"Dalawa lang kami?"Halos kumunot ang noo ko sa sinabi ni Manong. Masyado akong nabigla sa sinabi nya. Dalawa raw kasi kami ni Blake ang pupunta sa meeting ng mga Alpha sa hilaga. Napatayo si Blake at humarap sa ama. Samantalang kami ni Arnal ay pareho lang na nakatingin sa kanilang dalawa, hinihintay sa kung anong mangyayari."Hindi ba pwedeng si Arnal na lang ang pumunta dun? Baka mamaya mamatay ako ng tuluyan dyan!" sigaw niya. "Tutal beta naman siya, siya na lang, pwede nan yun di ba?""Alpha ang kailan, anak," agad na sagot ni Manong. "Pupunta rin naman ang ilang bagong Alpha katulad mo. Mas mabuting makilala mo rin sila."Napatayo si Arnal sa tabi ko. Muntik pa akong mapatayo sa gulat ngunit napalitan iyon ng pagtataka nang makita kong nagulat siya sa sinabi ni Manong. Taka siyang tumingin kay manong. Yung tingin na akala mo ay may nasabing kakaiba ang kausap. Sa totoo lang, wala talaga akong ideya sa mga sinasabi nil
Last Updated : 2021-09-28 Read more