Simula ng makausap ko si Zara ay naghanap ako ng paraan para makausap ito. Bumili na ako ng mumurahing cellphone na magagamit ko para matawagan siya.
"Tumigil na ang lolo mo sa paghahanap sa iyo," ani ng nasa kabilang linya.
I'm talking to Zara on the phone and she's updating me on a news about my grandfather's movement.
"We are still not sure kung tumigil na ba talaga siya. Kahit tumigil pa siya ay wala na akong balak bumalik doon, all I need is to take my inheritance then I'll be off the country," sabi ko.
"Are you really sure with your decision? You know, si lolo mo na lang natitira mong pamilya. Paano kung hindi niya ibigay ang mana niya sa iyo?"
"I'm sure of this, Zara. Besides what family? Kahit kailan naman ay hindi ako itinuring ni lolo na pamilya niya. He hates my parents. He is the reason why my parents died so what's the reason to stay with him? And he has no rights to my inheritance, he may have the power but he can't defy the law."
"Then you know what's written in the last and will testament right?" tanong niya.
Umiling ako kahit hindi naman niya nakikita. "No, that's what I'm frustrated about. Up until now, hindi ko pa rin alam kung ano ang laman ng last and will testament ng parents ko. The family lawyer is still not showing up, kaya hindi ko alam kung kailan ko ba makukuha ang mana ko."
I'm sure, may kinalaman nanaman si lolo dito. Maybe may ginawa nanaman siya para lang harangan iyon at para hindi ko makuha ang mana ko.
"You grandfather might know it or he has something to do with the will."
"That's what I'm thinking about," sang-ayon ko.
"Then--"
"Who are you talking with?"
Mabilis na pinatay ko ang tawag at tarantang humarap sa taong nagsalita.
Kinabahan ako ng makitang si Zander iyon at kunot ang noong nakatingin sa akin.
Did he hear our conversation?
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama sa aking silid at hinarap siya. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan at nakahalukupkip.
"Wala," sagot ko habang pilit na tinatago ang kaba.
Bumaba ang tingin niya sa cellphone ko kaya napahigpit ang kapit ko doon at tinago sa aking likod.
"I just heard you talking to someone so paanong wala? Are you crazy talking to yourself?"
Napasimangot ako.
"Ano naman sa'yo kung may kausap ako sa cellphone? Bakit masama bang tawagan ang kaibigan ko?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Then why are you acting so weird?"
"Anong weird pinagsasabi mo diyan?"
Umalis siya sa pagkakasandal sa pintuan at lumapit sa akin. Taranta naman akong lumayo ngunit nasa dulo na ako ng kama kaya wala na akong maaatrasan pa.
Bahagya akong mapatingala ng tuluyan siyang makalapit sa akin.
"Bakit ba? Lumayo ka nga," reklamo ko habang pilit na nilalayo ang sarili.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali sa tuwing lumalapit siya sa akin.
"Why? Is my presence bothering you?" he asked.
My forehead creased. "Syempre sinong hindi mapapakali kung bigla ng lang lalapit ng halos unti na lang iyong distansya. Pwede naman tayong mag-usap ng malayo."
Napapikit ako ng ilahad niya ang kanyang kamay at sinandal sa pader na nasa likod ko kaya parang kino-corner na niya ako.
"Are you hiding something?"
Napamulat ako at nagtama ang aming tingin. I looked straight to his eyes.
"At ano namang itatago ko?" tanong ko. Tinatapat ang kanyang tingin at hindi sa kanya nagpatalo sa kabila ng distansya namin.
Ganun din naman siya kaya nanatili ang lapit namin sa isa't isa.
"There's something on you that feels weird."
"Ano namang weird sa akin?"
Naningkit ang kanyang mata. Walang salita and namutawi sa kanyang bibig at mukhang nasa malalim na iniisip kaya muli akong nagsalita.
"Alam mo, hindi ko talaga alam kung anong problema mo sa akin. Bakit ba bigla-bigla ka na lang kasing pumapasok sa kuwarto ko? At isa pa, wala ka rin namang pakialam kung may tinatago ako kasi every person has a secret naman di ba? So?"
Ilang segundo kaming muling nagtitigan bago siya tuluyang lumayo sa akin.
