Share

KABANATA 16

Author: VixiusVixxen
last update Last Updated: 2022-01-14 14:50:33

Nalaman nila tita Pat ang nangyari kahapon kaya hindi nito naiwasan ang mag-alala at pagsabihan ang mayordoma. Hindi ko man narinig ang kanilang usapan pero mukhang hindi naman nagalit si tita sa matanda. 

"Pasensiya ka na talaga kay nanay, tumatanda na kasi kaya madalas ng magsungit at palaging mainit ang ulo," hinging pasensiya sa akin ni tita Pat. Narito kami ngayon sa garden niya at tinutulungan ko ulit siyang magtanim.

Kung alam lang ni tita, mainit talaga ang dugo niya sa akin pagtapak ko pa lang sa lugar na 'to.

Ngumiti naman ako at umiling. "Wala naman hong kaso sa akin iyon, trabaho ko rin namang sundin ang utos niya."

"Pwede ka naman tumanggi lalo na kung hindi mo kaya, hindi ko alam kung anong naisipan ni nanay at inutos pa niya iyon sa'yo," iling niyang tinuran.

"Wala daw kasing ibang mauutusan kaya daw po ako na lang daw."

"Hay nako marami namang araw para linisan ang bubong, maaari namang hintayin sila mang Ispe o kung wala naman inuutos na lang sana sa mga walang hiya kong anak, iyan sila Matias at si Agusto ng may matino namang magawa ng hindi puro paglalakwatsa at pambababae ang inaatupag." 

Lihim naman akong natawa sa sinabi niya. Pati pala nanay nila alam na alam mga karant*duhan nila.

"Nasaan nga ba ang mga iyon kahapon? Naku kung nandito lang ako kahapon at nalaman kong kailangan palang linisin ang bubong edi sana pinaghahagis ko na sa bubong ang mga iyon," dugtong pa ni tita kaya hindi ko na naiwasan pang itago ang aking tawa. Natawa rin tuloy siya sa sariling niyang salita.

"Puro sakit po ata sa ulo ang mga anak niyo tita," biro ko.

"Hay sinabi mo pa Zea, hija. Kasalanan kasi talaga kasi ito ng asawa ko e, sa sobrang kagustuhan magkaroon ng babae ayan puro lalaki naman ang binigay. Matres ko na ang kusang bumigay at mukhang hindi talaga kami biniyayaan magkaanak ng babae."

"Buti nga ho at yung dalawang bunso niyo lang ang sakit sa ulo, mukhang medyo matino naman po ata yung tatlo?" Hindi pa ako sigurado sa sinabi ko.

Natawa naman siya sa patanong kong sagot. 

"Si Zander matino naman iyan, responsable at mabait na bata pero masyadong seryoso at mukhang pinaglihi sa sama ng loob, mana sa tatay. Ewan ko nga kung masyadong nagseseryo sa buhay na kala mo may pinaggagatusan na malaki kaya todo kayod. Puro trabaho ang inaatupag kaya hindi na ako magtataka kung mauna pa si Caleb na magkagirlfriend," kwento niya sa akin.

Nang tapos na akong magtanim ay kumuha na ako ng gunting na para sa halaman para magtrim ng mga excess nilang sanga. 

"Si Ryder naman hindi ko alam kung kagaya ba nila Matias o kung nagmana ba kay Zander. Madalas kasing may sariling muna ang anak kong iyan kaya minsan hindi ko na rin mabasa kaya sa lahat ng anak ko mukhang kay Caleb nga lang talaga ang maaasahan kong unang magkakaasawa. Matagal pa ata bago ako magkaapo kaya ang mga magiging asawa na lang muna nila ang magiging anak kong babae," patuloy pa niya.

Biglang pumasok sa aking isipan ang naging usapan nila noon sa kusina tungkol sa arrange marriage. Gusto ko sana iyong itanong kaso baka isipin naman niyang tsismosa ako. Pero kung sakaling tuloy nga talaga ang kasalan na iyon paano naman ang babae? Paano kung ayaw naman pala ng babae ang makasal? Edi maaari silang makulong sa kasalang walang pagmamahalan? Kamusta naman kaya iyon? 

Ni minsan kasi hindi na rin narinig pa ang usapan nila tungkol sa bagay na iyon kaya napapaisip ako kung nakansela na ba o matagal pang magaganap iyon, pero bakit ba ako nakikiisyu?

"Si Caleb... May girlfriend ho ba siya?" Iyon na lamang ang tinanong ko.

