"ANNIE, pwede moba akong samahan? Sigee na, wala kasi akong kausap pag naroon na ako." Pagmamakaawa ni Rosalia habang iniimpake ang kanyang mga damit sa bagahe, ka tulong si Annie. "Paano na lang kung hidni ko pala maintindihan kung ano ang mga gagawin doon? Lalo na ang ipapagawa ng Tita mo sa akin."
"Rosalia, ano ka ba... Kaya mo 'yan. Saka hindi naman ako pwedeng sumama dahil wala naman akong pera. Kailangan ko ting tulungan dito sila Mama at Papa... Pati na rin mga magulang mo." Mahina Hong sbai ni Annie sa kanya bago ito matapos sa pagtupi ng mga damit ni Rosalia.
Ngayon ang alis ni Rosalia paluwas ng Maynila. Door to Door ang tawag sa sasakyan ni Rosalia, na kahulugan sa ating hindi nakakalaam ay isa iyong susundin si Rsoalia sa kanilang prinsya at ihahatid sa kanyang titirhan sa Maynila. Ngunit ang mga ilan lamang ang nakaka-alam nito.
Masyadong mahal sa bus kaya sa van na lamang ninais ni Rosalia sumakay. Sakto pa na ang mga makakasama niya ay mga kakilala niya rin.
"Saka h'wag mong tatangkaing umatras dahil nagsasabi na si Reon sa magsusundo sa iyong Door to Door." Sabi ni Rosalia na winagayway parang hintuturong daliri nito na nagsasabi ng h'wag. Nilabas nito ang cellphone at may kung anong tinype.
Napa-upo na lang si Rosalia sa kanyang higaan saka ngumiti habang nakatingin kay Annie. Saglit siyang napa-isip pero natatabunan na iyon ng nararapat niyang gawin, ang mag trabaho sa Maynila.
"Oh, nag text si Reon, kung tapos na raw tayo mag impake?" Tanong ni Annie bago tumingin kay Rosalia at taasan ito ng kilay.
"Ay, oo, tapos na." Mabilis na sinarado ni Rosalia ang maleta niyang dadalhin bago niya ito ibaba sa sahig. "Nariyan na ba siya?"
"Ah... Malapit na 'yun. Saka Nariyan lang naman ang bahay na pagtatanungan niya." Sagot ni Annie bago mapaupo. Nakatingin ulit siya sa kanyang cellphone at kung minsan ay npapangiti. "Nag text ulit siya. Sumama raw tayo papunta sa Itay at Inay mo, Lia."
"Ah, oo. Nabasa ko na ang text niya, ngayon-ngayon lang. Ang dami nga," Napangisi na lang si Rosalia dahil sa dami ng naging text ni Reon sa kanya na magmula pa kanina. Hindi niya iyon napansin agad. "Salamat, Annie." Nginitian niya si Annie bago maupo sa gilid ng kama niya.
Saglit niya lang binasa ang mga naunang text ni Reon bago niya i-search sa isang website kung ano ang pwedeng maging trabaho sa Maynila. Seryoso ang mukha niya na puno ng pangamba habang isa-isang binabasa ang mga nakalap niyang impormasyon.
[Hiring Manikurista (Parañaque Area)]
-May alam sa pag-ma-manicure
-25 years old and above
(Please call : 0920*******)
[Hiring Jobs:]
-Kitchen Helper
-Kasambahay
-Janitor/Janitress
Napa-awang ang labi ni Rosalia dahil sa nababasa ng pwedeng maging trabaho sa Maynila. Hindi niya alam na ganoon pala ang mga pwedeng maging trabaho sa Maynila. Napanatag rin kahit papaano si Rosalia kung sakali man na hindi siya tanggapin sa inaalok ng tita ni Annie.
Pumunta siya sa kabilang site at nag-search kung anong pwedeng maging trabaho. Nang may bigla siyang nakita na hindi niya alam kung magugustuhan niya o hindi.
[Hiring at Werloz Company!]
SALARY: ₱40,000 to ₱60,000
-Janitor
-Officemate's Delivery rider
-Secretary
-CEO's bodyguard
[Please be prepared as much as possible to be required requirements to apply for the job of your choice. Message me for other questions and to schedule you for the interview.]
Natitigan ni Rosalia at paulit-ulit na binabasa sa isipan ang magiging sahod pag nagka taon mang mag trabaho siay roon. Marami na rin ang nag-react at samo't-saring comment ang na pupunta sa post na iyon. Pero sa nakikita niya ay hindi muna siya roon makakapasok nang wala siyang mai-lalabas na amunang pera.
