Hanggang ngayon ay hindi ako makaimik. Parang barado ang lalamunan ko. Tila ba naubos ang boses ko. Na sa mini pegasus na kami ni Felix, pauwi kasabay ang ilang alpha na kakalabas lang kasama ang kanilang mga hunter.
Kumaway sa amin si Argus. Bakas sa mukha niya ang isang ngiti. Inalis na niya ang mask niya pagkalabas niya ng c.r kanina. Mukhang ako ang rason kung bakit siya nakamask.
"Ang hangin, ah," bulong ko sa sarili bago bumuntong hininga.
Kahit anong inis naman ang maramdaman ko ay walang wala pa rin talaga ako sa kanila.
Pinagmasdan ko ang ibang alpha. Ramdam ko pa rin ang mabigat na awra nila mula rito. Hindi ko na naman maiwasang manliit hanggang ngayon. Malapit na ang Caliagri open, kailangan ko na sigurong magsanay ulit kay Arnal.
Naging maganda ang performance last year, hindi kami ang na sa huli.
Pero ngayon?
Mukhang alam ko na kung anong pwe
"Wala na ba talagang ilalakas yung mga suntok mo?"Pinahid ko ang mga butil ng pawis sa aking noo. Hinabol ko ang aking paghinga. Inis akong tumingin kay Felix na hanggang ngayon ay naiiwasan ang mga suntok ko. Simula kanina ay wala pa rin siyang sugat at wala pa yatang tumama sa mga suntok ko."Kanina pa tayo rito pero di mo pa rin ako tinatamaan kahit isang beses."Bukod sa mga nagtataasang mga puno at sanga, may mga malalaking bato rin sa paligid. Isa siguro iyon sa mga rason kung bakit hindi ko siya matamaan. Ang likot niya, napakalikot. At hindi ko itatanggi na mabilis siya para sa isang tao.Tinignan ko ang langit. Wala na ang araw. Kitang kita ko na ang pag-angat ng buwan. Napangisi ako at huminga ako ng malalim. Nagci centrate ako pero agad din akong napahinto dahil sa ginawang pagbato ni Felix ng isang maliit na bato."Bawal gumamit ng kung ano. Combat skills ang pinapalakas
FELIX'S POV"Pwede ko bang makita yung kamay mo?" tanong ni Blake sa kapatid ko.Nang makitang naguguluhan ay tinuro ni Blake ang kaliwa nyang kamay. "Yung kamay na minarkahan ng mga officials. May titignan lang ako saglit."Nagdadalawang-isip si Aikee sa gagawin at nagtataka sa mga sinasabi ni Blake. Tinitigan niya ako na tila ba nagtatanong kung anong pwedeng gawin. Tinanguan ko lang sya dahilan para dahan-dahan niyang itaas ang kaniyang kaliwang kamay.Nang mahawakan ni Blake ang malambot na kamay ni Aikee ay agad na rumehistro ang kulay pulang linya sa gitna. Gumuhit ang letrang 's' sa gitna ng kaniyang palad.Nagtataka kong tinignan si Blake dahil bigla nitong inalis ang kamay nya.Ano yung letrang S sa kamay ni Aikee?"B-bakit? Anong nangyari?" gulat na tanong ni Aikee.Nama
"Bakit ba kasi sinama pa natin 'yan?"Umakbay sa akin si Aikee at bumulong. "Pabalikin na natin sya habang nandito pa lang tayo sa labas ng bahay."Paglabas pa lang ng bahay ay nakasimangot na si Aikee. Kanina pa sya hindi mapakali, hindi sya natutuwa sa presensya ni Arnal."Bakit ba badtrip na badtrip ka?" agad na tanong ko sa kaniya."Kung alam mo lang pinagdaanan ko dyan nitong mga nakaraang araw, kuya," simpleng sagot nya."Aikee, dito ka sa passenger seat, tabi tayo!" sigaw ni Arnal na nagpahinto sa amin.Na sa harapan na namin ang mini pegasus. Si Blake ay nakatayo rin tulad namin, di ba sya pumapasok sa loob.Nakita ko ang pag-ikot ng kaniyang mata. "Ako na ang magmamaneho," sabi nya dahilan para lumingon si Arnal."Ako na, dun na lang kayo sa loob," agad namang sagot ni Arnal. "Ako na ang bahala.""Anong ikaw na bahala? Tigil-tigilan mo ako Arlan, baka mapahamak tayo."Nanlaki ng bahagya ang