Natigilan naman si tita Pat sa aking tanong. Hindi ko alam kung tama bang itanong ko rin iyon pero so what I'm being curious.

Hinintay ko siyang magsalita na mukhang napaisip din ata sa tanong ko. Nangunot ang noo ko, hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o kung nakita ko ba talaga na may naglalarong ngiti sa kanyang labi na agad ding nawala.

"Wala.." sagot niya akala ko iyon lang pero dinuktungan niya iyon. "..pero meron siyang fiance."

Kahit alam ko na iyon ay hindi ko pa rin maiwasan ang magulat, so meron talaga?

"Fiance ho?" Umakto akong nagulat. Now I'm curious who's his fiance. Ni wala naman kasing nagagawi ditong babae o nagpapakilalang girlfriend o fiance ng magkakapatid.

Tumango siya sa akin. "Masaya ako dahil magkakaroon na nga ako ng unang anak na babae pero hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot."

"Bakit ho?"

Malungkot siyang tumingin sa akin. "Arrange marriage," simpleng sagot niya.

Tumango na lamang ako at hindi na nagtanong pa para makiusisa. Saglit kaming natahimik at inabala ang sarili sa mga halaman. Akala ko ay hanggang doon na lang ngunit muli nanaman siyang nagsalita at nagkwento.

"Matalik na kaibigan ng aming pamilya ang magulang ng babae. Sa kagustuhan ng magulang niya na mapunta sa mabuting kamay ang kanilang anak ay pumayag ito sa kasunduan, kapalit din nito ang pagsanib ng aming negosyo. Kinakailangan din kasi ang kompanya nila para magawa ng asawa kong makapag-export ng goods sa ibang bansa na matagal na rin niyang inaasam."

Mapunta sa mabuting kamay? Why? Bakit kailangan pang humantong sa ganito? Paano kung ayaw naman pala ng dalawa ang makasal? Pipilitin ba sila? I think sa case ni Caleb, may chance pa siyang magback out at base sa narinig kong usapan nila ay hindi naman pinipilit si Caleb. Its his own choice to accept the marriage, but how about the woman? 

Kaya ba hanggang ngayon ay hindi pa rin naututloy ang kasalan dahil may problema pa sa side ng babae? I'm being to curious now kung sino ang babaeng iyon. If by chance na makilala ko siya, I'll talk to her and maybe if I can be friends with her since we have the same page. If ayaw niyang magpakasal baka tulungan ko pa siyang tumakas kahit alam kong masyado akong nagiging pakielamera.

"So is it alright for Caleb po na ganoon ang maging senaryo?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin at malungkot na ngumiti. "Tinanggap ni Caleb ang responsibilidad na iyon kahit hindi naman kailangan. Alam ko din na hindi pa man kami mag-asawa ni Rick ay pinangarap na niyang lumawak ang kanyang negosyo at makilala ito hanggang ibang bansa, pero hindi na iyon natuloy ng maging kami kaya hanggang pangarap na lamang iyon ngayon naman maaari namang itong matupad kapalit naman ng pag-atang ni Caleb sa responsibilidad."

"Kinausap namin si Caleb tungkol sa bagay na ito at without hesitation pumayag siya, we asked him why? Alam mo ang sinabi niya?" 

Umiling ako.

"Sinabi niya... I want to care of her, maybe if we'll know each other, I'll learn to love her." 

Napangiti ako sa aking narinig. How can he be so sweet? Kung kagaya rin siguro ng lalaking nakalaan sa akin si Caleb ay baka pumayag na lang ako incase na hindi talaga ako makatakas. I think Caleb is someone who you will fall in love easily.

"Then the girl must be lucky," tanging komento ko.

Sumang-ayon siya sa akin. "Sana nga.."

"Zea.."

 Napalingon ako kay tita nang tawagin niya ako. "Hmm?"

"Si Zander dapat iyon..."

"Po?"

Muli siyang tumingin sa akin. "Si Zander dapat ang nakatakda sa babae," pagllilinaw niya na siyang nagpagulat sa akin.

"Si Zander? As in yung panganay niyong anak? Yung lalaking pinaglihi sa sama ng loob as in?" gulat kong tanong.

Ang malungkot na ngiti ni tita ay napalitan ng aliw ng makita marahil ang aking reaksyon. 

"Hindi ka ba makapaniwala? Kahit naman mukhang bato iyang anak ko sa panlabas ay may puso pa rin naman iyon." 