"Rosalia! Nariyan na araw si Reon sa labas. Tara!" Biglang sumigaw si Annie saka ito napatayo.
Hindi na natapos ni Annie pa magbasa at makapag-isip sa trabahong iyon. Hinawakan ni Annie si Rosalia sa kamay at sabay silang lumabas ng bahay. i-lock ni Rosalia ang bahay saka sila patakbong umakayat sa kalsada.
Naunang pumasok si Rosalia at sa likod siya umupo habang hingal na hingal ito habang natatawa. At si Annie naman ay sa tabi ni Reon sa unahan.
"Why are you so out of breath?" Takhang tanong ni Reon sa kanila bago in-start ang kanyang kotse.
"Malamang tumakbo!" Singhal ni Annie kay Reon.
"Si Rosalia ang tinatanong ko, Annie!" Biglang sagot ni Reon habang kunot ang noong nakatingin kay Annie.
Tinawanan na lamang sila ni Rosalia bago inawat ang dalawang nagsasagutan pa rin.
"Tumigil na kayo. Mamaya na kayo mag-away pag nakapunta na tayo kay Itay sa ospital." Nawala ang pag-tawa ni Rosalia ng maalala ang kanyang Itay. Sumilip siya sa harapan at tiningnan si Reon. "Tara na, Reon."
Naawa naman si Reon at naintindihan ang sitwasyon ngayon ni Rosalia. "O-ok." Napa-ubo si Reon nang tumingin ito sa harap na naiilang ng pina-andar ang kotse. Tinago niya pa ang kanyang mukha dahil sa nag-iinit ito.
Bumalik sa upuan si Rosalia at doon iniisip kung anong sasabihin at ipapaliwanag sa kanyang Inay at Itay.
Habang nasa byahe ay napag-desisyunan ni Rosalia na hindi muna sabihin sa kanyang Itay ang kanyang desisyon, kahit na mahirap. Gustuhin man niyang hindi muna magsabi sa Itay ay kailangan at baka makasama pa ito sa sitwasyon ng kanyang Itay.
Sa pagpasok nilang tatlo sa ospital ay mas lalong kinakabahan at animoy nalalagutan ng hininga si Rosalia. Gusto niya ring maiyak dahil ito na ang huli nilang pagkikita magpapamilya, ngunit pinigilan niya iyon. Lumapit siya sa kaniyang mga magulang na kalmado at may kaunting ngiti sa labi.
"Inay," tawag niya sa kan'yang Inay na mukhang kakagising lang, bago magmano. Saka tumingin sa Itay niyang natutulog pa rin at may dextrose sa ilong. "Kumusta na po ang Itay?"
Nagmano si Annie at sumunod Naan si Reon sa Ina ni Rosalia.
"Napaaga ata ang dating niyo," Sabi ng Ina ni Rosalia. Pinaupo nito si Rosalia sa tabi niya at tinuro sa dalawa ang bakanteng mga silya sa kabilang gilid ng kama na magkapatong. "Kaka-uwi mo lang kanina, Rosalia. Bakit ka ulit pumunta rito?" Tanong ng Ina nito sa kanya.
Napahilig sa balikat si Rosalia sa kanyang Inay. Mataimtim nitong dinarama ang saya sa sandaling makakasama na lang niya ang kanyang mga magulang, dahil sa siya'y aalis na.
"Ay, mukhang may kailangan ang anak ko, ah." Natatawang sambit ng Ginang. Inalis niya sa balikat niya si Rosalia saka ito hinarap sa kanya ang dalaga. "Anong kailangangan ng maganda kong anak? Hmm?" Napangiti ang Ginang.
Hindi makapag salita si Rosalia hanggang sa maramdaman niya na lang na magbago nag ekspresyon ng Inay niya. Napagtanto niya kung ano iyon nang maramdaman niyang tumtulo na ang kanyang mga luha.
"Rosalia, bakit ka naiyak?" May pag-aalalang tanong ng Ginang sa kanya. Lumingon siya sa dalawang nasa kabila nakaupo. "Anong nangyari sa apo ko? May alam ba kayo?" Mabilis nitong hinarap si Rosalia na nakahilig na sa kanyang d****b. "Rosalia, mag salita ka. Anong nangyayari?"
"Si Rosalia po ang dapat na magsabi sa inyo niyan, Inay." Sabi ni Annie.
