"Bakit ba kasi sinama pa natin 'yan?"Umakbay sa akin si Aikee at bumulong. "Pabalikin na natin sya habang nandito pa lang tayo sa labas ng bahay."Paglabas pa lang ng bahay ay nakasimangot na si Aikee. Kanina pa sya hindi mapakali, hindi sya natutuwa sa presensya ni Arnal."Bakit ba badtrip na badtrip ka?" agad na tanong ko sa kaniya."Kung alam mo lang pinagdaanan ko dyan nitong mga nakaraang araw, kuya," simpleng sagot nya."Aikee, dito ka sa passenger seat, tabi tayo!" sigaw ni Arnal na nagpahinto sa amin.Na sa harapan na namin ang mini pegasus. Si Blake ay nakatayo rin tulad namin, di ba sya pumapasok sa loob.Nakita ko ang pag-ikot ng kaniyang mata. "Ako na ang magmamaneho," sabi nya dahilan para lumingon si Arnal."Ako na, dun na lang kayo sa loob," agad namang sagot ni Arnal. "Ako na ang bahala.""Anong ikaw na bahala? Tigil-tigilan mo ako Arlan, baka mapahamak tayo."Nanlaki ng bahagya ang
Last Updated : 2021-10-12 Read more