Napangiwi ako. "Sorry naman po tita, hindi lang po ako makapaniwala."

"Ayos lang ano ka ba binibiro lang kita. Since siya kasi ang panganay siya dapat ang ipapakasal pero dahil ayaw niya ay napasa iyon kay Caleb. Kung umayaw naman sana si Caleb ay may tyansang hindi rin naman matutuloy ang usapan."

Napatango-tango ako. "Eh bakit ayaw daw ni Zander?"

"Hindi pa siya handa para doon. Mas nais niya kasing ibaling ang sarili sa trabaho kaysa sa pag-atang ng responsibilidad kapag nag-asawa siya. Ayaw niya rin sigurong mawalan ng oras sa babae dahil sa pagtratrabaho niya."

Napaingos ako. Hmmp. Ang ibis sabihin niya kamo ay hindi siya marunong mag-alaga o walang ka-amor amor pag dating sa pag-ibig. Sure akong wala pa ngang na-date ang lalaking iyon. Ni crush nga ata hindi nagkaroon iyon.

Natapos na rin kami sa hardin at nagpasyahan na namin pumasok sa bahay para kumain. 

"Zea, Hija.." Saglit akong huminto sa paglalakad at tumingin kay tita Pat.

Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Kung ikaw ang nasa kalagayan ng babae at isa sa kanila ang nakatakda para pakasalan mo sino ang pipiliin mo?"

Natigilan ako sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung bakit nagawa akong tanungin ni tita tungkol dito gayong wala naman akong alam sa ganito.

Pero kung hinihingi lang niya ang opinyon ko ay wala naman sigurong masamang sumagot.

"I'll choose Caleb, tita." Simpleng sagot ko. Syempre sa mga nalaman ko sa kanya mas malaki ang tyansa ko kay Cleb kaysa kay Zander na masyadong misteryoso.

Ngumiti lamang siya at tumango-tango na tila naunawan ang aking sagot. Ngumiti na lang rin ako at muling naglakad pero muli ring natigilan ng magtama ang tingin namin ng lalaking nakatayo lang sa may pinto at mukhang may hinihintay.

Napakagat ako sa aking labi at nahihiyang umiwas ng tingin. Oh my.. Did he heard us?

"Zander, anak handa na ba ang tanghalian?" Salubong ni tita sa anak. Nauna na itong naglakad kaya nasa likod lamang nila ako.

Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa kanila lalo na sa kanya dahil sa tuwing nakikita ko ay bumabalik din sa aking isipan ang nangyaring landian sa pagitan namin. Kahit naman ganito ako ay marunong pa rin akong makaramdam ng hiya.

"Yes, nay ikaw na lang ang hinihintay."

"Naku ganoon ba? Napasarap kasi ang kwentuhan namin nitong si Zea kaya hindi na namin namalayan ang oras."

Naglakad na kami patungong dining area at nakitang kompleto na nga sila at si tita na lang ang hinihintay. Naupo na ito sa tabi ng asawa ganon din si Zander. Ako naman ay naglakad na papuntang kusina para kumuha na rin ng makakain ko.

"Zea!" Napabaling ako kay tita ng tawagin niya ako. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Po?" Hindi ko tuloy maiwasan ang mahiya dahil lahat ata sila ay nakatingin sa akin pati ang asawa niya.

"Halika na dito at dito ka na lang kumain," sabi niya.

Napanganga ako at hindi makauhap ng sasabihin kaya umiling na lang ako.

"Naku itong batang ito, huwag ka ng mahiya at halika na dito."

"Hindi na po, doon na po ako kakain." Turo ko pa sa kusina. 

"Huwag ka ng mahiya, Zea. Sumabay ka na sa amin." Napabaling pa ako kay Caleb na sumabat pa.

Lumibot pa ang tingin ko sa magkakapatid na mukhang gusto ring sumabay ako. Nahinto pa kay Zander na tanging hindi nakatingin sa akin at mukhang walang pakialam sa presenya ko. Hmmp.. kala mo naman hindi nakapaglandian sa akin.

Wala na akong nagawa kaysa pilitin nila ako ng pilitin ay baka hindi na sila makakain pa kaya naupo na lang din ako. Ang tanging pwesto na lamang ang availble ay sa tabi ni Ryder kaya doon na ako naupo. Mabuti na lamang. Ngumiti naman siya sa akin kaya ginantihan ko iyon.

Nagsimula na kaming kumain at marahil dala na rin ng gutom ay nawala na ang aking hiya. Tahimik lang din akong kumain.