"M -magandang araw, young master," bati nya kay Blake. "Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Argus."Nagkatinginan kaming apat. Bakas sa mukha ni Blake ang pagkagulat dahil nanlaki ang kanyang mata.Argus?Paanong . . ."Sabay-sabay na raw po kayong pupunta sa silangan, utos po ni Master Isidro."Sa sinabing nyang iyon ay napahakbang si Blake. "Kami? Kumpleto na kami, ito na yon. At paanong kasama si Argus?"Ramdam ko ang pagtabi sa akin ni Aikee. Samantalang si Arnal ay na sa tabi ni Blake.Nilingon ko si Aikee. Nakamaskara rin sya katulad ko. Tuluyan akong napailing dahil busy sya sa nag-uusap sa harapan. Chismoso talaga.Napakamot sa batok ang traffic enforcer. Ramdam mo ang kaba sa kanya. Mas lalo syang kinabahan dahil kitang kita ko na napalunok sya nang magtagpo ang mata naming dalawa.Napaatras sya at nabitawan ang cellphone na hawak. Nanginginig ang kamay nya habang salitan kaming tinitignan ni Blake.
"Oh, ano na, Argus?" tanong nya sa alpha. "Ikaw ang pinakamalapit rito, baka naman alam nyo kung paano madetect kung paano malaman kung may land mine o wala."Napangisi si Argus. "I don't know either. My brother is already dead. He is the only one who can help us with this one."Nang mainis ay sinipa ko ang may kalakihang bato sa aking harapan. At sa hindi inaasahang pagkakataon, sabay sabay kaming napaatras at napayuko dahil sa malakas na pagsabog.Ang mga bato ay nararamdaman ko na tumatama sa aking likuran. Tila rin ako nabingi dahil sa lakas ng pagsabog.Ilang sandali rin kaming na sa ganoong posisyon, nakayuko at naghihintay ng tamang oras para makatayo.Lumipas ang ilang minuto ay dahan-dahan akong tumayo. Pinagmasdan ko ang paligid. Sa parte ng tinaaman ng bato ay nawala na ang mga damo. Nagkalat din ang mga bato at lupa sa paligid.Hanggang sa may maramdaman akong papalapit sa akin. Humarap ako at sinalag ang kamao ni Blake na
"Kung tutunganga lang kayo dyan, malalate na kayo," ani Lota."I'll kill you," nakangising sabi ni Argus sa kaniya. "Keep that in your mind, Lota."Matapos sabihin yon ni Argus ay tuluyan na syang naglakad. Sumunod sa kaniya si Sandro. At sinundan siya ni Arnal dahilan para sumunod na rin kami.Wala akong ideya sa mangyayari ngayon. Kung training pa ba o rambulan na. Hindi kasi maganda ang aura nila. Ramdam mo ang mabigat nilang mga hakbang at dinagdagan pa ng tahimik na paligid.Habang nilalagpasan ang bako-bakong daanan, unti unti ko nang nakikita ang mga matataas na puno. Sa pagkakataong ito ay papasok na kaming muli sa gubat.Siniko akong muli ni Aikee. "Nararamdaman mo ba, kuya?" tanong nya sa akin.Napangisi ako dahil sa tanong nya. Tumango ako at hindi maiwasang mapailing."Malapit na," sagot ko.Nararamdaman kong muli ang awra ng beta na pumunta sa bahay nung nakaraan. Sana ay hindi
Chapter 33:Patuloy lamang akong nakatingin sa lalaking nakatayo sa harapan namin. May hawak syang espada, at tindig na nakatayo sa aming harapan. Sa tingin pa lang ay mararamdaman mo na agad ang malakas na aura mula sa kaniya."Pasensya na at nahuli ako," ani Renato, ang lalaking na sa harapan namin ngayon."Ok lang po, Master Renato!" Nakangiting ani Ayessa.Tinignan ko ang paligid. Makikita mo sa kapwa ko mga hunter kung paano sila mamangha sa nakikita. Na kung paano ang isang tinitingalang alpha sa kanluran ay ngayon aming na sa harapan.Simula bata ako, matagal ko nang iniidolo ang Alpha na gumagamit ng espada. Hindi pa man nag-uumpisa ang digmaan ay maingay na ang pangalan nya sa buong kanluran. Bukod kasi sa maganda ang pamumuno nya sa pack na hawak nya, naging maingay din ang pangalan nya dahil sya ang unang alpha na naging malapit sa mga tao."Bago tayo mag-umpisa, gusto ko munang magpakilala kayong lahat."
