MAG-IISANG LINGGO na magmula ang unang pag-ta-trabaho ni Rosalia sa bar ng knayng Boss na si Mival. Naging maayos ang kanyang trabaho at ang naging unang sahod niya noon ay pinadala niya sa kan'yang pamilya.
"Opo, Inay, nag-iingat naman po ako rito. Saka alam niyo Inay, ang yayaman ng mga tao dito, 'yun nga lang medyo mahirap po silang pakisamahan." Sabi ni Rosalia mula sa kabilang linya kausap ang kanyang Ina. "Kumusta na po pala si Itay, Inay? Kayo po diyan?"
Papasok siya ngayon sa bar at hinanap ag sekretarya na si Mis. Gail upang mag-check ng attendance.
Ina niya:
[Basta, mag-iingat ka pa rin diyan. Saka, okay lang kami rito. H'wag ka na munang mag-alala sa amin, nakauwi na rin kami sa bahay... Ang sabi ng doctor sa Itay mo ay nagiging maayos naman ang lagay niya at hindi na ganoon kalala ang sakit niya.]"Opo, Inay. Mag-iingat rin po kayo diyan," agad na nakita ni Rosalia ang sekretarya ng si Gail kaya agaditong patakbong lumapit. "Sige na po, Inay. Kailangan ko na pong mag-trabaho." Pinatay ni Rosalia ang tawag ng magpaalam na rin ang kanyang Ina sa kanya."Miss Gail!" Sigaw niya habang papalapit sa sekretarya.
"Oh, right. Mabuti naman at narito ka na." Sabi ni Gail. "Oh, pirmahan mo na 'to para maayos ko na attendance niyo ngayon." I wouldn't Binigay ni Gail ang folder kay Rosalia na nakasulat ang mga pangalan ng empleyado sa bar.
Pinirmahan agad iyon ni Rosalia. "Salamat po Miss Gail." Nakangiting sabi niya kay Gail. "Ah, Miss Gail nasaan po pala si Elyn?"
Umirap si Gail, "Nasa taas, kinakausap ni Sir Teff, may kailangan lang siyang gawin mamaya para sa visitors."
"Para saan po?" Takang tanong ni Rosalia rito. Anong visitors? Mayroon na naman silang visitors?
Simula ng mag-tampo si Elyn sa kanya noong unang sahod ay palaging hindi maayos maka-usap si Elyn. At pag narating ang iba pang bisita ng kanilang boss ay palagi niyang hindi nakikita si Elyn. Ang pinag-tataka pa niya ay ang nangyari kagabi, nakita niya si Elyn sa isang sasakyan na nakangiti. Hanggang sa lumala na iniiwasan na siya pa-minsan-minsan ni Elyn.
Lungkot tuloy ang naramdaman ni Rosalia na baka siya ang dahilan ng pag-I was nito sa kanya.
"Do you not know? Elyn served wine to Sir Mival's co-workers. And I heard, sa kasama niya mag-serve ng alak, that the man had invited her to pay her one night. That's what happened last night." Napakibit balikat si Gail na natatawa. "Sayang nga, dapat ako 'yon! Ang gwapo ng lalaki na nag bayad sa kanya."Mas lalong kumunot ang noo ni Rosalia. "Pano naman po nasali si Sir Mival? Pati po ba siya a binayaran rin si Elyn para sa masamang gawain?" Hindi na natiis ni Rosalia na hindi mainis.
Natakot siya para kay Elyn dahil isa rin itong walang alam sa mga gawin na iyon. At ang pinata taka ni Rosalia ay kung bakit nasa office ni Mival si Elyn?
"Ano ka ba, Rosalia?! Sinong tatanggi sa 50 thousands? At girl! Gwapo ang nag-aya sa kanya, mga kasing edad niya lang. I heard nga na natuloy daw iyon. Nawala kasi si Elyn kagabi." Sabi ni Gail na kunot na rin ang noo. "Wait, why am I talking to you? It's time to leave. You started working well. Many customers are coming now."
Natulalang sinundan na lang nang tingin ni Rosalia ang sekretaryang si Gail maka-alis. Napabuntong hininga na lamang siya saka tinungo ang maliit na kwarto para sa mga employee at kinuha ang kanyang kaikliang apron saka tinali pa-boknay ang kanyang buhok.
Binuksan ni Rosalia ang pinto at sa hindi inaasahan ay nakita niya ang kanina pa niyang hinahanap.
"Elyn!" Tuwang sinalubong ng yakap ni Rosalia si Elyn saka ito tiningnan na wala pang kinikibo. "Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap."
"A-ah, d-diyan lang kay s-sir." Walang emosyon na sabi ni Elyn kay Rosalia. Nilampasan niya ang dalaga saka mabilis na kinuha ang nakasabit na kanyang apron.
"Elyn, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang sinundan ni Rosalia si Elyn ng makalabas.
