Share

'Di ba siya ang Mahal mo?
'Di ba siya ang Mahal mo?
Author: Lachikta

PROLOGUE

Author: Lachikta
last update Last Updated: 2021-08-19 21:46:43

NAKANGITI habang kumakaway si Rosalia sa kanyang Ama't ina na nagtatanim ng mga palay sa kanilang bukirin. Simple lamang ang kanilang pamumuhay sa kanilang probinsiya sa Albay. Hindi niya akalain na may magmamahal sa kaniya na parang isa siyang tunay na anak ng mga ito.

"Inay! Itay! Kakain na po!" sigaw ni Rosalia habang inaayos ang mga plato at mga kakainin sa lamesa na nasa kubo. 

Ampon lamang si Rosalia nina Cerio at Lecia. Hindi niya alam kung sino ang totoo niyang mga magulang, tanging ang necklace na nakaukit ang mayon lamang ang iniwan sa kanya ng totoo niyang mga magulang, na may nakasulat na magayon sa likod nito at ang pangalan niya. Pero kahit na iniwan siya ng totoo niyang mga magulang, ay hindi siya nagsisisi dahil sa mag-asawa na umampon at nagmahal sa kanya ng lubos. 

Nang matapos si Rosalia sa paga-ayos ng mga plato sa hapag-kainan, tumayo siya at tumingin kung saan naroroon ang kanyang mga magulang. Kasikatan ng araw ngayon sa kanilang bukirin, sariwa ang hangin kung kaya't tamang-tama na sila ay nagtatanim. Kumaway siya ng magtama ang tingin nila ng kanyang Ina't Ama. 

"Rosalia," tawag sa kanya ni Annie na kasing edad niya lang. "May naghahanap sa 'yo sa labas." aniya ng babae at ngumiti. 

Napatigil si Rosalia sa pag kaway at takang humarap ng diretso kay Annie. "Bakit? Sino raw?" tanong niya. 

"Hindi nagpakilala," napakibit balikat naman si Annie at ngumisi sa kanya. "Pero alam mo, Rosalia... Mayaman at gwapo! Kaya sige na! Puntahan mo na." Itinulak niya si Rosalia paakyat ng kalsada para puntahan ang naghahanap sa kanya. 

"T-teka saglit," hindi nagpapigil si Annie na siya ay tulakin habang paulit-ulit niya itong sinasabihan. "Nakakahiya, teka-"

"Hi," pagpapakilala sa kanya ng lalaking matangkad at nakasuot ng tuxedo, pagkarating nila sa kalsada. "You're Rosalia?" tanong sa kanya ng lalaki at inabot sa kay Rosalia ang bulaklak na hawak nito. "I'm Vion. Flowers for you."

Umayos ng tayo si Rosalia at pilit ang ngiting kinuha sa kamay ng lalaki ang bulaklak na binibigay sa kaniya. "Salamat..." aniya at nginitian ang lalaki. "Oo. Ako si Rosalia," saad niya at inabot ang kamay sa lalaki para makipagkamay. "Anong kailangan mo? At ano nga pala ang iyong pangalan?" mahinahon niyang tanong. 

Hindi sinagot ni Vion ang tanong sa kaniya ni Rosalia, nang biglang may lumabas mula sa dala nitong sasakyan na isang lalaki na kapareho ng kaniyang suot, at inabot ang envelop sa kaniya. Muling pumasok sa loob ng sasakyan ang lalaki pagkabigay ng envelope kay Vion. Inilagay ni Vion ang kaliwang kamay niya sa bulsa at inilahad ang kamay na may hawak ng envelop sa harap ni Rosalia. 

"Here," aniya. Pilit na kinuha iyon ni Rosalia at pinahawak ang bulaklak kay Annie na katabi niya. Saka ito binuksan. "That's our contract marriage-"

"Contract marriage?!" sigaw ni Annie at hinigit palikod sa kanya si Rosalia na hindi makaimik at tila naguguluhan sa mga nangyayari. "Ang sabi mo sa kin ay liligawan mo lang ang kaibigan ko. Bakit napunta ka sa contract marriage na iyan, ha?!" inis niyang wika sa lalaki habang nakapamewang. 

"Annie," tawag ni Rosalia at humawak sa braso nito, pinipigilan. "Tama na 'yan." Panga-awat ni Rosalia kay Annie, pero hindi ito nakikinig sa kanya nang itaas pa nito ang manggas ng suot niyang t-shirt. 

"I don't understand you, Miss. Anyway, let me explain first..." ani ni Vion. "The contract marriage is an agreement signed by my wife, my Rosalia, before our marriage." Pagpapaliwanag nito. 

"Aram mo? Nagsayang ka lang ng laway." ani ni Annie. "Dadaan ka muna kay Mang Cerio, Kuya. Nako! May itak pa naman 'yon." Pananakot ni Annie kay Vion. Napaatras siya ng higitin ni Rosalia ang damit niya mula sa likuran. 