Namulsa siya at pumormal ng tayo. "Oras ng trabaho, huwag kang tatamad-tamad," sabi niya sabay alis ng kuwarto ko.
Napatanga na lang ako sa kanya. Nagngingitngit ako sa inis na hinampas ang unan.
Sinong tamad? Hindi nga niya ako nakitang nagtratrabaho, halos lahat na ata ng gawain ginawa ko na tapos naabutan lang akong nakaupo tamad na? Ano, hindi pwedeng magpahinga?
"Psh." Tumayo na ako at saka lumabas na ng kuwarto baka mamaya masabihan nanaman ako ng kung ano.
Pagkalabas ko ng mismong bahay ay naabutan ko ang magkakapatid sa bakuran at mukhang walang mga trabaho ang mga loko.
Hindi ko alam kung bukod sa negosyo ng magulang nila ay may mga sarili pa silang negosyo. Hindi rin naman kasi ako nagkainteres na tanungin about sa kanila.
Muli ay naabutan ko nanaman ang mga katulong na halos nakumpol-kumpol na malapit sa bintana at pasimpleng sumisilip sa magkakapatid habang naglilinis at dahil hindi nila ako napapansin ay dahan-dahan akong naglakad patungong bintana at saka sila ginulat.
"Wahh!!" Natawa ako ng makita ang nanlalaki nilang mata at gulat na gulat na tumingin sa akin.
"Anong sinisilip niyo diyan? Halos mamuti na iyong mga nililinis niyo dahil sa paulit-ulit niyong punas diyan," natatawang sabi ko.
Mukhang hindi pa sila nakarecover at mas lalo pang napanganga ng malipat ang kanilang tingin na nasa aking likuran.
Hindi na ako nagbalak pang humarap dahil alam ko naman kung sino ang tinitignan nila.
"Hi girls!" bati ni kolokoy. Yeah, I have a lot of nicknames na kay, Matias.
Halos mapairap na ako sa reaksyon nila Jenna. Hindi na nakabati ang mga ito pabalik at natulala na lang sa lalaki.
Inakbayan niya ako na mabilis kong siniko kaya napahiwalay din siya sa akin.
"Ouch!" angil niya.
Inirapan ko siya. "Psh. Arte neto pwede ba umalis ka na lang? Kita mong nagtratrabaho kami dito."
"Kahit kailan talaga napakasungit mo, matapos kitang ilibre ng chicken wings."
Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Hinarap ko siya at nagsalita. "Aba anong ilibre? Dapat lang ano, binili sa akin iyon ni Zander tapos kakainin mo lang lahat? Bayad mo sa akin iyon."
"Bigay naman ni kuya iyon."
"Na binigay sa akin. Sa akin na at wala ng iba," sabi ko sabay baling kila Jenna na nakatanga sa amin at palipat-lipat lamang ang tingin.
Doon ko lang napagtanto ang pinagusapan namin. Napasapo ako sa aking noo. Mukhang magiging laman ako ng tsismis neto.
Pasimple ko na pang na sinipa si Matias. "Umalis ka na," bulong ko.
"Bakit?" nagtataka niyang tanong.
Pinandilatan ko siya at muling sinipa. Napasimangot naman siya at bubulong-bulong na umalis.
Parang bata talaga.
Alanganin akong humarap kila Jenna.
"Sana all nililibre, how to be you po ate Zea," react niya.
Napabuga na lang ako ng hangin. "Hay naku! Wala iyon! Sige na at maglilinis na din ako," sabi ko sabay alis.
Naglakad ako patungo sa kabilang direksyon ng bahay para tumakas ngunit mukhang makakatakas nga ako sa tsismis pero hindi sa masungit na mayordoma.
As usual, she's always glaring at me. Akmang lalagpasan ko siya ng patigilin niya ako.
Bagot na humarap ako sa kanya.
"Saan ka pupunta?" masungit na tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at tinuro lamang ang kabilang bakuran.
"At anong gagawin mo diyan maglilinis?"
Tumango ako.
"Wala ka ng malilinis diyan dahil nilinis na nila Mia iyan," aniya.
"So anong lilinis ko?"
"Malinis na ang buong parte ng bahay pati bakuran ay malinis na ngunit hindi ang isa," bitin niya sabay tingin sa taas.
Napatingin din ako sa tinignan niya at napagtanto kung anong nais niya ipalinis sa akin.