Kumapal ang make-up ni Elyn. Kitang-kita ang ka-pulahan ng labi at nagkakapalang kilay. Hindi tuloy maiwasang ni Rosalia na hindi kabahan.
"Elyn, pwede ba tayong mag-usap? Kahit saglit lang."
"M-mamaya na lang siguro, Rosalia. Maraming customer sa loob." Sabi ni Elyn sa kanya na katulad kanina ay seryoso pa rin ang mukha nito.
Umiba ng derek'syon si Elyn ng makapasok sila sa mismong bar na tinatawag. Sobrang dami ng tao. Nagsisigawan. Mayroon pang mga nakikitang naghahalikan si Rosalia habang nasayaw.
Nag-iba ng Derek's yon si Elyn kaya agd niya iyong sinundan.
"Elyn mag-usap naman tayo," sigaw ni Rosalia habang hinahawi niya ang mga taong nadadanggi siya.
"U-umalis ka na muna, Rosalia. Okay lang ako." Sabi ni Elyn ng hindi ito lumilingon.
"Pero ngayon natin kailangan mag-usap, baka ano nang nangyayari sa 'yo-"
"Ahh! What the-"
Napatigil si Rosalia nang masagi niya ang isang babae naka-red dress. Gulat ito sa nangyari. Natapon sa d****b ng babae ang alak at nahulog naman ang baso sa sahig kaya Natigilan ang ilang na sayaw malapit sa kanila. "S-sorry, hindi ko sinasadya!" Mabilis na kinuha ni Rosalia ang mga bubog na nasa sahig. Pulang ilaw lamang ang bumaba lot sa paligid, na halos hindi na makita ang mga bubog sa sahig ngunit patuloy pa rin siya sa pagkuha roon."Oh my God! Ang t*nga mo!"
Napatigil si Rosalia sa pagkuha ng mga bubog sabat tingala sa babaeng nabunggo niya. "Hindi ko po sinasadya, ma'am. Pasensya na po." Bumalik si Rosalia sa pagkuha ng mga bubog at sa pag-hawak nito ay naramdaman niyang nahiwa ang kanyang balat sa kamay.
"Rosalia!" Ramdam niyang nilapitan siya ni Elyn saka siya akbayan.
Nakatitig lamang si Rosalia sa daliri niyang patuloy sa patagas ng dugo.
"Ayan, ang t*nga talaga! Bakit ba may ganitong bbabae rito, ha?!" Iritadong sabi ng babae habang inis na pinupunusan ang kanyang d****b na basang-basa ng alak.
"Hoy! Hindi t*nga si Rosalia, ha?! Kung natingin ka rin kasi sa daan, 'edi sana hindi ka niya nasagi!"
"Elyn tama na." Awat ni Rosalia sa kaibigan. Mas lalo siyang napayuko at makaramdam ng hiya sa mga sinasabi ng babae sa kanya. Nagbulungan rin ang mga taong nasa paligid nila at naririnig ang pangalan niya.
"Excuse me, anong nangyayari rito?!"
Napa-angat nang tingin si Rosalia sa biglang pagdating ng sekretarya ng si Gail. Mas nakaramdam siya ng matinding kaba.
"Ma'am Gail, Tingnan mo kasi itong babaeng ito, sinisigawan si Rosalia!" Parang batang tinuturo ni Elyn ang ababeng nabunggo ni Rosalia.
Kunot ang noo ni Gail na tumingin sa babae. Ngunit ang kunot na noo ay napalitan ng pag-taas ng kilay. "Lalaine?" Hindi makapaniwalang sabi ni Gail.
"Oh look, who''s here," sarkistong napatawa si Lalaine. "Ang mang-aagaw ng boyfriend na may girlfriend na!"
Nagkatinginan si Rosalia at si Elyn. Hindi rin maunawaan ng dalawa kung bakit doon na napunta ang usapan. Tumingin si Rosalia sa paligid nang makitang kaka-unti na lamang ang mga taong nakatingin sa kanila.
Nakakabingi ang tutog. Mga hiyawan ng mga kababaihang nasisiyahan, kung kaya't hindi sila gaanong agaw pansin.
"Kasalanan ko bang ako ang nagustuhan ni Mival?!"
Kumunot ang noo ni Rosalia sa narinig. "Bakit nasali sa usapan si Sir Mival, Elyn?" Tanong niya sa katabi niyang si Elyn na nagtataka rin.
"Sabi ko na! Si Miss Gail ang isa pang babae ni boss. Matagal na 'yong alam ng iba rito. Wala bang nagku-kwento sa' yo?"
Agad na muling si Rosalia bago tumingin sa dalawa. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala noong una niyang punta sa office ng kanyang boss.
Imposible bang may nangyari roon sa office dahil sa tagal bago mabuksan ang pinto noon?
"Teka nga, bakit sa akin napunta ang usapan?! Ano naman kasi sa 'yo kung ako ang gusto ni Mival?!" Iritadong sabi ni Gail, naka-pamewang pa ito. Tumingin ito sa gawi nila Rosalia "Ano bang nangyayari rito?! Elyn?! Rosalia?!"