"Ako na ang kakausap, Annie," mahinahong wika ni Rosalia at ngumiti ito kay Annie. "Bumalik ka na sa kubo, naroon na sina Inay at Itay. Pakisabi na may kakausapin lang ako." Pagbibilin ni Rosalia. Nang makaalis si Annie ay muli siyang humarp sa lalaki ng nakangisi. 

Sa totoo lang ay hindi alam ni Rosalia ung ano ang sasabihin niya sa lalaki. Una, hindi siya marunong sa pakikipagkwentuhan ng sila lamang dalawa, pangalawa,  ay hindi siya marunong mag-english. At ang pangatlo, hindi niya gusto na may nag-a-alok sa kaniya ng biglaan, at 'yon ay ang makuha ang kanyang puso. 

"Sign it, Rosalia, so I can take that to our attorney," ani ni Vion sa kanya. Inaayos nito ang kaniyang suot na tuxedo. "Here's the pen-"

"Pasensiya ka na..." putol ni Rosalia. Kinuha niya ang kamay ni Vion at binalik nito ang envelope sa kamay niya. "Hindi ko magagawa ang gusto mo, Vion." aniya. Huminga siya ng malalim at nakangising tumingin sa lalaki. "Hindi minamadali ang lahat, lalo pa't hindi kita kilala. Sana naiintindihan mo 'ko." mahinahon niyang wika. 

Nanatiling nakatitig ng seryoso sa mga mata ni Rosalia si Vion. Hindi ginusto ni Rosalia na hindi niya tanggapin ang alak nito dahil sa magka-iba ang estado nila sa buhay. Simple lamang ang gusto niya sa isang lalaki, ang marespeto. 

"Ok," ani ni Vion. Inangat nito ang kamay niya na hawak ang envelope. "Just make sure na hindi mo pagsisisihan ang ginawa mong desisyon." saad niya. Ngumiti ito kay Rosalia at binuksan ang pintuan ng kotse, at pumasok. 

Huminga ng malalim si Rosalia bago ito bumalik sa kubo nila para kumain. Pagkabalik niya ay napatigil siya sa paglalakad ng makita niya na ang lahat ng mga tao na kasama nila sa bukid ay tinitignan ang bulaklak na hawak ni Annie. Rinig rin niya sa bawat kwento ni Annie ang lalaking kanina nilang nakausap. Napangisi na lang si Rosalia sa naging reaksyon nila. 

"Oh, Rosalia," tawag sa kaniya ng kanyang Ina kasabay ng paglingon ng mga tao sa kanya. Nilapitan siya ng kanyang Ina at pagkalapit nito ay nakangisi ito at parang may hinahanap. "Nasaan ang kausap mo, Lia?" tanong nito sa kaniya. 

"Wala po, Inay..." Inalalayan niya ang kanyang Ina papunta sa kanilang kubo. "May inalok po sa akin yung lalaki, saka mayaman po, Inay." pagpapaliwanag niya. 

Nagtinginan sa kanya ang mga nasa tabi ni Annie, ng nakangisi. Lumapit siya kay Annie at kinuha ang bulaklak na binigay sa kaniya at umupo sa tabi ni Aling Marvie, ang matalik na kaibigan ng kanyang Ina. Hindi ito ang unang beses na may nagtangka sa kaniya na pakasalan siya o kaya naman ligawan, dahil hindi niya pa gustong umibig lalo na't sa isang mayaman pa. Imposible. 

"Nadiyan lang pala kayong lahat," napalingon si Rosalia sa kanyang ama na kakarating lang at nagpupunas ng pawis. "Bakit kayo ganyan makatingin? Anong mayroon?" Napatingin siya sa hawak ni Rosalia na bulaklak at makahulugan itong tumingin kay Rosalia. 

"Kanino galing 'yan?" seryosong tanong nito. 

Tumayo si Rosalia at humawak sa braso ng kanyang ama. "Bigay ng lalaking pumunta rito, Itay." Gustohin man niyang h'wag nang sabihin, ngunit hindi siya makakampante na may tinatago siya sa kanyang mga magulang. Binigay niya ang bulaklak kay Annie at muling humarap sa kanyang ama nang nakangiti. "H'wag kayong mag-alala, Inay, Itay. Sasabihin ko sa inyo pag nagka-boyfriend na 'ko." pagpapaalala niya. 

Biglang napaubo ang kanyang ama dahil sa sinabi niya. Tumingin ito sa kaniya. "Sa akin unang dadaan ang mga manliligaw sayo o kaya mapapangasawa," pananakot nitong wika. "Kahit ako'y pumanaw ng maaga, hindi siya makakalusot sa akin." 

"Susmiyo, Cerio! H'wag kang magbibiro ng ganiyan," iritableng sabi ng ina ni Rosalia. "Mabuti pa, kumain na tayo. Marami pa tayong itatanim." kinuha niya ang plato at binigyan isa-isa sina Annie, Marvie at iba pa nilang mga kasama. "Umupo na, tabi kamo... Kung hindi kayo uupo ay magagalit si Rosalia. Siya ang nagluto ng ulam." galak nitong wika. 

"Marunong ka niyan?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Annie nang tumingin ito kay Rosalia. 