"No way!" agad kong tanggi.
She smirked, an evil one. "Hindi mo kaya? Sinasabi ko na nga bang wala ka namang silbi dito."
Nagigting ang aking panga sa inis. Pinigil ko ang sariling magalit.
"Kaya kong gawin lahat ng nais mong ipagawa pero inaasahan mo akong maglinis ng bubong? At saka bakit ako? Dati naman sila manong Ispe ang naglilinis diyan, minsan sila Jenna pa nga."
Dahil nga napapalibutan ng mga puno ang bahay ay kinakailangan din na linisin ang bubong dahil naiipon doon ang mga tuyong dahon at minsan ay mga tangkay pa nga na maaaring bumara sa daluyan ng tubig kapag tuwing umuulan.
"Wala sila manong Ispe ngayon at maraming ginagawa. Ilang linggo na ring hindi nalilinis ang bubong kaya kinakailangan ng linisin. Si Jenna ay may iba ring ginagawa at ngayon na wala kang ginagawa. Ikaw lang ang mauutusan ko dito, huwag mo sabihin hindi mo kaya? Bakit naduduwag ka?" bakas ang boses sa pangiinsulto niya na sumapul sa akin.
My ego kick in. I'm scared of heights pero hindi ko naman makakaya na insultuhin niya ako.
"Fine," sagot ko sabay nilagpasan na siya.
Hinanda ko na ang mga kakailanganin at umakyat na hagdan na nakadisensyo talaga upang makaakyat patungong bubong.
Abot ang aking kaba habang umaakyat sa itaas. Hindi ko na nga tinangkang tumingin sa baba sa takot na mahilo ako at mahulog.
Medyo nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na akong makaapak sa bubong nakadapa lamang ako at hindi magawang tumayo.
Gamit ang walis ay dahan-dahan kong winalis ito hanggang makarating sa dulo kung saan maaari kong ihulog ang mga dahon at matitipon naman sa pinakababa.
Lumipas ang ilang minuto na paunti-unti kong natitipon ang kalat. Tagaktak na rin ang pawis ko sa kaba at init kahit makulimlim naman.
Nang makarating sa dulo ay kinailangan kong lumapit dahil hindi ko maabot ang butas. Nakatihaya na ako at bahagyang nakaupo at dahan-dahang lumapit sa butas. Winalis ko ang mga dahon.
Nang matapos ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi na ako nagtagal pa at maingat na gumapang patungong hagdan. Hawak ang walis ay sinimulan ko na ang humakbang sa hagdan.
Gawa ito sa bakal at medyo nangangalawang na kaya nakakatakot tumapak lalo na kapag tatapak ay tumutunog.
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng muli akong makarinig ng crack ng bakal ngunit kung kanina ay mahina ito ngayon ay kakaiba na parang masisira.
Isang malakas na tili ang aking pinakawalan ng masira ang tinutungtungan kong bakal na hagdan at tanging nakasabit na mga kamay ko ang nakakapit. Nabitawan ko na rin ang hawak kong walis.
Napakabilis ng kabog ng aking puso na parang lalabas ito sa aking dibdib. Nanginginig na rin ako sa takot na muling mahulog.
Ang totoo ay abot naman ng aking paa ang sumunod na baitang ngunit sa isiping muli akong mahuhulog ay hindi ko na magawang gumalaw.
"Zea!"
"Jusko po! Zea!"
"Hey, miss tiger! Nag-aala spider-- Ouch! Kuya naman!"
I can hear them pero hindi ko sila magawang lingunin.
"Help!" sigaw ko.
"Tumapak ka sa baitang!" rinig kong sabi ng kung sino.
"I can't--Oh my god! Please help me!" pagmamakaawa ko.
"You can reach the bar! Itapak mo ang paa mo doon!"
"No-No! I don't wanna move, baka masira! Ayaw kong mahulog please someone get me here p-please!" Pumiyok na ang aking boses. Dala ng sobrang takot ay napaluha na ako.
This is the reason why I don't want to go to a higher place.
"Okay! Don't move Zea, calm down! Pupuntahan ka namin diyan."
Naramdaman kong umuga ang hagdan kaya muli akong napatili.
"No! Huwag kayong umakyat sa hagdan! It's shaking! Don't shake it! Don't move it, please! Please get me a chopper I don't want to move, I don't wanna die," I hysterically uttered.