"Tss! Nasagi ng babaeng 'yan ang glass ko." Tinuro ni Lalaine si Rosalia. "And look at my dress! Basang-basa! I want to report this! Ang tanga ng empleyado niyo! Hindi tumitingin sa dinaraanan-"
"Eh, Miss Lalaine, kayo po ang hindi tumitingin sa dinaraanan! Alam ko po iyon dahil ako rin ang nauuna maglakad, at nasa likod ko lang si Rosalia." Bwelta ni Elyn ngunit pinigilan siya ni Rosalia sa kamay.
"Pasensya na po talaga," pagmama-kaawa ni Rosalia saka pinag-dikit ang mga palad nito kahit na may sugat ang kanan niyang kamay, na ngayon ay natakpan niya ng panyo na bigay ni Elyn. "Hindi ko naman po sinasada, Miss Gail, Miss Lalaine. May kadiliman na po ang paligid kaya hindi ko po kayo agad nakita. Sorry po-"
"No! I won't change my mind. Kailangan kong sabihan si Mival na tanggalin ka sa trabaho!" Putol nito sa sinasabi ni Rosalia. "Ang mahal ng dress ko na 'to tapos natapunan mo lang! mabuti sana kung mayaman ka! Mukhang hindi naman!"
Parang may sumampal na katotohanan kay Rosalia. Napayuko na lamang siya. Nagsisimula na ring manakit ang mata niya dahilan para mamuo ang luha sa mga mata niya. Panay naman ang bulong ni Elyn sa tainga niya na wala lang ang sinasabi ni Lalaine, ngunit hindi mapipigilan ni Rosalia ang mga narinig na masakit na salita kay Lalaine.
Pero ang alam niya sa sarili ay sa hirap na ito, dito niya mararanasan ang tunay na tagumapay. Sa pagsisikap at hirap na kailangan munang lampasan."Sandali nga. Sandali nga. Nag-sorry na si Rosalia sa 'yo, ah. Ano pang pinuputok ng nguso mo diyan?!" Sabat bigla ni Gail na ikinabigla pa ni Elyn. Napa-angat naman nang tingin si Rosalia dahil sa narinig.
"How dare you!" Napuno ng galit si Laline at mabilis na sinugod si Gail na nakangiti ngunit mabilis itong napigilan ng malaking tao."Ano! Ano, ha?! H'wag mong inaaway mga empleyado rito!" Sigaw ni Gail na inawat rin ng lalaking malaki ang katawan.
Gulat na napatingin sa paligid si Rosalia nang makitang ang tatlong kalalakihan na nakapalibot na sa kanila. Nagsi-atrasan ang mga taong nasayaw malapit sa kanila ngunit ang tugtog ay mas luamakas.
"Mag boss, 'yan! Hulihin niyo' yang naka-red. Inaaway kami-"
"Kayong apat. Sumunod kayo sa amin. Pinapahanap kayo ni Sir Mival." Malaking boses na sabi ng lalaking nasa gitna ni Rosalia at Gail.
"Ouch! I said, don't touch me, you idiot!" Reklamo ni Laline nang dalhin sila ng tatlong lalaki sa office ni Mival.
"Ang arte! Aray ano ba?!" Sigaw naman ni Gail nang isunod siyang ipasok."Boss, narito na ang apat. Muntik na silang magsa-bunutan." Sabi ng lalaking nakahawak sa braso ni Rosalia. Huling pinasok si Rosalia ng lalaki. Hindi siya nagreklamo dahil sa matalim na titig sa kanilang apat ng kanilang boss na nakaupo sa swivel chair.
"Alright. Now leave." Maotoridad na sabi ni Mival sa mga lalaki.
"Masusunod boss."
Nang maisarado ang pinto ay isa-isang tiningnan ni Mival ang apat hanggang sa matigil iyon kay Rosalia. Walang sinong umimik maski na si Rosalia na nakayulo lang at tinatago pa sa kanyang likuran ang sugat sa kanang kamay.
Bumibilis ang tibok ng puso ni Rosalia nang masilip na nakatingin pa rin sa kanya ang kanyang boss. Bumalik ulit siya sa pagyuko kasabay ng pagrinig na mahinang tawa.
"Sir, ano hong nakakatawa?" Tanong ni Elyn na nasa kanan ni Rosalia.
"Oh, nothing. None of your business." Tumayo si Mival sa kanyang kina-uupuan at pumunta sa harap bago sumandal sa mesa nito. "So what the f*ck are you doing-"
"Love! Kasi itong tatlo, inaaway nila ako. Tingnan mo damit ko, oh! So dirty na!"
"Tumigil ka nga! Ang sama kasi ng ugali mo! Saka don't call Sir Mival, love. Nakakadiring pakinggan sa 'yo!" Bwelta ni Gail sa sinahi ni Lalaine.