Kumuha siya ng plato at kumuha ng ulam na Bicol express na niluto ni Rosalia. 

Napatawa ang lahat ng mga kasamahan nila sa kaniya ng sunod-sunod ang kain nito sa ulam. 

"Kumain na rin po kayo," alok ni Rosalia sa mga kasama nila, at umupo sa tabi ng Ina niya. Kahit na simple lamang ang kanilang pamumuhay ay hindi nito matutumbasan ang pagmamahal ng mga tao na nasa paligid nila. 

"Itay, kumain po ng marami katulad ng kay Inay." nakangising sabi niya sa kan'yang ama na nagsasandok ng kanin. 

"Mang Cerio," napalingon si Rosalia at ang iba pa nilang kasamahan sa dumating na si Reon, isa sa nanliligaw kay Rosalia. Kaagad nitong hinanap si Rosalia. "Hi, Rosalia!" masigla nitong bati sa kanya saka kumaway.

Galing sa mayaman na pamilya si Reon, malapit rin sa mga magulang ni Rosalia at sa tuwing nagpapadala ang ama nito ng mga pasalubong galing sa ibang bansa, una niyang binibigyan ang magulang ni Rosalia.  

"Hoy!"

Gulantang na napaurong si Reon sa tabi ng ama ni Rosalia nang sigawan siya ni Annie sa tainga. "Kanina ka pa tinatanong ni Mang Cerio. Ano raw ba kailangan mo?" kita sa mukha nito ang mapang-asar habang nakatingin kay Raven. 

"Bakit ka ba nasigaw?!" iritableng sigaw ni Reon at napakapit sa braso ni Mang Cerio, na muntikan ng mahulog ang plato na hawak. "Saka ubusin mo nga muna 'yang nasa bibig mo bago ka magsalita! Piggy." inagaw nito ang plato ni Annie at nilapag sa lamesa, kumuha siya ng baso na may lamang tubig at inabot iyon kay Annie. "Here, drink. Kailangan mo 'yang ubusin, para akin na 'yung pagkain mo." 

"Kayo talaga. Kumain na nga lang kayo." awat sa kanila ng ama ni Rosalia. Binatukan ni Annie si Reon ng magpatuloy ito sa pagtawa habang siya ay naimon ng tubig. Nang hindi sila tumigil ay pumagitna na ang ama ni Rosalia sa kanila. 

"Itay, tama na 'yan," ani ni Rosalia sa kanila habang nakain. "Hayaan niyo na sila at baka sila pa ang magkatuluyan sa huli." pagbibiro niya. Sabay na naitulak ng dalawa ang ama ni Rosalia nang magulat sila sa sinabi nito. Napatawa naman ang Ama niya saka kinuha ang plato at nagsimulang kumain ng nakatayo.

Habang ang lahat ay salo-salo na nakain ay biglang dumating ang kasamahan nila na nagtatrabaho sa bukid at may inabot sa kanyang Ama na pera at sa ibang kasamahan nila. 

Tanging ang yaman ng bukid na lang ang bumubuhay sa kanila, kahit na maliit ang kinikita ay sumasakto pa rin sa kanila 'yon sa isang buwan. 

"Kain, Iloy." alok ng ina ni Rosalia, pagkarating ni Mang Iloy. 

"Salamat..." saad niya. Tinapik niya ang balikat ni Reon at binati ang iba pa nilang kasama at muling tumingin kay Mang Cerio. "Malaki ang kinita natin ngayong buwan," aniya. "Siya nga pala baka gusto ninyong sumama bukas ng umaga sa Daraga, may magandang pasyalan doon." aya niya. 

Sabay na napatayo si Rosalia at Annie dahil sa kanilang narinig. Matagal na nilang planong pumuntang muli sa Daraga, pero hindi sila makaalis dahil sa kanilang trabaho sa bukid. 

Ang lahat ay nagsang-ayon sa sinabi ni Mang Iloy. Sa tuwing sila ay nasahod, ang lahat sa kanila ay nagababalak na mamasyal at ang mahilig na mag-aya sa kanila ay si Mang Iloy. 

"Sasama po kami!" galak na sigaw ni Rosalia. Nilapag nito ang pinagkainan niya sa lamesa at lumapit sa Ama niya. "Payag ka naman, 'di ba, Itay?" tanong niya sa kan'yang Ama. Nang hindi ito umimik ay nilapitan niya si Annie at hinigit si Reon sa tabi nila, at kumapit sa magkabilang braso ng dalawa. "Hindi kami magsasayang ng pera, Itay. Saka may ipon po kami para dyan." galak nitong wika. 

Sa lahat ng lugar na napuntahan niya, tanging ang Mayon ang nagustuhan niya. Lalo na't sa lapit nito sa tuwing sila ay pumupunta roon ay lagi niyang tinatanggal ang kanyang kwintas at tinatapat iyon sa Mayon para mahalin tulad ang hugis nito.

"Anong oras?" tanong ng kanyang ama kay Mang Iloy. Napangiti naman si Rosalia at tumingin kay Annie na abot tainga ang tuwa. "Puntahan na lang kita sa inyo."