Gustohin man ni Rosalia magsabi ngunit walang lumalabas na kahit ano sa kanya. Tanging ang pag-iyak at mahigpit na yakap lamang ang nagagawa niya sa ngayon.
Sinilip niya ang dalawang kaibigan na nakaupo sa kabila at sabay pa silang tinanguan siya, ngunit agad siyang umiling.
Madaling isipin, mahirap gawin at sabihin. Iyan ang pumapasok ngayon sa isipan ni Rosalia nang marinig at makita niyang tumawa kahit papaano ang kanyang Inay. Dahil doon ay parang ayaw niya ng umalis at rito na lamang sa kanilang probinsya mahinarahan at maghanap ng trabaho.
Pero sa panahon ngayon, iba na ang sistema. Nasa kalahati pa lamang ng sakit na mararamdaman ang pagkahiwalay sa mga magulang para lamang mapunta at mag trabaho sa Maynila. Bukod pa riyan ang mga nagta-trabaho sa malala yong lugar... Sa madaling salita, sa ibang bansa.
"Inay kasi," umayos nang upo si Rosalia at matapang na hinarap ang kanyang Inay. Hinawakan niya ito sa kamay.
"Kinakabahan naman ako sa 'yo, Rosalia!" Natatawang sabi na lang ng kanyang Ina ngunit ramdam nito ang tensyon. "Ano ba kasing sasabihin mo?"
"Inay... Aalis po a-ako." Natigilan si Rosalia dahil sa sinabi niya. Nakita niya ang pagattaka ng kanyang Inay. Pagkakataon niya na rin ito. Huminga siya ng malalim bago magsalita ng muli. "Sana maintindihan niyo ako, Inay. Napag-deisyunan ko pong mag trabaho sa Maynila-"
Biglang napatayo ang GInang dahil sa pagkabigla. "Jusko naman, Rosalia!" Sigaw niya sa dagala. Napahawak ang Ginang sa kanyang d****b. "Ano namang naisipan mo, anak?!"
"Inay, para naman po 'to sa pag papagamot kay Itay."
"Naiintindhina kita, Rosalia! Pero alam mo naman na malala ang kalagayn ng Itay mo. Sino ang makakasama ko kung wala ka?" Napsapo ang Ginang sa noo. "Nagustuhan mong umalis kung kailan malaki na ang problema! Jusko, anak! Hindi rin biro ang mag trabaho sa Maynila."
May kung anong sumampal na katotohanan kay Rosalia. Ngunit kailangan niya pa rin ipaglaban ang kagustuhan niya na para rin sa magulang niya.
"Inay, sana naiintindihan niyo ako." Mahinahong paki-usap ni Rosalia sa kanyang Ina, at walang nagawan tumayo na rin at hinarap ang Ina nito. "Lubog na po ayo sa utang. Hindi natin iyon kayang bayaran lalo na't hindi sapat ang kinikita natin sa bukid,"
"Saka pinahiram ako ni Annie kahit nakaka unting pera, pati na rin ni Reon, para makapunta ako Maynila." Hinawakan niya ang kamay ng kanyang Ina ng tumahimik ito. "Sana payagan niyo na akong umalis, Inay. Para ito sa atin, kay Itay, para gumaling na siya. Alam ko naman pong nakatulong na rin ang kinikita natin sa bukid... Pero, Inay. Ilang araw o buwan tayong naghihintay mag anihan bago tayo magka-pera."
Naiyak na lang sa dami ng problema ng pinapasan si Cecilia. Nang maya-maya pa ay mahigpit niyang niyakap si Rosalia at mapangiti. Kahit na labag sa kalooban na mahiwalay sa kanila si Rosalia ay nasisiguro niyang tama ang nagiging desisyon ng kanyang anak.
"Kailan ang alis mo?"
Umaliwalas ang mukha ni Rosalia nang harapin ang knaayng Ina. Napangiwi siya. Lumapit sa kanila si Reon at Annie na may tuwa rin sa labi.
"Ngayon po ang alis ni Rosalia, Inay." Si Reon ang sumagot. "Kukunin po namin ang mga bagae niya sa bahay niyo bago ko siya maihatid sa susunod sa kanya." Ngumit si Reon sa Ginang.
"Sige na. Mauna na kayo. At baka maiwan pa si Rosalia." Utos ng GInang na pinunasan pa ang luha. Hinarap niya si Rosalia ng may ngiti. "Mag-iingat ka doon ha? Tumawag, anak, pag may kailangan o problema."