"Tama! Saka ang bastos ng bibig niyang babae na 'yan sir... Ano kung hindi ka kayang bayaran ni Rosalia dahil diyan sa natapunan niya damit mo?" Sabat naman ni Elyn.
Napatili si Lalaine at nagpapadyak pa ito. "Love! Sinisigawan nila-"
"Shut up!" Natahimik ang tatlo dahil sa malakas na sigaw ni Mival. "Hindi kayong tatlo ang tinatanong ko."
Napa-angat nang tingin si Rosalia. Gulat pa nitong binilang kung ilan sila, pero apat lang sila. Napalubok siya kasabay nang pagtingin sa kanyang boss na seryoso ang tingin sa kanya habang nakasandla ito sa lamesa at nakapamulsa. Naka-cross pa ang mga paa."A-ako po sir?" Utal na sambit ni Rosalia. Tinuro pa ang sarili at mamataang ang kamay niyang may sugat ang naituro niya.
"Anong nangyari diyan?"
"A-ah, wala sir," ilang na napatawa si Rosalia sabay tago ng kamay nito sa likod.
"Ay, nako sir! Si Lalaine po ang may gawa." Sabat bigla ni Elyn.
"I said, shut up, Ms. Elyn." Humingang malalim ang kanilang boss saka umayos nang tayo. "I have an important meeting later. Hindi ko aaksayahin ang oras ko sa inyo. Hindi na ako magappaligoy-ligoy pa... Bawas ang sahod niyo ngayong buwan."
"Pero sir-"
"No buts, Ms. Gail! Secretary pa naman kita. I'm so disappointed with you! Akala ko ay aawatin mo sila." Singhal nito kay Gail. "At kayong kayong dalawa, Elyn at Rosalia. Sa susunod mag-ingat kayo!"
"Opo sir, sorry po. Hindi ko naman po talaga sinasadya. Sadyang hindi ko lang nakita si Ma'am Lalaine na nasa gilid ko na pala." Panghihingi ng tawad ni Rosalia ngunti sinenyasan lamang siya ng kanyang boss na tumigil sa pagsasalita.
"Hindi ko kailangan ng paliwanag, Miss Rosalia. Pinagkakatiwalaan ko kayo, at ikaw, kahit baguhan ka." Natahimik saglit ang kanilang boss bago tumuloy sa pagsasalita.
"H'wag niyo sanang idadamay ang girlfriend ko sa ka-t*ngahan niyong tatlo." Singhal nito na tinutukoy ay sina Gail, Elyn at Rosalia.Napakagat labi si Rosalia dahil sa narinig at bahagyang napayuko. Normal lang iyon na ipagtanggol ng kanilang boss ang girlfriend nito.
"Makaka-alis na kayo." Sambit muli ng kanilang boss.
Hinawakan ni Rosalia ang doorknob nang may lungkot at dismaya na nararamdaman. Hindi naman niya ginusto ang nangyati pero naka-apekto pa rin iyin sa sahod niya. Sana pala ay nag-sorry na lamang siya.
"Except sa 'yo, Love. May pag-uusapan tayo." Pahabol pa ng kanilang boss.
Malakas na napatili si Lalaine at sinugod ng yakap si Mival.
Lumabas sina Rosalia nang sabay-sabay na napa-buntong hininga.
"Sorry, hindi ko sinasadya ang nangyari." Hindi na napigilan ni Rosalia na maiyak kahit na iyon lamang ang naging parusa nila.
Ma-swerte pa sila ngayon at hindi sila tinanggal sa trabaho. Ngunit may lungkot ng mabawasan ang kanilang sahod na hindi alam kung magkano.