Napabuntong-hininga na lang si Reon dahil sa naging reaksyon nila. Umalis ito sa pagkaka-akbay ni Rosalia at gumitna sa dalawa na siya na ngayon ang nakaakbay.

"Kung sino ang huling magising bukas ng umaga, siya ang manlilibre, ha?" Sabay na napatingin sa kaniya sina Annie at Rosalia at maya-maya pa ay sabay na ang dalawang tumawa. 

"Ano ka ba naman, Reon," natatawang sambit ni Rosalia. "Alam naman natin kung sino ang huli sa 'ting tatlo magising..." hindi alam ni Rosalia kung titigil na siya sa pag tawa ng makita niya ang itsura ni Reon na naging seryoso. "Pero sige, kung sino ang mahuli bukas." 

Kinabukasan ay maagang nagising si Rosalia para maghain ng almusal. Pagkabangon niya ay nilagay niya sa kama ang bag na gagamitin niya at kumuha sa kanyang drawer ng susuotin nang sabihin sa kanila na magsu-swimming.

Sandong puti, balabal at paldang brown ang kinuha niya para hindi gaanong mainit na suotin. Saglit lamang na naligo si Rosalia at nagmamadaling lumabas ng CR para magluto. 

"Ang aga mo ata magising Rosalia," bati sa kanya ng kanyang Ina na kakagising lamang. Kumuha ito ng baso at nagtimpla ng kape. "Ano ba 'yang niluluto mo?" tanong ni Aling Celia at binuksan ang pintuan sa kanilang kusina at umupo sa upuan.

"Saglit na lang po ito, Inay," masigla niyang wika. Nang matapos ay nilagay niya na sa lamesa ang kanyang nilutong ulam. Kasabay ang paglabas ng kanyang Ama sa kwarto at umupo sa isa pang upuan. "Oh, aalis na agad kayo, Itay?" takang tanong niya ng makita niya na nakabihis na ito na pang-alis.

"Oo, Rosalia." saad ni Mang Lerio. "Susundin kayo rito ni Reon, ha? Paparating na rin 'yon." aniya.

Tumayo ito at nagtungo sa kanilang posohan sa labas at naghilamos, pagkatapos ay kumaway sa kanila at umalis. 

"Ingat kayo, Itay!" sigaw niya sa kan'yang ama habang kumakaway. Gulat naman siya napatitig sa kung sinong nakasalubong ng kanyang Ama palabas. "Ang aga ata nito." bulong niya sa sarili. 

"Sinong maaga, Rosalia?" Napatayo ang kanyang Ina habang hawak ang baso na may kape at dumungaw rin sa labas. "Oh, ang aga mo, Iho." aniya kay Raven ng hindi pa ito nakakalapit sa kanila. 

"Inay!" magsiglang bati ni Reon at nagmano sa kanyang ina. Tumingin naman ito kay Rosalia sabay kindat. "Kailangan na po nating umalis. May Celebration raw na magaganap sa Daraga, kaya kailangan maaga tayo makapunta." pagpapaliwanag nito. 

"Ay, saglit lang," dali-daling tumakbo si Rosalia papunta sa kanyang kwarto at kinuha ang mga dadalhin niya. "Inay! Nasaan po ang mga dadalhin ninyo?!" sigaw niya. 

"Kunin mo na lang sa loob ng kwarto namin ng Itay mo, anak!" sigaw ng kanyang Ina. Kaagad naman siyang nagtungo sa kabilang kwarto at kinuha ang bag na nakapatong sa higaan. 

"Ok na po!" masigla niyang sabi pagkakuha niya ng mga gamit. 

Ilang oras ang naging byahe nila hanggang sa makarating sila sa Daraga. Nang makarating, ay agad na inakyat ni Rosalia ang mga bato kung saan tanaw na tanaw ang Mayon. Nakangiting pinakatitigan ni Rosalia ang kabuoan ng Mayon kasabay ng sariwang hangin.

"Maganda ba?" 

"Sobra..." Lumanghap ng hangin si Rosalia. Alam niyang kay Reon ang boses na iyon na nanggagaling sa likod niya. 

"Mas maganda ka..."

Related chapters

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 1

    "JOKE lang! Ano ka ba naman."Hindi maipinta ang mukha ni Rosalia sa pagtataka nito habang nakatingin kay Reon, na nakahawak sa batok. Dahil sa sinabi kasi nito ay alam niyang niloloko na naman siya nito.Umakbay siya kay Reon, "Alam mo," panimula niya. Napasinghap. "Hindi naman talaga ako maganda... ang tunay na maganda para sa 'kin ang kalooban ko, ang ugali ko."Sandaling napatigil ang dalawa sa pag-uusap. Tanging ang sariwang hangin at ingay ng ibang tao lang ang maririnig."You're beautiful, Rosalia..." Inalis ni Reon ang pagkaka-akbay ni Rosalia sa kanya at humarap nang nakangisi. "Kaya sana kung pwede na akong-""Rosalia! Tawag ka ni Aling Lecia!" sigaw ni Annie na papalapit sa pwesto nila. "K-kailangan raw ng pirma mo sa papel, para sa mga kasamang pumunta r-rito." Hingal na hingal nitong sabi pagka-akyat."Gano'n ba? Sige. Kailangan