"Okay hindi na namin gagalawin. We'll go to the room near you."
Napatingin ako sa kuwartong malapit sa akin na may bintana. Malapit nga lang ito sa akin na halos abot kamay ko lamang.
Naghintay ako at napapikit pilit na kinakalma ang sarili. Pagkaraan ng ilang segundo ay narinig kong bumukas na ang bintana. Napadilat ako at tumingin doon.
Doon ay nakita ko si Zander na nakaabang sa akin. Sa puntong iyon ay ang seryoso at madalas na malamig nitong tingin ay napalitan ng ibang emosyon. Hindi ko alam kung pag-aalala ba iyon o takot para sa akin.
"Z-zander," tawag ko na halos bulong na lamang.
Inilahad niya ang kanyang kamay. "Here, abutin mo ang kamay ko."
Takot na umiling ako. "I-I'm scared to move," pag-amin ko.
"Come on, you can do it. You have to do it."
Muli akong umiling.
"Mahuhulog ako," biglang dumulas ang aking hawak dahilan para mataranta ako.
"Oh my god! Oh no!" Napakapit ang aking paa sa hagdan na halos niyakap ko na hindi lamang ako malaglag. Muli nanamang rumagasa ang luha sa aking mata.
"I wanna go down Zander, please I don't want to be here," pagmamakaawa ko na.
Sa aking nanlalabong paningin ay muli niyang nilahad ang kanyang kamay. Dahil halos magkadikit lang ang hagdan at bintana ay nahawakan niya ako.
"Come on, hindi kita hahayaang mahulog," pangungumbinsi niya. Hinawakan niya pa ang aking kamay.
It makes me calm down a bit.
"Come on, kung hindi ka kikilos ay lalo kang hindi makakaalis diyan at mahulog pa," sabi niya na kinatakot ko lalo.
"Z-zander!"
"Don't worry Zea, I'll catch you okay? I won't let you fall," sabi niya.
Kahit nanlalabo ang paningin ay tinignan ko ang kanyang mata. Bakas ang kaseryosohan sa mata niya sa kanyang sinabi at siguradong maliligtas nga ako.
Huminga ako ng malalin at pumikit, pilit na kinalma ang sarili.
Sa muli kong pagdilat ay muling nagtama ang aming tingin. Sa kanyang tingin na parang nagbibigay sa akin ng kasiguraduhan at lakas.
Tumango ako upang ipahiwatig na handa na ako.
"First gently put your feet on the bar stair."
Kahit nag-aalinlangan ay sinunod ko ang sinabi niya. Hindi ito nagcrack kaya medyo hindi ako natakot.
Nang magawa ko ng makatayo at maalalayan ang sarili ay inalalayan niya ako sa aking kamay.
"Lumapit ka ng unti sa akin, kailangan kitang mahawakan sa katawan. You have to push yourself towards me so I can carry you."
Hindi ko naiwasang mapatingin sa baba kaya muling bumalik ang takot sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa hagdan.
"Look at me Zea," sabi niya ngunit umiling ako at pumikit.
"Don't be scared, honey. Come on, look at me," he said with so much gentleness.
Muli tuloy akong dumilat at tumingin nga sa kanya.
"That's right, just look at my eyes."
Inalalayan na niya akong lumapit sa kanya samantalang para akong nahahalina sa kanya mga mata. Ni hindi ko namalayan na nabihat na niya ako at parehas kaming bumagsak sa sahig.
Napatulala ako ng ilang segundo at ng magsink in na nasa loob na ako ng silid ay muli nanamang bumigay ang aking damdamin.
I started to cry and hug him. Nakasubsob ako sa kanyang dibdib. Naramdaman ko na lang din ang mga brasong niyang pumalibot sa akin.
I just cry while being in his arm.
Hello po! Sobrang saya ko po sa patuloy na pagdami ng mga nagbabasa at nag-aadd ng story ko sa kanilang library. Sana patuloy pa rin kayo sa pagbasa kahit po dumalang ang update ko dahil na rin sa nalalapit na pasko at maraming sched na damit gawin. Gusto ko mang magdaily update pero mukhang lutang nanaman ako at nahihirapan magisip ng scene pero will still do my best. Then nabusy lang ho sa school kaya sana maintindihan niyo. Malapit na rin ang christmas kaya Advance Merry Christmas đ Will do my best na mag-update pa at matapos bago mag new year! Thank you!