"Nay, birthday nga pala ng apo ni mang Ispe si Lani," panimulang kwento ni Agusto.

Apo ni mang Ispe? I don't know that. Napaangat ako ng tingin para makiusyoso.

"Ay oo nga ano? Nalimutan ko rin. Mamaya nga at makadaan sa bayan para makabili ng regalo. Ilan taon na nga ba siya? Disye-syete?"

"Yep."

"Dalagita na pala talaga ang apo ni Mang Ispe, malapit ng mag-debut."

Nagpatuloy ako sa pagkain habang nakikinig sa kanila.

"Inaaya nga kami ni mang Ispe mamayang gabi daw simpleng salo-salo lang at inuman."

"Hay nako Agosto, umayos ka doon ah kayong dalawa ni Matias at ayokong umuwi kayong sakit sa ulo. Huwag niyo ng idamay itong si Ryder ha at baka magkaroon din ng sapak sa ulo," suway ng nanay nila.

"Luh nay naman, grabe ka naman po sa amin," sabi ni Matias.

"Anong grabe ka diyan. Subukan niyong umuwi ng may sapak at pagsisipain ko pa kayo. Doon ko kayo patulugin sa kuwadra."

"Minsan na nga lang iinom.." rinig pang bubulong-bulong ng dalawa.

"Si Zea baka gustong sumama," rinig ko sabi ni tita na nagpaangat ng aking tingin.

"Po? Hindi ko lang po alam. Nakakahiya naman po, kung pupunta ako hindi rin naman ako imbetado." tanggi ko.

"Tama, sama ka sa amin mamaya Zea," sang-ayon ni Matias.

Pasimple ko siyang tinaasan ng kilay habang siya ay ngisi-ngisi naman. Ano nanaman balak ng mokong na 'to.

"Anong tama ka diyan? Ikaw tatamaan ka sa akin kapag may ginawa kang kalokohan dito kay Zea ha. Malilintikan ka sa akin kapag may nangyari sa batang ito."

"Don't worry 'nay, nandon naman kami ni Zander para samahan si Zea," biglang sabi ni Caleb.  

"I'm not going," biglang sabat ni Zander.

"Oh? Bakit naman?" takang tanong ng nanay.

Nakita kong kumibit-balikat lang ito kaya napaingos ako. Kahit sa nanay talaga, grabe siya.

"Oh siya, kung gusto mo naman sumama Zea ay dumikit ka lang dito kay Caleb at huwag ng sumama sa tatlo at wala akong tiwala sa mga ito."

"Grabe ka nay!"

Pinandilatan sila ng nanay nila. "Reklamo pa kayo diyan?"

Biglang tiklop na lang ang dalawa. Napailing na lang ako at natawa. 

Tumingin ako kay Caleb na nakatingin din pala sa akin. Katapat ko lang din kasi siya.

"Try mo sumama, just enjoy yourself there," pangungumbinsi pa niya sa akin.

Tumango naman ako. "Nakakahiya kasi, wala rin naman akong kilala doon, kahit yung birthday celebrant nga di ko knows eh."

Natawa pa siya. "Don't worry I got you."

Sa sinabi niyang iyon ay parang nakaramdam pa ako ng kilig na tinago ko din at baka mahalata pa ako. Am I having a crush on him na ba? Siguro slight lang. Ang gentleman niya kasi e. Hayss.

Related chapters

  • Don't Fall for Me   KABANATA 17

    "Sigurado ba kayong ayos lang na sumama ako?" alinlangan kong tanong kay Caleb. Hindi ko naman kasing ugaling magpunta sa party lalo na kung hindi naman ako ininvite mismo ng celebrant. He smiled in assurance. "Don't worry, we are all invited. Kilala ka rin naman ni mang Ispe at kahit sino naman ay invited." Ngumiti na lang at tumango. We used one of their vans at sabay-sabay na nagpunta doon. Ang naiwan lang sa bahay ay ang mag-asawa at si Zander. Nakakahiya at wala rin akong dalang panregalo pero syempre hindi ko naman agad nalaman edi sana nakapaghanda rin ako. "Zander doesn't like parties dadalo lang siya kapag business ang usapan," biglang kwento ni Caleb. Napatingin ako sa kanya. "Halata naman na wala siyang hilig doon." "Yeah.." Hindi nga namin siya kasama ngayon at hindi ko rin naman siya nakita noong umalis kami. Sa loob ng van ay magkatabi kami ni Caleb habang magkakatabi ang mga isip bata sa harap. Busy pa nga ang mga ito sa