    Last Updated : 2021-08-19
  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 2

    "KUYA!" Patakbong umakayat si Rosalia para puntahan ang lalaking hawak ang kanyang kwintas. Nang unti-unti siyang makalapit sa lalaki ay hinawakan niya ang lalaki sa balikat. "K-kuya! Akin iyang hawak mo." Hingal na hingal niyang sambit habang nakayuko.Importante kay Rosalia ang kwintas. Hindi ito mapapantayan ng kahit anong bagay, kahit na ito'y isang ordinaryong kwintas lamang na nakaukit ang Mayon, na naiwan sa kanya ng tunay niyang magulang... Sa kanya ay hindi. Ito'y isang yaman niya na simula pa pagkabata."Excuse me, Miss?"Inangat niya ang tingin sa lalaki nang mapatulala siya dahil sa ka-gwapuhan ng lalaki na nasa harapan niya."Who are you? What do you need from me?" Tanong sa kanya ng lalaki na takha na siyang tinitingnan.Walang kahit anong salita ang lumabas sa boses ni Rosalia. Nakaharap lang siya sa lalaki at pinag-mamasdan ang ka-gwa

    Last Updated : 2022-01-01
  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 3

    "ITAY... INAY..." Tawag ni Rosalia sa kanyang mga magulang sa kwarto. Kumatok siyang muli.Madaling araw pa lang at hindi pa sikat pa lang ang araw nang mapag-pasyahang maghanap ng pwedeng pagka-kitaan si Rosalia.Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang Inay niyang kinukusot pa ang mata. "Oh, saan ka ngani pupunta, Rosalia?" Malat na tanong sa kanya ng Inay niya. "Kumain ka na ba? Teka, ipagluluto kita ng umagahan mo."Lalabas na sana ang Inay ni Rosalia sa kwarto ngunit agad niya itong pinigilan sa kamay."Hindi na, Inay, ang totoo saglit lang akong a-lin (aalis) tapos uwi na rin ako. May hahanapin lang po ako." Mahinahong sabi ni Rosalia sa Ina niya para hindi ito mag-alala sa kanya. Sinilip niya ang kwarto. "Gising na po ba si Itay?"Lumingon rin sa loob ng kwarto ang kanyang Inay saka Inayos ang balabal nitong suot. "Ganoon pa rin. Nauubo pa rin ang

    Last Updated : 2022-01-02
  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 4

    "NURSE, where is Simeon Selim?" Mabilis na pagkakataon ni Reon pagkarating nila sa ospital ng Polangui. Agad rin namang hinanap ng nurse ang pangalan at sumagot. "Okay, salamat."Hindi na hinintay pa ni Rosalia si Reon, nang agad itong tumakbo patungo sa emergency at doon hinanap sa maraming mga pasyente ng may iniinda. Natanaw niya ang kanyang Inay na nakatayo at ang kanyang Itay sa dulo na siyang walang malay."Itay!" Sigaw ni Rosalia at patakbong pinuntahan ang kanyang Itay na may nakakabit na dextrose. "Bakit?! Bangon Itay! Nakahanap na ako ng trabaho!" Umalingawngaw ang pag-iyak ni Rosalia na siyang tinitingnan na ng iba."Rosalia, anak," Ani ng Inay niya saka hinwakan sa likod at pikalma."Kumusta si Itay, Inay?" Tanong ni Reon na puno rin ng pag-aalala."Naging maayos ang kalagayan niya kanina. Kinuhanan na rin siya ng dugo at mamaya naman a

    Last Updated : 2022-01-03
  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 5

    "ANNIE, pwede moba akong samahan? Sigee na, wala kasi akong kausap pag naroon na ako." Pagmamakaawa ni Rosalia habang iniimpake ang kanyang mga damit sa bagahe, ka tulong si Annie. "Paano na lang kung hidni ko pala maintindihan kung ano ang mga gagawin doon? Lalo na ang ipapagawa ng Tita mo sa akin.""Rosalia, ano ka ba... Kaya mo 'yan. Saka hindi naman ako pwedeng sumama dahil wala naman akong pera. Kailangan ko ting tulungan dito sila Mama at Papa... Pati na rin mga magulang mo." Mahina Hong sbai ni Annie sa kanya bago ito matapos sa pagtupi ng mga damit ni Rosalia.Ngayon ang alis ni Rosalia paluwas ng Maynila. Door to Door ang tawag sa sasakyan ni Rosalia, na kahulugan sa ating hindi nakakalaam ay isa iyong susundin si Rsoalia sa kanilang prinsya at ihahatid sa kanyang titirhan sa Maynila. Ngunit ang mga ilan lamang ang nakaka-alam nito.Masyadong mahal sa bus kaya sa van na lamang ninais ni

    Last Updated : 2022-01-04
  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 6