"Are you really born stupid?" Napaangat ang aking tingin. Sumisinok pa ako at patuloy sa pag-iyak. "I'm already scared yet still calling me stupid, you're so rude." "Because that's you," he said. "I know, I'm not really stupid. You kept saying it but I know you don't mean it," sagot ko. Ilang segundo kaming nagtitigan bago siya umiwas ng tingin. "Baka gusto mong tumayo, mukha ba akong kama." Napanguso ako. Natigil na ang aking iyak ngunit hindi ang aking pagsinok. Simula kasi nang hilain niya ako at parehas kaming natumba ay hindi pa kami tumatayo. Hinayaan niya akong umiyak sa ibabaw niya. Ni hindi niya ako tinulak so I assume that it's okay. Imbes na umalis ay pinatong ko pa ang aking baba sa kanyang d****b. Halatang natigilan siya at bahagyang nanigas ang katawan dahil sa ginawa ko kaya bigla akong napaisip ng kalokohan. Nakalimutan ko na kung ano ang nangyari kanina. "Mukhang pwede naman, ang komportable ko ng
Nalaman nila tita Pat ang nangyari kahapon kaya hindi nito naiwasan ang mag-alala at pagsabihan ang mayordoma. Hindi ko man narinig ang kanilang usapan pero mukhang hindi naman nagalit si tita sa matanda."Pasensiya ka na talaga kay nanay, tumatanda na kasi kaya madalas ng magsungit at palaging mainit ang ulo," hinging pasensiya sa akin ni tita Pat. Narito kami ngayon sa garden niya at tinutulungan ko ulit siyang magtanim.Kung alam lang ni tita, mainit talaga ang dugo niya sa akin pagtapak ko pa lang sa lugar na 'to.Ngumiti naman ako at umiling. "Wala naman hong kaso sa akin iyon, trabaho ko rin namang sundin ang utos niya.""Pwede ka naman tumanggi lalo na kung hindi mo kaya, hindi ko alam kung anong naisipan ni nanay at inutos pa niya iyon sa'yo," iling niyang tinuran."Wala daw kasing ibang mauutusan kaya daw po ako na lang daw.""Hay nako marami namang araw para linisan ang bubong, maaari namang hintayin sila mang Ispe o kung wal
"Sigurado ba kayong ayos lang na sumama ako?" alinlangan kong tanong kay Caleb. Hindi ko naman kasing ugaling magpunta sa party lalo na kung hindi naman ako ininvite mismo ng celebrant. He smiled in assurance. "Don't worry, we are all invited. Kilala ka rin naman ni mang Ispe at kahit sino naman ay invited." Ngumiti na lang at tumango. We used one of their vans at sabay-sabay na nagpunta doon. Ang naiwan lang sa bahay ay ang mag-asawa at si Zander. Nakakahiya at wala rin akong dalang panregalo pero syempre hindi ko naman agad nalaman edi sana nakapaghanda rin ako. "Zander doesn't like parties dadalo lang siya kapag business ang usapan," biglang kwento ni Caleb. Napatingin ako sa kanya. "Halata naman na wala siyang hilig doon." "Yeah.." Hindi nga namin siya kasama ngayon at hindi ko rin naman siya nakita noong umalis kami. Sa loob ng van ay magkatabi kami ni Caleb habang magkakatabi ang mga isip bata sa harap. Busy pa nga ang mga ito sa
I woke up feeling like I'm floating. I can't open my eyes, too dizzy to move and my head is spinning."Am I flying?" I conciously asked."No, you're not, stupid." I heard someone talked.Nangunot ang aking noo."Hmm? Whoo ware you?"Walang nagsalita. Is that my imagination? Am I too drunk? Is someone talking to me? Why do I feel like its Zander? Zander is only the one who calls me stupid."Zander is that you?""Tsk. You're drunk"Napadilat ako bigla. "Noo!! I'm not!" biglang sigaw ko.Naramdaman kong gumewang ako. Where am I? Why am I moving?"Shiz! Woman you're so loud, bakit ka ba naninigaw sa tenga ko pa talaga." Rinig kong reklamo niya.Pinilit kong idilat ang aking mata. "Layo-layo ko sa'yo ah!""I'm carrying you, idiot""Idiot! Idiot your face! Sinong idiot? Sino?!" Sa inis ko ay pinaghahampas ko siya.Bahala siya kung saan siya tatamaan."Aray! S-stop! Sh-t mas
