sunod-sunod na tanong nito."Manang...hindi ko na po alam ang gagawin ko. Napaka-walang kwenta kong asawa."
KUSANG PUMATAK ang luha mula sa mga mata ni Cielo matapos marinig ang sinabi ng doktora.Wari ba ay isa itong sirang plaka na patuloy na nagpapaulit-ulit sa kanyang pandinig."Sorry, Cielo." Mahinang sabi nito ngunit sapat lang para marinig nya."Doc...I-I can't be p-pregnant?" Umiiyak na tanong nya."There are two answers to your question, it's either you can't be pregnant at all or you can be but it may be harder and will take a lot of time."Napailing-iling na lang sya habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang mga luha.Mas lalong nadagdagan ang kanyang mga isipin. Kung paano nya ito sasabihin at ipapaalam kay Ross at sa lolo nito."Stop crying, Cielo. You have to rest, makakasama 'yan sa'yo." Sawa sa kanya ng doktora. Mahirap man ay pinilit nya ang sarili na tumigil sa pag-iyak. "Ihahatid