    "ROSALIA, saan ka ibababa?" Tanong ng driver kay Rosalia.Napahikab pa si Rosalia bago saglit na tumingin sa labas at makitang nasa Maynila na talaga siya."Deretso na lang kuya. Pag may nakita kayong malaking bahay na makaluma ay doon na ang baba ko." Tumingin si Rosalia sa salamin na nasa harap ng driver. Nang makita niya itong nakatingin roon ay ngunit siya bago tumingin muli sa labas."Rosalia ang pangalan mo 'di ba?"Napatingin siya sa kanyang kaliwa sa naging tanong ng katabi niya sa byahe. Sa hitsura nito ay nasa edad cuarenta na ang babae. May nakabalabal pa sa leeg nito at nakahalukipkip. "Tama ba ako?" Dagdag pa nitong tanong kay Rosalia.Dahan-dahan namang tumango ang dalaga. "Ako nga po... Bakit po?" Nag-iwas nang tingin si Rosalia sa may katandaang babae nang makitang sinusuri siya nito."Wala naman. Pinapa-alalahanan lang kita sa magiging buhay mo rito sa Maynila. Mahirap sa una, pero kayanin mo... Nakik

    Last Updated : 2022-01-05
  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 7

    "TARA, ROSALIA!" Pang-aaya ni Aling Anita Kay Rosalia, nang magpara ito ng tricycle pagkalabas nila ng bahay. Biglang tumakbo ang Ginang na sumakay sa likod ng driver ng tricycle. "Hoy! Sumakay ka na!"Wala nagawa si Rosalia kundi sumakay na lang sa loob. Hindi sa ayaw niya ngunit wala siyang alam na trabaho sa bar... Ok sana kung maghuhugas lang ng pinagkainan si Rosalia, ngunit nai-kwento sa kanya ng Ginang na pwede siyang maging waitress sa bar.Ngunit paano nga ba? Kung hindi naman siya maalam.Habang nasa byahe ay nag-text si Rosalia sa kanyang Inay, pagkatapos ay sa kanyang mga kaibigan na agad ring nag-sunod-sunod ang text.[Annie: Love you! Ingat ka diyan palagi! Susunod ako diyan soon, pag nakaamin na ako sa crush ko!]Gulat na palayo ang mukha ni Rosalia sa cellphone niya at napatawag na lang. Sunod niyang binasa ang text na dumating.[Reon: Next month nariyan na ako at it-take kita sa isang mamahalin

    Last Updated : 2022-01-06
  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 8

    SINIMULANG hanapin ni Rosalia sa ground floor si Gail, na sekretarya ng kanyang magiging boss."Excuse me po, nasaan po si Ms. Gail?" Tanong ni Rosalia sa nakasalubong niyang waiter rin."You mean, Gail Roldez, miss?" Tumaas ang kilay ng babae. "Kung siya nga ang hinahanap mo ay naroon siya" tinuro ng babae sa kanya ang ang nasa dulo dulo na may roon pa pa lang daan doon patungo sa kung saan.Tumango si Rosalia, "Sige po, salamat!" Ngumiti siya bago tinungo ang kabilang daan. Katulad ng nasa itaas ay mayroon rin itong isang ilaw na tanging nagsisilbing lang ng daanan. Naging madilim na rin sa loob at mas nagliwanag pa ang chandelier, dahil sa mga bamboo blinds na nakababa sa mga glass door at wall sa buong paligid.Pagpunta ni Rosalia doon ay nakita niya ang isang mahabang pathway na puno ng mga kwarto."Kwarto ba itong mga 'to?" Tanong ni Rosalia sa sarili habang tinitingnan ang mga punto na may mga ibat-ibang number.

    Last Updated : 2022-01-07

Latest chapter

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 24

    "PAGTATRABAHO ang inaasahan ko sa unang araw mo sa company ko, Ms. Selim, hindi ang gumawa ng eksena lalo pa't sa Lolo ko!" galit na sigaw ni Lev kay Rosalia, napahimalos pa ito ng kamay sa kanyang mukha. Nanatiling nakatungo ang ulo ni Rosalia. Kanina pa siya nito sinesermonan ng dalhin siya ng kanyang boss sa meeting room. "Patawad po-""Patawad?! Oh, come on, Ms. Selim... Hindi sa lahat ng oras patawad ang nagiging solusyon!" galit na sabi ni Lev na halos pinupuno ang meeting room ng galit. "Matuto ka namang ilugar 'yang katapangan mo."Hindi magawang iangat ni Rosalia ang kanyang mukha para tingnan ang kanyang boss na patuloy sa kanya mag sermon. Hindi naman siya ang mali. Tama lang ang kanyang ginawa. Pero sa isip ni Rosalia ay may mali rin siya.Hindi ko dapat ginawa iyon. Umuwing nanatiling malungkot ang hitsura ni Rosalia. Dahan-dahan niyang binuksan ang gate ng apartment nila. At sa pagkakataon na iyon ay namataan niya sina Tania at Trina na hindi mapakali sa paglalakad.