    Last Updated : 2022-01-22
  • Don't Fall for Me   KABANATA 18

    I woke up feeling like I'm floating. I can't open my eyes, too dizzy to move and my head is spinning."Am I flying?" I conciously asked."No, you're not, stupid." I heard someone talked.Nangunot ang aking noo."Hmm? Whoo ware you?"Walang nagsalita. Is that my imagination? Am I too drunk? Is someone talking to me? Why do I feel like its Zander? Zander is only the one who calls me stupid."Zander is that you?""Tsk. You're drunk"Napadilat ako bigla. "Noo!! I'm not!" biglang sigaw ko.Naramdaman kong gumewang ako. Where am I? Why am I moving?"Shiz! Woman you're so loud, bakit ka ba naninigaw sa tenga ko pa talaga." Rinig kong reklamo niya.Pinilit kong idilat ang aking mata. "Layo-layo ko sa'yo ah!""I'm carrying you, idiot""Idiot! Idiot your face! Sinong idiot? Sino?!" Sa inis ko ay pinaghahampas ko siya.Bahala siya kung saan siya tatamaan."Aray! S-stop! Sh-t mas

    Last Updated : 2022-02-07
  • Don't Fall for Me   KABANATA 19

    Nagising ako na parang minamartilyo ang aking ulo. Sapo ang ulo na bumangon ako at papikit-pikit pa ang mata na tumingin sa bintana kung saan ang araw ay nagsisimula nang lumabas. "Where am I?" tanong ko sa aking sarili. Pamilyar ang paligid ngunit mukhang wala pa sa wisyo ang aking utak at hindi ko maisip kung saan ko nga ba ito nakita. Habang nag-iisip ay bumaba na ako ng kama at dumeretso sa banyo para maghilamos nang magising na ng tuluyan ang aking diwa. Napaisip ako kung anong nangyari kagabi. Mukhang napasobra kami ng inom kagabi. Wala akong masyadong maaala dala marahil ng sobrang pagkalasing ngunit ang huli ko lang naaalala ay noong magkakasama pa kaming nag-iinom ng mga mokong, pagkatapos noon ay hindi ko na maalala. Hindi ko rin maalala kung paano ba kami nakauwi at paanong napunta ako sa lugar na ito. Nang matapos mag hilamos at magmumog ay lumabas na ako at muling nilibot ang paligid. Where did I saw this place? Habang nag-iisip ay biglang pumasok sa aking isipan i

    Last Updated : 2022-06-25
  • Don't Fall for Me   GOOD NEWS!!!

    Hi po! Sorrry po talaga at matagal akong nawala. Tinapos ko lang ho talaga yung una kong story dahil may deadline po iyon at natapos ko na po so Focus na po ako na bilisan UPDATES dito. Please much appreciated if mag comment po kayo para lalo pa po akong ganahan.. Tapusin ko na po ito bago mag pasukan at baka sisihin niyo nanaman po akong wala nanamang update. Sana at maintindihan niyo rin po na student po ako at third year nursing student, kaya palagi po akong super busy at walang time mag update. Pero I take this time since vacation po namin to finish it as soon as possible dahil priority ko rin po kayong mga readers ko so sana support lang po ❤️❤️ THANK YOUUU!!UPDATE PO TAYO BUKAS SO ABANG-ABANG LANG!! LAB YAH VIXIES!! ❤️❤️DON'T FORGET TO FOLLOW ME AND SHARE PARA SA TULOY TULOY NA UPDATE! 😘

    Last Updated : 2022-07-15
  • Don't Fall for Me   KABANATA 20

    I just finished cleaning at the backyard, and as usual palaging tanghali ako natatapos. Ang hilig kasing maglagas ng mga puno. Kung pwede lang kalbuhin para hindi na ako mapagod, but I love nature so nevermind. Pumasok na ako ng hacienda upang kumain ng pananghalian. Naabutan ko pa sila Jenna na kumakain din sa kusina. Kumakain din ang pamilya, kasabayan nila. Dito ako sa likod dumaan para hindi nila ako makita, panigurado kasing aalukin nanaman ako ni Tita Pat sa hapagkainan. Masyado naman nakakahiya lalo na't nandito sila Jenna. Umiiwas din ako sa chismis. Buti nga mababait itong mga kasama ko. "Zea! Narito ka na, halika at sumalo ka na," aya ni Jenna sa akin pagkita niya sa akin. "Masyado mo namang sinisipagan, Zea. Pahinga-hinga rin 'pag may time," biro sa kanya ni Miya. Napailing naman siya at naupo sa isang stool chair. Nakakatuwa lang at palagi nila akong pinaghahandaan ng plato at kutsara. Talagang palagi nila akong inaalala. Nagsalok na rin ako ng kanin at ulam na tinolan