"Salamat, Inay! Pasabi na lang po ka Itay." Mariin niyang ni yakap ang Ina nito saka mabilis na tumakbo palabas.
Mabilis na nakarating ang sasakyan ni Reon sa kanila upang kunin ang maleta nitong kaninang iniwan. Hanngang sa ihatid nila Annie at Reon si Rosalia sa van nitong sasakyan na ready na umalis.
"Salamat sa inyo." Masayang ni yakap ni Annie ang mga kaibigan niya. Matagal muli bago iyon mangyari.
"Just make sure na mag-ingat ka roon. Uuwi rin ako sa Maynila sa susunod na buwan at hahanapin kita." Sabi ni Reon na nagpangisi pa kay Rosalia at napangiwi kay Annie.
"Text mo rin ako!" Sabi ni Annie at last na niyakap si Rosalia.
Sumakay na si Rosalia sa Van at kumaway sa kanyang mga kaibigan na sakto namang paandar at paalis na ang van.
"Paalam sa inyo! Mami-miss ko kayo! Pasabi kina Inay at Itay, makakahanap ako ng pera para sa kanila!" Sigaw ni Rosalia na naiiyak na lang sa tuwa bago isarado ang bintana.
"ROSALIA, saan ka ibababa?" Tanong ng driver kay Rosalia.Napahikab pa si Rosalia bago saglit na tumingin sa labas at makitang nasa Maynila na talaga siya."Deretso na lang kuya. Pag may nakita kayong malaking bahay na makaluma ay doon na ang baba ko." Tumingin si Rosalia sa salamin na nasa harap ng driver. Nang makita niya itong nakatingin roon ay ngunit siya bago tumingin muli sa labas."Rosalia ang pangalan mo 'di ba?"Napatingin siya sa kanyang kaliwa sa naging tanong ng katabi niya sa byahe. Sa hitsura nito ay nasa edad cuarenta na ang babae. May nakabalabal pa sa leeg nito at nakahalukipkip. "Tama ba ako?" Dagdag pa nitong tanong kay Rosalia.Dahan-dahan namang tumango ang dalaga. "Ako nga po... Bakit po?" Nag-iwas nang tingin si Rosalia sa may katandaang babae nang makitang sinusuri siya nito."Wala naman. Pinapa-alalahanan lang kita sa magiging buhay mo rito sa Maynila. Mahirap sa una, pero kayanin mo... Nakik
"TARA, ROSALIA!" Pang-aaya ni Aling Anita Kay Rosalia, nang magpara ito ng tricycle pagkalabas nila ng bahay. Biglang tumakbo ang Ginang na sumakay sa likod ng driver ng tricycle. "Hoy! Sumakay ka na!"Wala nagawa si Rosalia kundi sumakay na lang sa loob. Hindi sa ayaw niya ngunit wala siyang alam na trabaho sa bar... Ok sana kung maghuhugas lang ng pinagkainan si Rosalia, ngunit nai-kwento sa kanya ng Ginang na pwede siyang maging waitress sa bar.Ngunit paano nga ba? Kung hindi naman siya maalam.Habang nasa byahe ay nag-text si Rosalia sa kanyang Inay, pagkatapos ay sa kanyang mga kaibigan na agad ring nag-sunod-sunod ang text.[Annie: Love you! Ingat ka diyan palagi! Susunod ako diyan soon, pag nakaamin na ako sa crush ko!]Gulat na palayo ang mukha ni Rosalia sa cellphone niya at napatawag na lang. Sunod niyang binasa ang text na dumating.[Reon: Next month nariyan na ako at it-take kita sa isang mamahalin
SINIMULANG hanapin ni Rosalia sa ground floor si Gail, na sekretarya ng kanyang magiging boss."Excuse me po, nasaan po si Ms. Gail?" Tanong ni Rosalia sa nakasalubong niyang waiter rin."You mean, Gail Roldez, miss?" Tumaas ang kilay ng babae. "Kung siya nga ang hinahanap mo ay naroon siya" tinuro ng babae sa kanya ang ang nasa dulo dulo na may roon pa pa lang daan doon patungo sa kung saan.Tumango si Rosalia, "Sige po, salamat!" Ngumiti siya bago tinungo ang kabilang daan. Katulad ng nasa itaas ay mayroon rin itong isang ilaw na tanging nagsisilbing lang ng daanan. Naging madilim na rin sa loob at mas nagliwanag pa ang chandelier, dahil sa mga bamboo blinds na nakababa sa mga glass door at wall sa buong paligid.Pagpunta ni Rosalia doon ay nakita niya ang isang mahabang pathway na puno ng mga kwarto."Kwarto ba itong mga 'to?" Tanong ni Rosalia sa sarili habang tinitingnan ang mga punto na may mga ibat-ibang number.