BUMALIK sa trabaho sina Rosalia. Pababa na sila ngayon ng hagdan habang nakasimangot ang mga mukha."Ano ba 'yan, Rosalia! Sa susunod kasi mag-ingat ka rin." Sigaw ni Gail Kay Rosalia nang maka-baba sila ng hagdan at pa-deretso sa loob. "Tingnan mo tuloy ang nangyari, bawas ang sahod nating tatlo- kahit ako na secretary pa ni Mival. Myghod!" Inis na hinawi ni Gail ang knayng buhok"Hindi ko naman po talaga nakita si Ms. Lalaine kanina," napakagat sa ibabang labi si Rosalia bago tumingin kina Gail at Elyn. "Sorry nadamay ko pa po kayo."Dere-deretso silang pumasok ng bar at makitang mas dumami pa ang mga tao. Makikitang may babaeng lasing na lasing pa na nasayaw sa pole na nasa gitna. Makikitang lahat ng mga tao ay naroon at naghihiyawan na rin ang iba.Nag-paalam kina Rosalia si Gail dahil sa mga visitors ng kanilang boss na darating. Nagtungo na muna sila Rosalia at Elyn kung saan ang pwesto ng bartender na si Marc upang makuha ang mga wine n
"ANG LANDI niya kasi kaya ayan ang napapala ng mapapagalitan ni sir.""Sinabi mo pa. Baguhan na nga lang ang yabang pa. Aayaw-ayaw pa, gusto naman.""True girl! Kung ako lang niyaya ng lalaking iyon. Nako nagpapakasaya na kami."Kaniya-kanyang komento ang mga naririnig ni Rosalia sa mga kaabaihang nadaraaan niya paakyat ng hagdan. Nakatingin lang siya sa hagdan at hindi pinapansin ang mga kababaihang pinagchi-chismisan siya. Hanggang sa siya'y makarating sa harap ng pinto ng office.Natigilan si Rosalia na pihitin ang doorknob. Puno ng kaba ang nararamdaman niya at pagkadismaya. "Jusko, sana h'wag po ngayon. Kailangan ko po munang mapagamot ang Itay ko." Huminga ng malalim si Rosalia bago tuluyang buksan ang pinto.Natagpuan niya ang kanyang boss na nakatayo sa likuran ng swivel chair nito, nakatalikod ito at naninigarilyo. Napatakip si Rosalia sa kanyang ilong sa amoy noon. Masyadong matapang at masakit sa ilong."S-sir," tawag ni Rosalia s
NAGHINTAY ng tatlong araw bago ang pag-balik ni Rosalia ng pera sa kaniyang boss. Pina-utang muna ni Gail si Rosalia upang mabayaran ang sobrang sahod sa kanya. Mamayang gabi pa ang pasok ni Rosalia dahil iyon ang nasa schedule niya. Hindi maalis sa isip ni Rosalia kung magagalit ba ang kanyang boss sa kanyang pagba-balik sa pera nito o umabot sa tanggalin siya. H'wag naman sana. Iyon na lang ang tanging trabaho an mayroon ako ngayon. "Gising na, Magayon!" Kunot ang noo at naniningkit na mga matang napadilat si Rosalia kay Tania. Nasa harap niya na ito at pilit pa rin siyang tinatapik. "Goodmorning rin, Tania." Bumangon si Rosalia saka malinaw na tiningnan si Tania. Mabilis niyang kinuha sa gilid kng unan niya ang kanyang cellphone na di-keypad at makitang alas-otso na ng umaga. "Rosalia, aalis lang kami ha? Mag-ma-mall lang. Kaya ikaw lang muna rito sa
"AYOKO. A-ayoko na po rito." Takot na sabi ni Rosalia sabay ang takbo paalis nito papunta sa maliit na kwarto ng mga employee.Hindi mapigilang ang pag-iyak ni Rosalia kasabay ng galit niya. Galit sa sarili kasabay ng pangba-bastos sa kanya ng kanyang boss. Agad na lumabas ng kwarto si Rosalia at bumungad ang kanyang kaibigan."Rosalia, ano bang nangyari? Nag-aalalang na kami sa 'yo.""P-pabayaan niyo na lang ako, Elyn. Ayoko na rito, pasensya na." Tatatanggalin na sana ni Rosalia ang nagusot na apron sa kanyang dibdib ng malakas na hinawi ni Gail ang kamay niya."Ano bang ginagawa mo?! Pwede bang tumigil ka muna sa kaka-iyak mo diyan at sabihin mo kung ano ba talagang nangyari?!" Galit ang boses na sabi ni Gail Kay Rosalia. Mahigpit itong nakahawak sa kanang kamay niya si Gail."Rosalia, ayos ka lang ba?" Nilingon ni Rosalia sa kanan niya ang mga employee na Nag-aalalang sa kanya. Tipid siyang tumango at pinatahan ang sarili sa paghikbi."P
"ROSALIA!"Napalingon si Rosalia sa kanyang likuran ng makita niya si Elyn na patakbong paglapit sa kanya. Naglakad rin ito papalapit at ipinakita ang ngiting pilit. Gulantang na napatigil si Rosalia nang salubungin siya nang yakap ni Elyn na sayang-saya."Ikaw talaga, Rosalia. Sinabi na naman sa iyo na hintayin mo kami sa loob 'di ba?" Inis na sabi ni Gail na nakahalukipkip pa bago umirap.Nasa tabing kalsada sila ngayon kung saan katabi lamang sa Southmall. Tirik ang araw kung kaya' t tagak-tak ang pawis ni Rosalia na natulo sa leeg."Pasensya na. Tiningnan ko kasi ang simbahan doon," tinuro ni Rosalia ang nasa kaliwa nila na sobrang layo ngunit tanaw ang simbahan na tago sa gilid ng sm. Muli siyang tumingin kay Gail nang nakangisi. "Ngayon na lang kasi ulit ako makakapag-simba." Dugtong pa niya.Magmula nang dumating siya sa Maynila ay nakalimutan na nitong mag simba. Kahit kagustuhan niya naman noon ay hindi niya pa rn magawa dahil unang beses