Chapter 34:Arisa . . .Ang babaeng unang nagpatibok sa puso ko.Ang babaeng nagsilbing knight in shining armor ko sa panahong muntik na akong mamatay sa una kong misyon bilang isang Hunter.Hindi ko namalayan na na sa ikaapat na region na. Masyado akong nalibang sa pagbabalik ko sa nakaraan. Hindi ko kasi maiwasan. Masyadong kakaiba ang una naming pagtatagpo. Hindi normal na senaryo."I'm Lota Santiago, alpha ng region four. Nice to meet you all," ani Lota bago kami bigyan ng malapad na ngiti.Katulad ng mga nauna kanina, nagpalakpakan sila matapos magpakilala ni Lota.Sunod na umabante ang lalaking nagngangalang Enzo. Ito yung lalaking muntikan nang makasagutan ni Arnal kanina."I'm Lorenzo but you may call me Enzo!" Katulad ni Lota ay malapad din syang ngumiti.Ang napansin ko lang sa kanila ay parehong makulay ang kanilang kasuotan. May mga kwintas at relo na sa tingin ko ay gawa sa tunay na ginto.
To my readers, friends, co-writers-- I thank you with every inch of my heart for staying with me on this new long journey. Thank you so much for all your support!I've been so fortunate to received followers while writing this story. Thank you so much! It's my first English story btw so thank you for your understanding hahaha.To Blake and Felix, thank you for this wonderful journey. But honestly, the both of you helped me to develop this story into what it isThat's it! The story of Blake and Felix is over! It's hard for me to let them go because I always dream about them hahaha.Again, thank you for reading and waiting. and I hope you find Felix of your life! The one who will watch over you no matter what attitude you have. Keep safe, guys!Sugarmaui-
Pagbangon ko ng kama ay agad ko nang narinig ang mga ingay sa baba. Ang mga ingay at boses na halatang may ginagawa."Blake, anak! Halina't kumain ka na muna!"Sa paghakbang ko ay agad kong narinig ang boses na 'yon. Ang boses na kahit kailan ay hindi ko akalain na totoo. Ang boses na matagal kong hiniling at matagal kong hinanap.Hindi man boses ng babae, ramdam ko naman ang pagmamahal nito nilang ina. Ang aking nanay, si Mommy Maui. Hindi katulad ng ibang nanay, si Mommy ay isang lalaki. Isa syang carrier, katulad ko."Sge po! Ihahanda ko lang yung gagamitin ko. Saglit lang 'to, mommy," sagot ko."Magdahan-dahan ka sa pagkilos mo, ok? Baka madulas ka! Na sa baba lang kami at malapit na kaming matapos."Naglakad ako papunta sa cabinet. Sa salamin non ay natanaw ko ang aking sariling repleksyon. Kitang-kita na ang umbok ng aking tyan. Hinimas ko ito at hindi naiwasang mapangiti.Walong buwan na ang nakakalipas. At ngayon
BLAKE'S POINT OF VIEWPangamba at takot ang unang bumungad sa akin nang dumilat ang aking dalawang mata. Isang hindi pamilyar na lugar ang agad na pumukaw ng aking pansin. Isang madilim na paligid na sumisigaw ng hindi magandang pangyayari. Isang mansyon na napakalawak.Mga chandelier na mayroong mga itim na tela na nakasabit sa itaas. Mga vase at painting sa bawat sulok na tila ba napaglipasan na ng panahon dahil sa mga alikabok. At hindi katulad ng ilang typical na mansyon, ang malawak na bahay na ito ay kulay itim.Hindi ko maiwasang mapangiwi nang tangkain kong tumayo. Hapdi ang agad na dumaloy sa aking kamay. Taka ko iyong tinignan at doon ko nakita na nakatali iyon gamit ang nylon."N -na saan ako?" nauutal kong tanong sa sarili.Pilit kong inayos ang sarili sa pag-upo. Ngunit wala akong ibang magawa kung hindi ang manatili sa hindi magandang pwesto.Hindi ko alam ang nangyari. Ang alam ko lang ay magaganap na ang Caliagr