Nagising ako na parang minamartilyo ang aking ulo. Sapo ang ulo na bumangon ako at papikit-pikit pa ang mata na tumingin sa bintana kung saan ang araw ay nagsisimula nang lumabas. "Where am I?" tanong ko sa aking sarili. Pamilyar ang paligid ngunit mukhang wala pa sa wisyo ang aking utak at hindi ko maisip kung saan ko nga ba ito nakita. Habang nag-iisip ay bumaba na ako ng kama at dumeretso sa banyo para maghilamos nang magising na ng tuluyan ang aking diwa. Napaisip ako kung anong nangyari kagabi. Mukhang napasobra kami ng inom kagabi. Wala akong masyadong maaala dala marahil ng sobrang pagkalasing ngunit ang huli ko lang naaalala ay noong magkakasama pa kaming nag-iinom ng mga mokong, pagkatapos noon ay hindi ko na maalala. Hindi ko rin maalala kung paano ba kami nakauwi at paanong napunta ako sa lugar na ito. Nang matapos mag hilamos at magmumog ay lumabas na ako at muling nilibot ang paligid. Where did I saw this place? Habang nag-iisip ay biglang pumasok sa aking isipan i
Hi po! Sorrry po talaga at matagal akong nawala. Tinapos ko lang ho talaga yung una kong story dahil may deadline po iyon at natapos ko na po so Focus na po ako na bilisan UPDATES dito. Please much appreciated if mag comment po kayo para lalo pa po akong ganahan.. Tapusin ko na po ito bago mag pasukan at baka sisihin niyo nanaman po akong wala nanamang update. Sana at maintindihan niyo rin po na student po ako at third year nursing student, kaya palagi po akong super busy at walang time mag update. Pero I take this time since vacation po namin to finish it as soon as possible dahil priority ko rin po kayong mga readers ko so sana support lang po â¤ď¸â¤ď¸ THANK YOUUU!!UPDATE PO TAYO BUKAS SO ABANG-ABANG LANG!! LAB YAH VIXIES!! â¤ď¸â¤ď¸DON'T FORGET TO FOLLOW ME AND SHARE PARA SA TULOY TULOY NA UPDATE! đ
I just finished cleaning at the backyard, and as usual palaging tanghali ako natatapos. Ang hilig kasing maglagas ng mga puno. Kung pwede lang kalbuhin para hindi na ako mapagod, but I love nature so nevermind. Pumasok na ako ng hacienda upang kumain ng pananghalian. Naabutan ko pa sila Jenna na kumakain din sa kusina. Kumakain din ang pamilya, kasabayan nila. Dito ako sa likod dumaan para hindi nila ako makita, panigurado kasing aalukin nanaman ako ni Tita Pat sa hapagkainan. Masyado naman nakakahiya lalo na't nandito sila Jenna. Umiiwas din ako sa chismis. Buti nga mababait itong mga kasama ko. "Zea! Narito ka na, halika at sumalo ka na," aya ni Jenna sa akin pagkita niya sa akin. "Masyado mo namang sinisipagan, Zea. Pahinga-hinga rin 'pag may time," biro sa kanya ni Miya. Napailing naman siya at naupo sa isang stool chair. Nakakatuwa lang at palagi nila akong pinaghahandaan ng plato at kutsara. Talagang palagi nila akong inaalala. Nagsalok na rin ako ng kanin at ulam na tinolan
As we left the kuwadra and headed towards the racing track, I already saw Rubecca frowning while looking at us. Then I thought of something to irritate her, sumandal ako kay Zander and I made sure na kita niya iyon. I smirked when she looked at me angrily. Nang makalapit kami ay mas lalo ko pa siyang inasar."Zan, I'm scared. Please hawakan mo ko ng maigi baka mahulog ako," pag-arte ko sabay hawak sa kamay ni Zander para ipakapit sa bewang ko. Mas lalo pang lumawak ang ngisi ko ng sundin naman ako ni Zander. His hand was almost hugging my whole waist, sa laki ba naman kasi ng braso niya.Nang tumingin akong muli sa babae ay wala na akong makitang kahit anong emosyon sa kanyang mukha. "Let's start," biglang sabi ni Rubecca at tumalikod na sa amin.I kept my smile and act nothing happened but, in the back of my mind, I'm celebrating. I wonSa pag-uumpisa ng race ay agad na dumaloy ang kaba sa aking dibdib. Kahit alam kong kasama ko si Zander ay parang hindi ko ata kaya kapag mabilis na