"KUMUSTA na po diyan inay? Maayos lang po ba kayo diyan? Kumakain naman po ba kayo sa tamang oras?" Sunod-sunod na tanong ni Rosalia habang namimili ng kanyang masusuot sa pag-punta sa bar. "Kumain po kayo iyan ng marami ha. Ata hindi pa man ngani ako makakapag-padala kwarta sa inyo diyan ni Itay.""Ay, ano ka ba, anak. Kahit na malayo kay ay ganiyan ka parin kung mag tanong sa amin," napatawa ng ginang mula sa kabilang linya. "Saka h'wag kang mag-alala, ok lang kami rito, andito naman si Annie at mga kapitbahay natin na natulog rin."Nakahinga nng maluwag si Rosalia at mapangisi sa narinig. Hindi nito ini-expect na natulong pa rin ang kanilang mga ka-kilala sa kanila. Iba pa rin talaga ang taglay ng pagtutulungan sa kanilang bayan."Balang araw, inay, tayo naman ang tutulong sa kanila. Kahit na maliit lang ang itulong natin basta't may silbi ang lahat ng iyon at bukal sa kalooban." Nakangiting sabi ni Rosalia. Inipit niya sa kanyang balikat at tainga ang
TAHIMIK lamang si Rosalia na nakatitig sa lalaking nasa harap niya na. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking kanyang ka harap ay ang tumulong sa kanya noong gabing gahasain siya ng kanyang dating boss."I-ikaw y-yung tumulong s-sa akin noong gabi na 'yon." Mahina ng sabi ni Rosalia ngunit nakita niya ang pagkagulat ni Tefiro mula sa gilid niya at makita si Lev na seryoso lang ang mukha."Excuse me? Pardon?" Natatawang tanong ni Lev habang nakatingin kay Rosalia. "Anong gabi na 'yon? What's happening, Tefiro?" Napatingin si Lev kay Tefiro na parang walang alam."Ah, sir, I think nagkakamali po si Rosalia." napatingin si Tefiro kay Rosalia na parang sinenyasan ito na walang alam ang totoong may-ari ng bar sa nangyari noong gabi na iyon.Napakunot ang noo ni Rosalia na binabalik-balik ang tingin sa dalawang lalaki. Alam niya at totoo ang sinasabi niya. Hindi man niya iyon nakilala nang maayos ngunit sa boses pa lang nito ay alam na alam niya na.
TAHIMIK na naglalakad si Rosalia kasama ang driver kanina na kausap niya kanina sa labas at ang kanyang magiging boss. Bumalik sa bar si Tefiro dahil kailangan nito ang binigay na trabaho sa kanya ni Lev.Nasa loob na ng building sila Rosalia at kahit na gusto niya mapa-ngiti at pagmasdan ang mga taong busy sa kanilang mga ginagawa sa loob ng office ay hindi niya pa rin magawa dahil sa ka bang narraamdaman.Habang nangunguna sa paglakad si Lev ay Napatingin siya sa katabi niya na nginingitian ang mga nasa loob ng kani-kanilang office."K-kuya ng driver," kinulbit ni Rosalia ang driver dahilan para ito'y mapatingin sa kanya at tumaas ang kilay. "Ano po bang ginagawa ng isang secretary ni sir?" Mahinang tanong ni Rosalia at mapatingin kay Lev na patuloy sa paglalakad."Tawagin mo na lang akong Lerio, Rosalia." Ani nito bago lumapit sa tainga ni Rosalia, "Ang sagot sa tanong mo ay kailangan mo lang na kasabay kay Sir Grayson, lalo na sa mga meeting niya mins
"PAGTATRABAHO ang inaasahan ko sa unang araw mo sa company ko, Ms. Selim, hindi ang gumawa ng eksena lalo pa't sa Lolo ko!" galit na sigaw ni Lev kay Rosalia, napahimalos pa ito ng kamay sa kanyang mukha. Nanatiling nakatungo ang ulo ni Rosalia. Kanina pa siya nito sinesermonan ng dalhin siya ng kanyang boss sa meeting room. "Patawad po-""Patawad?! Oh, come on, Ms. Selim... Hindi sa lahat ng oras patawad ang nagiging solusyon!" galit na sabi ni Lev na halos pinupuno ang meeting room ng galit. "Matuto ka namang ilugar 'yang katapangan mo."Hindi magawang iangat ni Rosalia ang kanyang mukha para tingnan ang kanyang boss na patuloy sa kanya mag sermon. Hindi naman siya ang mali. Tama lang ang kanyang ginawa. Pero sa isip ni Rosalia ay may mali rin siya.Hindi ko dapat ginawa iyon. Umuwing nanatiling malungkot ang hitsura ni Rosalia. Dahan-dahan niyang binuksan ang gate ng apartment nila. At sa pagkakataon na iyon ay namataan niya sina Tania at Trina na hindi mapakali sa paglalakad.