NATAPOS ang duty ni Rosalia mag-a-alas once na ng gabi."Ano ka ba girl, 'di ba ang sabi ko sa iyo ay tawagin mo ako. Nakakahiya tuloy nangyari sa iyo doon." Sabi ni Elyn kay Rosalia ng nasa isang kwarto sila at doon muna pinalipas ng gabi."Alam mo ba Elyn, akala ko talaga ay nagbibiro lang si Sir Teff kanina." Nawala ang kaba ni Rosalia magmula pa kanina hanggang sa makapunta sila sa kanilang kwartong pinahiram ng kanilang boss.Akala ni Rosalia ay hindi nagbibiro ang kanyang boss sa naging sagot nito. Mabuti na lang at nakuha niya ang sobrang kaba ni Rosalia kaya hindi natuloy ang gusto ng lalaking humigit sa kanya kanina."Teka pala, Rosalia, bakit ba sa atin ito binigay ni Sir Mival? Alam mo bang hindi siay ganito dati sa amin. Pero ngayon, akalain mo, sinabihan ka pang dito muna sa kwarto na 'to."Pabagsak na umupo si Rosalia bago damdamin ang kalambutan ng kanyang kamang inuupuan. Tumingin ito kay Elyn. "Hindi ko rin
MAG-IISANG LINGGO na magmula ang unang pag-ta-trabaho ni Rosalia sa bar ng knayng Boss na si Mival. Naging maayos ang kanyang trabaho at ang naging unang sahod niya noon ay pinadala niya sa kan'yang pamilya."Opo, Inay, nag-iingat naman po ako rito. Saka alam niyo Inay, ang yayaman ng mga tao dito, 'yun nga lang medyo mahirap po silang pakisamahan." Sabi ni Rosalia mula sa kabilang linya kausap ang kanyang Ina. "Kumusta na po pala si Itay, Inay? Kayo po diyan?"Papasok siya ngayon sa bar at hinanap ag sekretarya na si Mis. Gail upang mag-check ng attendance.Ina niya:[Basta, mag-iingat ka pa rin diyan. Saka, okay lang kami rito. H'wag ka na munang mag-alala sa amin, nakauwi na rin kami sa bahay... Ang sabi ng doctor sa Itay mo ay nagiging maayos naman ang lagay niya at hindi na ganoon kalala ang sakit niya.]"Opo, Inay. Mag-iingat rin po kayo diyan," agad na nakita ni Rosalia ang sekretarya ng si Gail kaya agaditong pat
BUMALIK sa trabaho sina Rosalia. Pababa na sila ngayon ng hagdan habang nakasimangot ang mga mukha."Ano ba 'yan, Rosalia! Sa susunod kasi mag-ingat ka rin." Sigaw ni Gail Kay Rosalia nang maka-baba sila ng hagdan at pa-deretso sa loob. "Tingnan mo tuloy ang nangyari, bawas ang sahod nating tatlo- kahit ako na secretary pa ni Mival. Myghod!" Inis na hinawi ni Gail ang knayng buhok"Hindi ko naman po talaga nakita si Ms. Lalaine kanina," napakagat sa ibabang labi si Rosalia bago tumingin kina Gail at Elyn. "Sorry nadamay ko pa po kayo."Dere-deretso silang pumasok ng bar at makitang mas dumami pa ang mga tao. Makikitang may babaeng lasing na lasing pa na nasayaw sa pole na nasa gitna. Makikitang lahat ng mga tao ay naroon at naghihiyawan na rin ang iba.Nag-paalam kina Rosalia si Gail dahil sa mga visitors ng kanilang boss na darating. Nagtungo na muna sila Rosalia at Elyn kung saan ang pwesto ng bartender na si Marc upang makuha ang mga wine n