After the confession that happened that night, nothing seems to have changed in our relationship with Zander. Hindi ko tuloy maiwasan ang magtampo dahil parang nilipad lang ng hangin ang mga sinabi niya na parang naging panaginip nga lang ang lahat. Paano ba naman ay tuwing magkasama kami ay palagi lang siyang pormal, walang nagbago sa pagtrato niya sa akin bukod sa hindi na niya ako inaasar o iniunsulto. Ni wala man lang siyang ginagawang 'the moves' para lang mag-improve ang relationship namin. Idagdag mo pa na mas lalo siyang na-busy sa negosyo nila dahil sa araw ng anihan ngayon kaya halos hindi na rin kami nagkikitang dalawa. I think about many things. I am not used to this kind of treatment. I'm used to always being given attention. Men always approach me just to pay attention, kaya naman sa isiping nababaliwala ako lalo na ng taong gusto ko at unang beses kong binigyan ng atensyon ay hindi ko matanggap. I cannot tolerate this, hindi ako papayag na ganito na lang ang palagi nam
"What are you two doing?" Natigilan kami sa pag-uusap ni Caleb at napabaling kay Zander na nasa may sliding door kung saan palabas ng backyard. Seryoso ang mukha niya, wala ng bago, ngunit pansin ko ang matalim niyang tingin sa amin, lalo na sa akin. Napangiwi ako. Inaano ko ba siya? Umiwas ako ng tingin at hindi nagsalita, bagkus ay pinanlakihan ko ng mata si Caleb para siya ang sumagot. He grinned and looked at Zander. "We we're just talking," sagot ni Caleb. Nahinto na rin sa pagduyan sa akin si Caleb at tumayo sa aking gilid. "Why are you outside?" Hinintay kong sumagot si Caleb. Binaling ko pa ang aking atensyon sa pagduyan sa aking sarili. "I saw her here alone, hindi pa pala kasi siya kumakain kaya aayain ko sana, since we're finished eating." "Zea." I flinched when I heard him saying my name. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya ako sa aking pangalan. Parang bilang nga lang noong pagtawag niya sa akin ng pangalan. Nakasimangot na nagangat ako ng
I can't believe na hahantong lang ito sa ganito matapos ng nangyari sa amin. How can he ignore me? How can he act like nothing happened? It's been Five days! Yup! It's been freaking Five days since we had s*x and after that, limang araw na rin niya akong hindi pinapansin. I shouldn't be mad, I shouldn't feel this frustration, but heck! Parang tinapakan ang ego ko, na parang wala lang sa kanya ang nangyari sa amin. It was just part of the deal, but a part of me feel like its not just that. I maybe once called a flirt or a playgirl, but I never let them touch me. I was able to preserve my virginity at this age, then just because of a deal, I lost it to him. Isang bagay lang ang dahilan why I let him have me, I just realized that I like him. Now, just seeing him smiling at other women, makes my heart ache out of jealousy. Ni never nga siyang ngumiti sa akin tapos dahil lang sa babaeng iyan. The woman I'm talking about is Rubecca, a childhood friend of the boys. She is here since Fou
Third Pov Sa pagmulat ni Zea ng kanyang mata ay bumungad sa kanyang ang maaliwalas na paligid. Napatingin siya sa may bintana at nakitang pasikat na ang araw. Tumingin siya sa wall clock at nakitang bandang ala-sais na ng umaga. Napatingin siya sa ilalim ng kumot at nakitang wala siyang suot na kahit ano. Napabangon siya nang may naamoy siyang mabango. She looked at the kitchen and saw Zander busy cooking. Napatingin siya sa suot nito. Wala itong pang-itaas at tanging apron na black lamang ang suot ng lalaki. Kitang-kita tuloy niya ang yummy nitong likod. Napangisi siya. What a sight... Nais niya sanang lumapit sa lalaki kaya lang pag-angat pa lamang niya ay ramdam na niya ang kirot ng nasa pagitan ng kanyang hita. Napadaing siya dahil doon. "Zea?" Napatingin siya kay Zander, na naglalakad na palapit sa kanya. Marahil ay narinig siya noong napadaing siya. "Something's wrong?" "Sh*t! Masakit Zan!" bigla niyang naalala ang nangyari noong tinawag niya itong 'Zan' kaya agad niya iyon