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 23

    "NAKO! Muntik ka na masisanti, Rosalia!" Nagpapadyak sa kaba si Lerio dahil sa takot kanina sa nangyari. "Mabuti na lang na pagbigyan ka.""Kaya nga po, Kuya Lerio," sabi ni Rosalia habang nagtitimpla ng kape ng kanyang boss. "Pero kasalanan ko rin po talaga. Hindi ko na po uulitin 'yon. Ang alam ko ay nasa bag ko ang id ko."Mano-manong tinimpla ni Rosalia ang kape gamit ang kutsarang binigay sa kanya ni Mang Lerio. Hindi niya alam kung paano gamitin ang mga kagamitan na pang timpla sa kape. Ang alam niya lang na gamitin ay kutsara. "Siya nga pala, Rosalia. Malapit na kaming ikasal ng asawa ko. Plano sana kitang imbitahan." Sabi ni Mang Lerio. "Ok lang ba sa'yo?" Napatigil si Rosalia nang matapos ito sa pagtimpla. Nilingon niya si Mang Lerio at saglit na nag isip bago mapangiti. "Sino po ba ako para tanggihan ang alok ng una kong naging kaibigan sa kumpanya na 'to." napangiti si Rosalia. Nilapitan at tinapik niya ang balikat ni Mang Lerio. "Congratulations po, Mang Lerio."Napangi

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 22

    "OPO, Inay! Bukas po ang simula ng trabaho ko." masayang pagbabalita ni Rosalia sa kanyang Inay na katawagan niya sa cp ni Annie. Nabalitaan niya rin sa kanyang Inay na hindi pa rin nagaan ang kalagayan ng kanyang Itay. Kahit na may kabang nararamdaman, wala siyang planong sumuko hanggat hindi niya nakukuha ang pinunta niya sa Maynila para maipagamot ang kanyang Itay. Inay: [Mabuti naman at ok ka diyan, anak! Masaya kami ng Tatay mo para sa trabaho mo! Maipapagamot na natin ang Itay mo.]Napangiti lalo si Rosalia. Hindi man niya nakikita ang kanyang Inay habang kausap niya, alam niyang nakangiti ito at naiiyak sa tuwa."Alam niyo po, Inay... Miss ko na ang Bicol... Kayo po pati na rin po sina Annie at iba pa pong mga kapitbahay natin diyan." sabi ni Rosalia, napabuntong hininga. Inay: [Nako, Rosalia! Kung naririnig mo lang ang mga kapitbahay natin na halos araw-araw ka na nilang kinakamusta sa amin ni Annie.]Sabay silang nagtawanan ng kanyang Inay. Hindi maitatagong talagang na-mi

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 21

    "SIR, ganito pong palda, pwede na po ba?" nahihiyang tinaas ni Rosalia ang skirt na sa tansya ay hanggang binti niya. "'Yan, ma'am! Ayos na po 'yan!" nakangiting sabi ng sales lady na nasa tabi ni Rosalia."That's ok. But try to find a longer skirt." seryosong sagot ni Lev. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa ng pants niya ng tumunog iyon. Tumingin siya kay Rosalia. "I have to take this call, Ms. Selim." sabi ni Lev, na tinanguan naman agad ni Rosalia, sabay talikod nito at umalis. Pinakatitigan ni Rosalia ang skirt na napili niya. Violet skirt iyon na pag sinuot ay fitted at makikita ang hugis ng kanyang hips. Maya-maya ay napangiti siya at naghanap pa ng ibang kulay."Excuse me, ma'am," tawag ng sales lady na kasama ni Roslaia kaya agad niya itong nilingon."B-bakit po?" utal na tanong ni Rosalia. Pinakita niya rin sa sales lady ang napili niyang skirt. "Pangit po ba? Hindi bagay sa akin?""Ay, nako! Nako, ma'am! Bagay po sa inyo! Sobra nga po." natawa ang sales lady sa sina

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 20

    "PANIGURADONG magagalit sa akin si Sir Lev nito, Annie." Hindi mapakaling napaupo sa kanyang kama si Rosalia habang kausap sa telepono si Annie. Annie: [Malamang 'yan, Rosalia... Sino ba naman kasing mangangako sa kasamahan niya sa apartment na pakikiusapan niya ang kanyang boss na ipasok ang nagngangalang, Trina... Malamang ikaw.] Napasandal sa dingding si Rosalia. Rinig niya ang mahinang tawa ni Annie pero nangingibabaw sa kanya ang kaba. Hindi naman niya sinasadya na mapa-oo na tulungan si Trina, sadyang naawa lang siya dahil sa rason ni Trina para lang makapasok sa Werloz company. Ramdam niya ang kahirapan ni Trina. Hindi lamang sa pangangailangan nitong mag-trabaho, kundi para na rin sa kagustuhan nitong muling makapag-aral. College student na sana si Trina. Kwento pa ni Trina kay Rosalia ay natigil ang kanyang pag-aaral at mapag-pasyahan nilang magkapatid na alisan ang tita nilang inaabuso lamang sila. Wala na pala silang pamilya. Hindi patay, kundi may kani-kanila ng pamil