Halos mapalingon kaming lahat sa boses na 'yon. Sumilay sa amin ang isang pigura. Ang kanyang tindig, ang kaniyang presenya."A -argus?"Sinubukan kong basahin ang bawat kilos niya pero wala akong makita bukod sa blanko ang kaniyang mata. Tila naging matured din ang itsura nya dahil sa kaniyang bigote. Ang suot na sombrero ay na sa kanang kamay nya. Pati ang mga kasama ko ay tila napako rin sa kanilang kinatatayuan.Marahil ay nangangapa rin dahil hindi namin alam kung kakampi sya o kaaway. At kung sakali man na kaaway sya ay wala kaming magagawa kung hindi ang tumakbo.Hindi pa nakaka-recover ang mga kasama ko kaya hindi makakabuti kung lalaban kami. Ang tanging paraan lang namin ay ang tumakbo mula sa kaniya.Parang wala syang narinig. Wala itong alinlangan na pumunta sa harapan namin.Pero halos mapahinto kaming lahat nang biglang maglabas ng dugo ang kaniyang bibig. Napahinto sya sa paglalakad at halos mapatili an
Sa apat na taon kong pamumuhay sa sentro at sa kanluran, simula nang nawala ang mama at papa ko, ang tanging gusto ko lang ay maipaghiganti at mapatay ang mga taong lobo na humamak sa kanila.Gusto ko lang na makuha ang ulo ng mga taong lobo na gumambala sa amin ng gabing iyon.Apat na taon akong nagkimkim. Apat na taon akong nagtiis. Apat na taon akong naghintay. Higit sa apat na taon akong nag ensayo para malaman ang katotohanan. Puro sakit at galit ang namayani sa apat na taon kong pamumuhay.Ngunit ngayon, na sa harapan ko na ang taong makakatulong sa amin ni Aikee para maging malinaw ang tunay naming pagkatao. Para malaman ang katotohanan. Katotohanan sa mga nangyari noon.Simula bata kami ay alam na namin na hindi namin tunay na magulang sila Mama Greta at Papa Jose. Lagi nilang sinasabi na may pamilyang naghihintay sa amin pagdating ng panahon. Na may pamilyang lubos kaming hinihintay.Kaya ang akala ko noon na kapag natanggap ko
Ramdam ko ang lamig mula sa aking likuran. Masakit ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit. Mariin akong napapikit. Ilang beses akong napakurap para makita nang maayos ang na sa paligid ko.Fuck!Rehas at madilim na paligid ang bumungad sa akin. Agad nangunot ang aking noo.Nasaan ako?Sinubukan kong bumangon. Pilit akong umayos pero may malamig akong naramdaman na nakadikit sa paa ko. Tinignan ko 'yon at doon ko nakita ang isang kadena.Hayop na Manong yan. Talagang tutuluyan nya kami?Kinapa ko ang katawan ko. Wala namang masakit sa mga parte nito. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi man lang niya ako binugbog kaagad.Pilit akong kumawala sa kadena. Hila dito. Kutkot doon. Pero kahit anong gawin ko ay napakahigpit non. Habang pinipilit kong tanggalin ang kamay ko ay nakarinig ako ng isang tawa sa gilid ko."Hindi mo na iyan maaalis, kuya."Napalingon ako nang makita si Aikee.