Parang umurong lahat ata ng tapang ko. Bakit kasi pinairal ko pa ang pride ko? I may be a playgirl or sometimes a flirt, I'm used of wearing bikini too, marami pa ngang tao ang nakakakita, pero bakit ngayong isa na lang, nahihiya pa akong maghubad? Napalunok ako. Sino ba naman ang hindi kakabahan. In the private sanctuary where we are right now, there are no other people other than us. He's sitting right in front of me, looking like a predator waiting for its prey. Dito kasi agad kami dumeretso pagkatapos kumain. Mukhang sineryoso ng lalaki ang sinabi ko. "You're so confident earlier, don't tell me you're just lying?" he said mocking her. Nahihiya akong umiwas ng tingin. "Am I not, it's just..." nag-alangan ako sa aking sasabihin. "You can back out, I'm not forcing you to do it." Bakit parang iba ata ang pagkakaintindi ko? Paghuhubad lang naman ang gagawin namin. Napasinghap ako at nanlalaki ang matang tumingin kay Zander. Don't tell me, he's expecting that something will happ
The last thing I can remember happening after I woke up was Tita Pat getting into an accident as a result of my carelessness, but I can't seem to recall anything else. Bakit wala akong maalala? It's not even clear to me how or why I passed out, but Doc Alazne, I met her when I woke up and just said it was because of stress, and she advice me to relax. Am I really that stressed? So I did, but... "Bakit kailangan mo pang sumama?" I looked at Zander. Yes, you heard it right. Matapos ang nangyari, binigyan ako ni Tita Pat ng Day off or rest day. We talked about what happened, I apologized, and I'm happy that she was not mad at me, she was even more concerned about me. How lucky they are to have a mother like her. "Pick what you like," Zander said. Nagtatakang tumingin ako sa kanya. "Then what? Ako magbabayad?" "I'll pay for it, don't worry." "Ooohh... Why so bait?" Biro ko pa habang siniko-siko siya. "Ako rin kuya?" singit ng kung sino sabay akbay pa sa akin. Agad ko naman s
Zander's POV I have no idea why I've been acting so childish lately, but whenever I think about her smiling at my brother Caleb, especially after receiving that d*mn chocolate, I want to rip that smile right off. Another this is, why she does she needs to see men's bodies. What makes Japet's body so great? What's there to admire when I have a figure that's even better than his? Not because I'm envious. Simply put, I detest her and everything she does. Binaling ko sa kanya ang inis ko, I made her do too much things. I even asked her to make me coffee, pero wala naman talaga akong balak inumin iyon. I just like to see her getting irritated. Then I made her do some paper works which can be done by my secretary. Hindi naman talaga kailangan iyon, but I just want to. I don't care if she has to left her other works. When she suddenly called me by my nickname, Zan. I was shocked. I can't believe I will be able to hear it again after so many years. I didn't mean to shout out her, nagula
Napansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay mas lalong sumungit si Zander. Matagal naman na siyang masungit, or palaging walang emesyon kung magsalita, pero iba ngayon. What's worse in here, he's always glaring at me, everytime our eyes met. What the hell did I do? Noong minsan na nag-abot ako ng kape dahil inutusan niya akong magtimpla. He didn't drink it, he didn't even look at it, tapos ang mas nakakainis pa bago pa man ako lumabas ng office room niya, inutusan niya ulit akong magtimpla ng kape, so I confront him. "Bakit kailangan ko pang magtimpla ulit kung pwede ko naman initin na lang ito?" "I want a new one," he just said without even looking at me. How can he tell it's already cold when he didn't even touch it? To save my sanity, I just made a new one which also got rejected. He did it many times and it makes me want to throw it on his face. Hindi lang iyon ang pinaggawa niya, dinamay pa niya sila Japet. Pati pananamit nila pinupuna, pinagsusuot ng damit kapag n****