    Last Updated : 2022-07-15
  • Don't Fall for Me   KABANATA 21

    I was busy getting the grocery out of the car. Nauna na kasi si Caleb na pumasok para bitbitin ang iba. Marami rin kasi kaming napamili. "Ineng, kami ng bahala rito at kaya naman naming buhatin ang mga ito," aniya ni Mang Ispe. Mayroon kasing tatlong lalaki kasama si Mang Ispe, ang tumutulong upang buhatin ang mga napamili namin. Mga trabahador din dito, si Julio, Kristo at si Japet, na isa sa mga anak din ni Mang Ispe. "Oo nga, Zea. Hayaan mo na kaming mga kargador ang magbuhat, baka pagod ka na din," kumbinsi din sa kanya ni Japet. Sa tagal ko rin sa lugar na ito ay marami rin akong nakilala at nakasalamuha. Gaya ni Japet, na mabilis ko din nakapalagayan dahil sa mabait siya, kasama ng tropa niya. We are almost the same age. "Nah. Okay na rin na tulong ako para mapabilis sa pagbubuhat." Kinuha ko ang huling dalawang plastic at pinakita sa kanila. "See? Iiwan niyo pa sa sasakyan itong dalawa, edi buhatin ko na para tapos na, so halika na at mabibigat din ang mga bitbit niyo." Su

    Last Updated : 2022-07-17
  • Don't Fall for Me   KABANATA 22

    Napansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay mas lalong sumungit si Zander. Matagal naman na siyang masungit, or palaging walang emesyon kung magsalita, pero iba ngayon. What's worse in here, he's always glaring at me, everytime our eyes met. What the hell did I do? Noong minsan na nag-abot ako ng kape dahil inutusan niya akong magtimpla. He didn't drink it, he didn't even look at it, tapos ang mas nakakainis pa bago pa man ako lumabas ng office room niya, inutusan niya ulit akong magtimpla ng kape, so I confront him. "Bakit kailangan ko pang magtimpla ulit kung pwede ko naman initin na lang ito?" "I want a new one," he just said without even looking at me. How can he tell it's already cold when he didn't even touch it? To save my sanity, I just made a new one which also got rejected. He did it many times and it makes me want to throw it on his face. Hindi lang iyon ang pinaggawa niya, dinamay pa niya sila Japet. Pati pananamit nila pinupuna, pinagsusuot ng damit kapag n****

    Last Updated : 2022-07-20
  • Don't Fall for Me   KABANATA 23

    Zander's POV I have no idea why I've been acting so childish lately, but whenever I think about her smiling at my brother Caleb, especially after receiving that d*mn chocolate, I want to rip that smile right off. Another this is, why she does she needs to see men's bodies. What makes Japet's body so great? What's there to admire when I have a figure that's even better than his? Not because I'm envious. Simply put, I detest her and everything she does. Binaling ko sa kanya ang inis ko, I made her do too much things. I even asked her to make me coffee, pero wala naman talaga akong balak inumin iyon. I just like to see her getting irritated. Then I made her do some paper works which can be done by my secretary. Hindi naman talaga kailangan iyon, but I just want to. I don't care if she has to left her other works. When she suddenly called me by my nickname, Zan. I was shocked. I can't believe I will be able to hear it again after so many years. I didn't mean to shout out her, nagula

    Last Updated : 2022-07-24

Latest chapter

  • Don't Fall for Me   KABANATA 30

    As we left the kuwadra and headed towards the racing track, I already saw Rubecca frowning while looking at us. Then I thought of something to irritate her, sumandal ako kay Zander and I made sure na kita niya iyon. I smirked when she looked at me angrily. Nang makalapit kami ay mas lalo ko pa siyang inasar."Zan, I'm scared. Please hawakan mo ko ng maigi baka mahulog ako," pag-arte ko sabay hawak sa kamay ni Zander para ipakapit sa bewang ko. Mas lalo pang lumawak ang ngisi ko ng sundin naman ako ni Zander. His hand was almost hugging my whole waist, sa laki ba naman kasi ng braso niya.Nang tumingin akong muli sa babae ay wala na akong makitang kahit anong emosyon sa kanyang mukha. "Let's start," biglang sabi ni Rubecca at tumalikod na sa amin.I kept my smile and act nothing happened but, in the back of my mind, I'm celebrating. I wonSa pag-uumpisa ng race ay agad na dumaloy ang kaba sa aking dibdib. Kahit alam kong kasama ko si Zander ay parang hindi ko ata kaya kapag mabilis na

