SINIMULANG hanapin ni Rosalia sa ground floor si Gail, na sekretarya ng kanyang magiging boss. "Excuse me po, nasaan po si Ms. Gail?" Tanong ni Rosalia sa nakasalubong niyang waiter rin. "You mean, Gail Roldez, miss?" Tumaas ang kilay ng babae. "Kung siya nga ang hinahanap mo ay naroon siya" tinuro ng babae sa kanya ang ang nasa dulo dulo na may roon pa pa lang daan doon patungo sa kung saan. Tumango si Rosalia, "Sige po, salamat!" Ngumiti siya bago tinungo ang kabilang daan. Katulad ng nasa itaas ay mayroon rin itong isang ilaw na tanging nagsisilbing lang ng daanan. Naging madilim na rin sa loob at mas nagliwanag pa ang chandelier, dahil sa mga bamboo blinds na nakababa sa mga glass door at wall sa buong paligid.Pagpunta ni Rosalia doon ay nakita niya ang isang mahabang pathway na puno ng mga kwarto. "Kwarto ba itong mga 'to?" Tanong ni Rosalia sa sarili habang tinitingnan ang mga punto na may mga ibat-ibang number.
Last Updated : 2022-01-07 Read more