"ANG LANDI niya kasi kaya ayan ang napapala ng mapapagalitan ni sir.""Sinabi mo pa. Baguhan na nga lang ang yabang pa. Aayaw-ayaw pa, gusto naman.""True girl! Kung ako lang niyaya ng lalaking iyon. Nako nagpapakasaya na kami."Kaniya-kanyang komento ang mga naririnig ni Rosalia sa mga kaabaihang nadaraaan niya paakyat ng hagdan. Nakatingin lang siya sa hagdan at hindi pinapansin ang mga kababaihang pinagchi-chismisan siya. Hanggang sa siya'y makarating sa harap ng pinto ng office.Natigilan si Rosalia na pihitin ang doorknob. Puno ng kaba ang nararamdaman niya at pagkadismaya. "Jusko, sana h'wag po ngayon. Kailangan ko po munang mapagamot ang Itay ko." Huminga ng malalim si Rosalia bago tuluyang buksan ang pinto.Natagpuan niya ang kanyang boss na nakatayo sa likuran ng swivel chair nito, nakatalikod ito at naninigarilyo. Napatakip si Rosalia sa kanyang ilong sa amoy noon. Masyadong matapang at masakit sa ilong."S-sir," tawag ni Rosalia s
NAGHINTAY ng tatlong araw bago ang pag-balik ni Rosalia ng pera sa kaniyang boss. Pina-utang muna ni Gail si Rosalia upang mabayaran ang sobrang sahod sa kanya. Mamayang gabi pa ang pasok ni Rosalia dahil iyon ang nasa schedule niya. Hindi maalis sa isip ni Rosalia kung magagalit ba ang kanyang boss sa kanyang pagba-balik sa pera nito o umabot sa tanggalin siya. H'wag naman sana. Iyon na lang ang tanging trabaho an mayroon ako ngayon. "Gising na, Magayon!" Kunot ang noo at naniningkit na mga matang napadilat si Rosalia kay Tania. Nasa harap niya na ito at pilit pa rin siyang tinatapik. "Goodmorning rin, Tania." Bumangon si Rosalia saka malinaw na tiningnan si Tania. Mabilis niyang kinuha sa gilid kng unan niya ang kanyang cellphone na di-keypad at makitang alas-otso na ng umaga. "Rosalia, aalis lang kami ha? Mag-ma-mall lang. Kaya ikaw lang muna rito sa
"PAGTATRABAHO ang inaasahan ko sa unang araw mo sa company ko, Ms. Selim, hindi ang gumawa ng eksena lalo pa't sa Lolo ko!" galit na sigaw ni Lev kay Rosalia, napahimalos pa ito ng kamay sa kanyang mukha. Nanatiling nakatungo ang ulo ni Rosalia. Kanina pa siya nito sinesermonan ng dalhin siya ng kanyang boss sa meeting room. "Patawad po-""Patawad?! Oh, come on, Ms. Selim... Hindi sa lahat ng oras patawad ang nagiging solusyon!" galit na sabi ni Lev na halos pinupuno ang meeting room ng galit. "Matuto ka namang ilugar 'yang katapangan mo."Hindi magawang iangat ni Rosalia ang kanyang mukha para tingnan ang kanyang boss na patuloy sa kanya mag sermon. Hindi naman siya ang mali. Tama lang ang kanyang ginawa. Pero sa isip ni Rosalia ay may mali rin siya.Hindi ko dapat ginawa iyon. Umuwing nanatiling malungkot ang hitsura ni Rosalia. Dahan-dahan niyang binuksan ang gate ng apartment nila. At sa pagkakataon na iyon ay namataan niya sina Tania at Trina na hindi mapakali sa paglalakad.