Chapter 44: Naging tahimik kaming muli ni Aikee. Kasalukuyan nya akong sinasamahan na hasain ang espada ko. Ngayon na kasi magaganap ang caliagri open na matagal nang pinaghandaan ng mga tagahilaga. Napailing na nga lang ako dahil ang buong akala ko ay maiuusog ang date ng caliagri open. Pero hindi nila inurong at tinuloy pa rin. "Sigurado ka ba na hindi tayo aalis dito, kuya?" tanong sa akin ni Aikee. "Official na ang nagsabi na umalis tayo. Baka ito na rin yung gustong ipahiwatig ni Arisa at ni Mechille. Napangisi ako sa sinabi nya. "Oo naman, sigurado ako," sagot ko. Pagkauwi ko kahapon ay agad kong sinabi sa kaniya ang mga sinabi nung official sa akin. Ang sinasabi nya na planong pagpatay sa akin ni Manong lagkatapos na caliagri open, ang pagmamanman na ginawa ni Manong nung na sa sentro pa lang kami at ang nalalaman ni Manong tungkol sa nangyari apat na taon na ang nakakalipas. "Hindi natin kakayanin si Manong kapag
"Kuya? B -binasa mo na ba yung binigay na sobre na binigay nung officials sayo kanina?"Tuluyan akong napahinto sa sinabi nyang 'yon. Muli kong naalala ang itim na sobreng inabot sa akin ng lalaking nakausap namin kanina sa university.Kinapa ko ang bulsa ko at doon hinanap ang sobre. Agad ko iyong kinuha at pinagmasdan.Bakit ba nauuso ang bigayan ng mga papel ngayon? Pangalawa na ito sa araw na 'to. Ang una ay kay Arisa at masama ang laman ng papel na binigay nya.Pinagmasdan ko ang itim na sobre. Nakalagay doon sa gitna ang logo ng officials, ang buwan at ang araw.Nakatitig lamang si Aikee habang binubuksan ko ito."9:00 a.m. Clock tower.""A -anong ibig nyang sabihin?" takang tanong ni Aikee nang basahin ko ang laman ng sobre.At hindi ko maiwasang kabahan nang mabasa ang pinakailalim."Let's have a deal, Felix. . ."Paanong . . .Paanong alam nya ang pangalan ko?Chapter 44:
"P -prodigies?" gulat na tanong nya at napaatras."Manong, may rouges pa ba sa paarteng ito?" Tanong ng kapatid ko sa kaniya.Pero imbes na sumagot ay nakarinig kami ng isang boses mula sa aming likuran."Nahuli na kayo, prodigies. . ." ani ng isang malalim na boses.Dahan dahan kaming lumingon. At sa paglingon na ginawa namin ay doon namin nakita ang isang lakaki na nakasuot ng isang kulay puting tuxedo. May mga bahid ng dugo ang manggas nya. At ang mas ikinagulat namin ay ang logo na nakalagay sa kaniyang kanang dibdib."O -officials?"Chapter 43:Nilibot pa namin ang bawat sulok ng buong rehiyon para makasigurado kung may natitira pa bang mga rouges o wala na. Sa paglilibot na ginawa namin ay wala kaming nakita kahit isa. Bukod sa mga dugo at katawan ng mga rouges sa university, wala na kaming ibang nakita sa paligid. Puro mga kalat na lang.May mga media pa kaming nakasalubong na mukhang tumakbo at natakot kanina sa mga rou