  • Don't Fall for Me   KABANATA 29

    After the confession that happened that night, nothing seems to have changed in our relationship with Zander. Hindi ko tuloy maiwasan ang magtampo dahil parang nilipad lang ng hangin ang mga sinabi niya na parang naging panaginip nga lang ang lahat. Paano ba naman ay tuwing magkasama kami ay palagi lang siyang pormal, walang nagbago sa pagtrato niya sa akin bukod sa hindi na niya ako inaasar o iniunsulto. Ni wala man lang siyang ginagawang 'the moves' para lang mag-improve ang relationship namin. Idagdag mo pa na mas lalo siyang na-busy sa negosyo nila dahil sa araw ng anihan ngayon kaya halos hindi na rin kami nagkikitang dalawa. I think about many things. I am not used to this kind of treatment. I'm used to always being given attention. Men always approach me just to pay attention, kaya naman sa isiping nababaliwala ako lalo na ng taong gusto ko at unang beses kong binigyan ng atensyon ay hindi ko matanggap. I cannot tolerate this, hindi ako papayag na ganito na lang ang palagi nam

  • Don't Fall for Me   KABANATA 28

    "What are you two doing?" Natigilan kami sa pag-uusap ni Caleb at napabaling kay Zander na nasa may sliding door kung saan palabas ng backyard. Seryoso ang mukha niya, wala ng bago, ngunit pansin ko ang matalim niyang tingin sa amin, lalo na sa akin. Napangiwi ako. Inaano ko ba siya? Umiwas ako ng tingin at hindi nagsalita, bagkus ay pinanlakihan ko ng mata si Caleb para siya ang sumagot. He grinned and looked at Zander. "We we're just talking," sagot ni Caleb. Nahinto na rin sa pagduyan sa akin si Caleb at tumayo sa aking gilid. "Why are you outside?" Hinintay kong sumagot si Caleb. Binaling ko pa ang aking atensyon sa pagduyan sa aking sarili. "I saw her here alone, hindi pa pala kasi siya kumakain kaya aayain ko sana, since we're finished eating." "Zea." I flinched when I heard him saying my name. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya ako sa aking pangalan. Parang bilang nga lang noong pagtawag niya sa akin ng pangalan. Nakasimangot na nagangat ako ng

  • Don't Fall for Me   KABANATA 27

    I can't believe na hahantong lang ito sa ganito matapos ng nangyari sa amin. How can he ignore me? How can he act like nothing happened? It's been Five days! Yup! It's been freaking Five days since we had s*x and after that, limang araw na rin niya akong hindi pinapansin. I shouldn't be mad, I shouldn't feel this frustration, but heck! Parang tinapakan ang ego ko, na parang wala lang sa kanya ang nangyari sa amin. It was just part of the deal, but a part of me feel like its not just that. I maybe once called a flirt or a playgirl, but I never let them touch me. I was able to preserve my virginity at this age, then just because of a deal, I lost it to him. Isang bagay lang ang dahilan why I let him have me, I just realized that I like him. Now, just seeing him smiling at other women, makes my heart ache out of jealousy. Ni never nga siyang ngumiti sa akin tapos dahil lang sa babaeng iyan. The woman I'm talking about is Rubecca, a childhood friend of the boys. She is here since Fou

  • Don't Fall for Me   KABANATA 26

    Third Pov Sa pagmulat ni Zea ng kanyang mata ay bumungad sa kanyang ang maaliwalas na paligid. Napatingin siya sa may bintana at nakitang pasikat na ang araw. Tumingin siya sa wall clock at nakitang bandang ala-sais na ng umaga. Napatingin siya sa ilalim ng kumot at nakitang wala siyang suot na kahit ano. Napabangon siya nang may naamoy siyang mabango. She looked at the kitchen and saw Zander busy cooking. Napatingin siya sa suot nito. Wala itong pang-itaas at tanging apron na black lamang ang suot ng lalaki. Kitang-kita tuloy niya ang yummy nitong likod. Napangisi siya. What a sight... Nais niya sanang lumapit sa lalaki kaya lang pag-angat pa lamang niya ay ramdam na niya ang kirot ng nasa pagitan ng kanyang hita. Napadaing siya dahil doon. "Zea?" Napatingin siya kay Zander, na naglalakad na palapit sa kanya. Marahil ay narinig siya noong napadaing siya. "Something's wrong?" "Sh*t! Masakit Zan!" bigla niyang naalala ang nangyari noong tinawag niya itong 'Zan' kaya agad niya iyon