"NAKO! Muntik ka na masisanti, Rosalia!" Nagpapadyak sa kaba si Lerio dahil sa takot kanina sa nangyari. "Mabuti na lang na pagbigyan ka.""Kaya nga po, Kuya Lerio," sabi ni Rosalia habang nagtitimpla ng kape ng kanyang boss. "Pero kasalanan ko rin po talaga. Hindi ko na po uulitin 'yon. Ang alam ko ay nasa bag ko ang id ko."Mano-manong tinimpla ni Rosalia ang kape gamit ang kutsarang binigay sa kanya ni Mang Lerio. Hindi niya alam kung paano gamitin ang mga kagamitan na pang timpla sa kape. Ang alam niya lang na gamitin ay kutsara. "Siya nga pala, Rosalia. Malapit na kaming ikasal ng asawa ko. Plano sana kitang imbitahan." Sabi ni Mang Lerio. "Ok lang ba sa'yo?" Napatigil si Rosalia nang matapos ito sa pagtimpla. Nilingon niya si Mang Lerio at saglit na nag isip bago mapangiti. "Sino po ba ako para tanggihan ang alok ng una kong naging kaibigan sa kumpanya na 'to." napangiti si Rosalia. Nilapitan at tinapik niya ang balikat ni Mang Lerio. "Congratulations po, Mang Lerio."Napangi
"OPO, Inay! Bukas po ang simula ng trabaho ko." masayang pagbabalita ni Rosalia sa kanyang Inay na katawagan niya sa cp ni Annie. Nabalitaan niya rin sa kanyang Inay na hindi pa rin nagaan ang kalagayan ng kanyang Itay. Kahit na may kabang nararamdaman, wala siyang planong sumuko hanggat hindi niya nakukuha ang pinunta niya sa Maynila para maipagamot ang kanyang Itay. Inay: [Mabuti naman at ok ka diyan, anak! Masaya kami ng Tatay mo para sa trabaho mo! Maipapagamot na natin ang Itay mo.]Napangiti lalo si Rosalia. Hindi man niya nakikita ang kanyang Inay habang kausap niya, alam niyang nakangiti ito at naiiyak sa tuwa."Alam niyo po, Inay... Miss ko na ang Bicol... Kayo po pati na rin po sina Annie at iba pa pong mga kapitbahay natin diyan." sabi ni Rosalia, napabuntong hininga. Inay: [Nako, Rosalia! Kung naririnig mo lang ang mga kapitbahay natin na halos araw-araw ka na nilang kinakamusta sa amin ni Annie.]Sabay silang nagtawanan ng kanyang Inay. Hindi maitatagong talagang na-mi
"SIR, ganito pong palda, pwede na po ba?" nahihiyang tinaas ni Rosalia ang skirt na sa tansya ay hanggang binti niya. "'Yan, ma'am! Ayos na po 'yan!" nakangiting sabi ng sales lady na nasa tabi ni Rosalia."That's ok. But try to find a longer skirt." seryosong sagot ni Lev. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa ng pants niya ng tumunog iyon. Tumingin siya kay Rosalia. "I have to take this call, Ms. Selim." sabi ni Lev, na tinanguan naman agad ni Rosalia, sabay talikod nito at umalis. Pinakatitigan ni Rosalia ang skirt na napili niya. Violet skirt iyon na pag sinuot ay fitted at makikita ang hugis ng kanyang hips. Maya-maya ay napangiti siya at naghanap pa ng ibang kulay."Excuse me, ma'am," tawag ng sales lady na kasama ni Roslaia kaya agad niya itong nilingon."B-bakit po?" utal na tanong ni Rosalia. Pinakita niya rin sa sales lady ang napili niyang skirt. "Pangit po ba? Hindi bagay sa akin?""Ay, nako! Nako, ma'am! Bagay po sa inyo! Sobra nga po." natawa ang sales lady sa sina
"PANIGURADONG magagalit sa akin si Sir Lev nito, Annie." Hindi mapakaling napaupo sa kanyang kama si Rosalia habang kausap sa telepono si Annie. Annie: [Malamang 'yan, Rosalia... Sino ba naman kasing mangangako sa kasamahan niya sa apartment na pakikiusapan niya ang kanyang boss na ipasok ang nagngangalang, Trina... Malamang ikaw.] Napasandal sa dingding si Rosalia. Rinig niya ang mahinang tawa ni Annie pero nangingibabaw sa kanya ang kaba. Hindi naman niya sinasadya na mapa-oo na tulungan si Trina, sadyang naawa lang siya dahil sa rason ni Trina para lang makapasok sa Werloz company. Ramdam niya ang kahirapan ni Trina. Hindi lamang sa pangangailangan nitong mag-trabaho, kundi para na rin sa kagustuhan nitong muling makapag-aral. College student na sana si Trina. Kwento pa ni Trina kay Rosalia ay natigil ang kanyang pag-aaral at mapag-pasyahan nilang magkapatid na alisan ang tita nilang inaabuso lamang sila. Wala na pala silang pamilya. Hindi patay, kundi may kani-kanila ng pamil