"NAKO! Muntik ka na masisanti, Rosalia!" Nagpapadyak sa kaba si Lerio dahil sa takot kanina sa nangyari. "Mabuti na lang na pagbigyan ka.""Kaya nga po, Kuya Lerio," sabi ni Rosalia habang nagtitimpla ng kape ng kanyang boss. "Pero kasalanan ko rin po talaga. Hindi ko na po uulitin 'yon. Ang alam ko ay nasa bag ko ang id ko."Mano-manong tinimpla ni Rosalia ang kape gamit ang kutsarang binigay sa kanya ni Mang Lerio. Hindi niya alam kung paano gamitin ang mga kagamitan na pang timpla sa kape. Ang alam niya lang na gamitin ay kutsara. "Siya nga pala, Rosalia. Malapit na kaming ikasal ng asawa ko. Plano sana kitang imbitahan." Sabi ni Mang Lerio. "Ok lang ba sa'yo?" Napatigil si Rosalia nang matapos ito sa pagtimpla. Nilingon niya si Mang Lerio at saglit na nag isip bago mapangiti. "Sino po ba ako para tanggihan ang alok ng una kong naging kaibigan sa kumpanya na 'to." napangiti si Rosalia. Nilapitan at tinapik niya ang balikat ni Mang Lerio. "Congratulations po, Mang Lerio."Napangi
"OPO, Inay! Bukas po ang simula ng trabaho ko." masayang pagbabalita ni Rosalia sa kanyang Inay na katawagan niya sa cp ni Annie. Nabalitaan niya rin sa kanyang Inay na hindi pa rin nagaan ang kalagayan ng kanyang Itay. Kahit na may kabang nararamdaman, wala siyang planong sumuko hanggat hindi niya nakukuha ang pinunta niya sa Maynila para maipagamot ang kanyang Itay. Inay: [Mabuti naman at ok ka diyan, anak! Masaya kami ng Tatay mo para sa trabaho mo! Maipapagamot na natin ang Itay mo.]Napangiti lalo si Rosalia. Hindi man niya nakikita ang kanyang Inay habang kausap niya, alam niyang nakangiti ito at naiiyak sa tuwa."Alam niyo po, Inay... Miss ko na ang Bicol... Kayo po pati na rin po sina Annie at iba pa pong mga kapitbahay natin diyan." sabi ni Rosalia, napabuntong hininga. Inay: [Nako, Rosalia! Kung naririnig mo lang ang mga kapitbahay natin na halos araw-araw ka na nilang kinakamusta sa amin ni Annie.]Sabay silang nagtawanan ng kanyang Inay. Hindi maitatagong talagang na-mi
"SIR, ganito pong palda, pwede na po ba?" nahihiyang tinaas ni Rosalia ang skirt na sa tansya ay hanggang binti niya. "'Yan, ma'am! Ayos na po 'yan!" nakangiting sabi ng sales lady na nasa tabi ni Rosalia."That's ok. But try to find a longer skirt." seryosong sagot ni Lev. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa ng pants niya ng tumunog iyon. Tumingin siya kay Rosalia. "I have to take this call, Ms. Selim." sabi ni Lev, na tinanguan naman agad ni Rosalia, sabay talikod nito at umalis. Pinakatitigan ni Rosalia ang skirt na napili niya. Violet skirt iyon na pag sinuot ay fitted at makikita ang hugis ng kanyang hips. Maya-maya ay napangiti siya at naghanap pa ng ibang kulay."Excuse me, ma'am," tawag ng sales lady na kasama ni Roslaia kaya agad niya itong nilingon."B-bakit po?" utal na tanong ni Rosalia. Pinakita niya rin sa sales lady ang napili niyang skirt. "Pangit po ba? Hindi bagay sa akin?""Ay, nako! Nako, ma'am! Bagay po sa inyo! Sobra nga po." natawa ang sales lady sa sina
"PANIGURADONG magagalit sa akin si Sir Lev nito, Annie." Hindi mapakaling napaupo sa kanyang kama si Rosalia habang kausap sa telepono si Annie. Annie: [Malamang 'yan, Rosalia... Sino ba naman kasing mangangako sa kasamahan niya sa apartment na pakikiusapan niya ang kanyang boss na ipasok ang nagngangalang, Trina... Malamang ikaw.] Napasandal sa dingding si Rosalia. Rinig niya ang mahinang tawa ni Annie pero nangingibabaw sa kanya ang kaba. Hindi naman niya sinasadya na mapa-oo na tulungan si Trina, sadyang naawa lang siya dahil sa rason ni Trina para lang makapasok sa Werloz company. Ramdam niya ang kahirapan ni Trina. Hindi lamang sa pangangailangan nitong mag-trabaho, kundi para na rin sa kagustuhan nitong muling makapag-aral. College student na sana si Trina. Kwento pa ni Trina kay Rosalia ay natigil ang kanyang pag-aaral at mapag-pasyahan nilang magkapatid na alisan ang tita nilang inaabuso lamang sila. Wala na pala silang pamilya. Hindi patay, kundi may kani-kanila ng pamil
