Nalaman nila tita Pat ang nangyari kahapon kaya hindi nito naiwasan ang mag-alala at pagsabihan ang mayordoma. Hindi ko man narinig ang kanilang usapan pero mukhang hindi naman nagalit si tita sa matanda. "Pasensiya ka na talaga kay nanay, tumatanda na kasi kaya madalas ng magsungit at palaging mainit ang ulo," hinging pasensiya sa akin ni tita Pat. Narito kami ngayon sa garden niya at tinutulungan ko ulit siyang magtanim.Kung alam lang ni tita, mainit talaga ang dugo niya sa akin pagtapak ko pa lang sa lugar na 'to.Ngumiti naman ako at umiling. "Wala naman hong kaso sa akin iyon, trabaho ko rin namang sundin ang utos niya.""Pwede ka naman tumanggi lalo na kung hindi mo kaya, hindi ko alam kung anong naisipan ni nanay at inutos pa niya iyon sa'yo," iling niyang tinuran."Wala daw kasing ibang mauutusan kaya daw po ako na lang daw.""Hay nako marami namang araw para linisan ang bubong, maaari namang hintayin sila mang Ispe o kung wal
Last Updated : 2022-01-14 Read more