HAPON na nang makauwi si Rosalia sa apartment na tinutulungan niya. Mabuti na lang at pinahatid siya ng kanyang magiging boss kay Lerio at makasalubong si Trina, ang kapatid ni Tania, na sila na ngayong kasama ni Rosalia sa isang tindahan ng ihaw-ihaw malapit sa kanila. Nakikipag-kwentuhan si Trina sa mga kaibigan nitong nakatambay sa loob at kumakain ng ihaw-ihaw."Nako, Rosalia! Muntik na tayo do'n kanina." Salita ni Lerio na siyang may hawak pang isaw. "Mabuti na lang at napag-bigyan tayo!""Mabuti nga po, Kuya Lerio. Hindi ko na po alam kung anong gagawin ko kanina." Ani ni Rosalia bago saglit na lingunin ang nasa likuran niyang black na bmw na sasakyan. "Saka, 'yung mga tingnin ni sir, parang mangangain na." Sinubo ni Rosalia ang natitirang isaw na nasa stick niya bago kunin ang panibagong isaw na nasa gilid ng ihawan.Napatawa naman si Lerio sa sinabi ni Rosalia. "Nako! Ganoon na talaga si sir, Rosalia. Pero ang pinag-tataka ko nga ay bakit hindi naging ma
TAHIMIK na naglalakad si Rosalia kasama ang driver kanina na kausap niya kanina sa labas at ang kanyang magiging boss. Bumalik sa bar si Tefiro dahil kailangan nito ang binigay na trabaho sa kanya ni Lev.Nasa loob na ng building sila Rosalia at kahit na gusto niya mapa-ngiti at pagmasdan ang mga taong busy sa kanilang mga ginagawa sa loob ng office ay hindi niya pa rin magawa dahil sa ka bang narraamdaman.Habang nangunguna sa paglakad si Lev ay Napatingin siya sa katabi niya na nginingitian ang mga nasa loob ng kani-kanilang office."K-kuya ng driver," kinulbit ni Rosalia ang driver dahilan para ito'y mapatingin sa kanya at tumaas ang kilay. "Ano po bang ginagawa ng isang secretary ni sir?" Mahinang tanong ni Rosalia at mapatingin kay Lev na patuloy sa paglalakad."Tawagin mo na lang akong Lerio, Rosalia." Ani nito bago lumapit sa tainga ni Rosalia, "Ang sagot sa tanong mo ay kailangan mo lang na kasabay kay Sir Grayson, lalo na sa mga meeting niya mins
TAHIMIK lamang si Rosalia na nakatitig sa lalaking nasa harap niya na. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking kanyang ka harap ay ang tumulong sa kanya noong gabing gahasain siya ng kanyang dating boss."I-ikaw y-yung tumulong s-sa akin noong gabi na 'yon." Mahina ng sabi ni Rosalia ngunit nakita niya ang pagkagulat ni Tefiro mula sa gilid niya at makita si Lev na seryoso lang ang mukha."Excuse me? Pardon?" Natatawang tanong ni Lev habang nakatingin kay Rosalia. "Anong gabi na 'yon? What's happening, Tefiro?" Napatingin si Lev kay Tefiro na parang walang alam."Ah, sir, I think nagkakamali po si Rosalia." napatingin si Tefiro kay Rosalia na parang sinenyasan ito na walang alam ang totoong may-ari ng bar sa nangyari noong gabi na iyon.Napakunot ang noo ni Rosalia na binabalik-balik ang tingin sa dalawang lalaki. Alam niya at totoo ang sinasabi niya. Hindi man niya iyon nakilala nang maayos ngunit sa boses pa lang nito ay alam na alam niya na.
"KUMUSTA na po diyan inay? Maayos lang po ba kayo diyan? Kumakain naman po ba kayo sa tamang oras?" Sunod-sunod na tanong ni Rosalia habang namimili ng kanyang masusuot sa pag-punta sa bar. "Kumain po kayo iyan ng marami ha. Ata hindi pa man ngani ako makakapag-padala kwarta sa inyo diyan ni Itay.""Ay, ano ka ba, anak. Kahit na malayo kay ay ganiyan ka parin kung mag tanong sa amin," napatawa ng ginang mula sa kabilang linya. "Saka h'wag kang mag-alala, ok lang kami rito, andito naman si Annie at mga kapitbahay natin na natulog rin."Nakahinga nng maluwag si Rosalia at mapangisi sa narinig. Hindi nito ini-expect na natulong pa rin ang kanilang mga ka-kilala sa kanila. Iba pa rin talaga ang taglay ng pagtutulungan sa kanilang bayan."Balang araw, inay, tayo naman ang tutulong sa kanila. Kahit na maliit lang ang itulong natin basta't may silbi ang lahat ng iyon at bukal sa kalooban." Nakangiting sabi ni Rosalia. Inipit niya sa kanyang balikat at tainga ang