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 19

    HAPON na nang makauwi si Rosalia sa apartment na tinutulungan niya. Mabuti na lang at pinahatid siya ng kanyang magiging boss kay Lerio at makasalubong si Trina, ang kapatid ni Tania, na sila na ngayong kasama ni Rosalia sa isang tindahan ng ihaw-ihaw malapit sa kanila. Nakikipag-kwentuhan si Trina sa mga kaibigan nitong nakatambay sa loob at kumakain ng ihaw-ihaw."Nako, Rosalia! Muntik na tayo do'n kanina." Salita ni Lerio na siyang may hawak pang isaw. "Mabuti na lang at napag-bigyan tayo!""Mabuti nga po, Kuya Lerio. Hindi ko na po alam kung anong gagawin ko kanina." Ani ni Rosalia bago saglit na lingunin ang nasa likuran niyang black na bmw na sasakyan. "Saka, 'yung mga tingnin ni sir, parang mangangain na." Sinubo ni Rosalia ang natitirang isaw na nasa stick niya bago kunin ang panibagong isaw na nasa gilid ng ihawan.Napatawa naman si Lerio sa sinabi ni Rosalia. "Nako! Ganoon na talaga si sir, Rosalia. Pero ang pinag-tataka ko nga ay bakit hindi naging ma

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 18

    TAHIMIK na naglalakad si Rosalia kasama ang driver kanina na kausap niya kanina sa labas at ang kanyang magiging boss. Bumalik sa bar si Tefiro dahil kailangan nito ang binigay na trabaho sa kanya ni Lev.Nasa loob na ng building sila Rosalia at kahit na gusto niya mapa-ngiti at pagmasdan ang mga taong busy sa kanilang mga ginagawa sa loob ng office ay hindi niya pa rin magawa dahil sa ka bang narraamdaman.Habang nangunguna sa paglakad si Lev ay Napatingin siya sa katabi niya na nginingitian ang mga nasa loob ng kani-kanilang office."K-kuya ng driver," kinulbit ni Rosalia ang driver dahilan para ito'y mapatingin sa kanya at tumaas ang kilay. "Ano po bang ginagawa ng isang secretary ni sir?" Mahinang tanong ni Rosalia at mapatingin kay Lev na patuloy sa paglalakad."Tawagin mo na lang akong Lerio, Rosalia." Ani nito bago lumapit sa tainga ni Rosalia, "Ang sagot sa tanong mo ay kailangan mo lang na kasabay kay Sir Grayson, lalo na sa mga meeting niya mins

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 17

    TAHIMIK lamang si Rosalia na nakatitig sa lalaking nasa harap niya na. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking kanyang ka harap ay ang tumulong sa kanya noong gabing gahasain siya ng kanyang dating boss."I-ikaw y-yung tumulong s-sa akin noong gabi na 'yon." Mahina ng sabi ni Rosalia ngunit nakita niya ang pagkagulat ni Tefiro mula sa gilid niya at makita si Lev na seryoso lang ang mukha."Excuse me? Pardon?" Natatawang tanong ni Lev habang nakatingin kay Rosalia. "Anong gabi na 'yon? What's happening, Tefiro?" Napatingin si Lev kay Tefiro na parang walang alam."Ah, sir, I think nagkakamali po si Rosalia." napatingin si Tefiro kay Rosalia na parang sinenyasan ito na walang alam ang totoong may-ari ng bar sa nangyari noong gabi na iyon.Napakunot ang noo ni Rosalia na binabalik-balik ang tingin sa dalawang lalaki. Alam niya at totoo ang sinasabi niya. Hindi man niya iyon nakilala nang maayos ngunit sa boses pa lang nito ay alam na alam niya na.

  • 'Di ba siya ang Mahal mo?    Chapter 16

    "KUMUSTA na po diyan inay? Maayos lang po ba kayo diyan? Kumakain naman po ba kayo sa tamang oras?" Sunod-sunod na tanong ni Rosalia habang namimili ng kanyang masusuot sa pag-punta sa bar. "Kumain po kayo iyan ng marami ha. Ata hindi pa man ngani ako makakapag-padala kwarta sa inyo diyan ni Itay.""Ay, ano ka ba, anak. Kahit na malayo kay ay ganiyan ka parin kung mag tanong sa amin," napatawa ng ginang mula sa kabilang linya. "Saka h'wag kang mag-alala, ok lang kami rito, andito naman si Annie at mga kapitbahay natin na natulog rin."Nakahinga nng maluwag si Rosalia at mapangisi sa narinig. Hindi nito ini-expect na natulong pa rin ang kanilang mga ka-kilala sa kanila. Iba pa rin talaga ang taglay ng pagtutulungan sa kanilang bayan."Balang araw, inay, tayo naman ang tutulong sa kanila. Kahit na maliit lang ang itulong natin basta't may silbi ang lahat ng iyon at bukal sa kalooban." Nakangiting sabi ni Rosalia. Inipit niya sa kanyang balikat at tainga ang

DMCA.com Protection Status