HAPON na nang makauwi si Rosalia sa apartment na tinutulungan niya. Mabuti na lang at pinahatid siya ng kanyang magiging boss kay Lerio at makasalubong si Trina, ang kapatid ni Tania, na sila na ngayong kasama ni Rosalia sa isang tindahan ng ihaw-ihaw malapit sa kanila. Nakikipag-kwentuhan si Trina sa mga kaibigan nitong nakatambay sa loob at kumakain ng ihaw-ihaw."Nako, Rosalia! Muntik na tayo do'n kanina." Salita ni Lerio na siyang may hawak pang isaw. "Mabuti na lang at napag-bigyan tayo!""Mabuti nga po, Kuya Lerio. Hindi ko na po alam kung anong gagawin ko kanina." Ani ni Rosalia bago saglit na lingunin ang nasa likuran niyang black na bmw na sasakyan. "Saka, 'yung mga tingnin ni sir, parang mangangain na." Sinubo ni Rosalia ang natitirang isaw na nasa stick niya bago kunin ang panibagong isaw na nasa gilid ng ihawan.Napatawa naman si Lerio sa sinabi ni Rosalia. "Nako! Ganoon na talaga si sir, Rosalia. Pero ang pinag-tataka ko nga ay bakit hindi naging ma
TAHIMIK na naglalakad si Rosalia kasama ang driver kanina na kausap niya kanina sa labas at ang kanyang magiging boss. Bumalik sa bar si Tefiro dahil kailangan nito ang binigay na trabaho sa kanya ni Lev.Nasa loob na ng building sila Rosalia at kahit na gusto niya mapa-ngiti at pagmasdan ang mga taong busy sa kanilang mga ginagawa sa loob ng office ay hindi niya pa rin magawa dahil sa ka bang narraamdaman.Habang nangunguna sa paglakad si Lev ay Napatingin siya sa katabi niya na nginingitian ang mga nasa loob ng kani-kanilang office."K-kuya ng driver," kinulbit ni Rosalia ang driver dahilan para ito'y mapatingin sa kanya at tumaas ang kilay. "Ano po bang ginagawa ng isang secretary ni sir?" Mahinang tanong ni Rosalia at mapatingin kay Lev na patuloy sa paglalakad."Tawagin mo na lang akong Lerio, Rosalia." Ani nito bago lumapit sa tainga ni Rosalia, "Ang sagot sa tanong mo ay kailangan mo lang na kasabay kay Sir Grayson, lalo na sa mga meeting niya mins
TAHIMIK lamang si Rosalia na nakatitig sa lalaking nasa harap niya na. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking kanyang ka harap ay ang tumulong sa kanya noong gabing gahasain siya ng kanyang dating boss."I-ikaw y-yung tumulong s-sa akin noong gabi na 'yon." Mahina ng sabi ni Rosalia ngunit nakita niya ang pagkagulat ni Tefiro mula sa gilid niya at makita si Lev na seryoso lang ang mukha."Excuse me? Pardon?" Natatawang tanong ni Lev habang nakatingin kay Rosalia. "Anong gabi na 'yon? What's happening, Tefiro?" Napatingin si Lev kay Tefiro na parang walang alam."Ah, sir, I think nagkakamali po si Rosalia." napatingin si Tefiro kay Rosalia na parang sinenyasan ito na walang alam ang totoong may-ari ng bar sa nangyari noong gabi na iyon.Napakunot ang noo ni Rosalia na binabalik-balik ang tingin sa dalawang lalaki. Alam niya at totoo ang sinasabi niya. Hindi man niya iyon nakilala nang maayos ngunit sa boses pa lang nito ay alam na alam niya na.
"KUMUSTA na po diyan inay? Maayos lang po ba kayo diyan? Kumakain naman po ba kayo sa tamang oras?" Sunod-sunod na tanong ni Rosalia habang namimili ng kanyang masusuot sa pag-punta sa bar. "Kumain po kayo iyan ng marami ha. Ata hindi pa man ngani ako makakapag-padala kwarta sa inyo diyan ni Itay.""Ay, ano ka ba, anak. Kahit na malayo kay ay ganiyan ka parin kung mag tanong sa amin," napatawa ng ginang mula sa kabilang linya. "Saka h'wag kang mag-alala, ok lang kami rito, andito naman si Annie at mga kapitbahay natin na natulog rin."Nakahinga nng maluwag si Rosalia at mapangisi sa narinig. Hindi nito ini-expect na natulong pa rin ang kanilang mga ka-kilala sa kanila. Iba pa rin talaga ang taglay ng pagtutulungan sa kanilang bayan."Balang araw, inay, tayo naman ang tutulong sa kanila. Kahit na maliit lang ang itulong natin basta't may silbi ang lahat ng iyon at bukal sa kalooban." Nakangiting sabi ni Rosalia. Inipit niya sa kanyang balikat at tainga ang