  • Don't Fall for Me   KABANATA 25

    Parang umurong lahat ata ng tapang ko. Bakit kasi pinairal ko pa ang pride ko? I may be a playgirl or sometimes a flirt, I'm used of wearing bikini too, marami pa ngang tao ang nakakakita, pero bakit ngayong isa na lang, nahihiya pa akong maghubad? Napalunok ako. Sino ba naman ang hindi kakabahan. In the private sanctuary where we are right now, there are no other people other than us. He's sitting right in front of me, looking like a predator waiting for its prey. Dito kasi agad kami dumeretso pagkatapos kumain. Mukhang sineryoso ng lalaki ang sinabi ko. "You're so confident earlier, don't tell me you're just lying?" he said mocking her. Nahihiya akong umiwas ng tingin. "Am I not, it's just..." nag-alangan ako sa aking sasabihin. "You can back out, I'm not forcing you to do it." Bakit parang iba ata ang pagkakaintindi ko? Paghuhubad lang naman ang gagawin namin. Napasinghap ako at nanlalaki ang matang tumingin kay Zander. Don't tell me, he's expecting that something will happ

  • Don't Fall for Me   KABANATA 24

    The last thing I can remember happening after I woke up was Tita Pat getting into an accident as a result of my carelessness, but I can't seem to recall anything else. Bakit wala akong maalala? It's not even clear to me how or why I passed out, but Doc Alazne, I met her when I woke up and just said it was because of stress, and she advice me to relax. Am I really that stressed? So I did, but... "Bakit kailangan mo pang sumama?" I looked at Zander. Yes, you heard it right. Matapos ang nangyari, binigyan ako ni Tita Pat ng Day off or rest day. We talked about what happened, I apologized, and I'm happy that she was not mad at me, she was even more concerned about me. How lucky they are to have a mother like her. "Pick what you like," Zander said. Nagtatakang tumingin ako sa kanya. "Then what? Ako magbabayad?" "I'll pay for it, don't worry." "Ooohh... Why so bait?" Biro ko pa habang siniko-siko siya. "Ako rin kuya?" singit ng kung sino sabay akbay pa sa akin. Agad ko naman s

  • Don't Fall for Me   KABANATA 23

    Zander's POV I have no idea why I've been acting so childish lately, but whenever I think about her smiling at my brother Caleb, especially after receiving that d*mn chocolate, I want to rip that smile right off. Another this is, why she does she needs to see men's bodies. What makes Japet's body so great? What's there to admire when I have a figure that's even better than his? Not because I'm envious. Simply put, I detest her and everything she does. Binaling ko sa kanya ang inis ko, I made her do too much things. I even asked her to make me coffee, pero wala naman talaga akong balak inumin iyon. I just like to see her getting irritated. Then I made her do some paper works which can be done by my secretary. Hindi naman talaga kailangan iyon, but I just want to. I don't care if she has to left her other works. When she suddenly called me by my nickname, Zan. I was shocked. I can't believe I will be able to hear it again after so many years. I didn't mean to shout out her, nagula

  • Don't Fall for Me   KABANATA 22

    Napansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay mas lalong sumungit si Zander. Matagal naman na siyang masungit, or palaging walang emesyon kung magsalita, pero iba ngayon. What's worse in here, he's always glaring at me, everytime our eyes met. What the hell did I do? Noong minsan na nag-abot ako ng kape dahil inutusan niya akong magtimpla. He didn't drink it, he didn't even look at it, tapos ang mas nakakainis pa bago pa man ako lumabas ng office room niya, inutusan niya ulit akong magtimpla ng kape, so I confront him. "Bakit kailangan ko pang magtimpla ulit kung pwede ko naman initin na lang ito?" "I want a new one," he just said without even looking at me. How can he tell it's already cold when he didn't even touch it? To save my sanity, I just made a new one which also got rejected. He did it many times and it makes me want to throw it on his face. Hindi lang iyon ang pinaggawa niya, dinamay pa niya sila Japet. Pati pananamit nila pinupuna, pinagsusuot ng damit kapag n****

DMCA.com Protection Status